“Hoy anong ginagawa niyo diyan?” Napalingon ako sa sumigaw at nakita si Trixie na pangiti-ngit na parang aso na naulol. Kahit kailan talaga, napaka-ingay.
“Alin?”
“Kayo ha, bakit may pag luhod na naganap?” may pang-aasar na sabi nito sa akin na ikina-ikot lang ng mata ko.
“Um…” Pinakita ko sa kaniya ang paa kong may band-aid. Napatango lang siya nang makita ito.
“Sige. Tara na, kumain na tayo.”
Sumunod lang ako sa kaniya pagpasok at umupo na sa aking upuan kanina. Maya-maya lang ay dumating na rin iyong asungot kanina. Hindi ko ito kinikibo, sapat na iyong nagpasalamat ako sa kaniya.
“Hi…” Napatingin ako sa babaeng lumapit sa aming lamesa.
Napataas ang kilay ko sa babae dahil sa suot nito, naka-jeans naman ito pero ang kaniyang pantaas ay halos lumuwa na ang kaniyang hinaharap at talaga namang h
Nagising si Venuz sa isang madilim na silid at nagtataka kung nasaan siya. Pakiramdam niya’y nakahiga siya sa isang malambot at malawak na higaan. Nagtangka siyang bumangon sa higaan ngunit hindi niya magawa dahil sa bigat ng kaniyang katawan. Biglang bumukas ang pintuan at binuksan ang mga ilaw, doon niya lamang nakumpirma na nasa malambot nga siyang higaan. Nakita niya ang isang babae na nasa palagay niya ay nasa edad bente singko na. Maganda ang hubog ng katawan, may pagka-petite. Matangkad din itong babae at ang kaniyang buhok ay lumagpas na sa kaniyang puwetan. Hindi niya mamukhaan ang babae dahil may suot itong itim na maskara. May hawak itong tray na may lamang pagkain. “Sino ka?” May halong takot na tanong niya rito. “Gising ka na pala, my not so little sister.” Nagtataka siya sa huling binanggit nito. “Anong sabi mo?” “I’m your sis
Ilang araw nang hindi nakakauwi si Venuz kaya't ang iba niyang kasama no'ng araw na nawala siya ay nag-aalala pa rin sa kaniya hanggang ngayon. "Ang tagal naman nila," usal ni Kevin kay James. "Ewan ko ba sa tatlong iyon, laging ang tatagal kumilos." Dalawa pa lamang silang magkasama at dahil maaga silang pumasok, naisip nilang tumambay na muna sa field. "Oo nga pala, tol. Wala ka pa rin ba balita kung sino kumuha kay Venuz?" ani ni Kevin kay James na abalang nagtitipa sa kaniyang kompyuter. "Wala, e." "Ilang araw na kasi pero hanggang ngayon wala pa rin t
“Sigurado ka bang dito iyon?”“Oo nga, James. Ang kulit mo naman, e.”“Chill…Nagtatanong lang. Nagtataka lang din kasi ako kung paano siya nagkaroon ng isang condo rito?”“Anong akala mo sa kaibigan ko? Poorita? May pera naman iyon kahit papaano,” inis na usal ni Venuz kay James na hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin kung paano ito nakakuha ng isang condo unit sa isang presitigious condominium.“Paanong hindi magkakaroon ng ganito kaibigan ko, e sa kaniya kaya itong buong building,” natatawang usal ni Venuz sa kaniyang isip.“Hindi naman sa ganoon,” alanganin na sagot ni James sa kaniya.“Alam mo, wag na lang kaya kita tulungan?”“Ito naman, tatahimik na nga lang ako.”“Ayan, mabuti
Abala ang lahat sa pag-aasikaso para sa party na kanilang dadaluhan mamaya lamang."Ready na ba kayo?" sigaw mula sa labas ng kwarto na pinag-aayusan ng grupong Vermin."Oo, ito na," bungad na sabi ni James pagbukas niya ng pinto, nagulat si Venuz sa lapit ng katawan nito sa kaniya.Natulala si Venuz sa pag angat ng kaniyang mukha at nakita niyang nakatingin din sa kaniya si James, kaya't pinitik ni James ang kaniyang noo ngunit mahina lamang. Natatawang hinawakan ni James ang ulo ni Venuz at niyakap. Nagulat naman si Venuz sa ginawa nito."Hoy, Lovebirds! Wag kayo rito magharutan," singhal sa kanila ni Steve at binato sila ng unan na agad din naharang ni James ng kaniyang kamay para hindi mata
"Sila Trixie iyon, ah?" usal ni Venuz sa kaniyang sarili.Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan para puntahan at kumpirmahin kung sila nga ito."Saan ka pupunta?" Hinawakan ni James ang kaniyang pulsuhan bago pa man siya makaalis sa kaniyang kinauupuan."Saglit lang, may kakausapin lang ako."Tinanggal niya ang kapit ni James at umalis na. Tumungo siya sa katapat na lamesa at binati niya ang mga ito. Tila nagulat naman ang mga ito sa biglaan niyang pagdating."Hi."Tinignan lamang si Venuz ng mga ito at hindi kinibo."Kahit hindi kayo magsalita, alam kong kayo 'yan."
"Ahhh!" Isang matinis na tinig ang gumising sa mahimbig na pagtulog ni Clyden."Sh*t! Ang aga-aga, ang ingay agad." Bwisit na bumangon si Clyden sa kaniyang higaan at nadatnan ang dalawang babaeng nagpupumiglas at humihiyaw."Ano ba, ang aga-aga ang iingay niyo.""Sino ba kayo, ha?! Pakawalan niyo kami!"Napa-ikot lang ang mata ni Clyden sa kanila at hindi pinansin. Sabay naman na lumabas sa magkabilang kwarto sina Angelica at James, magkasalubong ang kilay ni James habang si Angelica ay pinasadahan lang nang tingin at saka nginisian ang dalawang nakagapos.Nasa bodega silang muli kung saan dinadala ang kanilang mga pinapahirapan. Malayo ito sa syudad at walang sinuman ang nakakapunta ri
"Sigurado ba kayong wala kayong alam sa pagkamatay ng magulang ko?" malumanay ngunit may diin na tanong ni James sa dalawang babae na nakagapos."W-wala talaga kami alam.""Hindi ako naniniwala." Matalim na tingin ang binigay ni James kay Divine.Kasabay nito ay ang paghagis malapit sa talampakan nito ng maliit na kutsilyo na kaniyang hawak. Nagulat naman si Divine sa ginawa niya at napapikit na lamang ng mariin. Kapwa parehas sila ng kaniyang kasama na humihiyaw sa sakit na kanilang nararamdaman. Tila bumabaan sa pulsuhan nila ang mga tinik sa lubid."Akala ko ba ay magsasabi kayo ng totoo.""Nagsasabi n-naman kami ng totoo. Wala kaming wala sa pagkawala ng magulang mo.""Hindi totoo yan!"Kasabay ng pagsigaw ni James ay ang pagkasa niya ng kaniyang baril at tinutok sa kanila. Sunod-sunod na paglunok ang k
Tahimik lang na nakatingin si Angelica sa dalawang babae na nakagapos at bigla na lamang napangisi. Tila ba natutuwa ito sa sinasapit na paghihirap ng dalawa."Tapusin na natin ito." Pumunta muli si Angelica sa harap nila Divine.Nagsusumamo ang mga mukha nito at tila hirap na hirap na sa kanilang kalagayan. Gusto na nilang makawala sa kanilang pagkakatali, namimilit na rin sila sa mga tinik na unti-unting bumabaon sa kanilang mga pulsuhan.Tumayo namang muli si James at mahigpit ang pagkakasarado ng kaniyang kamao na anumang oras ay handa siyang makasapak."Huling pagkakataon na ito, anong nangyari sa magulang ko?""A-ang totoo niyan ay k
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag