Naging tahimik ang byahe ng ilang oras pero nangangati na ang bibig ni Alex na magtanong at gusto na nitong magtanong kay Dexie. Hindi na rin kasi siya mapakali sa kaniyang upo.
"San mo ba talaga kami dadalhin, Dexie?" iritableng sambit ni Alex.
Huminto ang sasakyan at lumingon sa gawi nila si Dexie, malawak pa itong ngumiti sa kanila.
"Masyado naman kayong mainipin, nandito na tayo."
Naunang bumaba si Dexie sa sasakyan kaya't mabilis ding binuksan ng iba ang sasakyan at bumaba. Doon lang kasi nila napagmasdan ang lugar kung nasaan sila ngayon dahil ang bintana ng Van ay may itim na harang sa mga salamin kaya't wala silang makita sa labas.
Halos manakit ang kanilang sikmur
"Seryoso? Ganito talaga kabigat ang bagay na 'to?" Bakas sa mukha ni Steve ang pagkagulat."Oo. Sa tingin mo ba biro lang 'yan? Duh!" Maarteng usal ni Dexie sa kaniya.Pumwesto si Dexie sa gitnang gilid ng lamesa at may pinindot siya sa ilalim niito. Napaatras naman ang lahat dahil bigla na lamang naging transaparent ang lamesang kanina lang ay kahoy. May bigla na lamang lumitaw na isang imahe sa hangin at halos manlaki sila sa imaheng lumabas mula sa hologram."Teka... Ibigsabihin utos niya sa 'yo ito?""Oo. Gaya ng sabi ni Venuz kanina, na siya rin may gawa ng lason at sandata sa kahon na ito. Siya rin syempre ang tutulong para hindi tayo mapahamak sa mga karayom na ito," paliwanag ni Dexie sa lahat.Napatingin sila kay Angelica na tanging nakaupo at nakangisi sa kanila. Sinubukang ilagay ni Venuz ang gitnang daliri niya sa hologram pero nag-glitch lang ito saglit at bumalik din sa ayos agad.
"Sandali, hindi iyan ang una ninyong gagawin." Natatawang usal ni Dexie sa kanila.Bagsak ang balikat nila sa sinabi nito at napakunot ang noo ni Venuz na napalingon sa kaniya."Ha? Eh, ano pala?" saad ni Venuz sa kaniya.Pumwesto si Dexie sa pinaka dulo ng silid at mayroon siyang pinindot na switch doon at bumakas ang pader doon at kahit nabibigatan sila sa gloves na kanilang suot ay lumapit pa rin sila sa lugar na iyon. Hindi nila maipagkaila ang pagkamangha sa kanilang mga mukha dahil mas may ilalawak pa pala ang silid.Mayroong mini-track and field sa loob nito na sapat lang para matakbuhan nilang lahat pa-ikot na hindi sila mahihilo."Kailangan niyo muna magsanay na tumakbo gamit ang glove na 'yan. Sa paraang ito matutunan ninyo makakilos ng mabilis kahit may mabigat na bagay na nakasuot sa inyo," paliwanag ni Dexie.Mabilis naman tumabi si Steve kay Romnic at kinapitan pa ito sa magkabila niyang bali
"And... time's up!"Sabay-sabay silang napaupo nang marinig kay Dexie na tapos na ang oras ng kanilang pagtakbo. Ang ina ay napahiga na rin sa pagod na kanilang nararamdaman. Halos pukpukin na rin ng iba ang kanilang mga hita dahil sa sakit ng kanilang binti."Pahid niyo ito diyan sa mga binti niyo."Isa-isang inabutan ni Dexie ng maliit na bote na may laman na pamahid para maibsan ang sakit na nararamdaman nila sa binti nila. Hindi naman sila nagdalawang isip na kunin iyon at ipahid na agad sa kanilang mga binti.Para itong ointment na humahagod ang lamig sa parteng laman na sumasakit sa kanilang mga binti. Dahil sa lamig na kanilang nararamdaman ay para na rin itong hinihilot at naiibsan na kahit papaano ang sakit."May extra ka pa ganito?" tanong ni Steve kay Dexie.Sinusuri pa ni Steve ang paligid ng bote pero wala siyang nakitang kahit anong impormasyon sa gamot na
"Hoy! Pangatlong araw na tayo ngayon sa page-ensayo, nasaan na ba sina James at Kurt?" usal ni Alex habang nagpapahinga. Kakatapos lang nila sa iba't-ibang klaseng page-ensayo at ngayon nila gagawin ang pagsanay sa tamang paraan ng paghagis ng mga karayom mula sa card. Ngayon ay nagpapahinga muna sila. "May idea ka ba, Venuz?" Biglang napatingin si Venuz kay Alex habang ito ay s********p ng kaniyang iniinom na juice. Para itong inosenteng bata kaya't bago pa siya makasagot ay tumawa na sa kaniya si Alex. Nagtatakang napakunot ng noo si Venuz kay Alex. "Luh? Nabaliw ka na?" usal ni Venuz at nagsitawanan na rin ang iba pa. Kahit si Steve ay halos hindi na makahinga sa kakatawa. "Cute mo." Natigil ang lahat sa sinabi ni Steve. Nagtataka naman si Steve dahil biglang huminto ang mga tawa ng kaniyang mga kasama at nakatingin na lahat sa kaniya, magising si Venuz ay nanlalaki ang mata at para bang pinamu
"And, there! We're done." Nagpapalakpak na usal ni Dexie sa kanila matapos na matagumpay nilang nagawa ng mas maayos at tama ang pagbato ng mga karayom.Akmang tatanggalin na nila ang kanilang mga gloves ng mabilis silang pinigilan ni Dexie. Matalim silang tinignan nito at saka biglang ngumiti."Bakit?" Nakataas ang kilay ni Venuz na napatanong kay Dexie."Sino may sabi sa inyong tanggalin niyo iyan?""Luh, anong ibig mong sabihin?" singit namang sambit ni Trixie."Hindi niyo pa maaaring tanggalin ang bagay na iyan. Tatanggalin niyo lang iyan pagkatapos ng party."
Angelica's POV"Kumusta pinapagawa ko? May progress na ba?" usal ko sa taong nasa harapan ko ngayon."Well..."Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa nitong pag-upo sa sofa ng aking opisina sa bahay. Parang masyado niyang na-feel at home dito, tinanggal pa nito ang sapatos niya at inangat pa nito sa sofa. Inunat pa ng hayop ang kaniyang binti sa sofa, aba!Kinuha ko ang ballpen na nasa harapan ko at pinindot ang dulo no'n, at agarang binato sa kaniya. Agad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan habang hawak-hawak ang gitnang bahagi niya. Sayang!"Gag* ka, Angelica! Huwag naman ito," sigaw nito sa akin pero nginisian ko lang siya.Hindi ko naman talaga balak patamaan doon, tumarak lang naman iyong ballpen na may patalim sa kabilang dulo nito sa sandalan ng sofa kung saan katapat nito ang gitnang bahagi niya. Gusto kong matawa sa hitsura niya."So, ano na nga?" muli kong sambit sa kaniya.
"Dr. Waltz," agaw kong pansing tawag sa kaniya.Tila nagulat naman ito sa pagtawag ko sa kaniya at halos muntikan na niyang mabitawan ang kaniyang hawak-hawak. Hindi maipinta ang mukha nitong lumingon sa akin pero nginisian ko lang siya."Ano ba yan, Angelica! Sabi ko sa 'yo huwag mo na akong ginugulat. Paano kung nakakamatay na chemical ang hawak ko?" saad nito sa akin na parang inis na inis sa akin.Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya at napa-iling na lang ito sa akin. Hindi pa sa akin, e halos kalahati ng buhay ko kilala na niya ako. Haynako."Oo nga pala, may progreso na sa kaniya. Nakita kong naigalaw na niya ang kaniyang mga daliri." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.Akala ko ba
Third Person POV"Hoy! Bilisan niyo na riyan," sambit ni Venuz..Nauna silang umalis sa table at hinihintay na lang ang dalawang lalaki. Minamadali niya kasi ang mga ito na magbayad ng kanilang mga kinain sa isang sikat na restuarant sa lugar nila. Inaya kasi sila nila Steve at Romnic na kumain, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakakasama sina Kurt at James. Wala pa rin sila idea kung naasan ang dalawang ito."Ito na, kung magpamadali ka naman. Ikaw kaya magbayad ng mga kinain natin do'n?" Pang-aasar na usal ni Steve sa kaniya.Ngumiti ng alanganin si Venuz at saka nag-peace sign kay Steve. Natawa na lang ang iba pang mga babae, samantalang ang mga lalaki ay napa-iling na lang kay Steve. Lumakad na sila palabas ng restaurant at magalang naman silang pinagbuksan ng pinto ng doorman. Palihim naman itong nilagyan ni Romnic ng envelope na may laman na pera sa bulsa nito at nagpasalamat naman ang lalaki sa kaniya.
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag