-White Penthouse-
Grey’s POV
Napapikit ako nang mariin dahil sa sakit na nararamdaman ko. Masakit lahat sa’kin, ang katawan, isip at puso. Hindi pa nga ako makapaniwala na nangyayari sa’kin— sa amin ang lahat ng ‘to. Hindi ko akalain na magiging ganito kasakit ang kahahantungan nang pagkawala niya. Ang simpleng pag-alis nga namin noon ay masakit na sa loob ko dahil sa pagka-miss sa kanya pero ngayon tadhana na ba ang magdidikta para mawalay siya sa’min? Ang sakit isipin na wala na siya rito sa puder namin, nasanay na kasi ako na kasa-kasama siya sa bawat kasiyahan na nangyayari sa’kin. Hindi. Mali, siya pala ang dahilan ng bawat kasiyahan na nangyayari sa’kin pero ngayon wala na ang kasiyahan na ‘yon.
Wala akong kuwenta, t
Dominic’s POVAla singko pa lang ng umaga nang maalimpungatan ako. Bumungad sa aking silid ang napakadilim na paligid. Bumangon naman ako para hawiin ang kurtina upang pumasok mayamaya ang liwanag ng araw. Nag-inat pa ako ng konti saka naisipang lumabas ng kuwarto.Nadaanan ko ang kuwarto ni Aly at naisipan kong tingnan ang kalagayan nito na nasisiguro kong tulog pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito pa rin ang prinsesa namin matapos ang nangyari sa kanya. Sa lumipas na tatlong araw ay sobrang bantay sarado kami sa kanya dahil papayag lang daw si King at iba pang Royalties na mapanatili rito si Aly kapag mas napatibay namin ang segurdidad nito. At katulad nga nang inaasahan… tulog pa si Aly at katabi nito sa kama ang tatlong royalties dog. Nasa kanang bahagi niya si Winter, nasa kaliwa nito si Sun at si Dark naman ay na
Sean’s POV“Aww! Aww!”“Grrrrrr!”“Roar!”Napalunok ako nang mariin habang nakatapat ang hawak kong water hose sa tatlong Royalties dog. Ako kasi naatasan ngayon na magpaligo sa kanila every Saturday. Pagdating ng Monday at Wednesday ang nakatoka ay si Dominic, sa Tuesday at Thursday ang kambal at ang Friday ay si Damon. Sa Sunday naman ang nakatoka kay Yana dahil yun ang free time niya after ng academics.Tatlong buwan na rin pala ang naka
Sean's POVPagkalapit ko sa kahon ay kinuha ko agad ‘to kahit pa na tinatahulan ako ng tatlong aso. Agad akong tumungo papunta sa mini library upang doon buksan kung ano ang nilalaman ng kahon. Naabutan ko na naroon si Damon na nagbabasa lang. Nang makita niya ako ay agad niyang sinara ang librong binabasa at kunot-noo niyang tiningnan ang hawak ko.“What the hell is that?” ipinatong ko ang kahon sa lamesang kaharap niya at iginaya sa kanya na siya ang magbukas ng kahon.Napaupo ako sa upuang kaharap niya at hinihintay sa pagbukas niya ng kahon. Tangina naman ni Damon, ang tagal buksan ng kahon dapat pala hindi na ako dum
Sean’s POV“Hay, nako! Yanababes. No foods allowed kapag oras ng klase,” napanguso naman si Yana ng sermonan ko siya.“Eh… Kasi Dway—“SIR!”“Waaah! O-opo Si-sir…” napatampal ako sa noo ko nang mapagtanto kong iba na pala ang tono ng pananalita ko kay Yana. Pero natural lang ‘to diba? ‘Yong mga teachers nga namin noon sa gradeschool ay pinapalo pa kami sa puwet pero s’yempre, hindi ko gagawin ‘yon kay Yana lintik na at baka iba mapalo ko, tsk.“Si-sir?”Pero kinakabahan pa rin ako sa mga hindi inaasahang pangyayari at baka matulu
Third Person’s POV“Dominic. I’m done, your turn.” Si Sean at sabay nilipag ang mga librong dala niya sa lamesita na pinagpapatungan ng paa ni Dominic. Tinigil naman ni Dominic ang pag-bo-browse ng phone niya at tiningnan si Sean na kakaupo lang na katapat niya.“Dude, may lakad kami nila Damon at Red ngayon. Kaya si Grey daw muna ang magtuturo ngayong araw. Filipino subject muna raw at bukas na ako magtuturo sa Science,” napatango naman si Sean at hindi na umimik pa. Nakapikit ito at dinantay ang ulo sa headboard ng couch. Malalim ang iniisip sa mga tanong ni Yana patungkol sa pagmamahal ni Yana na nais ng katulad sa binasa niya rito.“Yow!” napatingin sila sa bagong datin
-Sembrano’s Palace-Red’s POVKatahimikan…Wala sino man ang nagtatangkang maunang magsalita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung bakit nagpatawag ng meeting ang buong Blood Organization. As in, LAHAT ng magagaling na assassins, reapers at mga piling gang na kasapi ng Blood Organizations ay narito. Pati na mga taga-ibang bansa na may konekta sa Mafia namin at mga batikang mga pinuno ng iba’t-ibang Mafia na nakipagsundo kay King Arthur na ngayon ay narito.Inilibot ko ang paningin ko para pagmasdan ang buong silid. Malaki ang silid na ito na aming pinagpupulungan. Dito kami sa Bloody North nagpupulong na kung saan ay pinapangyarihan ng Blood Games kapag patapos na ang Bloody Training ng isang
-Sembrano’s Palace-Dominic’s POVNakapokus lamang kami kay King Arthur na nagsasalin ng alak at ngayon ay tumayo papuntang terrace ng floor na ito. Nagpapakiramdaman lamang kami.“Demitri… they are looking for Alyana…” pagsisimula ni King Arthur. Pabalik na siya sa kinauupuan nito kanina na nasa ulunang bahagi ng pabilog na lamesa.“King, papaanong hinahanap nila si Yana? Para saan pa?” si Red saka sinimsim ang alak na bigay sa kanya ni Knoxx. Napasimsim din ako ng alak dahil sa narinig. Nakapagtatakang pinaghahanap na nila ngayon si Aly. It’s been eight months nang mapunta sa amin si Aly.“I still don&rs
-White Penthouse-Red’s POV‘Yong feeling na gusto mong hawakan ang kamay ng babaeng mahal mo pero hindi mo magawa? ‘Yong feeling na gusto mong yakapin siya nang mahigpit pero hindi mo magawa? At, ‘yong feeling na gusto mong bumanat para pakiligin siya hindi mo man lang magawa? Aba matinde! Hindi ko magawa ang lahat ng ‘yan kay Yanababes kung palaging nakaantabay ang nagbabadiyang mata ng KUYA niya! Yeah… kuya niya… kapatid pala ni Damon si Yana. Pero ang ipinagtataka ko lang? Bakit hindi sinto-sinto si Damon? Ahem! Hindi ko iniinsulto ang Yanababes ko ha-ha-ha siguro naman alam niyo ang ibig kong sabihin diba? ‘Yon bang ah… basta! Katulad ng ugali ni Yanababes.Napatingin ulit ako kay Yana na katabi ni Damon. Nakayakap si Yana sa kataw
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang