Third Person’s POVKINAUMAGAHAN. Malakas ang tunog ng bell upang sa bagong pagsisimula ng pagsasanay sa araw na iyon. Nagtataka naman sina Dominic at Grey nang mabilis kumilos si Sean para mauna sa quarter pit na pagdarausan ng panimula sa naturang pagsasanay. Hindi naman nakaligtas kay Alyana ang kinikilos ni Sean kaya’t napasubo siya ng lollipop habang nakatingin kay Sean na madaling-madali. “Tol, bloody speed ba ngayon?” hindi na nakatiis si Dominic na mag tanong ito kay Sean. Napabuntong-hininga naman si Sean at isinuot ang combat shoes niya. “Hahaha. Hindi naman. Masaya lang ako at energetic!” ani Sean at pasimpleng bumaling sa gawi ni Alyana habang nag-aayos siya ng sapatos. At doon niya nakumpirmang totoo nga ang sinasabi ni Aldrin, mukhang mamanmanan siya ng Alyana, isang Human Cyborg. Dahil kanina pa ito nakatingin sa kanya. Hindi ako puwedeng makipag eye to eye contact sa cyborg na yun. Hindi pwedeng ako ang makakasira ng mga plano nila Aldrin at ng mga nakakataas na Roya
Third Person's POV“Next is the Type E, the low belly crawl. Literal na gagapang kayo rito at iwasan ninyong madikit sa mga maninipis na alambre. Hindi ‘yan basta alambre, dahil once na kayo ay madikit dyan, makukuryente kayo o kung madikit lang ng konti, masusunog ang balat ninyo. Meron din pala kayong makakasama dyan sa paggapang niyo, mga beetles at iba’t-ibang insekto,” nakita naman sa video ang sandamakmak na mga insekto habang gumapagapang patawid ang nagsasanay, may mga nagtagumpay ngunit may mga namatay, nakita nila ang pagkasunog ng balat ng ilan at ang ilan ay tuluyang nakuryente nang mayroong pumasok sa kanyang katawan na insekto. “Lastly, the Type F… the Dangerous Weaver and Slide for life, kung makikita niyo sa video, ang initiates ay kailangang tawirin ang bawat trunk gamit ang kanyang katawan. pumulupot niya ang katawan sa yellow trunk patawid sa kabilang yellow trunk. Continue the process na hindi nahuhulog o nagpapadaig na nasa ilalim ng weaver, isang buwaya, kumapit
Third Person’s POVLAHAT ay nakahanda na sa kanilang bagong haharaping pagsasanay. Ang Obstacle Blood Course. Hindi naman lubos maiwasan ng mga initiates na mapahanga sa kabila ng kanilang kaba na nararamdaman. Dahil ang nakikita nila na mula sa kaninang pinanuod sa video tila mas na-enhance at nagkaroon ng improvement ang mga facility dito sa training na ito. Halos hindi naman sila makapaniwala nang makita nila ang dalawang buwaya na nasa training ng Dangerous Weaver and Slides of Life. Kapag kasi nahulog sila nito o naabot sila nito sa lubid, siguradong gagawin sila ng mga ito na hapunan. Ginanap ang kanilang Obstacle Blood Course dito sa Devil's Pentagon. Ang lugar na kung saan ay malulula ka sa nagtataasang mga pader, mga trunk ng puno at mayroon ding isang ektarya na pinasadyang sapa. Dito kasi namumugad ang mga buwaya kapag hindi sila sinasama sa training ng bloody stages. Ang buong lugar ay hugis pentagon ang itsura kung kaya’t ito rin ang tinawag sa paggaganapan nila ng pagsa
Third Person's POV“Damn it!” halos mapasigaw naman si Jared nang matusok siya sa basag na bote. Hindi rin niya napansin ito dahil sa dilim na bumabalot sa paligid at tila bumubuhos pa na ulan. Nakita naman niya si Arthyrn may limang pulgada ang distansya sa kanya at napansin din niya ang pagdurugo ng talampakan nito. “Shit,ang makinis na legs waley na–Aray, bakit nambabatok?!”“Don’t worry, babe, ako na bahala mag ayos ng mga undies mo na may napkins. Para hindi ka na mahirapan sa paglalagay. Bibilhan din kita ng new undies mo ngayon, okay?” “Yana, ‘wag kang mag-alala, kapag ako ang kasama mo hindi ka masusugatan! Promise ko ‘yan!”“I love you, Yanababes”“What the…” halos mahilo si Jared sa mga memorya na nag flashback sa kanya sa dati niyang pagkatao bago pa siya maging si Jared Bienmar. Bawat hakbang niya ay hindi na niya kontrolado dahil sa mga nagpakitang mga imahe sa isip niya. Doon din niya nakita na nilalagyan niya ng napkin ang undies ni Arthyrn o mas magandang sabihin na
Grey’s POV“Shit, kambal!” hindi ko mapigilang isigaw ito kahit alam ko naman na hindi niya ako maririnig dahil sa lakas ng ulan. Hinayaan ko na lamang siyang nasa tabi ni Arthyrn at inalalayan siya para gumising. Habang nanunuod ako ay napasulyap ako sa makakakumpetensya ko sa obstacle. Si Alyana. Ewan ko ba, parang iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. Pero nakikita ko sa kanya ang dating bersyon ni Arthyrn na Alyana din sa dating pagkakakilanlan niya. Pirmi lamang siyang nakatingin sa screen at ilang saglit pa ay nagulat ako nang lumingon ito sa akin. Nginitian niya ako na halos kinilabutan ako sa klase ng ngiti niya. Ibang-iba sa ngiti na ipinapakita niya sa lahat. Parang ngiti na may binabalak ang pinakita niya sa akin. “Good luck, Grey!” aniya at tinuon ang tingin sa blood army na nakalapit na ngayon sa amin. “Pick your obstacle, Grey Collins,” napatingin ako sa fish bowl. Napabuntong-hininga pa ako dahil sa kabang nararamdaman ko sa obstacle na ito. Hindi namin ito naranasan
Third person’s POV KASALUKUYANG naghahanda si King Arthur para makipagkita kay Jinx De Vega o si Jerome Demitri sa totoo nitong pagkakakilanlan. Nagawa na nito ang ipinagagawa ni King Arthur na ipakita ang mga dokumentong nagpapakita na nawawalan na sila ng investors. Hinayaan ni King Arthur na mawala ang thousands of investors sa Blood Organization. At ang natitira na lamang ay apat na investors na walang iba ay kundi sina Prince Nathan, Prince Patrick, Emperor Arnold at si King Arthur. Hindi alam ng Dark Organization na sila ang apat na may malalaking shares sa Blood Organization bukod din na sila ang may-ari ng mga ito. Hindi kasi totoong mga pangalan nila ang nakasulat sa mga investors kundi mga codename nila sa gangster world. “King, saan ka pupunta?” si Pierre o ang mas kilalang orihinal na Prince Marvin. Pababa siya ng hagdanan nang makita niya si King Arthur na nag-aayos ng kurbata nito. “Makikipagkita ako sa asset natin sa Dark Organization. Titignan ko kung ano ang mga p
Aldrin’s POV Hindi ako puwedeng magkamali sa narinig ko. Alam kong tinawag niya ako sa dati kong pangalan. Tinawag niya akong Zylan. Paanong nakakaalala na siya? Wala naman akong ibinigay na gamot sa kanya noong wala pa siyang malay. Puwera na lang kung mayroong mas malapit sa kanya na palihim siyang pinapainom ng gamot pampaalala. Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko kanina pa. Hindi ko gusto na maging dahilan ng pagbabalik ng alaala niya ay ang mga gamot na ipainom sa kanya o mga gamot na palihim kung ilagay sa katawan niya. Delikado iyon para kay Arthyrn. At sa oras na kapag nanumbalik na ang lahat, puwedeng ikapahamak ng blood organization ito. “Your turn, De Vega,” ani ng Blood Army at mabilis akong rumesponde para tumakbo. Napatingin ako sa kakumpetensya ko sa obstacle. Ito yung baguhan, si Teris.At parehas kami ng nabunot. Ang low belly crawl. Nang makapunta na kami sa paggaganapan nito ay pinakatitigan ko muna ang mga insekto o peste na naroon. Mayroong snake worm doo
Third Person’s POVNakapiring ang kanyang dalawang mata ng isang itim na tela. Nakaupo siya sa isang stainless na upuan at nakatali ang dalawang kamay niya patalikod sa inuupuan. Sa mga oras na ito ay kinakabahan siya dahil hindi niya nagawang patayin si Jinx De Vega o mas kilalang sa dati nitong katauhan na si Jerome Demitri. Kailangan niyang magawa ang ipinag-uutos. Dahil kung hindi, maaring mapahamak ang kanyang nakakatandang kapatid sa kamay ng Dark Organization. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas at kailangan niyang makagawa ng paraan upang mapaslang si Jinx dahil matagal na niya itong minamanmanan. Nagtatraydor ito sa Dark Organization. Limang taon na ang lumipas ay alam niyang may mga planong binubuo at gustong matupad ng organisasyon na kanyang kinabibilangan. Nakasalamuha niya ang tatlong pinakamatataas na mafia Council. At ang mga ito mismo ang nakagawa ng mga plano na gayahin ang mga prinsipe na nasa Blood Royalties. Hindi niya lang lubos maisip na kasama sa