Sean’s POV
Napahinto ako sa pagbaril nang mapansin kong tumatakas na ang siyam na kalalakihan na may tattoo sa balikat. Bago pa sila tuluyang makatakas ay pinaputukan ko ang isa sa kanila na agad namang bumawi ng putok.
“Ang bobo naman umasinta no’n!”
“Oo nga, parang ikaw,” napalingon agad ako sa likuran ko nang may magsalita. Nakita ko ang naka-all black na babae na nasisiguro kong miyembro ng Dark Alliance. Halos takpan niya na lahat ng katawan niya pati mukha sa suot niya. Madaling sabihin na mata at labi lang niya ang nakikita ko pati na ang buhok niyang mahaba na nakatali.
“Done checking me?“ ang yabang naman ‘to! Nginisihan pa ako nito
Third Person’s POVTadyak at suntok ang ginawa ni King Arthur kay Prince Nathan na inaakala niyang si Neizan. Ngayon ay nakalagpak si Prince Nathan sa sahig at duguan ang buong mukha pero nakuha pa rin nitong ngumisi at mang-asar kay King Arthur na hingal sa ginawang aksyon.“Wala kang kaalam-alam… Arthur. Sa simula hanggang sa wakas. Nakaplano na ang lahat. Piece by piece… go signal ko na lang,” ani Prince Nathan saka napadura ng dugo. Mas tumalim naman ang awra ni King Arthur saka muling binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha si Prince Nathan.“Matagal ko na itong plinano. Sinisira mo lang. Lagi kang kumokontra sa mga gusto ko… kayo ng kakambal ko. Kaya dapat sa inyo ay pinapahirapan. Pinaubaya ko na muna sa’yo ang pagig
Nathan’s POVNakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Nagtitimpi siya. Lubos na hindi makapaniwala sa mga ibinunyag ko sa kaniyang mga nakakadiring angkan na babae. Maging ako ay nandidiri sa sarili ko kapag sa tuwing naaalala ko ang mga eksenang iyon noong kasing edad lamang niya ako na maliit pa. At dahil magkamukha kami ni Neizan, mula ulo hanggang paa. Kapag nagtatago ako, siya ang minomolestya ng mga pinsan ni Arthur. Salitan kaming dalawa ni Neizan dahil ayaw namin mapalayas sa Sembrano’s Palace dahil wala pa kami ganoong sapat na kapangyarihan hangga’t hindi pa kami sumasabak noon sa Bloody Training. Ngunit mas tumindi ang galit ko, naunang maihalal si Arthur na maging hari kahit magsasanay pa lamang kami. Sobrang nakakapanlumo iyon sa aming dalawa ni Neizan. Gusto ni Neizan na patayin na noon si Arthur pero hinarangan ko. Dahil hindi pa iyon sapat na oras para patayin siya. Kaya mas mabu
Zylan’s POVHindi ako makakilos sa nakikita ko kay Reign. Ang mga mata niya nag-aalab sa galit na parang walang kinikilala sa amin. Mabilis ang mga kilos ng galaw niya sa tuwing magbibigay siya ng atake sa misteryosong lalaki na nandito sa gawi namin. Ang ipinagtataka ko lang, sino siya? Paano niya nakilala si Reign na anak ng Empress at kapatid ni King? Ngayon ko lang siya nakita dito sa Sembrano’s Palace at base na rin sa kaniyang mga kilos, nagsanay ito sa Bloody Training. Bawat pag-iwas nito sa mga atake ni Reign ay tila sanay ito sa labanan. Kung kilala ko lamang ang lalaking ito, iisipin kong nasa hanay siya ng Royalties.“Nice to finally meet you… kamukhang-kamukha mo nga siya, Arthyrn,” naririnig kong sambit niya kasabay ng mga pag-iwas sa bawat atakeng suntok at sipa ni Reign. Tila nang-aasar ang kaniyang mga
Grey’s POVGusto kong sumigaw ng malakas. Gusto kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Magpapasko na mamaya. Ganito pa ang mapait na mararansan naming dalawa ng kapatid ko. Literal na mag isa na lamang ako. Hawak ko ang kamay ng kakambal ko na wala ng kasigla-sigla maging ang balat nito na namumutla na. Akala mo eh natutulog lamang ang mokong pero kailanman ay hindi na magigising pa.Napatingin ako kila Damon, Prince Ken at Prince Justine na nakikipaglaban sa mga natitirang cyborg na narito. Parang nawalan ako ng gana para lumabas. Parang gusto ko na lamang tumunganga at maghintay din ng kamatayan. Para saan pa para mabuhay kung doon din naman ang punta? Lahat may limitasyon. Lahat ay may hangganan. Ang kasiyahan ay may hangganan, ang pagsasama ay may hangganan. Kung sino pa ang pinakainaasahan mo, iyon din pala ang mawawala.
Third Person’s POVUmigting ang panga ni King Arthur nang makita ang kapatid na si Alyana na may hawak na katana. Para itong isang living cyborg na may kakaibang awra. Isang awra na walang awa kung pumatay. Halo-halo ang emosyon ni King Arthur sa mga oras na ito. Kaba, takot, lungkot at galit. KInakabahan siya para sa kaniyang kapatid. Ayaw niyang magkasakitan sila. Ayaw niyang masaktan niya ang kapatid. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang bawat pag-atake na gagawin nito sa kanya. Natatakot siya sa mga posibilidad na mangyari sa kanilang magkapatid. Nalulungkot naman siya dahil sa tagal niya ng mag-isa sa angkan ng Sembrano sa palasyo, ngayon lang niya nalaman na buhay pa pala ang kapatid tapos nasa sitwasyon sila na magpapatayan. Nalulungkot siya sa sasapitin nilang dalawa. Hangad lang naman niya na maging masaya silang dalawa na magkasama at mamuhay bilang isang normal na pamilya. Hindi n
Third Person’s POVNapaatras ng kaonti si King Arthur sa narinig. Hindi siya lubos makapaniwala sa mga ibinunyag ni Prince Patrick. Buong akala ng hari na ang kinakalaban niya ngayon at ang kaharap nila ay ang kakambal ni Prince Nathan. Ngunit nagkamali siya, ito pala talaga ang ikalawang prinsipe. Nainis at nagagalit na si Prince Nathan dahil mukhang pumalpak ang plano niya na bilugin ang hari sa pngalawang pagkakataon. Naiinis din siya kung papaanong nalaman ni Prince Patrick ang mga nangyayari sa palasyo at kung papaano nito nakilala na siya ang totoong Prince Nathan.Ngumisi naman ng tagumpay si Prince Patrick sa nakikitang ekspresyon ng mukha ni Prince Nathan. Alam niyang dismayado ito sa ginawa niya at nagulat kung bakit niya nalaman na hindi siya ang kakambal nito.Hindi
Sean’s POVNatulala ako sa karga ni King Arthur. Parang bumagal lahat ng nasa paligid ko nang makita ko ang kamay ni Yana na nahulog. Parang tumigil ang mga oras sa sandaling ito. Parang pinipiga ang puso ko sa nasasaksihan ngayon. Hindi ako makahinga sa sobrang sikip na nararamdaman ko. Parang nalilito ako sa mga nangyayari. Hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit ganoon ang itsura ni Yana? Ano ang nangyari? Gusto kong lumapit kay King at magtanong ngunit parang wala siyang pakialam. Parang sasabog ang itsura niya at kahit sino ay babanggain niya sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. Kasabay naman niyang maglakad ang isang lalaki na kaparehas niya ng ekspresyon, sa likuran naman nila ang dalawang Royalties na sina Prince Ken at Prince Justine.Napatingin pa ako sa nakasalabay na katawan ni Red kay Grey. Parang kusang naglakad ang dalawang paa
11:30 pm-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVIlang oras pang niligpit ng buong katiwala ng Sembrano’s palace ang mga bangkay na nasa paligid. Ang mga nabasag na statue ay niligpit at in-assemble para sa kinabukasan ay maiayos at ang mga armas sa ilalim ng lupa ay sinuplayang muli upang maging handa sa susunod pang mga pag-atake ng sino mang nais pabagsakin ang Blood Organization. Mapapansin din ang pagrereset na nangyari sa Bloody Access, umiilaw ang bawat kable nito sa pagilid na tila naging christmas lights na disenyo sa bawat korner ng palasyo.Ngayon ay hindi muna nila inintindi ang natapos na Bloody War. Hindi muna nila pinag-usapan ang mga nakalipas na sandali kanina lamang nangyari. At hindi muna sila naghinagpis
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang