Arthyrn’s POVMatapos ang screening naming mga initiates ay pumunta kaming apat sa mess hall. Ako, si Aldrin, Teris at Grey. Kahit na malalim na ang gabi ay kailangan naming maging gising sa ano mang anunsyo ng mga nakakataas. Hihintayin din namin ang mangyayari sa kanilang screening bago kami sumalang sa pagpapatuloy sa naudlot na smell blood intruder. Ang ilan namang initiates ay may kautusan nang makapagpahinga. Habang naghihintay ako rito sa mess hall at mayroong isang green tea sa aking harapan ay hindi ako mapakali sa mga nakita ko kanina sa memorya ko. Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na gumagawa sila ng hakbang para patayin ako ng paonti-onti. Katulong pala nila ang Ice Breakers sa mga planong iyon at kumpletong hanay ng royalties. Napapansin kong papalapit sa akin si Aldrin ngunit hindi ko siya tinapunan ng diretsong tingin. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na umupo siya malapit sa puwesto ko, nakatitig sa akin. Napalunok ako sa klase ng titig niya. Hindi ko alam. Paran
Third Person’s POVNapahinto si Aldrin sa narinig niya kay Arthyrn. Tinawag kasi siya nito sa orihinal niyang pagkakakilanlan bilang Zylan.Maging si Arthyrn ay napabalik sa huwesiyo sa tinawag niya kay Aldrin. Bakit naman niya tinawag si Aldrin na Zylan eh iba ang pagkatao ng dalawa? Ang Zylan na tinutukoy niya ay ang lider ng Ice Breakers na si Damon. At itong nasa harapan niya ay iba ang pagkakakilanlan. Pero bakit sa tuwing magkakaroon siya ng alaala patungkol kay Zylan ay si Aldrin ang nakikita niya? Kapag may aksyon si Aldrin na ginagawa sa kanya ay si Zylan ang binubuka ng bibig niya? Napapilig ng ulo si Arthyrn saka napatikhim. Nakatitig lang din sa kanya si Aldrin na tila hinihintay ang iba pa niyang sasabihin ngunit hindi na niya ito dinugtungan pa. Nauna na siyang maglakad patungo sa unahang bahagi ng mga upuan malapit sa stadium. Pinagmasdan naman silang apat ng lahat ng royalties na abot tanaw sila mula sa itaas na bahagi ng stadium na manunuod sa gaganaping smell blood in
Third Person’s POV Umabot ng isang oras ang delusional test ni Teris sa smell blood intruder. Sunod namang umabante sa test na ito ay si Aldrin. Napabuntong hininga pa ito bago tumayo sa kinauupuan. Sa hanay naman ng mga royalties, magkakatabi sina Prince Ken, Prince Timothy, Prince Raymond, Prince Marvin at Prince Justine. Kahit na napapagitnaan nina Prince Raymond at Prince Justine si Prince Marvin ay hindi nila maiwasang hindi magtanong lalo na’t na saan ang nagpapanggap na dating Prince Marvin. Inaasahan naman ito ni Prince Marvin na kokomprontahin siya ng dalawang ito sa palihim na paraan. Napangisi pa siya na tila nang-aasar na mas ikinainis ni Prince Justine. “No comment? Pfft” tanging tugon niya sa dalawang nagpapanggap na prinsipe. Napakuyom naman ng kamao si Prince Raymond at aambahan pa sana niya ng suntok si Prince Marvin nang tumikhim sa tabi nila si Prince Timothy. “May problema ba, Prince Raymond?” tanong pa nito saka tiningnan ang tatlong prinsipe. Umayos naman ng u
Third Person’s POV Matapos si Teris sa kanyang delusional test at matagumpay itong nairaos ay umalis na siya sa silid na iyon. Hindi na niya pinanuod pa ang mga natitirang sina Grey, Aldrin at Arthyrn na matapos din dito dahil ang mahalaga ngayon sa kanya ay malaman ang kung anong nais sabihin sa kanila ni Sync na may koneksyon sa kanilang pagkatao. Mabilis namang nakapunta si Teris sa kanilang dormitoryo dahil sa abilidad niyang fast motion. Hindi naman nagulat sina Sync at Devon na mga halatang naghihintay sa kanya. Tumikhim pa si Kiefer para kuhanin ang atensyon ng lahat para sa gagawin nilang diskusyon. “Nandito na si Teris, kumpleto na tayo, ano ang mahalaga mong sasabihin, Sync?” si Devon saka mariing nakatutok kay Sync na ngayon ay napahawak sa labi dahil sa malalim na pag iisip. Nasa isip pa rin kasi niya ang nakita niyang alaalang ibinalik sa kanya ng disk. Medyo sumasakit pa nga ang kanyang ulo. “Sync?” “Yes, sorry. Okay… “ umayos naman silang lahat ng upo at nakatuon pa
Arthyrn’s POVNatapos na si Aldrin sa kanyang test. Ibig sabihin lang nito ay ako naman ang susunod. Base sa naobserbahan ko sa kanyang mukha ay mukhang nahirapan siya sa kung ano mang napagdaanan niya sa delusional test. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o ano pero nakitaan ko siya ng kalungkutan sa kanyang mata nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi ko naman na hinintay pang tawagin ang pangalan ko bago pumunta sa stadium dahil tumayo na agad ako. Makakasalubong ko si Aldrin sa mga sandaling ito dahil mukhang balak niya pang manuod hanggang dulo ng smell blood intruder. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napahinto ako. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan lalo pa’t inilapit niya ang bibig sa bandang tainga ko. Napapikit pa ako dahil nadama ko ang init ng kanyang paghinga kaya’t medyo nagsitaasan ang balahibo sa batok ko. “Good luck, princess. Just to remind you, don’t just believe in your thoughts... Trust your i
Arthyrn’s POVNapabuntong hininga ako. Parang mayroong bumabara sa lalamunan ko pagkatapos ko sa smell blood intruder. Parang may kung anong gustong lumabas. Parang may nais akong isigaw ng malakas. May nararamdaman akong poot at galit sa aking dibdib lalo na’t sa tuwing tumatama ang tingin ko sa dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko, ang Daddy at Kuya ko, na mga ninanais na patayin ako at linlangin ako sa kalagayan ko. Naupo na ako sa kanina ko kinapupuwestuhan katabi ni Aldrin. HIndi ko sinalubong ang tingin niya at tuloy lang ako sa pag upo habang nakatuon ang mata sa stadium. Si Grey na ang susunod na magdedelusional test, isa sa mga Ice Breakers. Isa sa mga nais akong patayin din. Alam kong nakatingin sa akin si Aldrin dahil nararamdaman ko ang mga mata niya na nakapokus sa akin, hinuhuli niya ang tingin ko. “Can I trust you, Aldrin?” wika ko sa kanya saka hinarap na siya. Nakita ko naman na tila nahinto siya sa sinabi ko sa kanya. Kalaunan ay tumango rin. “Yes, you can” HIn
Third Person's POVPAGKALABAS ni Arthyrn sa silid ng smell blood intruder ay naalarma ang lahat dahil biglang nagdilim ang buong Sembrano's Palace. Gusto mang sundan ni Aldrin si Arthyrn ay nahinto siya dahil wala na siyang makita sa kadiliman. Ang tanging naging ilaw ay ang mga phone ng royalties. Nagtaka pa sila dahil wala na sa hanay ng kanilang kinauupuan sina Prince Justine at Prince Raymond. Biglang kinutuban ng masama si King Arthur ganun din si Emperor kung kaya't pinakalat nila sa buong blood armies na hanapin si Arthyrn. Sina Prince Ken at Prince Timothy naman ay nagtungo sa access room na bloody access. Dahil iyon lamang ang walang pangyayaring pagbablackout. Sina Prince Marvin at Prince Patrick naman ay pumunta sa mga initiates na ngayon naman ay nagsisilabasan sa kanilang mga dormitoryo. Si Prince Nathan naman ay tumungo sa human innovation laboratory na kung saan naroon ang Da Silva Brothers at ang totoong Prince Justine. Naging alerto naman sina Sync dahil sa biglaang
Third Person's POV -An hour before Agustin's Death- Matapos magawa ni Damon ang pinag utos sa kanya nina Prince Justine at ng lider ng Dark Organization at matapos sa sariling screening ay umalis na rin siya sa silid. Tinitigan pa siya ni Aldrin na papaalis sa silid bago mailagay sa isolation room. Malakas ang pakiramdam ni Aldrin na may kinalaman ang Dark Organization sa nangyaring screening ng kanyang ama. Dahil lumabas lamang na pulang result ay tanging siya lang sa kanilang batch na dapat ay parehas dito. Sinundan naman ni Prince Justine si Damon ng palihim. Dito ay nakita niya kung saan ito pumunta at napag-alaman niyang papunta ito sa dormitoryo ng Ice Breakers. Patuloy niya naman itong sinundan at hindi nito naisara gaano ang silid kung kaya’t may puwang sa pintuan na kung saan ay nakikita niya si Damon na kausap sina Sean, Dominic at Grey. “You need to be ready any moment right now. The war is coming. Alam kong babaliktarin ako, kayo na bahala sa anak kong si Zylan. Mailig