Jared’s POV
Binigyan kami ni Prince Nathan ng limang minuto para i-discuss ng bawat grupo ang gagawing Blood Determination. Nagkahiwa-hiwalay ang bawat trio. At heto nga, magkakatapat kami nina Arthryn at Grey. “Sino ang gagawin nating panlaban sa kalaban at hahatak sa lubid?” ani ni Grey saka tiningnan ang bawat trio na malapit sa amin. Napatingin din ako sa mga trio’ng iyon. Ang tatlong miyembro ng X-Solemnity, sina Kean, Jezreel at Mikee. Hindi ko alam pero sa tuwing napapatingin ako sa tatlong iyon, kumukulo ang dugo ko lalo na sa tuwing makikita kong sinusulyapan ito ni Gray.
Si Kean Leondrei ang sabi kanina ay siya ang pinakamatanda sa grupong X-Solemnity. At base sa nakikita at naobserbahan ko sa kilos niya, magaling siyang humawak ng mga matatalim na bagay. Ang bawat pagpilantik ng daliri niya ay may ibig sabihin. Kak
SOMEONE’S POVKinasa ko naman ang baril saka itinutok sa gawing bintanang nakabukas. Pipindutin ko pa lang ang trigger nang biglang magbukas ang pintuan ng kuwarto ko. Kahit hindi ko na lingunin kung sino iyong pumasok, kilala ko na siya.“Hey, what are you doing?” aniya na hindi ko pa rin nililingon. Naramdaman ko naman ang yabag niyang papalapit sa kinapupuwestuhan ko. Hindi naman na ako nagulat nang tumapat siya sa bintanang puputukan ko ng bala. Hindi naman siya natinag nang hindi ko pa rin binababa ang baril at tila hinahamon pa ako nitong iputok ito dahil nakangisi siyang nakatitig sa akin.BANG!“Not so fast…” nabigla ako sa ginawa niya. Hindi naman kalayuan ang puwest
Third Person’s POV“What’s happening in front?” pagtataka ng grupo ni Aldrin saka napasulyap sa harapan. Halos humagalpak pa siya ng tawa nang makita ang nasasaksihan.Nag-aagawan sa Katana sina Arthryn at Zyrene.“Katana’s lovers,” napapailing na sambit naman ni Jared saka napacross arm nang makita ang ginagawa naman ng dalawa. Si Grey naman ay nakatingin lang kay Damon na tila walang pakialam sa unahan nitong naglalaban.Tila na-e-enjoy naman si Prince Nathan sa nakikita. Wala pa nga sa activity ang dalawa, naglalaban na. Gusto mang awatin ng mga blood armies ang dalawa ngunit walang nagtangka, this is Blood Determination. And the determination is what you
Someone’s POVBakit naman ito bumalik pa? Mas lalong hindi matutuloy ang mga plano namin. Ang hirap ng ginawa namin para matalo ang tatlong Royalties na iyon tapos mawawala lang? Nakuha na namin ang loob ng King at ng dalawa pang prinsipe. Mabuti na lamang at parang balewala o wala sa interes si Prince Patrick sa mafia kaya’t hinahayaan niya kaming mag-manage ng Sembrano’s Palace.Tapos nasiraan na namin ang second prince ayon sa gustong mangyari ng aming tinuturing na Boss. Pero ang akala namin ay matatagalan pa ang pagbabalik nito, iyon pala, tila parang walang nangyari na basta na lang ito bumalik. Wala akong pinagsisihan sa mga plano ko. Isa pa, sa simula pa lang, noong ipinaubaya niya sa akin ang prinsesa, iyon na ang daan namin upang talunin ang blood organization. Para ang Dark Organization ang mismong mamuno sa buong
Third Person's POV“Be careful, princess” ani Grey na tinanguan lamang ni Arthryn saka humawak sa balikat ni Jared sa unahan. Muli niyang iwinasiwas ang Katana gamit ang kaliwang kamay saka tinapatan ang tatlong pagputok ng baril ni Agatha sa kaniya. Pagkatapos ng atakeng ginawa ni Agatha gamit ang baril, humawak din siya sa lubid, sa may unahan ni Damon saka niya sinipa-sipa si Arthryn. Bawat pagsipa ni Agatha ay siya namang ginagantihan ng pagwasiwas ni Arthryn sa katana niya na iniiwasan ni Agatha saka nag fly kick sa mukha ni Arthryn. Hindi ito inaasahan ni Arthryn kaya napaatras siya at mabilis naman siyang nahatak ni Jared kaya’t hindi siya napabitaw sa katawan nito.Nainis si Arthryn sa atakeng ginawa ni Agatha kaya gumanti siya ng atake na paniguradong hindi inaasahan ng kalaban. Lumipat si Arthryn sa kanang puwesto n
Chapter 27Arthur’s POVNapatingin ako sa wrist watch ko nang mapagtantong halos isang oras nang naghahatakan ng lubid ang Da Silva Brothers at ang katunggali nilang sina De Vega, Schawzrr at Hyusiof. Pantay lang ang laban ng dalawang grupo at halos walang lumalamang sa kanila. Kung aatake ang isa, babawi naman ang isa. Kung sino ang manalo sa laban na ito ay makakapasok sa stage two ng blood determination and we don’t have any idea kung ano ang next step ni Nathan sa activity na ito.Minamanmanan ko ang triplets sa kanilang strategy. Si Antimony ang kanilang defense at ang kakambal niyang sina Argon at Bismuth ang naging guard niya sa lubid. Ang armas na hawak ng Da Silva brothers ay isang simpleng army knife? What the hell is their thinking?
Third Person’s POVBawat magkapareha ay mayroong hologram na anyong tao na nagsisilbing gabay nila para matutunan ang mga technique at estilo ng Krav Maga. Magkapareha sina Damon at Agatha. Tutok naman ang pag-oobserba ni Sean na malapit lamang sa kanila. Hindi man tanungin ni Dominic ay sigurado siyang may napapansin din si Sean sa dalawang magkasintahan na ngayon ay sumasabay sa kilos ng hologram. Pasulyap-sulyap naman ang ginagawa ni Dominic sa dalawa ngunit bigla ring iniwas ang tingin sa mga ito dahil sa mabilis na pagtugon ng tingin sa kanya ni Agatha. Tumikhim pa si Dominic at si Sean naman ay napasipol habang sinasabayan ng kilos ang hologram. “Parang pinagsama-sama lang pala na technique ang Krav Maga to martial arts, jitsu, kickboxing,” si Dominic sabay sipa sa punching bag. Ginaya naman siya ni Sean na mas malakas sa ginawa niya. Ngumisi naman si Dominic saka sinuntok ang punching bag ng paulit-ulit. “Oo nga ‘tol, kaya maagang sorry para mamaya kung mabubogbog kita ah?
Sean’s POVBinigyan kami ni Prince Nathan ng limang oras para matuto ng Krav Maga sa pamamagitan din ng mga hologram na ipinagkaloob sa bawat magkakapareha. Tagaktak ng pawis ang aking nararamdaman at pagod sa mga sandaling ito. Kasabay pa ng aming kakaibang amoy sa aming sarili. Mas matindi pala ang Bloody Training sa batch na ito dahil marami din ang nasawi. Sumulyap naman ako sa kinauupuan ng mga Royalties. Kumpleto silang walo. Mas nakakakaba ang kanilang mga presensya habang kami ay inooberbahan. Nakarinig naman ako ng pagputok ng baril. Pagtingin ko sa gawing iyon ay binaril sa hita ang isang miyembro ng x-solemnity na si Jezreel. Huminto kasi ito na tila nagpapahinga. Mukhang ayaw ng Royalties na may nakikitang nagpapahinga hangga’t hindi nila sinasabi, shit. Mas binilisan ko ang suntok at sipa ko sa punching bag na pinagsasaluhan namin ni Dominic. Ganoon din naman ang ginawa ni Dominic dahil mukhang napansin niya ang dahilan ng pagputok ng baril. Nagtanguan pa kaming dalawa.
Jared’s POV“It’s good to see you all…my dear bloods…” ani emperor na nagpakilabot ng aking mga buhok sa katawan. Shit, anong ginagawa ng emperor dito? Bakit siya nandito? Hindi ko ito inaasahan dahil sa pagkakaalam ko ay ayaw na ng Daddy nila King na bumalik pa rito sa Pilipinas pero heto siya’t nasa harapan namin. Kung nandito siya at nagsasanay kami… maaaring mas pahirapan niya kami. Or worse… siya ang gumawa ng mga trainings namin!“Fvck… no way…” napapabulong na lang ako. Hindi naman sa natatakot ako kay emperor talaga, pero dapat siyang katakutan. Base sa mga nakalap kong impormasyon, si emperor ang sumanay kay King Arthur sa Bloody Training. At si King Arthur ang nagsanay naman kay Arthyrn. Minsan na rin akong sinanay ni King pero bihira lang din iyon mangyari dahil kasama ko ang Da Silva Brothers noong nagtraining kami sa Sweden. Siniko ako ni Grey. Siguro ay nagtataka siya sa pagmumura ko na narinig niya. Mamaya ko na lamang ikukuwento sa kanya dahil baka sabay kaming bumula
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang