Nasa byahe na palabalik sina Venuz papunta sa kanilang lugar, naisip nilang bumalik na dahil sa nangyari. Gusto man niyang sumunod sa hospital ay hindi niya magawa dahil ayaw rin ni Angelica.
Mabigat ang kanilang mga pakiramdam habang nasa byahe, nag-iisip sila kung sino ang may gawa no'n. Kakarating pa lamang nila Allen ay ganoon na ang nangyari.
"Nakikiramay ako pare," usal na sabi ni Steve kay Allen na tahimik lang na nakapikit.
Gusto man nitong matulog para kahit papaano ay hindi maalala ang mukha ng kaniyang kaibigan na nakahandusay, ngunit hindi niya magawa.
"Salamat," tipid lang na sagot nito.
Walang nag-iimikan sa kanilang lahat. Naging tahimik lang ang naging byahe nila. Isa-isa
Naiinis si Angelica sa humila sa kaniya at dinala siya sa kung saan kaya't pwersa niyang hinigit ang braso nito para tumigil at isinandal sa pader. Nagulat naman ang lalaki sa lakas ng impact na nagawa nito sa kaniyang likod."Sh*t!" Tanging usal lamang ng lalaki."Masyado ka naman pa-hero," malamig na usal ni Angelica."Puwede ba? Kung masama iyang loob mo sana hindi ka na lang pumasok para hindi ka nakakasakit ng tao.""Wow, Kurt? Anong gusto mong gawin ko? Hintayin na kami ang masaktan? E, ul*l ka pala kung gano'n," nakangising usal ni Angelica at binulsa ang kaniyang mga kamay sa kaniyang suot na pantalon."No. What I mean to say is, alam kong nagdadalamhati ka sa pagka
Angelica's POV "Dexie, ikaw na muna bahala rito. Isang araw lang ako mawawala," tumango ito sa akin bilang pagsang-ayon. Maaga akong gumising para sa importanteng lakad ko ngayon. Nandito rin si Dexie para dalhin sa akin ang mga papeles na kailangan ko galing sa opisina. "Kumain ka na ba? Kung nagugutom ka, magsabi ka lang kay Nanay Neli." Si Nanay Neli na kasi ang parang mayordoma ng bahay namin. Matagal na siyang nasa amin, bagong kasal pa lang ang magulang ko ay nandito na siya. Napakabait ni Nanay Neli, tinuturing ko na rin siyang parang lola. "Sige po, Ma'am," usal nito sa akin at yumuko ng kaunti. Tumango lang ako rito. Lumabas
Nagpaalam na rin ako agad matapos ang usapan na iyon. Wala na rin naman dahilan pa para magtagal pa do'n. Bumukas na ang elevator at paglabas ko ay nakita ko ang pigura ni Steve."Buti naabutan pa kita," hinihingal nitong sabi sa akin."Bakit?""Hatid na kita." Napataas ang kilay ko sa sinabi nito.Dati ba siyang baliw? Anong pauso nito at gusto akong ihatid?"No need." Tuloy-tuloy akong naglalakad palabas ng kanilang kumpanya and not minding his presence, kahit na may sinasabi pa ito.Bigla namang lumapit sa akin iyong babae kanina sa frond d
"Okay, class dismissed." Tumayo na ko sa aking kinauupuan pagka-alis ng prof namin. Lunch break naman na at mamaya pa ang susunod namin na klase. "Hoy, Manang! Saan ka kakain?" May isa na naman na paepal ang tumatawag sa akin. Hindi ko ito pinansin, hinihintay ko lang si Venuz na matapos sa pagliligpit ng kaniyang gamit. "Aba, suplada ka ha." "Sis, ikaw ata tinatawag ni Steve?" Siko sa akin ni Venuz pagtapos nitong isukblit sa balikat ang kaniyang bag. &nb
Lumabas na ko sa kwarto pagkatapos kong magpalit. Sakto namang dumating si Dexie na dala-dala ang basurahan na gawa sa metal. "Oh Dexie, para saan 'yan?" sambit ni Venuz. Nginitian siya ni Dexie at pinwesto sa harap ko ang basurahan na bitbit niya. Nilagyan niya ito ng mga uling na sakto lang para sa gagawin kong pagsunog sa damit kong suot kanina lang. "Ito ba? Susunogin daw ni Boss Angelica 'yong damit niyang suot dito e." Nanlalaki ang mata ni Venuz at napatayo. "Hoy, gaga ka, sis! Bakit mo naman susunugin? Puwede naman 'yan labhan!" singhal nito sa akin. "Oh, edi labhan mo."
Nasa harap ako ng aking salamin at nakatitig sa repleksyon ko. Hindi ako natutuwa, kahit kailan ay hindi ko ginusto ang ayos na ganito. Pakiramdam ko ay sobrang linis ng pagkatao ko pag wala ang mga pekeng freckles at wig kong bangs, lalo na ang malaki kong salamin. Hindi ko talaga nakikilala ang sarili ko sa ganitong ayos. Ngayon ko lang sinubukan pagmasdan ang sarili ko ng matagal sa salamin na ganito ang aking hitsura.Napapikit ako ng mariin at saka tumayo sa aking kinauupuan. Nagsuot lamang ako ng black formal dress dahil kahit sana ay may makitang maitim sa pagkatao ko sa ayos kong 'to ngayon. Napatawa na lang ako sa naisip ko at napa-iling.Tumungo na ako sa pintuan pagkatapos kong masuot ang aking heels na kulay itim din. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko si Steve na pakatok na sa aking kwarto. Napataas ang
"May pupuntahan muna tayo bago kita ihatid sa inyo." Nagtataka akong napalingon kay Steve dahil sa sinabi nito."Sira ba ulo mo? Gusto ko ng umuwi," walang gana kong usal sa kaniya.Gabi na at gusto niya pang umalis? Gusto ko na magpahinga. Gusto ko rin muna mapag-isa pagtapos ng dinner na iyon."Basta, mare-relax ka doon.""Siguradohin mo lang at pag hindi, asahan mo bukas ay wala ka nang masisilayang sikat ng araw."Tumawa lang ito sa akin at nagpatuloy siyang magmaneho, ilang kilometro lang ay huminto siya sa isang convenience
"Hayy, grabe. Napagod ako sa mga sinakyan natin," usal ni Mama habang nag-iingat pala ng katawan.Pumwesto si Dad sa likuran niya at hinilot ang likod nito. Napangiti si Mom maging ako ay napangiti rin dahil parehso lang din naman silang napagod pero nagawa pa niyang hilutin si Mom. I just find it cute."Hon, sa tingin ko mas mage-enjoy tayo kung papasukin natin iyon." Napatingin ako sa tinuro ni Dad.Natawa ako sa hitsura ni Mom ng mapatingin ako sa kaniya. Kung si Dad ay takot sa mga heights, siya naman ay sa mga multo. Paano ba naman, gustong pasukin ni Dad ang horror house. Sa akin naman ay walang problema, at saka hindi naman sila mga totoo kaya bakit ako matatakot?&n
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag