Jared’s POVNangangapa ako. Tanging ang naririnig ko lamang ay ang mga yabag nila na patuloy sa paghabol sa akin. Yes, ako ang may hawak ng noise device na sinasabi ni King Arthur. Hindi ko alam kung saan ako papatungo pero mas magandang ilayo ko ang sarili sa kanila. Takbo ako nang takbo. Nadudulas man ay napipigilan ko dahil uupo ako sa sahig para linlangin ang mga kapwa ko initiates. kapag kasi umupo ako, hindi nila nadidinig ang noise device. Sa panandaliang ginagawa ko ‘yon ay nakakagawa ako ng strategy para makapag isip at mangapa sa kung saan dapat ako tumungo. Hindi ko alam kung anong klaseng silid ang pinagdalhan sa amin. At sa sinabi kanina ni King Arthur ay kakapain namin ang crystal ball na nasa paligid namin at kung saan man ‘yon ay walang nakakaalam ni isa man sa amin. Tumayo muli ako ngunit sa hndi inaasahan ay may katawan na biglang dumamba sa akin. “What the hell?!!” sigaw nito dahil marahil nasaktan. Napakunot noo ako sa pamilyar na boses. Hindi ako puwedeng magkam
Sean’s POVIlan na pala kami ang wala sa laro. Kumpleto ang Da Silva brothers na nawala rin sa second level ng blood determination maging si Jared. Ang tanging representative na lamang nila roon ay si Arthryn. Sa Ice Breakers naman ay sina Damon, Agatha, Grey and Dominic ang naroon pa. At dahil nawala na kami sa task na iyon heto kami na nanunuod na lamang sa kanila. Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid na pinaggaganapan ng second level, nababalutan ito ng kulay pulang mga ilaw, sa sahig naman kaya madulas ay dahil may mga nagkalat na mga animo’y dugo dahil sa malapot ang hulma ng mga ito. Maging ang mga nagkalat na insekto ay naroon. Napatingin ako sa malaking screen na nasa harapan namin. Kitang-kita mula rito ang mga pangyayari na ginagawa ngayon doon sa loob ng determination ring. Yes, ring, dahil hindi naman pala kalakihan ang espasyo at may bawat korner pala ang mga sulok nito. Na kung saan ay kapag tinakbo lamang ito ng mabilis ay puwedeng malaman mo ang dulo ng ring. Sum
Third Person’s POVNagkatitigan ng matagal sina Prince Nathan at Sean. Nagtataka man si Jared sa kumosyon sa pamamagitan ng dalawa ay ipinagsawalang bahala niya ito at hinatak si Sean paalis kay Prince Nathan. Mayroon kasi siyang kirot na naramdaman sa kanyang ulo nang mas matitigan niya ang mukha ng prinsipe. Tila may mga imahe na nabubuo sa kanyang utak kung kaya’t kailangan niyang maagapan ito at iwasan dahil baka mawalan siya ng malay. “Sean, tara na, dadalhin na sa dormitory niyo si Dominic,” bulong niya kay Sean na binalingan naman agad ni Sean saka tumango. Napabuntong-hininga pa siya bago dumura sa harapan ni Prince Nathan. Hindi naman iyon pinansin ni Prince Nathan na hindi pa rin bumibitaw sa titig kay Sean hanggang sa makaalis ito sa harapan niya. “No, Schawzrr… it’s over for them…” bulong nito sa sarili saka muling binaling ang atensyon sa malaking screen na nakikita ng lahat. Screen na nakikita ang mga nangyayari sa loob ng determination ring. HAWAK ni Arthryn ang tatl
Third Person’s POVTensyon ang namamagitan sa pagitan ng mga initiates na nasa loob ng determination ring. Inis naman ang namutawi kay Agatha dahil hindi niya makapa ang noise device na patuloy sa pag-iingay. Bawat ingay ng noise device ay ito namang sinusundan ng pandinig nina Rycko, Grey, Jezreel, Damon, Aldrin at Arthyrn. Kasabay naman nito ang patuloy na pagtaas ng pagbaha ng dugo sa loob. Palapot nang palapot ang bawat kilos nila sa paghakbang dahil sa lumagpas na ito sa mga tuhod nila. Kailangan na nilang makuha ang noise device na siyang huling parte sa core ng crystal ball. Kapag hindi nila ito makuha ay parehas silang mamamatay sa pagkalunod sa bumabahang dugo. Nagkabanggaan pa sina Grey at Jezreel kaya’t naging alerto sila sa isa’t-isa. Hinanda ang bawat sarili sa atakeng ipapataw sa bawat isa. Nagpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha si Grey kay Jezreel at nang matamaan ay mas pinagpatuloy niya ang atake hanggang sa ito mismo ang magbigay ng lifeline nito kay Grey.
Third Person’s POVNagtagumpay sina Aldrin at Arthyrn sa ikalawang level ng blood determination. At dahil naipasok na ang noise device sa nawawalang parte ng crystal ball ay pababa na rin ang pulang likido na bumabalot sa buong determination ring. Lagpas tao na kasi ang baha nito at sa pagpasok ng noise device ay parehas nawalan ng malay sina Aldrin at Arthyrn. Nang tuluyang bumaba ang pulang likido ay makikita ang mga nagkalat na mga insekto, mga gumagapang din na mga ahas at iba pang makamandag na inilagay sa loob. Mabilis namang pumunta sa loob ng determination ring sina King Arthur at Prince Nathan para tingnan ang kalagayan ng dalawa. Magkayakap pa ang dalawa habang parehas nawalan ng malay. Tumulong naman ang mga blood armies para buhatin si Aldrin at dalhin sa clinic upang magamot ang mga natamo nitong mga kagat at sugat sa katawan ganon din si Arthyrn. Buhat naman siya ni King Arthur. “Congratulations to the top 5 initiates of this second level of Blood Determination. The top
Grey’s POVHindi pa rin ako makapaniwala na nakatanggap ako ng ganitong klaseng gemstone. Isang Amethyst. Base sa halaga nito ay masasabi ko na isa ito sa may pinakamababang value. Not bad naman dahil tumaas ang rank ko. Nakita ko sa platform na nasa panglima akong ranks. Mas bumaba sila Kuya Sean at Dominic pati na nina Jared at Da Silva brothers. Nangunguna si Arthyrn na sinundan naman ni Aldrin, kasunod nito ay sina Damon at Agatha then ako. Nandito kami ngayon sa dormitory naming Ice Breakers. Mabuti at pinagpapahinga muna kami sa training dahil karamihan sa amin ay nalason sa mga kagat ng insekto. Ang nadali sa akin ay ang mukha ko, namaga lang naman ang pisngi ko dahil sa kagat ng isang centipede. Si Kuya Sean naman ay napuruhan siya sa kanyang balikat. Si Dominic naman ay unconscious pa rin dahil marami ang nakakagat sa kanya. Samantalang sina Damon at Agatha naman ay tila walang galos sa kanilang katawan. And speaking of Ms. Agatha, kanina ko pa siya napapansin na panay ang s
Third Person’s POVPagkarating ng Emperor sa kanyang silid na kung saan ay triple sa laki ng isang normal na silid ng isang prinsipe, maigi at pinakasiniguro nito ang pagkakalock ng pintuan. Maging ang mga bintana ay sinara din nito. Naglabas din ang Emperor ng isang ultraviolet device na nagsasagawa ng pag-scan ng buong paligid kung mayroong iba pang device na nakapaloob sa tinutuluyan niyang silid. At sa paglibot nito ng scan ay hindi nga nagkamali ang Emperor, may umilaw sa bahagi ng mahabang kurtina na kulay maroon at isa ring device na nasa ilalim ng kanyang mini cabinet. Pagkalapit niya sa mga ito, mabilis niya itong inilapag sa sahig upang tapakan at tuluyang masira. “Curious about my face, huh?” wika pa ng Emperor saka napangisi na lamang. Alam niyang mayroong magsasagawa ng mga ganitong taktika sa kanya upang maisiwalat ang kanyang mukha. Noon pa man ay wala pang nakakakilala sa totoong mukha ng Emperor dahil ito ay kanyang pinakaiiwasan. Sa kanyang pagtatago ng mukha gamit
Third Person’s POV Katulad nga ng gustong mangyari ng Emperor ay kumuha sila ng mga ordinaryong tao para sumabak sa survival training ng Bloody Training. Si Prince Timothy na siyang coordinator ng bloody training ang siyang naghanap ng mga taong papatusin ang ganitong kadelikadong mga pagsasanay para maging bihasa sa pakikipaglaban lalo na sa pagpatay ng mga mafia members. Hindi kasi biro ang pagsasanay sa bloody training lalo pa’t hindi rin biro ang mga makakalaban dito sa hinaharap. Once na mahina ang iyong katawan at estratehiya sa pakikipaglaban, maaring hindi ka na pakinabangan pa at tuluyang malagutan ng hininga. Lumabas si Prince Timothy kasama ang ilang blood armies na may mga posisyon din para makapag recruit ng mga taong willing na sumabak dito. Nagmanman ang mga blood armies base sa edad, pangangatawan at talento ng mga napupusuan nila para lumahok. Higit pa rito, pumili sila ng mga taong nangangailangan ng malaking pera para mas siguradong mapasali rito. Medyo hindi lama