Arthyrn’s POV Mabilis akong tumakbo sa kahit saang daan para makalayo sa usok na iyon. Nakaramdam ako ng pagkahilo sa mga sandaling ito dahil may nalanghap ako doon kahit konti. Kailangan kong makapagtago at makapagpahinga kahit sa ilang minuto para maibalik ang lakas ko kanina. Parang sa nalanghap ko ‘yon para akong nanghihina. Mabuti at may nakita akong isang korner na may harang na pader na napapalibutan ng mga dahon na banderitas. Nang makaupo ay napapikit ako saglit. Kailangang bumalik ang lakas at tamang paghinga ko, malapit nang matapos ang trenta minutos. Sa tantiya ko ay wala pa ako sa kalahati ng maze, wala pa ako sa gitna rin nito. Hindi ko na alam kung saan ako dadaan. Nang magawi ang tingin ko sa buong korner na ito ay doon ko lang napagtanto na mayroon pa palang labasan sa loob nito. May isa sa kanan at isa sa kaliwa. Anytime puwedeng may pumasok sa mga daanan na ito. “Shit!” nakarinig ako ng yabag na tila tumatakbo. Mabilis akong tumayo at dahan-dahang lumalapit sa ka
Grey’s POVNabigla ako. Hindi ako makagalaw. Yakap-yakap niya ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Suot ko pa rin yung device sa mata ko kaya nakikita ko pa rin ang imahe ni Prince Nathan sa kanya. Pero alam kong si Arthyrn ito… si dating Yana ng Ice Breakers. Hindi ko alam kung ano ang comfort na gagawin ko sa kanya dahil ilang minuto na siyang humihikbi dito sa balikat ko. Hindi ko siya mahawakan dahil baka ano ang gawin niya at baka mamis-interpret niya ako. Bakit kaya siya umiiyak? May nasabi ba akong mali? O, may naalala siya? Isa pa kasi ‘yan sa iniisip ko. Simula noong dumating silang dalawa ni Jared dito sa palasyo, alam ko naman na mawawalan ng alaala si Yana noon dahil sa microchip pero bakit pati ang kakambal ko, nawalan ng alaala? Ano bang ginawa nila kay Jared?“Red…Jared…”rinig kong bulong ni Arthyrn na ikinadistansya ko sa kanya ng kaonti. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya na hanggang ngayon ay nakayuko at ang dalawang kamay ay nasa mukha. N
Third Person’s POVHindi sila nagkakaimikan. Nagpapakiramdaman lamang sila sa bawat isa. Hindi maipaliwanag ni Jared kung paniniwalaan niya ba ang dalawang tao na nasa harapan niya na may imahe ni Prince Nathan. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya bang sina Arthyrn at Grey itong nasa harapan niya. Lalo pa’t may mga salita na binitawan ito sa kanya tungkol sa sinasabing nakaraan niya. Naguguluhan si Jared. Wala siyang maintindihan. Bumabagabag ang damdamin niya na kung saan ay tila ang mga nasa paligid niya ay halos kasinungalingan lamang. Lumapit naman sa kanya si Grey upang aluhin siya. Ngunit itinaas muli ni Jared ang katana at itinutok kay Grey. Nabigla naman si Grey at itinaas ang dalawang kamay. Tila nakaramdam naman ng inis si Jared sa ginawa ni Grey. “Don’t fvcking raise your hands! Fight!” ungas pa ni Jared at pumosisyon sa pakikipaglaban. Napailing naman si Arthyrn saka nagcross arm. Hindi siya makapaniwala na si Jared pala ang dati niyang minamahal. HIndi niya lubos mai
Third Person’s POVNATANGGAL na sa test ang Da Silva brothers na sina Bismuth, Argon at Antimony dahil sila-sila rin mismo ang nakasugat sa isa’t-isa. BInalak kasi nilang magsama-sama na lamang para makalabas din silang magkakasama sa maze ngunit tila nalito rin sila sa isa’t-isa nang magkahiwalay ang kanilang mga posisyon nang may umaatake sa kanila. Base sa kinakatakutan ni Antimony, takot siya sa daga at ito ang nakikita niya pa kanina sa dalawa din niyang kakambal. Gayun din sina Argon at Bismuth na parehas takot sa clown at mukhang magkakaroon pa sila ng trauma dahil muntikan na silang hindi makalaban nang makakita ng clown. “We lose again!” reklamo ni Bismuth. Napabusangot naman si Antimony saka iniwanan ang dalawa niyang kapatid na nagtuturuan kung sino ang may kasalanan kung bakit sila natanggal sa laro. Sabay naman nilang tiningnan si Antimony na wala yatang ganang umimik dahil kanina pa ito tahimik habang nakikipaglaban. Nang lumapit si Argon at Bismuth ay nakitaan nila ito
Third Person’s POV“It’s time… kailangan na nating pakawalan ‘yang lalaking ‘yan bago pa may makapansin na nawawala ‘yan,” sambit ni Prince Marvin na prenteng nakaupo sa isang cube. Napalingon naman silang lahat sa pagbukas ng pintuan at iniluwa doon si Prince Justine. “Wazzup, tapos na ba ang maze? Sino nakalabas sa exit?” kasabay nito ang pagngisi niya. “Hmm. As of now, they only have twenty more minutes to finish the combined test. Malapit na rin naman sa exit sina Arthyrn at ang dalawang Collins,” tiningnan naman ni Prince Justine si Antimony na nakaupo sa isang round chair, nakayuko at nakapiring ang mga mata ng isang tela. “Ano sabi ni Boss? Papatayin ba ‘yan?” “Chill. Wala pang patayang mangyayari. Pahihirapan it’s the better option right now.” Sa mga narinig ni Antimony ay siguradong mahihirapan siyang isiwalat ang mga nalaman niya. Dahil na rin sa kuryosidad sa kanyang paligid, nalaman niya ang mga sikreto na ikakapamahak ng kanyang buhay maging ng mga kakambal niya. HInd
Third Person’s POVGumawa ng taktika sina Arthyrn, Grey at Jared na kung saan ay para hindi sila mapaghiwalay at hindi malito kung sakaling sila ay makakaatake ng iba pang initiates. Sa loob ng labing limang minuto ay halos pag atake lamang ang ginagawa nila para masugatan ang mga kinakalaban nila. Ang hawak na katana ni Jared ay binigay niya kay Arthyrn dahil alam niyang bihasa ang dalaga rito. Kaya nagpalit sila ng armas ni Arthyrn. Gamit naman ang maces, nagpakawala ng mga mabibigat na atake si Grey at bawat pagpapakawala niya, walang nasugatan niya na hindi nagtatamo ng matinding pinsala sa katawan. “Ahh!” huling sigaw na narinig ni Grey sa isang initiates bago ito mawala sa tingin niya. Tumingin muli siya sa virtual sky at doon nakita ang sampung minuto na natitira. Tinawag naman niya ang dalawa sa pamamagitan ng napagplanuhan nilang pagtawag sa isa’t-isa. Dahil sa nakikita niya, lahat ay si Prince Nathan ang naglalaban-laban. “Ay Barbie!” sigaw ni Grey kaya napalingon sa kanya
Third Person’s POVLabis ang kaba na nararamdaman ng mga nasa bottom line na initiates. Hindi rin nila lubos akalain na ganito ang kanilang sasapitin. Nanginginig naman ang ilan sa kanila at ang ilan naman ay natutulala na lamang dahil sa takot at pangamba. “Dito na yata ako mamamatay…” wika ni Devon, napatingin pa siya sa rank niya na kinulang ng isang puntos. Nasa pang twenty six siya na puwesto. Narinig naman siya ni Cherry na nasa kaliwang gilid niya. Makikita sa babae ang pamumutla. Hindi na lamang ito umimik pa. Ang Emperor naman ay sobrang saya ang nararamdaman. Ito kasi ang mga kapana panabik na mga eksenang gusto niyang makita. Ang patalisan ng memorya at isipan kasabay ng pagdanak ng dugo. Higit pa rito ang kanyang mga rason. Napatitig siya sa anim na espesyal na baguhang mga initiates na nilista niya para mapasali sa Bloody Training. Sina Devon, Cherry, NIcole, Sync, Kiefer and Teris. Ang mga ito kasi ay may matinding pakinabang sa emperor. Ito lang naman ang mga first ba
Sean’s POVTuwid kaming lahat na nakatayo kaharap ang mga nasa bottomline na initiates. I know it’s unfair sa kanila lahat ng ito dahil baguhan pa lamang sila pero pinili nilang mapasali rito alang-ala sa pera. Nagpalinlang sila sa pera kapalit man ng kanilang buhay. Napabuntong hininga ako sa kaharap kong nakikitaan ng panginginig sa kaba o takot. Nakapalibot sa amin ang mga blood armies. Nakita rin namin ang paglabas ng mga nasa pader na automatic rifles. Hindi maganda ang kutob ko rito. Mukhang babaha ng dugo rito. Hindi ko alam kung ano ang balak ng emperor. Mahirap basahin ang utak niya. Ni hindi ko maintindihan ang punishment na ipapagawa niya at bakit pa kami kasali rito. “Lahat ng nasa upper line ranks ay bubunot ng mga kapirasong papel dito sa bowl na naglalaman ng mga riddles. Ang mga riddles ay dapat masagot para maligtas kayo at hindi malagay sa alanganing sitwasyon. Kailangan niyong mahulaan ang mga ito kundi ay tatargetin kayo ng ating mga automatic rifles na nasa liku