Nagising si Alex dahil sa gutom at napagdesisyunan niyang kumuha na muna ng pagkain sa kanilang kusina. Pero, inis niyang isinara ang refrigerator dahil wala siyang nakita na kahit anong pagkain doon.
"Ate Luz!" sigaw niya mula sa kusina.Agad naman lumitaw sa kaniyang likuran si Luz na naghihikab at nagtatakang napatingin sa kaniya. Inis na nilingon ito ni Alex at pinagkrus ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib."Ate Luz, bakit naman walang pagkain dito?""Ah...eh, sorry po. Pero kasi, bukas pa po kasi kami ng umaga mamimili ulit. Hating gabi na po, bakit gising pa po kayo?""Aish!" Umalis siyang naiinis at hindi na pinansin ang tanong nito."Ano bang klase bahay ito? Ang laki-laki pero wala man lang makain. Peste!" Padabog siyang umakyat ulit sa kaniyang kwarto.Kumuha siya ng jacket sa kaniyang walk-in closet, naisipan niyang lumabas para humanap ng makakain. Paalis na siya nang mapansin niya angMasayang umuwi si Alex dahil ang mga katanungan niya sa kaniyang sarili ay nasagot na rin. Hinatid siya ni Angelica sa kanila dahil ang sasakyan niya ay pinapa-ayos nito dahil sa nangyari. Hindi maipinta ang ngiti ni Alex sa kaniyang mga naalala. Pinakain din muna siya ni Angelica bago siya nito ihatid. Masaya siya dahil nakakwentuhan niya pa si Angelica kahit noong matapos itong magkwento ay maikli na lamang ito kung magsalita, hindi naman siya nainis dahil noon pa man bago niya pa lang ito makilala ay hindi talaga ito pala-salita. Klaro na rin lahat ng alaala sa kaniya. Kahit ang aksidenteng nangyari ay naalala na rin niya. "Hindi ako mapaniwalang dahil sa naghahabulan na mga sasakyan na iyon, ay madadamay kami. Ilang taon din akong nagtiis na malaman ang bagay na bigla na lang lumalabas sa alaala ko." Hindi makapaniwalang bulalas ni Alex sa kaniyang sarili. "Ma'am, nakauwi na po pala kayo. Nandiyan na po ang mommy niyo po." Nakakunot
Angelica's POV"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" usal ko sa kausap ko sa kabilang linya.Naka-upo lang ako rito sa aking office matapos ang pag-uusap namin ni Alex kanina lang. Tapos ito, may kausap ako ngayon sa telepono, siguradong matutuwa ako sa gagawin ko ngayon. Easy money!"Oo. Ilang araw ko rin pinag-isipan ang bagay na ito, pero puro galit lang ang nananaig sa akin kada makikita ko siya." Ramdam ko ang gigil nito kahit sa telepono pa lang kaya napa-ngisi ako kahit hindi nito nakikita."Okay. You said so.""Teka, kailan mo ba balak gawin ang inuutos ko?"Saglit akong napa-isip, masyado pa akong nag-eenjoy sa taong iyon. Pero siguro mas mag-eenjoy siguro ako
Pinagmasdan ko ang apat na na ginapos ko sa kaniya-kaniya nila mga upuan. Siniguro kong hindi sila basta-basta makakawala sa taling ginawa ko at hindi rin nila ito basta-basta mapuputol kung sakali mang mayroon man silang nakatagong matulis na bagay.Ang tatagal gumising ng apat, masyado ng nasarapan matulog. Kumuha ako ng timba at nilagyan ko ito ng mga ice tube na binili ko bago kami makarating dito sa pinagdalhan ko sa kanila. Walang taong dumaraan sa lugar na ito, at syempre pagmamay-ari ko rin ito.ibinuhos ko sa apat ang tubig na may yelo para magising na sila dahil naiinip na ako kakahintay sa kanila. Hindi naman ako nagkamali dahil nagising din naman sila agad at lamig na lamig sa kanilang naramdaman. Dapat lang!"Ang la
Nanlilisik ang mata ni Venuz na nakatingin kay Kevin at nasisiyahan ako sa nakikita kong iyon. Tila gusto kong pumalakpak sa tuwa at tumawa nang tumawa sa nakikitang hitsura ni Kevin na ngayon ay namumugto ang mga mata na umiiling sa harap ni Venuz.Kitang-kita naman ng mga mata ko ang selos sa mga mata ni Marie, napapangisi na lang ako sa tagpong nasa harapan ko ngayon."B... babe.""Huwag mo akong matawag na babe! Dahil nandidiri na ako sa tuwing naririnig ko ang tawag na 'yan!" Halos lumabas na ang litid sa leeg ni Venuz sa galit.Isang malakas na tunog nang sampal ang umalingawngaw sa aking tainga matapos ang gawin ni Venuz. Hindi ko na napigilan pa kaya't mahinang tawa ang kumawala sa aking bibig. Hindi makapaniwalang napatingin si Kevin sa ginawa ng aking matalik na kaibigan."Masyado ka kasing nagpauto sa mga bagay na sinasabi ko sa 'yo, e," usal ko kay Kevin habang pinaglalaruan ang kunai na hinugot ko sa ulo n
"Sigurado ka ba sa nalaman mo, James?" usal ni Steve sa kaniya.Tumango siya rito bilang sagot, tila mawawasak ang lamesang bakal na nasa kanilang harapan dahil sa lakas ng pagbagsak ni Steve sa kamao niya rito. Si Romnic naman ay nakahawak sa kaniyang sintido habang si Kurt ay napapikit at malakas na sinuntok ang pader na kaniyang kinasasandalan."Paanong nangyari 'yon?! Sino may gawa no'n?!" nagtatagis ang ngipin ni Steve sa galit at hindi ito nakuntento sa kaniyang ginawa sa lamesa. Itinaob niya ito at binigyan pa ng sipa.Narito sila ngayon sa kanilang hideout na tinawag na rin nilang headquarters nila pagbalik sa madugong larong kinalagyan nila sa kamay ni Angelica."Calm down, hindi naman makakatulong iyang pagwawala mo," sambit ni Kurt na ngayon ay nakatitig sa l
Pagkatapos kong samahan si Venuz kumain ay hinatid ko na rin ito agad at dumiretso sa aking opisina muli. Binalik ko na rin ang ayos ko agad dahil kanina pa ako hindi mapakali, nang mabalik ko na ang peke kong bangs at nakapaglagay ng pekeng freckles ay pakiramdam ko guminhawa ang lagay ko.Tahimik lang akong nagmamasid sa screen ng aking monitor at unti-unting napangisi, pero sadyang may sisira talaga sa momentum ng kasiyahan ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag sa akin at sinagot na lang ang tawag."Hello, boss? Anong gagawin namin dito sa lalaking ito?" usal ng nasa kabilang linya."Igapos niyo na muna, at turuakan ng pampatulog. Papunta na ako," bagot kong sagot at inilagay ang telepono sa bulsa ng likod ng pantalon kong suot.Tuma
"Hah, sinasabi ko na nga ba, e." Hinili ko ang upuan at umupo sa tapat ng kompyuter.Pinagsalop ko ang dalawa kong kamay at saka ini-stretch ito bago simulan ang gagawin kong pagtitipa. Mukhang sinusubukan nilang pasukin ang site ng underground.Napangisi na lang ako sa aking nakita sa apat na monitor na nakaharap sa akin. Magaling, nagtagumpay silang nakapasok sa pinaka-ilaliman ng site. Nag-blackout ang lahat ng monitor na nakaharap sa akin."Nice," usal ko sa aking sarili at tumayo na.Sumakay na muli ako sa aking motor at nagmaneho na lang pauwi. Gusto ko na muna magpahinga, masyado ko ng na-miss ang kama ko sa bahay. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa amin. Dire-diretso lang ako sa kwarto at humiga."Ma'am, pinapagising po kayo ni Madam Margareth." Napa-unat ako dahil may tumatapik sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.Mukhang nakauwi na ulit si mama at sigurado naboryo na naman i
Matapos kong umalis kina Trixie ay nag-drive na ako papunta muli sa delikadong daan na 'yon. Pagkarating sa bungad ay tinanggal ko na ang helmet ko dahil ayokong maabala pa ang oras ko, masyado kasing mga agresibo ang mga tao rito kaya't kahit sinong pumasok dito na hindi nila kilala ay bigla na lang may tatamang palaso sa'yo mula sa langit.So, I need to save my precious time. Habang dumadaan ako ay nagsisigiliran ang mga tao habang padaan ako, dapat lang naman iyon."Ngayon ko lang nakita si boss dito.""Na-aastigan pa rin ako kay boss hanggang ngayon."Mga komento ng mga taong nasa gilid na dinaraanan ko, hindi ko na lang din iyon pinansin dahil sanay na ako sa mga iba't-ibang komento at paghanga ng mga ito sa akin.Pagkarating ko sa tindahan ay sumalubong ulit sa akin iyong tindero, and this time nakalabas na ito sa tindahan niya at yumuko sa akin. Tumango lang ako rito at sinundan siya muli papasok sa loob.
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag