Third Person's POVPAGKALABAS ni Arthyrn sa silid ng smell blood intruder ay naalarma ang lahat dahil biglang nagdilim ang buong Sembrano's Palace. Gusto mang sundan ni Aldrin si Arthyrn ay nahinto siya dahil wala na siyang makita sa kadiliman. Ang tanging naging ilaw ay ang mga phone ng royalties. Nagtaka pa sila dahil wala na sa hanay ng kanilang kinauupuan sina Prince Justine at Prince Raymond. Biglang kinutuban ng masama si King Arthur ganun din si Emperor kung kaya't pinakalat nila sa buong blood armies na hanapin si Arthyrn. Sina Prince Ken at Prince Timothy naman ay nagtungo sa access room na bloody access. Dahil iyon lamang ang walang pangyayaring pagbablackout. Sina Prince Marvin at Prince Patrick naman ay pumunta sa mga initiates na ngayon naman ay nagsisilabasan sa kanilang mga dormitoryo. Si Prince Nathan naman ay tumungo sa human innovation laboratory na kung saan naroon ang Da Silva Brothers at ang totoong Prince Justine. Naging alerto naman sina Sync dahil sa biglaang
Third Person's POV -An hour before Agustin's Death- Matapos magawa ni Damon ang pinag utos sa kanya nina Prince Justine at ng lider ng Dark Organization at matapos sa sariling screening ay umalis na rin siya sa silid. Tinitigan pa siya ni Aldrin na papaalis sa silid bago mailagay sa isolation room. Malakas ang pakiramdam ni Aldrin na may kinalaman ang Dark Organization sa nangyaring screening ng kanyang ama. Dahil lumabas lamang na pulang result ay tanging siya lang sa kanilang batch na dapat ay parehas dito. Sinundan naman ni Prince Justine si Damon ng palihim. Dito ay nakita niya kung saan ito pumunta at napag-alaman niyang papunta ito sa dormitoryo ng Ice Breakers. Patuloy niya naman itong sinundan at hindi nito naisara gaano ang silid kung kaya’t may puwang sa pintuan na kung saan ay nakikita niya si Damon na kausap sina Sean, Dominic at Grey. “You need to be ready any moment right now. The war is coming. Alam kong babaliktarin ako, kayo na bahala sa anak kong si Zylan. Mailig
Third Person's POVMabilis ang bawat palitan ng atake nina Emperor at King Arthur laban sa mga cyborg na kaharap nila. Hindi maitatanggi na talagang sila ang may hawak ng kanilang titulo. Si Emperor na kilala sa pagiging brutal na pagpatay ay halos panggigilan niya ang klase ng paghampas ng kanyang espada sa cyborg na pumupuntirya sa kanya. Muntikan pa siyang mahiwa sa kanyang baywang kung hindi lang siya tumalon paitaas at maisaksak ang espada niya sa ulo ng cyborg. Ang pagsaksak sa ulo ng cyborg ay ipinadausdos niya paibaba sa metal na katawan nito na naging dahilan para mahati sa dalawa ang katawan ng cyborg. Si King Arthur naman ay tanging metal na kamay ang sandata. Mabilis ang kanyang kilos sa pag iwas mula sa kaliwa at kanan na umaatakeng cyborg sa kanya. Ngunit tila ginagaya siya ng cyborg sa kanyang atakeng pag iwas kung kaya't huminto siya sandali saka tumakbong papapalapit sa cyborg. Umilaw naman ang mata ng cyborg na tila muling binabasa ang kilos ni King Arthur ngunit hi
Third Person's PovAng mga nasa kabilang pader ng palasyo na kung saan ay pinagtitirhan ng mga pamilya ng blood armies ay nawalan din ng koneksyon sa kuryente. Ito ang unang pagkakataon na nawalan ng ilaw sa kanilang kinalulugaran. Nagtataka man ay hindi sila nataranta o nagtanong pa. Ngunit ang pader na humaharang sa palasyo ay hindi nakasara. Bukas ito na puwedeng pasukan ng kahit na sino. Ang mga bata ay kahit na nababalutan ng dilim ang paligid ay tila tuwang tuwa dahil sa mga ilaw na hawak nila sa kamay. Isa itong ballpen na iwinawagayway at may ilaw sa ibabaw nito. Nagsitinginan naman ang mga bata sa tatlong blood armies na paparating sa kanilang gawi. Nakikita nila ang mga ito dahil tinatapat nila ang ilaw sa mga ito. Doon ay nakita nila na pamilyar ang mga blood armies na paparating. "Si Papa! Papa ko!" Ani ng isang bata at papalapit sa kanyang ama na ngayon ay nagkakasa na ng hawak na rifle. Tila tulala ito at hindi nakitaan ng kahit anong reaksyon nang tawagin ng anak. Yum
Third Person's POV Habang busy sa kakanood ang lider ng blood organization sa monitor kasama si Arthyrn, hindi nila alam na mayroong nakapasok ng palihim sa kanilang hideout. Si Aldrin. Naka all black outfit siya at mabilis ang bawat kilos niya para makapagtago sa mga bagay na malapit sa kanya. Pinakatitigan ni Aldrin ang dapat niyang makuha sa mga oras na ito. Ang kakambal na microchip na nasa loob ni Arthyrn na ngayon ay nasa sealed na lagayan malapit sa kinauupuan ng Emperor.Nilibot pa ni Aldrin ang tingin sa buong hideout ng dark organization na ngayon ay invincible mula sa labas. Hindi ito nakikita ng kahit na sino dahil nakaprogram ang sistema nito na emergency hideout na hindi nakikita ninuman. Mabuti na lamang at nakapasok siya agad habang sinundan ang ama niyang suot ang orihinal niyang katauhan bilang Zylan. Medyo nagluluksa pa siya sa mga oras na ito pero kailangan niyang maging matatag. Nakita niya kung paano tutukan ng baril sa ulo ang ama at patayin. Gusto man niyang
Third Person's POV Halos mawalan naman ng pag asa sina Grey at Sean nang makitang kumakalat na ang apoy sa silid. Ang pinakamalaking painting ay nagkaroon ng hati at ang kalahati ay napunta sa katabi nitong painting na siyang mas nagpatindi sa apoy. Si Dominic naman ay pilit kinakalma ang sarili dahil kailangan niyang makagawa ng paraan kung paano sila makalabas sa loob na iyon at maiwasang ma suffocate. Medyo nahihirapan na si Sean dahil nauubusan na rin siya ng dugo. Tila nasa emotional test sila na kung saan ay nilalabanan nila ang impiyernong bumabalot sa silid. Ang Da Silva brothers naman ay umalis sa bloody west upang makipaglaban pang muli sa mga cyborg na nakakalat sa palasyo. Dala dala na rin nila ang weapon na gawa ni Prince Ken na siyang tanging panlaban sa mga cyborg. Napahinto sila sa pagtakbo nang mayroong mapansin na kakaiba sa kanilang nadaanan na silid. At hindi lang ‘yan ang napansin nila kundi ang taong nakasalampak sa sahig. Duguan ito at tila wala ng buhay. May
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n