Grey’s POVHindi pa rin ako makapaniwala na nakatanggap ako ng ganitong klaseng gemstone. Isang Amethyst. Base sa halaga nito ay masasabi ko na isa ito sa may pinakamababang value. Not bad naman dahil tumaas ang rank ko. Nakita ko sa platform na nasa panglima akong ranks. Mas bumaba sila Kuya Sean at Dominic pati na nina Jared at Da Silva brothers. Nangunguna si Arthyrn na sinundan naman ni Aldrin, kasunod nito ay sina Damon at Agatha then ako. Nandito kami ngayon sa dormitory naming Ice Breakers. Mabuti at pinagpapahinga muna kami sa training dahil karamihan sa amin ay nalason sa mga kagat ng insekto. Ang nadali sa akin ay ang mukha ko, namaga lang naman ang pisngi ko dahil sa kagat ng isang centipede. Si Kuya Sean naman ay napuruhan siya sa kanyang balikat. Si Dominic naman ay unconscious pa rin dahil marami ang nakakagat sa kanya. Samantalang sina Damon at Agatha naman ay tila walang galos sa kanilang katawan. And speaking of Ms. Agatha, kanina ko pa siya napapansin na panay ang s
Third Person’s POVPagkarating ng Emperor sa kanyang silid na kung saan ay triple sa laki ng isang normal na silid ng isang prinsipe, maigi at pinakasiniguro nito ang pagkakalock ng pintuan. Maging ang mga bintana ay sinara din nito. Naglabas din ang Emperor ng isang ultraviolet device na nagsasagawa ng pag-scan ng buong paligid kung mayroong iba pang device na nakapaloob sa tinutuluyan niyang silid. At sa paglibot nito ng scan ay hindi nga nagkamali ang Emperor, may umilaw sa bahagi ng mahabang kurtina na kulay maroon at isa ring device na nasa ilalim ng kanyang mini cabinet. Pagkalapit niya sa mga ito, mabilis niya itong inilapag sa sahig upang tapakan at tuluyang masira. “Curious about my face, huh?” wika pa ng Emperor saka napangisi na lamang. Alam niyang mayroong magsasagawa ng mga ganitong taktika sa kanya upang maisiwalat ang kanyang mukha. Noon pa man ay wala pang nakakakilala sa totoong mukha ng Emperor dahil ito ay kanyang pinakaiiwasan. Sa kanyang pagtatago ng mukha gamit
Third Person’s POV Katulad nga ng gustong mangyari ng Emperor ay kumuha sila ng mga ordinaryong tao para sumabak sa survival training ng Bloody Training. Si Prince Timothy na siyang coordinator ng bloody training ang siyang naghanap ng mga taong papatusin ang ganitong kadelikadong mga pagsasanay para maging bihasa sa pakikipaglaban lalo na sa pagpatay ng mga mafia members. Hindi kasi biro ang pagsasanay sa bloody training lalo pa’t hindi rin biro ang mga makakalaban dito sa hinaharap. Once na mahina ang iyong katawan at estratehiya sa pakikipaglaban, maaring hindi ka na pakinabangan pa at tuluyang malagutan ng hininga. Lumabas si Prince Timothy kasama ang ilang blood armies na may mga posisyon din para makapag recruit ng mga taong willing na sumabak dito. Nagmanman ang mga blood armies base sa edad, pangangatawan at talento ng mga napupusuan nila para lumahok. Higit pa rito, pumili sila ng mga taong nangangailangan ng malaking pera para mas siguradong mapasali rito. Medyo hindi lama
Sean’s POVTatlong araw na pala ang lumipas matapos ang second level ng Blood Organization. At sa araw na ito ay masasabi kong nakakapanibago. Halos nadagdagan kami ng isang daan na nagsasanay sa Bloody Training at hindi lang ‘yan, ang mga nadagdag na initiates ay hindi lang pala sila basta magsasanay kundi magkakaroon sila ng pabuya kung sino sa kanila ang makakatapos ng bloody training. Hindi lang sila basta magiging kasapi ng blood organization kundi ang nasa isip din pala nila ang malaking premyo na kanilang makukuha sa hanggang dulo ng pagsasanay. Lahat kami ay nakasuot ng kulay dark red na damit hanggang sa jogging pants. Hindi lang ‘yan, dahil ang mga damit na aming isinuot ay may mga numero. Napunta sa akin ang number six, number seven naman kay Dominic, number eight kay Grey, number nine kay Damon at sa bago naming kasamahan na babae na kapatid daw ni Agatha na may number ten ang nakalagay sa damit. Napabaling ang atensyon ko sa Ice Blockers. Makikita pa rin sa kanilang mga
Dominic’s POVNandito kami ngayon sa Bloody South. Halos mag-iisang buwan na rin kami na hindi nakapunta sa Bloody South nang maganap ang bloody speed sa maze. Mukhang dito ulit gaganapin ang bloody speed with blood determination test. Ang pinagkaiba lang sa una ay gumagalaw-galaw ang mga pader kada isang oras pero sa nakikita namin ngayon ay walang pag-iiba ng galaw sa mga ito. Hindi lang ‘yan, mayroong ibinigay sa amin na anyong goggles, isusuot daw namin ito kapag pinapasok na kami sa maze. “All you can see is your co- initiates right now. But when you put that device over your eyes, all you see are your fears, whatever they may be.So bakit namin ito isinali sa training ninyo? Dahil ito ay para malabanan ninyo ang takot na namumutawi dyan sa kalooban ninyo. Being part of the blood organization is for you to feel pleasure that you don’t have any fear. that you are also welcoming your death. Being afraid is part of weakness and loneliness. If you feel weak and absorb your fear, you
Arthyrn’s POV “Pick your weapon, princess” napatingin ako sa mini machine na hawak ng blood army. Transparent ito kaya nakikita ko ang maraming papel na nakabilog. Napalunok ako habang dahan-dahan kong pinapasok ang kamay sa loob. Hinalo-halo ko pa ang mga papel saka kumuha ng isa. “What’s your weapon?” Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang nalalagay. “ M16 Assault Rifle” at mabilis namang binigay sa akin ang weapon ko ng isa pa niyang kasamahan na blood army. Nang hinawakan ko na ang rifle ay tiningnan ko ang mga bala nito. I only have sixteen. And the total initiates are twenty. Kung gagamitin ko ang riffle para patamaan sila sa iba’t-ibang katawan at makaalis na sa test, siguradong mauubusan ako ng bala. And sinabi rin kasi kanina na bawal ang pumatay sa test na ito, puwede lang maghingalo ang kalaban pero bawal patayin basta makita lang ang patak ng dugo sa kanila, out na sila sa test. Yun lang naman ang rules na sinabi the rest ay okay naman na. Kaya kung iisiping mabuti,
Arthyrn’s POV Mabilis akong tumakbo sa kahit saang daan para makalayo sa usok na iyon. Nakaramdam ako ng pagkahilo sa mga sandaling ito dahil may nalanghap ako doon kahit konti. Kailangan kong makapagtago at makapagpahinga kahit sa ilang minuto para maibalik ang lakas ko kanina. Parang sa nalanghap ko ‘yon para akong nanghihina. Mabuti at may nakita akong isang korner na may harang na pader na napapalibutan ng mga dahon na banderitas. Nang makaupo ay napapikit ako saglit. Kailangang bumalik ang lakas at tamang paghinga ko, malapit nang matapos ang trenta minutos. Sa tantiya ko ay wala pa ako sa kalahati ng maze, wala pa ako sa gitna rin nito. Hindi ko na alam kung saan ako dadaan. Nang magawi ang tingin ko sa buong korner na ito ay doon ko lang napagtanto na mayroon pa palang labasan sa loob nito. May isa sa kanan at isa sa kaliwa. Anytime puwedeng may pumasok sa mga daanan na ito. “Shit!” nakarinig ako ng yabag na tila tumatakbo. Mabilis akong tumayo at dahan-dahang lumalapit sa ka
Grey’s POVNabigla ako. Hindi ako makagalaw. Yakap-yakap niya ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Suot ko pa rin yung device sa mata ko kaya nakikita ko pa rin ang imahe ni Prince Nathan sa kanya. Pero alam kong si Arthyrn ito… si dating Yana ng Ice Breakers. Hindi ko alam kung ano ang comfort na gagawin ko sa kanya dahil ilang minuto na siyang humihikbi dito sa balikat ko. Hindi ko siya mahawakan dahil baka ano ang gawin niya at baka mamis-interpret niya ako. Bakit kaya siya umiiyak? May nasabi ba akong mali? O, may naalala siya? Isa pa kasi ‘yan sa iniisip ko. Simula noong dumating silang dalawa ni Jared dito sa palasyo, alam ko naman na mawawalan ng alaala si Yana noon dahil sa microchip pero bakit pati ang kakambal ko, nawalan ng alaala? Ano bang ginawa nila kay Jared?“Red…Jared…”rinig kong bulong ni Arthyrn na ikinadistansya ko sa kanya ng kaonti. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya na hanggang ngayon ay nakayuko at ang dalawang kamay ay nasa mukha. N