-Golf Z-
Naupo si Prince Raymond sa swivel chair na kaharap niya at doon nagmuni-muni. Inilibot niya ang tingin sa buong opisina na kanyang pinamumunuan ngayon.
Sa nagdaang limang taon, nahatawan sila ng parusa ng buong alyansa ng Blood Organization. Parusa na kung saan ay ibinababa sila sa kanilang mga puwesto. Ang posisyon niyang ikaanim na prinsipe ay napunta sa ikapito at ang dating ikalimang prinsipe na si Prince Marvin ay napunta sa ikawalong puwesto. Umangat ang puwesto ni Prince Justine na nasa ikaapat noon na ngayon ay nasa ikatatlong prinsipe samantalang si Prince Timothy ay nasa ikaanim na puwesto at ang ikalima na ngayon ay si Prince Ken na dating nasa ikapitong puwesto. Ang nagtraydor naman na si Prince Nathan ay nasa hanay pa rin ng Blood Royalties ngunit siya’y nahatulan ng ikawalong pwesto na dating pumapang
–Stockholm, Sweden-Nakatingin sa malayo si Arthryn na tila may malalim na iniisip. “Sino ba ‘yong lalaking nagluluto sa isip ko? Parang pamilyar siya sa’kin pero hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita o magkakilala ba kami? Or… sino ba ‘yong babaeng pinaglulutuan niya?” bulong niya sa sarili. Naguguluhan na kasi siya. Hindi niya na alam kung bakit may mga pagkakataong biglang may sumasagi sa isip niya. May mga kalalakihan na tila biglang sumasagi sa isip niya. Kapag mas iniisip niya, mas sumasakit ang ulo niya.Ang hindi niya alam ay may kanina pang nakatingin sa kanya, si Jared. “Ang drama na naman niya tsk,” bulong rin niya sa sarili at unti-unting naglalakad patalikod paalis sa pinagtataguan niya. “Minsan ang mga babae ang hi—Pota! Argon? What a
-SDS Restaurant-Sean’s POV“ Okay! Our lesson for today is all about Italian pasta. This is my pasta specialty the Cheesy Rigatoni with Potatoes and Cabbage,” in-on ko ang files ko about sa Italian pasta na ituturo ko sa mga estudyante kong nangangarap na maging Chef o magtayo ng isang food business.Ang itinayo kong restaurant 3 years ago na may tatlong palapag. Ang una hanggang dalawang palapag ang nagsisilbing restaurant o tumatanggap ng mga customer para matikman ang mga pagkain na binebenta namin. Sa ikatlo naman ay ang palapag na kung saan ay nagtuturo ako ng mga culinary student.Diniscuss ko muna sa kanila ang iba’t-ibang ingredients na kakailanganin sa Italian pasta na ituturo ko sa kanila at mga tools or equi
Stockholm Sweden-Arthryn’s POVHawak-hawak ni Daddy slash Emperor ang aking kamay. Tila parang ayaw niya akong pakawalan at pinipigilan niya akong umalis. Nginitian ko siya at mariing niyakap. “Come on, Dad. Sabihin mo lang, hindi na ako aalis,” sabi ko sa kanya. Ginulo lamang niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Ang sarap lang sa pakiramdam na ganito ang Daddy ko. Ewan ko ba kung bakit marami ang takot sa kanya. At madalas ay wala siyang kasama dito sa mansyon dahil iniiwasan siyang makasama ng kahit na sino dito sa mga kasambahay at armado na nasa mansyon kaya madalas din ay kapag may kailangan, pinapatawag na lang ni Kuya Brent.Noong mga nakaraan lang kasi ay nakita kong pinagpapractsan ni Daddy ang ilan sa mga Blood Armies. Ang buong katawan nito ang pinangpapain niya sa larong dart
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVTahimik.Walang gustong magsalita. Lahat nagpapakiramdaman. Lahat nagtataka kung bakit nga ba narito ang tatlong miyembro ng Ice Breakers.Ilang saglit pa.“Ahem. So… Kamusta mga brad,” si Prince Raymond at napaiwas ng tingin dahil sa ipinukol sa kanyang atensyon ni Prince Timothy.“Mas mabuti pa sa inaakala mo,” tila sarkastikong tugon ni Timothy na dahilan para magkaroon ng kakaibang awra sa buong silid.Tumahimik ulit pagkatapos ng pag-uusap na ‘yon. Gusto mang ma
Arthryn’s POVAng galing! Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa malapitan hihihi. Hindi kasi ako makahawak nito kay Mommy!“Waaah! Ang galing naman ‘yan eto ba ano ‘to?”“ Ah! ‘yan? Haha ang tawag diyan ay Laptop isang communication device ‘yan at diyan kami kumukuha ng mga infos kapag may pinapahanap na… uhm, ano ba tawag doon ‘tol?”“Research paper!”“Ah! ‘yon nga haha mga research! At iba na pwede mong tignan all over the world”“Waaah! Talaga?
Third Person’s POVPAGKALABAS NILA SA DINING HALL nakita ng dalawa ang triplets na mga nag-iikot. Mga kapwa hindi mapakali kung saan pupunta. Si Antimony papuntang kanang bahagi ngunit hinatak siya ni Bismuth papuntang kaliwa, si Argon naman ay hinatak si Antimony diretso, papuntang labas na hindi niya naman alam.“Jarvla! (Fvck!) this way brothers!”“Nej! (No!) this way Antimony!”Nagkatinginan naman sina Arthryn at Jared at parehas napailing. “Stanna! (Stop!) triplets!” sigaw ni Arthryn na nagpatigil sa tatlo at dali-daling pumunta sa harapan ng dalaga.
Arthyrn’s POVNagulat ako nang magtaas ng kamay si Bismuth. Ano na namang kaloko—“Can you translate all of your words into English? So sorry, we don’t understand you.,” nakita ko naman na napatawa si Kuya Justine at ang mga kasamahan nito.“Ha-ha-ha pvtangina Justine ikaw na mag-explain sa kanila!” sabi pa nito na nagpailing sa akin. Hindi ko akalain na may mga ganitong side attitude ang mga prinsipe. Si Kuya Brent kasi sabi niya ay lumayo ako sa mga kasamahan niya sa Blood Royalties. Ang dahilan? Hindi ko alam. Though, mukha namang magaan ang pakiramdam ko kay Prince Timothy. I don’t know pero parang masarap sa pakiramdam mga treatment niya sa akin simula nang unang pagkikita namin.
Jared’s POV“Arthryn!”“Yana!”“Princess!”“Fvck!” mabuti na lang hawak ko siya kundi at baka mabagok ang ulo niya. Binuhat ko siya nang pa-bridal style. Aagawin pa sana siya sa’kin ni Kuya Sean, na kakalapit lang, pero iniwas ko sa kanya si Arthryn. Kasabayan niya papunta rito si Prince Justine at si Antimony.“What happened to her?” hindi ko na sinagot si Antimony, nabigla ako sa isang iglap lang ay nawala sa pagkakabuhat ko si Arthryn at dahil ‘yon kay Prince Justine.
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang