Sean’s POVBinigyan kami ni Prince Nathan ng limang oras para matuto ng Krav Maga sa pamamagitan din ng mga hologram na ipinagkaloob sa bawat magkakapareha. Tagaktak ng pawis ang aking nararamdaman at pagod sa mga sandaling ito. Kasabay pa ng aming kakaibang amoy sa aming sarili. Mas matindi pala ang Bloody Training sa batch na ito dahil marami din ang nasawi. Sumulyap naman ako sa kinauupuan ng mga Royalties. Kumpleto silang walo. Mas nakakakaba ang kanilang mga presensya habang kami ay inooberbahan. Nakarinig naman ako ng pagputok ng baril. Pagtingin ko sa gawing iyon ay binaril sa hita ang isang miyembro ng x-solemnity na si Jezreel. Huminto kasi ito na tila nagpapahinga. Mukhang ayaw ng Royalties na may nakikitang nagpapahinga hangga’t hindi nila sinasabi, shit. Mas binilisan ko ang suntok at sipa ko sa punching bag na pinagsasaluhan namin ni Dominic. Ganoon din naman ang ginawa ni Dominic dahil mukhang napansin niya ang dahilan ng pagputok ng baril. Nagtanguan pa kaming dalawa.
Jared’s POV“It’s good to see you all…my dear bloods…” ani emperor na nagpakilabot ng aking mga buhok sa katawan. Shit, anong ginagawa ng emperor dito? Bakit siya nandito? Hindi ko ito inaasahan dahil sa pagkakaalam ko ay ayaw na ng Daddy nila King na bumalik pa rito sa Pilipinas pero heto siya’t nasa harapan namin. Kung nandito siya at nagsasanay kami… maaaring mas pahirapan niya kami. Or worse… siya ang gumawa ng mga trainings namin!“Fvck… no way…” napapabulong na lang ako. Hindi naman sa natatakot ako kay emperor talaga, pero dapat siyang katakutan. Base sa mga nakalap kong impormasyon, si emperor ang sumanay kay King Arthur sa Bloody Training. At si King Arthur ang nagsanay naman kay Arthyrn. Minsan na rin akong sinanay ni King pero bihira lang din iyon mangyari dahil kasama ko ang Da Silva Brothers noong nagtraining kami sa Sweden. Siniko ako ni Grey. Siguro ay nagtataka siya sa pagmumura ko na narinig niya. Mamaya ko na lamang ikukuwento sa kanya dahil baka sabay kaming bumula
Dominic’s POVMariin lamang akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila King at ng Emperor. Hindi ko rin alam kung bakit sila rito nag-uusap na kasama kami at ang topic ay tungkol sa businesses at mga kaalyansa sa mafia. Hindi ako puwede magkamali, tila mayroong pinaplano ang emperor. Base kasi sa nakikita ko sa kanyang mga mata at kinikilos, mapaglaro ang isang ito. Parang hindi siya pangkaraniwang leader ng mafia. Parang tuso ang emperor.“Hmmm… you are right.. make a deal with him, King Arthur. How about you, Prince Nathan? Ano naman sa palagay mo ang dapat nating gawing aksyon ukol dito?” tanong naman ni emperor kay Prince Nathan. Napansin ko ang pagtango ni prince Nathan saka ngumisi. “It's just like what King Arthur said, but I think I'd rather make him feel the ferocity of a member of the Blood Organization. If he betrays me, he deserves to be put to a brutal death,” hindi na ako nagtaka kung bakit ito ang nasabi ni Prince Nathan dahil alam kong ito ang nais na marinig ni empero
Grey’s POVMabuti na lamang at pinagpahingahan kami ng kahit dalawang oras. Hindi kami makakapagpatuloy kung patuloy ang aming gagawing pagsasanay at pakikipaglaban sa mga partners namin. Nandito pa rin iyong kaba ko sa mga sandaling ito nang makita ko ang presensya ng emperor sa unang pagkakataon. Sa tagal ko ng nasa Blood Organization, ngayon ko pa lang ito nakita sa Sembrano’s Palace. At dahil sa presensya nito ay natitiyak kong may kahalagahan itong gampanin kung bakit ito nandito. Nang umalis ang emperor kasama yung mga sundalo na nakamaskara ay kasunod no’n ang pag-alis din ng mga Royalties. Ilang minuto pa lamang sila nakakaalis ay napansin ko rin ang pag-alis nina Damon at Agatha. Nakapagtataka rin na walang mga Blood Armies na nagbabantay ngayon sa amin, nandito kasi kami sa Mess Hall. Kadalasan kasi ay kahit saan kami magtungo ay mayroong mga blood armies sa bawat paligid. Ngayon ay naiiba, ni isa ay walang narito. Kaya dito sa mess hall ay natutulog ang ilang members ng x-
Jared’s POVNangangapa ako. Tanging ang naririnig ko lamang ay ang mga yabag nila na patuloy sa paghabol sa akin. Yes, ako ang may hawak ng noise device na sinasabi ni King Arthur. Hindi ko alam kung saan ako papatungo pero mas magandang ilayo ko ang sarili sa kanila. Takbo ako nang takbo. Nadudulas man ay napipigilan ko dahil uupo ako sa sahig para linlangin ang mga kapwa ko initiates. kapag kasi umupo ako, hindi nila nadidinig ang noise device. Sa panandaliang ginagawa ko ‘yon ay nakakagawa ako ng strategy para makapag isip at mangapa sa kung saan dapat ako tumungo. Hindi ko alam kung anong klaseng silid ang pinagdalhan sa amin. At sa sinabi kanina ni King Arthur ay kakapain namin ang crystal ball na nasa paligid namin at kung saan man ‘yon ay walang nakakaalam ni isa man sa amin. Tumayo muli ako ngunit sa hndi inaasahan ay may katawan na biglang dumamba sa akin. “What the hell?!!” sigaw nito dahil marahil nasaktan. Napakunot noo ako sa pamilyar na boses. Hindi ako puwedeng magkam
Sean’s POVIlan na pala kami ang wala sa laro. Kumpleto ang Da Silva brothers na nawala rin sa second level ng blood determination maging si Jared. Ang tanging representative na lamang nila roon ay si Arthryn. Sa Ice Breakers naman ay sina Damon, Agatha, Grey and Dominic ang naroon pa. At dahil nawala na kami sa task na iyon heto kami na nanunuod na lamang sa kanila. Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid na pinaggaganapan ng second level, nababalutan ito ng kulay pulang mga ilaw, sa sahig naman kaya madulas ay dahil may mga nagkalat na mga animo’y dugo dahil sa malapot ang hulma ng mga ito. Maging ang mga nagkalat na insekto ay naroon. Napatingin ako sa malaking screen na nasa harapan namin. Kitang-kita mula rito ang mga pangyayari na ginagawa ngayon doon sa loob ng determination ring. Yes, ring, dahil hindi naman pala kalakihan ang espasyo at may bawat korner pala ang mga sulok nito. Na kung saan ay kapag tinakbo lamang ito ng mabilis ay puwedeng malaman mo ang dulo ng ring. Sum
Third Person’s POVNagkatitigan ng matagal sina Prince Nathan at Sean. Nagtataka man si Jared sa kumosyon sa pamamagitan ng dalawa ay ipinagsawalang bahala niya ito at hinatak si Sean paalis kay Prince Nathan. Mayroon kasi siyang kirot na naramdaman sa kanyang ulo nang mas matitigan niya ang mukha ng prinsipe. Tila may mga imahe na nabubuo sa kanyang utak kung kaya’t kailangan niyang maagapan ito at iwasan dahil baka mawalan siya ng malay. “Sean, tara na, dadalhin na sa dormitory niyo si Dominic,” bulong niya kay Sean na binalingan naman agad ni Sean saka tumango. Napabuntong-hininga pa siya bago dumura sa harapan ni Prince Nathan. Hindi naman iyon pinansin ni Prince Nathan na hindi pa rin bumibitaw sa titig kay Sean hanggang sa makaalis ito sa harapan niya. “No, Schawzrr… it’s over for them…” bulong nito sa sarili saka muling binaling ang atensyon sa malaking screen na nakikita ng lahat. Screen na nakikita ang mga nangyayari sa loob ng determination ring. HAWAK ni Arthryn ang tatl
Third Person’s POVTensyon ang namamagitan sa pagitan ng mga initiates na nasa loob ng determination ring. Inis naman ang namutawi kay Agatha dahil hindi niya makapa ang noise device na patuloy sa pag-iingay. Bawat ingay ng noise device ay ito namang sinusundan ng pandinig nina Rycko, Grey, Jezreel, Damon, Aldrin at Arthyrn. Kasabay naman nito ang patuloy na pagtaas ng pagbaha ng dugo sa loob. Palapot nang palapot ang bawat kilos nila sa paghakbang dahil sa lumagpas na ito sa mga tuhod nila. Kailangan na nilang makuha ang noise device na siyang huling parte sa core ng crystal ball. Kapag hindi nila ito makuha ay parehas silang mamamatay sa pagkalunod sa bumabahang dugo. Nagkabanggaan pa sina Grey at Jezreel kaya’t naging alerto sila sa isa’t-isa. Hinanda ang bawat sarili sa atakeng ipapataw sa bawat isa. Nagpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha si Grey kay Jezreel at nang matamaan ay mas pinagpatuloy niya ang atake hanggang sa ito mismo ang magbigay ng lifeline nito kay Grey.
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang