“SHAINA POINT OF VIEW”
“YOU may now kiss the bride.” Halos iyon lang ang salitang naintindihan ko sa mga oras na ‘to. Unti-unting itinaas ni Matteo ang belo na nakaharang sa mukha ko. Ngayon ang kasal namin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko namalayang hinigit na pala ako ni Matteo palapit sa kaniya. Dilat ang mga mata habang hindi makapaniwalang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa baywang ko samantalang ang isa ay nakahawak sa kaliwa kong kamay.Halos maghiyawan ang mga bisita sa loob ng simbahan ng inilapat na ni Matteo ang labi niya sa labi ko. Hindi ako naka- react dahil ang first kiss ko ay mapupunta lamang pala sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala at hindi ko mahal. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Siya ang unang humiwalay sa halik at kaniya ako nitong inalalayan humarap sa mga bisita. Halos ang ginagawa naming pagpapanggap ay parang totoo dahil para kaming sweet couple na masaya sa kasalang ito.Nasa baywang ko pa rin ang isang kamay ni Matteo habang nakaharap sa mga bisita.“Congratulations to the both of you!” Saad ni Tita Livia ng makalapit sa amin. Pinapuwesto na kasi kami ng photographer para kuhanan kami ng mga litrato.Nginitian ko ito, “Salamat po, tita.”“Di ba ang sabi ko sa ‘yo, Mommy, na lang ang itawag mo sa akin. Bakit Tita pa rin ang tinatawag mo sa’kin?” Nagtatampo niyang tanong.“Pasensiya na po Ti- Mommy,” sabi ko. Sumilay naman ang ngiti sa kaniyang labi.“Oh my god! Ang ganda ng manugang ko, mana sa akin,” natawa ako dahil sa sinabi niya. Mamaya na nga tayo mag-usap at tayo ay mag- smile na dapat maganda ang mga photo natin,” wika ng Mommy ni Matteo.Nagsimula na ang pictorial at kung sino- sinong bisita ang lumalapit sa akin para magpakuha nang larawan sa photographer. Pati ang kapatid ni Matteo ay lumapit sa akin para magpakuha ng larawan. Ng matapos ay kaagad kaming umalis sa simbahan para pumunta sa reception ng kasal. Wala akong idea kung saan gaganapin dahil ang parents naman ni Matteo ang nag-asikaso nang kasal namin.Magkatabi kami ni Matteo sa kotse at halos matulala ako dahil ang pagpayag ko sa kasal na ito ay tuluyan ng nangyari. Kasal ako sa papel at isa na akong ganap na David. Napalingon ako sa gilid ko ng magsalita ito.“Pagdating sa reception magpanggap kang pagod para hindi na tayo magtagal pa,” saad niya. Nakatutok ang mata niya sa dinadaanan namin, kami lang ang tao sa loob ng sasakyan. Kung kaya’t siya ang nagmamaneho.“Ano pa nga ba ang gagawin ko? Kailangan kong sumunod sa ‘yo dahil nga binayaran mo ako,” saad ko. Binabagabag ako ng konsensiya ko, sa honeymoon ba namin gagawin ‘yon? Ang magtalik? Kakayanin ko ba’ng gawin ‘yon?Hindi naman siya umimik kaya nagsalita akong muli, “May tanong ako.”“Makikipag- talik ba ako sa ‘yo?” Kahit nahihiya ay nagawa ko pang tanungin iyon. Sa totoo lang iyon ang bumabagabag sa akin, kung makikipagtalik ba ako sa kaniya mamayang gabi. Natawa naman siya dahil sa tanong ko, siguro’y hindi niya inaasahan na iyon ang itatanong ko.“Ano ba ang ginagawa ng bagong kasal?” Pilosopo nitong tanong, napabusangot ako sa hindi malamang dahilan. Nakalimutan mo na ata ang nakalagay sa kontrata Mrs David,” saad nito.So talagang magha-honeymoon kami? Hindi ko naman makakalimutan ang nasa kontrata. Kaso hindi pa ako handa sa bagay na ‘yon. Hindi na lamang ako umimik pa hanggang sa nakarating kami sa reception. Base sa nakikita ko nasa Boracay pala ang pinili ng mga parents ni Matteo para sa reception ng kasal namin.Akala ko ay kaunti lamang ang bisita pero mas nagulat ako ng pumasok kami sa loob ng hotel ay sobrang dami ng mga bisita. Akala ko ay tumupad si Mommy Livia sa gusto kong mangyari. Napa- wow ako dahil sobrang ganda ng buong hotel ang daming mga palamuti. Sa mga sandaling ito nawala saglit sa iniisip ko ang honeymoon namin ni Matteo. Mas nalibang ako sa mga design ng hotel. Ang sabi ng Mommy ni Matteo ay buong hotel ay para sa kasal lang namin. Iniisip ko tuloy kung magkano ang ibinayad nila para sa buong hotel na ito.Maya- maya pa ay lumapit na sa akin ang mga babaeng bisita na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. Pero naagaw ng paningin ko ang isang babaeng nakasuot ng puting dress na may mahabang buhok. Sinundan ko nang tingin ang tinitignan niya ng mahinto ang paningin ko kay Matteo. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka, kung tignan ng babae si Matteo ay parang magkakilala sila ng lubusan. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi.Pansin ko rin na hindi inaalis nang babae ang paningin niya kay Matteo na nakikipag-usap sa mga lalaking bisita. Inalis ko lamang ang paningin ko sa babae ng tawagin ako ni Mommy Livia kaya nagtungo ako sa table nito.Inabot sa akin ni Mommy Livia ang wine glass na may lamang alak. Wala naman akong nagawa kundi hawakan ang wine glass, sinenyasan ako nito na maupo sa katabi niyang upuan kaya naupo ako.“ Bakit hindi mo pa iniinom iyang wine, Shaina?” Nagtatakang tanong ni Mommy Livia, binalingan ko ng tingin ang hawak kong wine glass. Mapait kaya ang lasa nito o matamis? Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakatikim ng alak kahit na pinipilit ako ni Leti ay hindi talaga ako sumubok na uminom.“Ano po kasi,” nahihiyang saad ko. Siguro nakuha naman ni Mommy Livia ang gusto kong ipahiwatig kaya bahagya itong natawa. “Hindi ka umiinom ng alak my daughter in-law? ” Hindi makapaniwala nitong tanong, marahan akong tumango. “ Masyado ka namang mabait para hindi uminom sweetie, try mo lang inumin iyang wine. Sige na, hindi naman matapang ang alak na ‘yan kayan hindi ka malalasing,” saad nito. Hindi naman ako nagsalita at iniangat ko nalang hawak kong wine glass at inilapit sa bibig ko. Unti-unti akong sumimsim at napapikit ako ng malasahan ko ang wine na ito, hindi nga siya sobrang pait pero may impact pa rin. Napamulat ako nang tumawa si Mommy Matteo dahil sa naging reaksyon ko.“ Ang sarap ‘di ba? Sige inom pa tayo dahil ito ang special na araw ninyong dalawa ng anak ko,” nakangiting saad nito. Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Mommy Livia, kung alam lang nila na hindi naman totoo ang namamagitan sa amin ng anak mo Mommy Livia. Hindi na lang ako nagsalita at inubos na lamang ang wine na hawak ko. Naalala ko ang honeymoon namin ni Matteo hindi pa rin ako mapakali dahil sa bagay na iyon.Hindi ko namalayan na marami na pala akong nainom at ang Mommy niMatteo ay todo salin ng wine sa glass ko. “Akala ko ba hindi ka umiinom ng alak sweetie? Tignan mo oh, andami mo nang nainom.”Tinignan ko ang dalawang bote ng wine sa table namin wala na nga itong laman. Napakamot na lamang ako dahil sa kahihiyan, “Masarap po pala itong wine.”“Nako! Tamang- tama dapat aggressive ka mamaya sa honeymoon ninyo ng asawa mo sweetie kaya sige lang, uminom ka lang ng marami.” Saad nito at mahinang tumawa, nakaramdam naman ako ng hiya. Kunwari’y hindi ako naapektuhan sa sinabi niya at nagpatuloy na lamang ako sa pag-inom.“Mommy, inaantok na po ako.” Nahihilo kong saad sa Mommy ni Matteo, nahihiya naman akong lapitan si Matteo na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya kaya ang Mommy niya na lamang ang nilapitan ko. Gusto ko na rin kasi magpalit ng suot dahil naiinitan na ako sa suot kong wedding dress. Nahihilo na din ako dahil sa sobrang dami kong nainom na iba’t ibang uri ng wine.“Nako, saglit tatawagin ko lang ang asawa mo.” Hindi na ako nagsalita at hinayaan kong umalis si Mommy Livia para tawagin si Matteo. Halos ang lahat ng mga bisita dito ay nag-iinuman na lang at may iba naman ay nagpa-alam na. Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Matteo. “ Lets go in my room,” saad niya. Sa tansiya ko ay lasing na rin ito dahil namumula na ang mukha nito at mapupungay na ang mata niya.“Anak, dalhin mo na ang asawa mo sa room niyo. Pero h’wag mong kalilimutan ang pinangako mo sa amin,” hindi ko masyadong narinig ang sinabi ng mimmyi ni Matteo dahil sa ingay ng paligid. Namalayan ko na lamang na inalalayan na ako ni Matteo na magtungo sa elevator nitong hotel.Pagkarating namin sa room na naka- assign sa amin ay kaagad akong nagtungo sa cr. Napayuko ako sa bowl ng cr ng makaramdam ako ng pagsusuka nang tuluyan ko ng isinuka ang mga nainom ko doon lamang ako nahimasmasan.“Are you okay?” tanong niya.Tumango naman ako kahit ang totoo ay nahihilo pa rin ako at parang masusuka pa ako.“Are you sure?”“Okay nga lang ako,” sambit kong muli.MATAPOS kong magsipilyo ay hindi ko inaakalang nakatayo pa rin pala ito sa gilid ng pintuan.“May kailangan ka ba?” tanong ko. Imbis na sagutin ako nito natulos ako sa kinatatayuan ko ng humakbang siya patungo sa direksyon ko. Matteo, ano ang gagawin mo?” Kinakabahan kong tanong ng palapit na siya sa’kin, hindi naman ito nagsalita at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi ng kaniyang dalawang kamay at sinakop ng labi niya ang labi ko.Nagpumiglas ako pero hindi sapat iyon para makawala sa pagkakahalik niya. Ang dalawa kong kamay ay nakalapat sa dibdib niya at pilit siyang tinutulak palayo sa akin. Pilit niyang ipinapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko pero dahil nakatikom ng mariin ang bibig ko kinagat niya ang ibabang labi ko dahilan para maipasok niya ang dila sa loob ng bibig ko.“Hmmm… ” Tanging lumabas sa bibig ko ng umikot ang dila niya sa loob ng bibig ko. Halos maubusan ako ng hininga ng hindi kumakawala si Matteo sa pagkakahalik sa akin.“Hindi ako makahinga,” saad ko. Mabuti na lang at nakakuha ako ng pagkakataon para maitulak siya kaya nakalanghap ako ng hangin.“Bakit mo ko hinalikan?!” Hindi makapaniwalang tanong ko.“I want you. I want to kiss you.”This time muli akong hinigit ni Matteo at kinulong sa mga halik niya. Kahit anong pagpupumiglas ko ay wala akong magawa, napatingala na lamang ako ng bumaba ang halik niya sa leeg ko. Bawat dampi ng labi niya sa balat ko ay nagdudulot iyon ng matinding kiliti na ngayon ko lang naramdaman.Bakit hindi ko siya mapigilan? Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit parang nagugustuhan ko ang ginagawa niyang paghalik sa akin? Pero mali ‘to!KUNG kanina ay nagpupumiglas ako pero ngayon ay nagugustuhan ko na ang ginagawa ni Matteo sa katawan ko. Para ba akong nalalasing sa bawat halik niya, hindi ko alam kung nagkakamali ako ng pandinig pero narinig ko na may binigkas siyang pangalan. Ngunit hindi ko narinig ng malinaw kung sino ang tinutukoy niya, namalayan ko na lamang na wala na akong saplot. Hindi ko nga alam kung paano niya natanggal ang suot- suot kong wedding dress para mahubaran niya ako ng walang kahirap-hirap.Siguro nga lasing talaga ako dahil wala na ako sa tamang pag-iisip. Bahala na kung ano ang mangyayari sa amin ngayon sana lang talaga hindi ko pagsisihan ito.“SHAINA POINT OF VIEW” DALAWANG araw na ang lumipas ng ikasal kami ni Matteo. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari noong gabing ‘yon. ~Flashback~ Dali- dali akong nagbalot ng tuwalya ng marinig namin ang pagkatok mula sa labas ng hotel room na kinatatayuan namin ni Matteo. Parehas kaming hubo’t hubad sa mga oras na iyon ng tawagin kami ng parents ni Matteo. Kaya ang binabalak ni Matteo ay hindi natupad. Mabuti na lang ay naka-lock ang pintuan kung kaya’t hindi nabuksan ni Mommy Livia at mabuti na lang din hindi kami naabutang may ginagawang milagro. Ang lasing na si Matteo ay parang nawala ang kalasingan ng dumating ang Mommy niya. “Oh? Nasaan ang asawa mo?” Tanong ng Mommy niya sa kaniya, siya ang nagbukas ng pintuan dahil hindi ko magawang lumabas ng banyo dahil sa matinding kahihiyan. “She’s taking a shower. Why are you here, mom? ” Rinig kong tanong ni Matteo sa Mommy niya.“Kasi naman nakalimutan kong ibigay sa asa
“SHAINA POINT OF VIEW”NAGING maginhawa na ang pakiramdam ko dahil naoperahan na si Mama. At kasalukuyan siyang nagre-recover at dahil sa magandang balita na iyon ay gumaan ang pasanin ko. Hindi na ako mag-aalala sa kalagayan ni Mama dahil wala na siyang dinaramdam na sakit sa puso. Ang kailangan ko ng lang gawin ngayon ay sumunod sa nais ni Matteo. Naging madalas ang pagpunta ni Carmela dito sa bahay ng boyfriend niya. Na asawa ko naman sa papel dahil sa kontrata na pinirmahan ko. Naging madalas din ang pamamasyal namin ni Carmela sa tuwing nasa kumpanya si Matteo. Pero ngayon hindi natuloy ang lakad namin ni Carmela dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa US. Hindi naman niya nabanggit kung ano ang aasikasuhin niya kaya hinayaan ko na lamang ito. Wala si Matteo dahil may inaasikaso sa kumpanya niya. Nabanggit lamang sa akin ni Matteo na pupunta ang mga kaibigan niya dito sa bahay niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ng mga kaibigan niya dito pero alam k
“THIRD PERSON POINT OF VIEW” Nagising ang dalaga nang maramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang ibabaw. Madilim ang silid at ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang liwanag ng buwan na nanggaling sa labas ng bintana. Ang kamay ng binata ay kung saan- saan na umaabot sa katawan ng dalaga.“Anong ginagawa mo?” Hindi nagsalita si Matteo bagkus siya ay abala sa paggawang paghalik sa leeg ng dalaga. Hindi niya magawang maitulak si Matteo na nasa kaniyang ibabaw sapagkat mas malakas sa kaniya ang binata. Dinagdag pa dito ay hinang- hina siya dahil sa matinding kalasingan. Sa bilis ng mga pangyayari at suot- suot niyang bistida ay wala na sa kaniyang katawan. Tanging alinghing lamang ang naririnig sa buong silid nito dulot ng matinding kiliti na ginagawa ni Matteo sa kaniyang katawan. “Matteo—” bigkas ng dalaga nang maramdaman niyang nasa kaniyang hita na ang kamay ni Matteo. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman niya sa mg
“SHAINA POINT OF VIEW”“Matteo, buntis ako.” Nakayukong sabi ko, kararating lamang niya galing sa trabaho. Pero hindi ko alam kung nagkita ba silang dalawa ni Carmela. Ang plano ko sana ay kay Carmela ko na lamang sasabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko pero may nagtulak sa akin na kay Matteo ko na lamang unang sabihin. Napatigil siya sa pagtatanggal ng kaniyang necktie dahil sa biglaan kong pagsasalita.“Say it again,” utos niya sa akin sa mahinang boses. “Buntis ako, magiging tatay ka na.” Paglilinaw ko, ano kaya ang pakiramdam kung ang lalaking mahal mo ang sasabihan mo nang ganoong bagay? Na magiging tatay na siya at nabuo ang sanggol sa sinapupunan ko dahil sa pagmamahalan namin. Ngunit lahat ng nasa isip ko ay malabong mangyari, magiging nanay na ako at sa lalaking kaharap ko ngayon. “It’s true? You’re not joking, right?” “Bakit ako magbibiro Matteo? Isa itong seryosong usapin at ngayong buntis na ako nabibilang na ang mga araw ko dito. Sa puder mo,” pagkasabi ko no’n ay n
“THIRD PERSON POINT OF VIEW”Masayang nagsi- celebrate ang pamilyang David sa isang beach resort sa Tagaytay. Matapos ipaalam ni Matteo ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina ay nagpasiyang umuwi ng Pilipinas ang magulang ni Matteo upang i-celebrate ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina. Alagang- alaga ni Matteo si Shaina kahit na tatlong buwan pa lamang ang tiyan nito ay hindi hinahayaan ni Matteo na mapagod ito. Halata na ang umbok ng tiyan ng babae ngunit kahit na siya’y nagdadalagang tao kapansin-pansin pa rin ang hubog ng katawan nito. Habang masayang kumakain ang buong pamilyang David ay pinagsasandok pa ni Matteo ng pagkain si Shaina. Paniwalang-paniwala ang magulang ni Matteo dahil sa pagpapanggap na ginagawa nila ni Shaina. Sobrang sweet kasi ng dalawa na animo’y totoo silang nagmamahalan. “Kumain ka na rin, Matteo. Tignan mo, hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo,” sambit ni Shaina sa katabi. Hindi pa kasi kumakain ito dahil sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya. Nahi
“SHAINA POINT OF VIEW”“Best?” gulat na Ani ni Leti ng makita niya akong nakatayo sa labas ng pintuan niya. Nagpaalam kasi ako kay Matteo na pupunta ako sa apartment ni Leti para kamustahin ito. Hindi kasi ako matatahimik kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapaalam sa kaniya ang tungkol sa pinasok ko. Kaya ngayon gulat na gulat siya at hindi niya inaasahan na pupunta ako dito. Ngumiti ako ng pilit natatakot ako na magalit sa akin ang kaibigan ko dahil hindi ako tumawag sa kaniya ilang buwan na rin ang lumipas. “Ako nga ito—” naputol ang sasabihin ko ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. Niyakap ko naman ito pabalik, ramdam ko ang pagka- miss niya sa ‘kin. Pigil ang luha ko ng kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Best! Saan ka bang lupalop nagsusuot ha? At teka bakit ang blooming mo ngayon?” bumaba ang tingin niya sa umbok kong tiyan. Nahihiya naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya.“At iyang tiyan mo? Lumunok ka ba ng dalawang pakwan?” taka nitong tanong. Hiyang- h
“SHAINA POINT OF VIEW”“Mukhang naka-istorbo ako sa inyo?” napatayo ako mula sa pagkakaupo nang biglang magsalita si Carmela mula sa likuran ko, hinarap ko ito. Maski si Matteo ay tumayo at tinungo niya ang puwesto ni Carmela. Nahihiya naman akong napayuko ng maghalikan sila sa harap ko. “ Jealous?” tanong niya kay Carmela ng matapos silang maghalikan. Tinignan ako ni Carmela at nginitian ako nito, parang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Matteo. Dahil siguro normal lang iyon para sa kanila. Marahan siyang tumango, mahina naman natawa si Matteo. Nagseselos siya sa akin? Bakit naman siya magseselos sa isang katulad ko?Bumalik ako sa pagkakaupo at muling kumain. Inasikaso ni Matteo ang girlfriend niya, nakaupo si Carmela sa katapat kong upuan. Samantalang katabi naman niya si Matteo na pinaglilingkuran siya. Nagpatuloy ako sa pagkain, upang makabalik na ako sa kuwarto. Ng hindi sinasadya na mabulunan ako. Akma kong aabutin ang isang basong tubig mula sa lamesa, n
“SHAINA POINT OF VIEW” Kararating ko lang sa clinic ng pinsan ni Matteo dahil check-up ko. Ako lang ang mag- isang pumunta dahil hindi ko naman sinabi kay Matteo na check up ko ngayong araw. Wala din naman akong balak sabihin sa kaniya na may check-up ako. Mas magandang si Carmela ang bigyan niyang pansin kaysa sa akin. Ilang araw na rin ang lumipas noong nag- stay si Carmela sa bahay ni Matteo. Nabalik ako sa kasalukuyan ng iwinasiwas sa mukha ko ang kamay ni Jade. Umayos ako ng upo. “ Naintindihan mo ba ang sinabi ko, Shaina?” nakakunot niyang tanong. Umiling ako, “ Ang totoo ay hindi ko naintindihan.” Sambit ko. “Pwede mo bang ulitin ang tinatanong mo Jade?” Bumuntong hininga ito. “ Ang tanong ko kasi kung nagtatalik pa ba kayo ng pinsan ko?” pagkasabi na no'n ay kaagad akong umiling.“Hindi na namin ginagawa ‘yan,” sabi ko. Kinunutan niya ako ng noo na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Are you sure?” paninigurado nito. Tumango ako ng mabilis. Isang beses la
“Shaina Point of View” Ito na iyong pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Iyong pinapangarap ko na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya ay natupad ko na. Totoong-totoo na ito, totoo ng kasal ang mangyayari sa tana ng buhay ko. Nandito ako ngayon sa harapan ng altar habang kaharap ang lalaking bumago sa buhay ko. Ang lalaking nag-alok sa akin ng kasal, at ng kontrata na kailangan kong sundin. PIGIL ang luha ko habang nakatitig sa perpektong mukha ni Matteo. “Matteo, salamat dahil minahal mo ako. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, dahil nandito tayo sa sitwasyong ito,” sambit ko. Sa mga sandaling ito tila nakalimutan ko na napapalibutan kaming dalawa ng maraming tao. Mga taong magiging saksi sa kasalang ito, mga pamilya namin ni Matteo na masaya para sa aming dalawa. At hindi magpapahuli ang kambal na anak namin ni Matteo. Buhat-buhat ni Jade si Shella ang kakambal ni Matt, limang buwan na sila at ngayon lang naganap ang kasal naming dalawa. Gusto kasi ng mga magulang namin ni
“Shaina Point of View”HINDI ako makapaniwala, hindi kaagad pumasok sa utak ko ang sinabi ni Matteo. Hindi ko mapigilang hindi maiyak, pumunta siya dito upang sabihin ang totoo niyang nararamdaman sa akin. At upang sabihin ang lahat-lahat, ngunit naguguluhan pa rin ako. Paanong nangyari na wala na sila ni Carmela? Perfect couple sila at wala akong nakikitang dahilan upang maghiwalay sila. “B-bakit wala na kayo ni C-carmela, Matteo? Hiniwalayan mo siya dahil sa akin? Matteo, perfect couple kayong dalawa. Mas malalim ang pinagsamahan ninyo kaysa sa akin,” nag-aalangan kong sabi. Bumuntong hininga siya at ngumiti, habang nakatingin sa akin. “Carmela is lier, she has a boyfriend. At habang lumilipas ang mga araw na kasama kita ay nakikilala kita ng lubusan. Hindi ko inakala na mahuhulog ang loob ko sa ‘yo habang kami pang dalawa. Kung hindi ko nalaman ang tungkol sa sikreto niya ay hindi ako matatauhan. Hindi ko mare-realize ang nararamdaman ko sa ‘yo, mahal kita. M
“LETI POINT OF VIEW”“WALA si Shaina dito. Bakit dito mo siya hinahanap? Di ba asawa mo siya? Ano naman ang kinalaman ko sa inyong dalawa ng bestfriend ko?” sarkastiko kong tanong sa lalaking ito. Ang aga-aga iistorbohin lang ako para tanungin kung nandito ba si Shaina. Naiinis ako sa bestfriend ko, dahil nagsinungaling siya sa akin. Wala naman akong magagawa kundi tulungan siya. Naiintindihan ko si Shaina kung bakit niya sinakripisyo ang sarili. Pero kung alam ko lang noong simula pa lamang ang tungkol sa kasunduan nila ni Matteo David ay hindi ako makakapayag. Naguguluhan din ako dahil bakit nandito ngayon ang lalaking ito? At bakit gusto niyang makita ang kaibigan ko? Samantalang nagawa na ni Shaina ang nasa kasunduan nila. Sa sitwasyon ngayon ni Matteo ay parang ayaw niyang mawala si Shaina sa piling niya. In-love kaya siya sa bestfriend ko? “Please, gusto ko siyang makita, may mahalaga akong sasabihin sa kaniya.” N
“MATTEO POINT OF VIEW”All this time niloloko lang ako ng girlfriend ko. Carmela is cheating on me. Malinaw na sa akin ang lahat. Masakit sa akin dahil ibinuhos ko ang oras ko para sa kaniya. Ginawa niya akong gago at tuta sa tuwing magkasama kami. But I’m not totally angry to her. Siguro dahil hindi ko na siya ganoon kamahal para magalit at magwala dahil niloko niya ako sa mahabang panahon. Pero hindi ko pa rin matanggap, nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya. Pero kung hindi dahil sa mga palusot niya at pagsisinungaling sa akin ay hindi ko makilala si Shaina. Ang babaeng nagpabaliw sa akin sa maikling panahon. Ang babaeng nagpabago sa takbo ng buhay ko. Si Shaina ang dahilan kung bakit gusto kong mamuhay ng masaya at bumuo ng pamilya. Pagkatapos kong mapanood ang video ni Carmela at ng lalaki niya ay doon ko na tinapos ang lahat. Sapat nang dahilan iyon para hiwalayan siya. Hindi man sabihin sa akin ni Shaina ang totoo niyang nararamdaman sa akin. Pero nakikita ko mula
MATTEO POINT OF VIEW It’s been a long time nang magkausap kami ni Shaina. And it’s been a long time ang pagpipigil ko upang huwag siyang kausapin. I think she’s right, I have a girlfriend. At hindi ko dapat bigyang kahulugan ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Dapat matuwa ako dahil maibibigay ko na ang hiling ni Dad. Ang magkaroon siya nang apo. Dapat maging masaya ako dahil finally makukuha ko na ang buong mana ko. Carmela is my girlfriend has been 3 years. At ipinakilala ko siya to my family. Ngunit hindi siya tanggap ng magulang ko, kaya tinago namin ang relasyon naming dalawa. At nang malaman kong hindi kami magkaka-anak ni Carmela and I’ve decided na kumuha ng babaeng tutupad sa pangarap ko, and it’s was Shaina. Shaina is a type of girl na gagawin ang lahat para sa pamilya niya. At iyon ang nagustuhan ko. Hindi ko man aminin pero iyon ang totoo. Naguguluhan ako kung ano ba itong nararamdaman ko sa kaniya. I tried to become serious person in front of her. Pero nabig
“SHAINA POINT OF VIEW”WALONG buwan na ang tiyan ko at simula noong huling pag-uusap namin ng girlfriend ni Matteo sa hospital. Ay hindi ko na siya masyadong kinakausap. Magkakausap lang kami sa tuwing may tinatanong siya about sa pinagbubuntis ko. Alam kong nagtataka na iyon dahil sa pagiging mailap ko sa kaniya. Ayos na ang ganito, hindi naman ako kawalan. Malapit na rin ako manganak, kaya sinusulit ko na ang bawat oras na pagiging buntis ko. Dahil kapag maisilang ko na ang anak namin ni Matteo iyon na ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Nasasaktan ako. Sa tuwing iisipin na hindi ko makakasama ang magiging anak namin ni Matteo. Wala naman talaga akong karapatang magreklamo. Una sa lahat bayad ako. Binayaran niya ako para magsilang nang sanggol. Kung kailan nasa ganito kaming sitwasyon saka ko tuluyang napagtanto na mahal ko na nga siya. Alam kong mali itong nararamdaman ko, pero kahit anong pigil ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na huwag mahalin ang lalaking m
MATTEO POINT OF VIEW” I was sitting on the sofa, habang hawak ko ang bote ng beer. Nandito ako sa Condo ni Carmela ng tawagin niya ako. It’s already evening, imbis na mag-enjoy kami ngayon ng girlfriend ko ay hindi ko magawa. Bakit siya pa rin lamang ng isip ko mapahanggang ngayon? Shaina is not my girlfriend pero kung mag-alala ako sa kaniya ay parang siya ang girlfriend ko. Siguro dahil dala- dala niya ang magiging anak namin ni Carmela. “Let’s cheers, babe.” I just nodded and smiled with her. Sabay naming ininom ang beer na hawak namin. Matapos kong uminom ay tinignan ko ang babaeng mahal ko.“ This fast few days, naging abala ka ba sa trabaho mo, Love?” I asked, I’m just confused because she didn’t calling me this fast few days. She’s smiling with me. “Yes, babe. Ang mga clients ko kasi ay gusto ako mismo ang mag- assist sa kanila. Kaya hindi kita magawang tawagan. You know… I’m busy, right?” she said. I smiled. “Alright,” saad ko. Muli akong lumagok ng beer bago p
“SHAINA POINT OF VIEW” Kinaumagahan, niyaya ako ni Matteo na pumuntang simbahan. Dahil linggo ngayon at araw ng simba. Hindi ko nga inaasahan na ang lalaking tulad niya ay malapit sa diyos. Hindi sa nanghuhusga ako, hindi lamang ako makapaniwala na nagsisimba siya. Sa loob ng ilang buwan na pananalita ko dito hindi ko minsan makuha ang mood ni Matteo. Mayroon kasi siyang ugali na pagiging seryoso, cold magsalita. Ngunit kung minsan ay malambing at nagbibiro ito kung minsan. Nakaupo kami ni Matteo sa mahabang upuan ng simbahan. Nasa hulihang upuan kami naupo dahil puno na ang mga upuan ng makarating kami. Tahimik lang siya sa tabi ko habang nakikinig sa mga payo ng pare. Hanggang sa mapatingin ako sa direksyon niya dahil sa sinabi ng pare.“ Sa panahon ngayon, pera ang laging katapat. Kung may pera ka, makukuha mo kaagad ang kung anong naisin mo. Ngunit ang isang bagay na hindi natin mabibili sa pamamagitan ng pera ay ang pagmamahal ng isang tao,” saad ni father.Binalik ko din
“SHAINA POINT OF VIEW” Kararating ko lang sa clinic ng pinsan ni Matteo dahil check-up ko. Ako lang ang mag- isang pumunta dahil hindi ko naman sinabi kay Matteo na check up ko ngayong araw. Wala din naman akong balak sabihin sa kaniya na may check-up ako. Mas magandang si Carmela ang bigyan niyang pansin kaysa sa akin. Ilang araw na rin ang lumipas noong nag- stay si Carmela sa bahay ni Matteo. Nabalik ako sa kasalukuyan ng iwinasiwas sa mukha ko ang kamay ni Jade. Umayos ako ng upo. “ Naintindihan mo ba ang sinabi ko, Shaina?” nakakunot niyang tanong. Umiling ako, “ Ang totoo ay hindi ko naintindihan.” Sambit ko. “Pwede mo bang ulitin ang tinatanong mo Jade?” Bumuntong hininga ito. “ Ang tanong ko kasi kung nagtatalik pa ba kayo ng pinsan ko?” pagkasabi na no'n ay kaagad akong umiling.“Hindi na namin ginagawa ‘yan,” sabi ko. Kinunutan niya ako ng noo na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Are you sure?” paninigurado nito. Tumango ako ng mabilis. Isang beses la