Nanlilisik ang mata ni Venuz na nakatingin kay Kevin at nasisiyahan ako sa nakikita kong iyon. Tila gusto kong pumalakpak sa tuwa at tumawa nang tumawa sa nakikitang hitsura ni Kevin na ngayon ay namumugto ang mga mata na umiiling sa harap ni Venuz.
Kitang-kita naman ng mga mata ko ang selos sa mga mata ni Marie, napapangisi na lang ako sa tagpong nasa harapan ko ngayon."B... babe.""Huwag mo akong matawag na babe! Dahil nandidiri na ako sa tuwing naririnig ko ang tawag na 'yan!" Halos lumabas na ang litid sa leeg ni Venuz sa galit.Isang malakas na tunog nang sampal ang umalingawngaw sa aking tainga matapos ang gawin ni Venuz. Hindi ko na napigilan pa kaya't mahinang tawa ang kumawala sa aking bibig. Hindi makapaniwalang napatingin si Kevin sa ginawa ng aking matalik na kaibigan."Masyado ka kasing nagpauto sa mga bagay na sinasabi ko sa 'yo, e," usal ko kay Kevin habang pinaglalaruan ang kunai na hinugot ko sa ulo n"Sigurado ka ba sa nalaman mo, James?" usal ni Steve sa kaniya.Tumango siya rito bilang sagot, tila mawawasak ang lamesang bakal na nasa kanilang harapan dahil sa lakas ng pagbagsak ni Steve sa kamao niya rito. Si Romnic naman ay nakahawak sa kaniyang sintido habang si Kurt ay napapikit at malakas na sinuntok ang pader na kaniyang kinasasandalan."Paanong nangyari 'yon?! Sino may gawa no'n?!" nagtatagis ang ngipin ni Steve sa galit at hindi ito nakuntento sa kaniyang ginawa sa lamesa. Itinaob niya ito at binigyan pa ng sipa.Narito sila ngayon sa kanilang hideout na tinawag na rin nilang headquarters nila pagbalik sa madugong larong kinalagyan nila sa kamay ni Angelica."Calm down, hindi naman makakatulong iyang pagwawala mo," sambit ni Kurt na ngayon ay nakatitig sa l
Pagkatapos kong samahan si Venuz kumain ay hinatid ko na rin ito agad at dumiretso sa aking opisina muli. Binalik ko na rin ang ayos ko agad dahil kanina pa ako hindi mapakali, nang mabalik ko na ang peke kong bangs at nakapaglagay ng pekeng freckles ay pakiramdam ko guminhawa ang lagay ko.Tahimik lang akong nagmamasid sa screen ng aking monitor at unti-unting napangisi, pero sadyang may sisira talaga sa momentum ng kasiyahan ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag sa akin at sinagot na lang ang tawag."Hello, boss? Anong gagawin namin dito sa lalaking ito?" usal ng nasa kabilang linya."Igapos niyo na muna, at turuakan ng pampatulog. Papunta na ako," bagot kong sagot at inilagay ang telepono sa bulsa ng likod ng pantalon kong suot.Tuma
"Hah, sinasabi ko na nga ba, e." Hinili ko ang upuan at umupo sa tapat ng kompyuter.Pinagsalop ko ang dalawa kong kamay at saka ini-stretch ito bago simulan ang gagawin kong pagtitipa. Mukhang sinusubukan nilang pasukin ang site ng underground.Napangisi na lang ako sa aking nakita sa apat na monitor na nakaharap sa akin. Magaling, nagtagumpay silang nakapasok sa pinaka-ilaliman ng site. Nag-blackout ang lahat ng monitor na nakaharap sa akin."Nice," usal ko sa aking sarili at tumayo na.Sumakay na muli ako sa aking motor at nagmaneho na lang pauwi. Gusto ko na muna magpahinga, masyado ko ng na-miss ang kama ko sa bahay. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa amin. Dire-diretso lang ako sa kwarto at humiga."Ma'am, pinapagising po kayo ni Madam Margareth." Napa-unat ako dahil may tumatapik sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.Mukhang nakauwi na ulit si mama at sigurado naboryo na naman i
Matapos kong umalis kina Trixie ay nag-drive na ako papunta muli sa delikadong daan na 'yon. Pagkarating sa bungad ay tinanggal ko na ang helmet ko dahil ayokong maabala pa ang oras ko, masyado kasing mga agresibo ang mga tao rito kaya't kahit sinong pumasok dito na hindi nila kilala ay bigla na lang may tatamang palaso sa'yo mula sa langit.So, I need to save my precious time. Habang dumadaan ako ay nagsisigiliran ang mga tao habang padaan ako, dapat lang naman iyon."Ngayon ko lang nakita si boss dito.""Na-aastigan pa rin ako kay boss hanggang ngayon."Mga komento ng mga taong nasa gilid na dinaraanan ko, hindi ko na lang din iyon pinansin dahil sanay na ako sa mga iba't-ibang komento at paghanga ng mga ito sa akin.Pagkarating ko sa tindahan ay sumalubong ulit sa akin iyong tindero, and this time nakalabas na ito sa tindahan niya at yumuko sa akin. Tumango lang ako rito at sinundan siya muli papasok sa loob.
"May idea ka ba kung bakit ako ipapasok sa isang organisasyon?" tanong ni James kay Venuz.Nasa field sila ngayon at dalawa lang silang magkasama. Maaga silang pumasok at nagpasyang pumunta muna sa field para magpahangin dahil masyado silang napa-aga sa oras ng klase."Wala, alam mo naman ang kaibigan kong iyon. Masyadong malihim, kung hindi ko pa sinundan kahapon edi tapos ka na sana ngayon," nang-aasar na sagot ni Venuz sa kaniya at tumawa pa ito."Salamat nga pala, paano mo pala nalaman na ako ang hawak niya?""Iyon ba? Sinabi niya sa akin. Hindi naman ako nangingialam sa gusto no'n pero syempre, nakakaawa ka naman kung mamamatay ka lang dahil sa bayad.""Sira ulo. Siya nga pala, pumunta ka na ba sa puntod ni Kevin? Nalaman ko lang pag-uwi natin na nilibing na pala siya."Saglitang natawa si Venuz at nilukot ang balat ng candy na kaniyang binalatan para kainin. Natahimik din siya agad at napayuko, sa ka
Kasabay nang pagsara ng pintuan ay siya namang pagsandal ni Dexie sa kaniyang kinauupuan at napapikit siya."Okay. Calm down, Dexie." Mahinang usal ni Dexie sa kaniyang sarili habang pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili. Panay inhale and exhale ang ginagawa niya para bumalik ang tamang paghinga niya.Nang maramdaman niyang bumalik na ang kaniyang normal na paghinga ay tumayo na siya at pumunta sa kaninang kinaupuan ni Angelica at pinagmasdan ang kahon na nasa kaniyang harapan. May pag-aalinlangan niya itong kinuha at pinagmasdan ang bawat paikot nito. Ang kaninang button na pinindot ni Angelica ay pinagmamasdan niyang maigi at kahit may pag-aalinlangan sa kaniyang isip ay pinindot niya na ito. Napa-igtag pa siya nang lumabas ang mga karayom sa card, tinignan niya muna ito bago tuluyang kinuha. Hindi naman siya nahirapang hawakan ito dahil meron pa rin itong espasyo na walang mga karayon at doon maaaring iipit sa paligid ng dalawa niyang daliri.
Naging tahimik ang byahe ng ilang oras pero nangangati na ang bibig ni Alex na magtanong at gusto na nitong magtanong kay Dexie. Hindi na rin kasi siya mapakali sa kaniyang upo."San mo ba talaga kami dadalhin, Dexie?" iritableng sambit ni Alex.Huminto ang sasakyan at lumingon sa gawi nila si Dexie, malawak pa itong ngumiti sa kanila."Masyado naman kayong mainipin, nandito na tayo."Naunang bumaba si Dexie sa sasakyan kaya't mabilis ding binuksan ng iba ang sasakyan at bumaba. Doon lang kasi nila napagmasdan ang lugar kung nasaan sila ngayon dahil ang bintana ng Van ay may itim na harang sa mga salamin kaya't wala silang makita sa labas.Halos manakit ang kanilang sikmur
"Seryoso? Ganito talaga kabigat ang bagay na 'to?" Bakas sa mukha ni Steve ang pagkagulat."Oo. Sa tingin mo ba biro lang 'yan? Duh!" Maarteng usal ni Dexie sa kaniya.Pumwesto si Dexie sa gitnang gilid ng lamesa at may pinindot siya sa ilalim niito. Napaatras naman ang lahat dahil bigla na lamang naging transaparent ang lamesang kanina lang ay kahoy. May bigla na lamang lumitaw na isang imahe sa hangin at halos manlaki sila sa imaheng lumabas mula sa hologram."Teka... Ibigsabihin utos niya sa 'yo ito?""Oo. Gaya ng sabi ni Venuz kanina, na siya rin may gawa ng lason at sandata sa kahon na ito. Siya rin syempre ang tutulong para hindi tayo mapahamak sa mga karayom na ito," paliwanag ni Dexie sa lahat.Napatingin sila kay Angelica na tanging nakaupo at nakangisi sa kanila. Sinubukang ilagay ni Venuz ang gitnang daliri niya sa hologram pero nag-glitch lang ito saglit at bumalik din sa ayos agad.
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag