Alas-otso na ng umaga at halos lahat ay nakakilos na't nakaayos. Naghahanda na lamang sila sa kanilang pagbalik sa mansyon. Habang si Steve naman ay abalang kumakatok sa pintuan ng kubo ni Kurt.
"Hoy, Tol! Gising na, aalis na raw na tayo!" sigaw ni Steve sa harap ng pintuan ni Kurt.
Kanina pa kasi ito hindi lumalabas ng kaniyang kubo kaya minabuti na lamang ni Steve na puntahan ito. Halos masira na niya ang pintuan kakakatok sa pinto nito. Hindi naman siya kinakabahan dahil madalas din talagang mahirap gisingin ang kanilang kaibigan.
"Tol! Buhay ka pa ba?"
"What do you f*ck*ng think of me? A weak?" Na-estatwa sa kinatatayuan si Steve nang marinig ang boses mula sa kaniyang likuran.
<"Alex, matagal ka pa ba diyan?" sigaw ni Venuz sa sariling kwarto nito sa mansyon.Magpapatulong kasi siyang ipa-zipper ang likod ng kaniyang dress dahil hindi niya ito maabot. Dala-dala niya lamang ang dress at balak niyang magpalit sa kwarto ni Alex."Bakit ba?" Nakataas ang kilay ni Alex nang pagbuksan siya nito ng pinto."Ito naman, ang sungit-sungit mo na naman. Papatulong ako, pa-zipper ako nitong dress." Pumasok na lamang si Venuz kahit hindi pa siya inaaya ni Alex sa loob ng kwarto nito.Napa-irap na lamang si Alex at napabuntong hininga. Wala na rin naman siyang magagawa dahil kahit papaano ay nagkapalagayan na rin s
"Ako nga. Ang nag-iisa't walang katulad.""Ikaw..."Ngisi muli ang sumilay sa aking labi nang makita ko kung ano kagalit ang ekspresyon ng mukha ni Kurt. Gusto kong matawa sa kanila dahil halos lahat sila ay walang kaalam-alam."Anong ibigsabihin nito, bes?" Bakas sa mukha ni Venuz ang pagtataka nitong nakatingin sa amin ng kaniyang kapatid."Hi, my little sister!" nakangiting bati ni Clyden sa kaniyang kapatid at lumapit pa ito."Ate? Alam mo 'to? Bakit hindi mo man lang sa 'kin sinabi?""Loka, edi kung sinabi ko sa 'yo ako naman malilintikan."&nbs
"Pinagloloko mo ba kami?"Saglitan akong natawa sa kaniyang sinabi, mukha bang nakapagbiro na 'ko sa kanila para kwestyonin niya ako?"Mukha ba akong nagbibiro, Romnic?""Hindi na kami bata para makipaglaro sa bagay na gusto mo.""It doesn't matter anyway." Lumakad ako isa-isa sa harap nila at tinignan ang bawat isa."Ito ba? Ito ba ang tinutukoy mong laro?" Napatingin ako kay Venuz na nakayuko at tumingin sa akin ng seryoso.Mabuti naman at naaalala pa niya ang bagay na gusto kong gawin. Ang akala ko'y pinag
Sa pagbukas ng pintong bakal ay sila ring paghahanda sa kanilang kakaharaping pagsubok sa loob nito. Ang lahat ay walang alam kung sino o ano ba ang kanilang makakasagupa sa loob."Maaari na kayong pumasok," usal ni Angelica sa kanila.Naunang mag sipasok ang ibang estudyante at ang natitira na lamang ay ang grupo ng Vermin, Dexie, Tulips Angel, at si Venuz. Nanatili silang nakatingin sa pintuan na 'yon."Ano pang hinihintay niyo? Pasko?" sarkastikong turan ni Angelica.Sarkastiko namang tumawa sa kaniya si Alex at matalim na nakatingin sa kaniya. Si Venuz ay nakatingin lamang din sa kaniyang kaibigan at naghihintay ito ng iba pang sasabihin.Umaasa siyang biro lang ang lahat ng ito at pinagti-trip-an
"Maligayang pagbati sa inyo mga kalahok!"Isang nakakabinging tinig mula sa mga speaker sa paligid ang kanilang narinig pagkasarado ng pintuan. Halos ang lahat ay mapatakip ng kanilang mga tainga sa lakas nito.Naghihintay pa sila sa susunod nitong sasabihin ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala ng nagsalitang muli."Anong gagawin na natin nito?" Isang babae ang bumasag nang katahimikan ng lahat.Napatingin sa kaniya ang lahat maging si Kurt, sinuri siyang mabuti nito. Nakasuot lamang ng puting t-shirt at jeggings ang babae. Tanging rubber shoes lang ang suot, para itong walang sa mundo kung titignan. Napakunot ang noo
Sa huli ay napagdesisyon ng lahat na hatiin na lamang sa dalawang grupo matapos umalis ng limang kalalakihan kanina. Si Dexie ang nagsisilbing gabay sa unang grupo at si Kurt naman sa pangala.Kasama sa unang grupo sina Venuz, Kevin, James, at Clariss. Habang sa pangalawang grupo naman ay sina Alex, Steve, Romnic at Thea. Kasama nila ang iba pang mga estudyante na natira, sumama rin kila Kurt ang babaeng nagsalita na kinilala nila bilang si Jane. Tahimik lang itong sumusunod sa kanilang paglalakad.Palubog na ang araw ay wala pa rin nakakasalubong ang dalawang grupo na panganip o kahit sinong kalaban. Napagdesisyonan ng dalawang grupo na mamahinga sa lugar na kanilang pinaghintuan sa paglalakad."Nagugutom n
Angelica's POV"Ano itong nalaman ko, Angelica?"Agad akong napalingon sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan, at agad ring umikot ang mata ko nang matanto kung sino 'yon. Tumingin muli ako sa mga monitor na nasa harapan ko ngayon."Totoo nga. Kailan mo pa nasimulancang bagay na ito?!" Marahas akong iniharap ni Mama sa kaniya.Walang gana ko lamang siyang hinarap at nanatiling tahimik lang. Nabaling ang tingin nito sa mga monitor na nasa likuran ko. Humigpit ang hawak ni Mama sa braso ko kaya bigla akong napakislot pero minabuti ko na lamang hindi tanggalin ang pagkakahawak niya."Angelica! Ano bang nangyayari sa 'yo?! Ano itong ginagawa mo s
"Sh*t! Mukhang marami-rami sila!" usal ni Venuz habang nakatingin sa mga lalaking naka-itim na kasuotan maging ang takip nito sa mukha."Mukhang sinadya nilang dumating dito pagkatapos nating kumain," bulong ni Kevin sa kaniyang mga kasama.Naka-posisyon na ang mga ito para sa gagawing pagsugod ng mga lalaking nasa harapan nila. Ang mga babae nilang kasama ay nasa likod lamang ng mga kalalakihan maliban kay Dexie at Clariss. Hindi nila hinayaang lumaban si Venuz muna. "Huwag kayo mag-alala, hindi natin patatagalin ang laban na 'to." Sabay-sabay na nagsitanguhan ang mga ito kay Dexie.Kampante sila dahil nakita na nila kung paano ito kahusay humawak ng katana. Swerte pa rin sila sa pagkakataong ito dahil sa kanila sumama si Dexie. Kung sa kabilang grupo ay nandoon si St
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag