Sean’s POVTuwid kaming lahat na nakatayo kaharap ang mga nasa bottomline na initiates. I know it’s unfair sa kanila lahat ng ito dahil baguhan pa lamang sila pero pinili nilang mapasali rito alang-ala sa pera. Nagpalinlang sila sa pera kapalit man ng kanilang buhay. Napabuntong hininga ako sa kaharap kong nakikitaan ng panginginig sa kaba o takot. Nakapalibot sa amin ang mga blood armies. Nakita rin namin ang paglabas ng mga nasa pader na automatic rifles. Hindi maganda ang kutob ko rito. Mukhang babaha ng dugo rito. Hindi ko alam kung ano ang balak ng emperor. Mahirap basahin ang utak niya. Ni hindi ko maintindihan ang punishment na ipapagawa niya at bakit pa kami kasali rito. “Lahat ng nasa upper line ranks ay bubunot ng mga kapirasong papel dito sa bowl na naglalaman ng mga riddles. Ang mga riddles ay dapat masagot para maligtas kayo at hindi malagay sa alanganing sitwasyon. Kailangan niyong mahulaan ang mga ito kundi ay tatargetin kayo ng ating mga automatic rifles na nasa liku
Third Person's POV“Busy silang lahat sa bloody riddle. Punishment iyon ng emperor nila,” wika ng nagpapanggap na Prince Raymond nang makita niya ang pagpasok ng Boss ng Dark organization. Nakipagkamayan naman sa kanya ang Boss ng Dark Organization bago ito umupo na parang hari sa isang upuan. “Yeah, and it’s time for us to do the next level of our revenge. We need to settle everything we need before they find out the truth behind this cube. What about Da Silva?”Ngumisi naman si Prince Raymond at ipinakita ang closeup na mukha ni Antimony. Nakikita kasi nila sa cctv ang nangyayari sa punishment bloody riddle. Natawa naman ang Boss saka itinuro ang mga namatay na initiates. “Seriously, ganyan magpunishment ang emperor? So weak ah?”“Nope. It’s just a game actually. And diba sinabi naman na namin sayo yung ginawa ng lalaking yan sa dating miyembro ng mafia council? Mas brutal at baliw ang way niyang pagpatay. Nabahala kami baka ganun ang gawin niya sa amin.”“So that’s why you need th
Third Person’s POVMula sa pitongput limang initiates ay nabawasan ng tatlongpu’t lima. At ang mga nagwaging mga initiates na nakaligtas sa punishment ay halos nasa labing lima lamang. Nasa total na apatnapu na lamang ang lahat ng initiates na magpapatuloy sa bloody training. Ang mga katawan na wala ng buhay ay isa-isa namang kinuha ng mga blood armies, inilagay sa black bag at diretso nilang sinusunog ang mga katawan ng mga ito. Napatingin naman si Arthyrn sa katabi niyang si Alyana na tila napatulala. Nang hawakan niya si Alyana ay mabilis itong yumakap sa kanya ng mahigpit. Humagulgol ng iyak. Napatingin naman sa kanila sina Grey, Jared, Damon, Aldrin at Sean. Lalapit sana si Aldrin para ilayo si Alyana kay Arthyrn ay mabilis siyang hinarangan ni Damon. Nagbitawan pa sila ng samaan ng tingin bago padabog na umalis si Aldrin. Inobserbahan naman ni Sean ang nakitang iyon kila Damon at Aldrin. “Something’s strange… it’s like they have known each other for a long time…” bulong pa ni
Third Person’s POV“Keep your mouth shut, ALDRIN. Don’t you ever stop what we’ve started,” ani Damon bago sila maghiwalay ng landas ni Aldrin. Nasa gawing kanan kasi ang silid ng Ice Breakers at ang kanya ay nasa gawing kaliwa, sariling silid. Napabuntong-hininga naman si Aldrin saka napalingon sa bawat paligid. Madilim na ang buong dormitoryo ng initiates sa oras ng ala syete ng gabi. Nakasanayan na kasi itong sleeping hours ng mga nagsasanay sa bloody training para ma restore ng buo ang kanilang lakas sa kinabukasan na pagsasanay. Napatabi naman sa isang statue si Aldrin nang marinig niyang may yabag na paparating. Buong akala niya ay isang blood army na rumoronda sa dormitoryo para i-check kung may mga gising pang initiates. Ngunit kilala niya ang pigura na ilang pulgada na ang layo sa kanya. “Sean…” kahit mahina lang ang pagkakabigkas niya sa pangalan ni Sean ay narinig pa rin ito ni Sean dahil sa katahimikan na bumabalot sa buong hallway ng dormitory. Huminto ito sa paglalakad
5 YEARS AGO...Aldrin's POV“Ano ang kailangan niyo sa amin? Bakit niyo kami dinala rito?” tanong ko sa kanila. Nagtawanan naman sila sa akin at ilang minuto pa ang tawanan nila bago huminto. “Chill… Villareal. Just chill… we don’t want to hurt you and your Dad and company,” tingin niya kila Demitri at Dad. “I am making you a deal. Just a deal between the three of you…” “What make you think na papayag ako sa deal na ‘yan?” Sa pagngisi nito ay nakaramdam ako ng hindi maganda lalo pa’t may ipinakita siyang mga video at larawan ng isang babae na nasa incubator. Nagtataka naman ako sa mga nakikita ko. Maging si Dad ay ganun din. Nagtatanong ang mga mata namin sa mga ipinakita sa amin. “Subject 56. Girl. Seventeen years old, blood type of AB+ born on June 16, 2005. After she gave birth, she became one of our successful human innovations.She was one of the most successful human innovators after she was born. They said she lost her heartbeat for thirty minutes, but when she was placed in
Aldrin's POVNAPATINGIN ako kay Sean na parang hindi na gumagalaw sa kanyang kinauupuan. Nakanganga lamang ito at tila hindi makapaniwala sa mga kinuwento ko sa kanya. Alas nuebe na pala ng gabi. Nagsalang ulit ako ng alak sa aking baso at sumimsim. “I-ikaw… di nga…? Shit, nananagnip ba ako?” at hindi nga talaga siya makapaniwala. Napangisi naman ako sa kanya. “Kaya pala! Kaya pala parang nag iba kilos ni Damon kasi si Senyor ‘yon?! Shit, information overload!” “Yeah… gusto lang ni Dad na makasama na namin si Zyra. Naaalala mo naman yung napaghinalaan naming si Zyra noon si Arthyrn, right?” tumango naman siya saka napasimsim din ng alak. “Si Damon si Senyor Agustin… si Aldrin ay ang totoong Damon… laki ng pagbabagong ‘to! Teka, bakit mo pala sinasabi ito ngayon?” Pinaglaruan ko ang baso ng alak sa aking kamay. “Dahil gusto kong tulungan mo akong mabantayan si Arthyrn doon sa Alyana,” nakita ko naman ang pagtataka niya. “She is not a human… She is a human cyborg. Mission niyang ma
Third Person’s POVKINAUMAGAHAN. Malakas ang tunog ng bell upang sa bagong pagsisimula ng pagsasanay sa araw na iyon. Nagtataka naman sina Dominic at Grey nang mabilis kumilos si Sean para mauna sa quarter pit na pagdarausan ng panimula sa naturang pagsasanay. Hindi naman nakaligtas kay Alyana ang kinikilos ni Sean kaya’t napasubo siya ng lollipop habang nakatingin kay Sean na madaling-madali. “Tol, bloody speed ba ngayon?” hindi na nakatiis si Dominic na mag tanong ito kay Sean. Napabuntong-hininga naman si Sean at isinuot ang combat shoes niya. “Hahaha. Hindi naman. Masaya lang ako at energetic!” ani Sean at pasimpleng bumaling sa gawi ni Alyana habang nag-aayos siya ng sapatos. At doon niya nakumpirmang totoo nga ang sinasabi ni Aldrin, mukhang mamanmanan siya ng Alyana, isang Human Cyborg. Dahil kanina pa ito nakatingin sa kanya. Hindi ako puwedeng makipag eye to eye contact sa cyborg na yun. Hindi pwedeng ako ang makakasira ng mga plano nila Aldrin at ng mga nakakataas na Roya
Third Person's POV“Next is the Type E, the low belly crawl. Literal na gagapang kayo rito at iwasan ninyong madikit sa mga maninipis na alambre. Hindi ‘yan basta alambre, dahil once na kayo ay madikit dyan, makukuryente kayo o kung madikit lang ng konti, masusunog ang balat ninyo. Meron din pala kayong makakasama dyan sa paggapang niyo, mga beetles at iba’t-ibang insekto,” nakita naman sa video ang sandamakmak na mga insekto habang gumapagapang patawid ang nagsasanay, may mga nagtagumpay ngunit may mga namatay, nakita nila ang pagkasunog ng balat ng ilan at ang ilan ay tuluyang nakuryente nang mayroong pumasok sa kanyang katawan na insekto. “Lastly, the Type F… the Dangerous Weaver and Slide for life, kung makikita niyo sa video, ang initiates ay kailangang tawirin ang bawat trunk gamit ang kanyang katawan. pumulupot niya ang katawan sa yellow trunk patawid sa kabilang yellow trunk. Continue the process na hindi nahuhulog o nagpapadaig na nasa ilalim ng weaver, isang buwaya, kumapit
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang