"Sigurado ba kayong wala kayong alam sa pagkamatay ng magulang ko?" malumanay ngunit may diin na tanong ni James sa dalawang babae na nakagapos.
"W-wala talaga kami alam."
"Hindi ako naniniwala." Matalim na tingin ang binigay ni James kay Divine.
Kasabay nito ay ang paghagis malapit sa talampakan nito ng maliit na kutsilyo na kaniyang hawak. Nagulat naman si Divine sa ginawa niya at napapikit na lamang ng mariin. Kapwa parehas sila ng kaniyang kasama na humihiyaw sa sakit na kanilang nararamdaman. Tila bumabaan sa pulsuhan nila ang mga tinik sa lubid.
"Akala ko ba ay magsasabi kayo ng totoo."
"Nagsasabi n-naman kami ng totoo. Wala kaming wala sa pagkawala ng magulang mo."
"Hindi totoo yan!"
Kasabay ng pagsigaw ni James ay ang pagkasa niya ng kaniyang baril at tinutok sa kanila. Sunod-sunod na paglunok ang k
Tahimik lang na nakatingin si Angelica sa dalawang babae na nakagapos at bigla na lamang napangisi. Tila ba natutuwa ito sa sinasapit na paghihirap ng dalawa."Tapusin na natin ito." Pumunta muli si Angelica sa harap nila Divine.Nagsusumamo ang mga mukha nito at tila hirap na hirap na sa kanilang kalagayan. Gusto na nilang makawala sa kanilang pagkakatali, namimilit na rin sila sa mga tinik na unti-unting bumabaon sa kanilang mga pulsuhan.Tumayo namang muli si James at mahigpit ang pagkakasarado ng kaniyang kamao na anumang oras ay handa siyang makasapak."Huling pagkakataon na ito, anong nangyari sa magulang ko?""A-ang totoo niyan ay k
"Nasaan na kaya sila Angelica?" naiinip na turan ni Venuz sa kaniyang sarili.Nasa veranda siya ng kaniyang kwarto at humihigop ng kape. Hindi kasi siya pumasok ngayon dahil wala siyang kasama dahil kahit sila Trixie ay hindi pa pumapasok magmula no'ng nangyaring gulo sa party.Napukaw ang kaniyang atensyon sa phone niyang tumunog at nakita ang pangalan ni James. Agad niya naman itong sinagot."Bakit?" bungad niyang sagot sa kabilang linya."Wow, wala man lang hi o hello man lang?""Edi hello," natatawa pa niyang usal."Oo nga pala, salamat sa tulong mo. Iyong pabor mo naman sa'kin, malapit
"Sis, sure ka na ba talaga?" tanong ni Venuz kay Angelica na abalang nagaasikaso ng kaniyang sarili.Nilingon siya nito at nginisian lamang siya. Napakibit-balikat na lamang si Venuz sa sagot na kaniyang natanggap."Ano pala sasakyan natin?" muli niyang tanong sa kaniyang kaibigan."Dala ko si Ruby." Pangalan ito ng kaniyang customized bugatti La Voiture Noire na ang kulay ay pinagsamang itim at pula."Ow. Okay," tumatangong sagot ni Venuz sa kaniya."Tara na."Napataas ang kilay ni Venuz sa ayo
"Handa na ba kayo?" basag sa katahimikan ng tagapagsalita.Nagtangohan lamang ang grupo ng Vermin, nakangisi silang nakatingin sa babaeng sa tingin nila ay mahina lamang. Samantalang nakatingin sa ibang gawi ang babae at walang pakialam sa kaniyang paligid."Miss N, ready ka na ba?" Isang ngisi lamang ang tinugon niya sa tagapagsalita.Bumaba na ng entablado si Venuz at iniwan na sila. Tiinaas ng tagapagsalita ang kaniyang kamay at biglang binaba, hudyat ito na simula na ng kanilang laban. Kasabay nito ay ang pag-iingay muli ng mga taong nanunuod.Unang umatake si Steve, nahuli ng babae ang kaniyang kamay at gano'n na lamang ang gulat niya. Pinilipit nito ang kaniyang kamay at iniligay sa kaniyang likuran. Naalarma naman ang kaniyang grupo sa kaniyang naging sitwasyon.
Kita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mukha nang pumasok ako sa maliit na bahay na bukod pa ito sa bodega na parang bahay na rin kung titignan na pinagdadalhan ko ng mga taong pinahihirapan ko. Kakarating ko lang din dahil may sinundo akong importanteng tao sa buhay ko. "So, I wasn't wrong when I saw your face before the light went out?" Tumango ako sa tanong ni Kurt sa akin. Hindi naman pala sila ganoon kahirap matalo. Puro kahambogan lang naman ang alam ng iba niyang kagrupo. Natawa na lang ako sa isip ko nang maalala ang nangyari. "What do you mean, boss?" usal na tanong ni Steve. "Before the light went out, I saw her face. Akala ko namalikmata lang ako."
Sa pagpasok nila sa bahay ay iba't-ibang klase ng mga tingin ang kanilang natanggap. Nagtataka ang mga ito kung sino ang kasama ni Angelica na nakakapit pa sa kaniyang bewang.Nakatingin si Romnic sa kamay ng lalaking nakahawak sa bewang ni Angelica at pakiramdam niya ay gusto niya itong tanggalin."Sino sila?" nagtataka na tanong ni Kevin.Sakto naman lumabas sa kusina si Venuz at siya ang sumagot sa tanong, magiliw niya itong sinagot habang hawak pa ang sandok na kaniyang ginagamit pangluto."Boyfriend siya ni Angelica."Halos mahulog ang kanilang mga panga sa nalaman habang si Allen naman ay natatawa lang sa gilid kaya't mahina siyang tinapik sa sikmura ni Angelica.
Nasa byahe na palabalik sina Venuz papunta sa kanilang lugar, naisip nilang bumalik na dahil sa nangyari. Gusto man niyang sumunod sa hospital ay hindi niya magawa dahil ayaw rin ni Angelica.Mabigat ang kanilang mga pakiramdam habang nasa byahe, nag-iisip sila kung sino ang may gawa no'n. Kakarating pa lamang nila Allen ay ganoon na ang nangyari."Nakikiramay ako pare," usal na sabi ni Steve kay Allen na tahimik lang na nakapikit.Gusto man nitong matulog para kahit papaano ay hindi maalala ang mukha ng kaniyang kaibigan na nakahandusay, ngunit hindi niya magawa."Salamat," tipid lang na sagot nito.Walang nag-iimikan sa kanilang lahat. Naging tahimik lang ang naging byahe nila. Isa-isa
Naiinis si Angelica sa humila sa kaniya at dinala siya sa kung saan kaya't pwersa niyang hinigit ang braso nito para tumigil at isinandal sa pader. Nagulat naman ang lalaki sa lakas ng impact na nagawa nito sa kaniyang likod."Sh*t!" Tanging usal lamang ng lalaki."Masyado ka naman pa-hero," malamig na usal ni Angelica."Puwede ba? Kung masama iyang loob mo sana hindi ka na lang pumasok para hindi ka nakakasakit ng tao.""Wow, Kurt? Anong gusto mong gawin ko? Hintayin na kami ang masaktan? E, ul*l ka pala kung gano'n," nakangising usal ni Angelica at binulsa ang kaniyang mga kamay sa kaniyang suot na pantalon."No. What I mean to say is, alam kong nagdadalamhati ka sa pagka
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag