Third Person’s POV
BUMUKAS na ng tuluyan ang sphere. May mga sumalubong naman na armado kay Grey upang alalayan ang binata dahil sa natamong mga pasa at galos sa kuryente. Napatingin pa si Grey kay Arthryn bago siya dalhin ng mga Blood Armies sa clinic.
“Next challenger for this Blood Sincerity…” si Prince Timothy saka nilibot ang tingin sa mga natitirang Initiates.
KINAKABAHAN naman si Sean nang marinig ang sinabi ni Prince Timothy. Kinakabahan din siya sa mga maiisiwalat niya, pati na ang sikretong alam niya patungkol sa Princess ng Blood Organization, ang sikretong alam niyang mapapaisip ang lahat patungkol kay Agatha at ang sikretong kinikimkim niya sa sarili niya, ang pag-iisip na ibang tao si Damon, na tila nagpapanggap lang. Pati na sa kinikilos ni Prin
Jared’s POVNakakabinging katahimikan ang bumungad sa amin nang tumungo kami sa Bloody West. Ipinatawag daw kasi kami dahil may anunsyo raw na dapat naming pakinggan. At sa sinasabing anunsyo, ewan ko ba, bakit para akong kinabahan?Napalinga-linga pa ako sa paligid. Nang dumako ang mata ko sa may harapan, napansin ko ang lalaking pamilyar sa akin, na nakatabi sa may kanan ni King Arthur. Napansin ko naman ang pagsulyap nito sa akin at halos magtaka ako dahil sa klase ng pagngisi niya. Nakakapangilabot.“Initiates, I would like to introduce our 2nd Prince of Blood Organization none other than… Prince Nathan Sefire Alonzo,” ani ni Prince Timothy saka sinamaan ng tingin ang lalaking ipinakilalang Prince Nathan, na ngayon ay nakatayo sa gitna saka matamis kaming nginingitian.
Jared’s POVBinigyan kami ni Prince Nathan ng limang minuto para i-discuss ng bawat grupo ang gagawing Blood Determination. Nagkahiwa-hiwalay ang bawat trio. At heto nga, magkakatapat kami nina Arthryn at Grey. “Sino ang gagawin nating panlaban sa kalaban at hahatak sa lubid?” ani ni Grey saka tiningnan ang bawat trio na malapit sa amin. Napatingin din ako sa mga trio’ng iyon. Ang tatlong miyembro ng X-Solemnity, sina Kean, Jezreel at Mikee. Hindi ko alam pero sa tuwing napapatingin ako sa tatlong iyon, kumukulo ang dugo ko lalo na sa tuwing makikita kong sinusulyapan ito ni Gray.Si Kean Leondrei ang sabi kanina ay siya ang pinakamatanda sa grupong X-Solemnity. At base sa nakikita at naobserbahan ko sa kilos niya, magaling siyang humawak ng mga matatalim na bagay. Ang bawat pagpilantik ng daliri niya ay may ibig sabihin. Kak
SOMEONE’S POVKinasa ko naman ang baril saka itinutok sa gawing bintanang nakabukas. Pipindutin ko pa lang ang trigger nang biglang magbukas ang pintuan ng kuwarto ko. Kahit hindi ko na lingunin kung sino iyong pumasok, kilala ko na siya.“Hey, what are you doing?” aniya na hindi ko pa rin nililingon. Naramdaman ko naman ang yabag niyang papalapit sa kinapupuwestuhan ko. Hindi naman na ako nagulat nang tumapat siya sa bintanang puputukan ko ng bala. Hindi naman siya natinag nang hindi ko pa rin binababa ang baril at tila hinahamon pa ako nitong iputok ito dahil nakangisi siyang nakatitig sa akin.BANG!“Not so fast…” nabigla ako sa ginawa niya. Hindi naman kalayuan ang puwest
Third Person’s POV“What’s happening in front?” pagtataka ng grupo ni Aldrin saka napasulyap sa harapan. Halos humagalpak pa siya ng tawa nang makita ang nasasaksihan.Nag-aagawan sa Katana sina Arthryn at Zyrene.“Katana’s lovers,” napapailing na sambit naman ni Jared saka napacross arm nang makita ang ginagawa naman ng dalawa. Si Grey naman ay nakatingin lang kay Damon na tila walang pakialam sa unahan nitong naglalaban.Tila na-e-enjoy naman si Prince Nathan sa nakikita. Wala pa nga sa activity ang dalawa, naglalaban na. Gusto mang awatin ng mga blood armies ang dalawa ngunit walang nagtangka, this is Blood Determination. And the determination is what you
Someone’s POVBakit naman ito bumalik pa? Mas lalong hindi matutuloy ang mga plano namin. Ang hirap ng ginawa namin para matalo ang tatlong Royalties na iyon tapos mawawala lang? Nakuha na namin ang loob ng King at ng dalawa pang prinsipe. Mabuti na lamang at parang balewala o wala sa interes si Prince Patrick sa mafia kaya’t hinahayaan niya kaming mag-manage ng Sembrano’s Palace.Tapos nasiraan na namin ang second prince ayon sa gustong mangyari ng aming tinuturing na Boss. Pero ang akala namin ay matatagalan pa ang pagbabalik nito, iyon pala, tila parang walang nangyari na basta na lang ito bumalik. Wala akong pinagsisihan sa mga plano ko. Isa pa, sa simula pa lang, noong ipinaubaya niya sa akin ang prinsesa, iyon na ang daan namin upang talunin ang blood organization. Para ang Dark Organization ang mismong mamuno sa buong
Third Person's POV“Be careful, princess” ani Grey na tinanguan lamang ni Arthryn saka humawak sa balikat ni Jared sa unahan. Muli niyang iwinasiwas ang Katana gamit ang kaliwang kamay saka tinapatan ang tatlong pagputok ng baril ni Agatha sa kaniya. Pagkatapos ng atakeng ginawa ni Agatha gamit ang baril, humawak din siya sa lubid, sa may unahan ni Damon saka niya sinipa-sipa si Arthryn. Bawat pagsipa ni Agatha ay siya namang ginagantihan ng pagwasiwas ni Arthryn sa katana niya na iniiwasan ni Agatha saka nag fly kick sa mukha ni Arthryn. Hindi ito inaasahan ni Arthryn kaya napaatras siya at mabilis naman siyang nahatak ni Jared kaya’t hindi siya napabitaw sa katawan nito.Nainis si Arthryn sa atakeng ginawa ni Agatha kaya gumanti siya ng atake na paniguradong hindi inaasahan ng kalaban. Lumipat si Arthryn sa kanang puwesto n
Chapter 27Arthur’s POVNapatingin ako sa wrist watch ko nang mapagtantong halos isang oras nang naghahatakan ng lubid ang Da Silva Brothers at ang katunggali nilang sina De Vega, Schawzrr at Hyusiof. Pantay lang ang laban ng dalawang grupo at halos walang lumalamang sa kanila. Kung aatake ang isa, babawi naman ang isa. Kung sino ang manalo sa laban na ito ay makakapasok sa stage two ng blood determination and we don’t have any idea kung ano ang next step ni Nathan sa activity na ito.Minamanmanan ko ang triplets sa kanilang strategy. Si Antimony ang kanilang defense at ang kakambal niyang sina Argon at Bismuth ang naging guard niya sa lubid. Ang armas na hawak ng Da Silva brothers ay isang simpleng army knife? What the hell is their thinking?
Third Person’s POVBawat magkapareha ay mayroong hologram na anyong tao na nagsisilbing gabay nila para matutunan ang mga technique at estilo ng Krav Maga. Magkapareha sina Damon at Agatha. Tutok naman ang pag-oobserba ni Sean na malapit lamang sa kanila. Hindi man tanungin ni Dominic ay sigurado siyang may napapansin din si Sean sa dalawang magkasintahan na ngayon ay sumasabay sa kilos ng hologram. Pasulyap-sulyap naman ang ginagawa ni Dominic sa dalawa ngunit bigla ring iniwas ang tingin sa mga ito dahil sa mabilis na pagtugon ng tingin sa kanya ni Agatha. Tumikhim pa si Dominic at si Sean naman ay napasipol habang sinasabayan ng kilos ang hologram. “Parang pinagsama-sama lang pala na technique ang Krav Maga to martial arts, jitsu, kickboxing,” si Dominic sabay sipa sa punching bag. Ginaya naman siya ni Sean na mas malakas sa ginawa niya. Ngumisi naman si Dominic saka sinuntok ang punching bag ng paulit-ulit. “Oo nga ‘tol, kaya maagang sorry para mamaya kung mabubogbog kita ah?