Nathan’s POV
Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Nagtitimpi siya. Lubos na hindi makapaniwala sa mga ibinunyag ko sa kaniyang mga nakakadiring angkan na babae. Maging ako ay nandidiri sa sarili ko kapag sa tuwing naaalala ko ang mga eksenang iyon noong kasing edad lamang niya ako na maliit pa. At dahil magkamukha kami ni Neizan, mula ulo hanggang paa. Kapag nagtatago ako, siya ang minomolestya ng mga pinsan ni Arthur. Salitan kaming dalawa ni Neizan dahil ayaw namin mapalayas sa Sembrano’s Palace dahil wala pa kami ganoong sapat na kapangyarihan hangga’t hindi pa kami sumasabak noon sa Bloody Training. Ngunit mas tumindi ang galit ko, naunang maihalal si Arthur na maging hari kahit magsasanay pa lamang kami. Sobrang nakakapanlumo iyon sa aming dalawa ni Neizan. Gusto ni Neizan na patayin na noon si Arthur pero hinarangan ko. Dahil hindi pa iyon sapat na oras para patayin siya. Kaya mas mabu
Zylan’s POVHindi ako makakilos sa nakikita ko kay Reign. Ang mga mata niya nag-aalab sa galit na parang walang kinikilala sa amin. Mabilis ang mga kilos ng galaw niya sa tuwing magbibigay siya ng atake sa misteryosong lalaki na nandito sa gawi namin. Ang ipinagtataka ko lang, sino siya? Paano niya nakilala si Reign na anak ng Empress at kapatid ni King? Ngayon ko lang siya nakita dito sa Sembrano’s Palace at base na rin sa kaniyang mga kilos, nagsanay ito sa Bloody Training. Bawat pag-iwas nito sa mga atake ni Reign ay tila sanay ito sa labanan. Kung kilala ko lamang ang lalaking ito, iisipin kong nasa hanay siya ng Royalties.“Nice to finally meet you… kamukhang-kamukha mo nga siya, Arthyrn,” naririnig kong sambit niya kasabay ng mga pag-iwas sa bawat atakeng suntok at sipa ni Reign. Tila nang-aasar ang kaniyang mga
Grey’s POVGusto kong sumigaw ng malakas. Gusto kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Magpapasko na mamaya. Ganito pa ang mapait na mararansan naming dalawa ng kapatid ko. Literal na mag isa na lamang ako. Hawak ko ang kamay ng kakambal ko na wala ng kasigla-sigla maging ang balat nito na namumutla na. Akala mo eh natutulog lamang ang mokong pero kailanman ay hindi na magigising pa.Napatingin ako kila Damon, Prince Ken at Prince Justine na nakikipaglaban sa mga natitirang cyborg na narito. Parang nawalan ako ng gana para lumabas. Parang gusto ko na lamang tumunganga at maghintay din ng kamatayan. Para saan pa para mabuhay kung doon din naman ang punta? Lahat may limitasyon. Lahat ay may hangganan. Ang kasiyahan ay may hangganan, ang pagsasama ay may hangganan. Kung sino pa ang pinakainaasahan mo, iyon din pala ang mawawala.
Third Person’s POVUmigting ang panga ni King Arthur nang makita ang kapatid na si Alyana na may hawak na katana. Para itong isang living cyborg na may kakaibang awra. Isang awra na walang awa kung pumatay. Halo-halo ang emosyon ni King Arthur sa mga oras na ito. Kaba, takot, lungkot at galit. KInakabahan siya para sa kaniyang kapatid. Ayaw niyang magkasakitan sila. Ayaw niyang masaktan niya ang kapatid. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang bawat pag-atake na gagawin nito sa kanya. Natatakot siya sa mga posibilidad na mangyari sa kanilang magkapatid. Nalulungkot naman siya dahil sa tagal niya ng mag-isa sa angkan ng Sembrano sa palasyo, ngayon lang niya nalaman na buhay pa pala ang kapatid tapos nasa sitwasyon sila na magpapatayan. Nalulungkot siya sa sasapitin nilang dalawa. Hangad lang naman niya na maging masaya silang dalawa na magkasama at mamuhay bilang isang normal na pamilya. Hindi n
Third Person’s POVNapaatras ng kaonti si King Arthur sa narinig. Hindi siya lubos makapaniwala sa mga ibinunyag ni Prince Patrick. Buong akala ng hari na ang kinakalaban niya ngayon at ang kaharap nila ay ang kakambal ni Prince Nathan. Ngunit nagkamali siya, ito pala talaga ang ikalawang prinsipe. Nainis at nagagalit na si Prince Nathan dahil mukhang pumalpak ang plano niya na bilugin ang hari sa pngalawang pagkakataon. Naiinis din siya kung papaanong nalaman ni Prince Patrick ang mga nangyayari sa palasyo at kung papaano nito nakilala na siya ang totoong Prince Nathan.Ngumisi naman ng tagumpay si Prince Patrick sa nakikitang ekspresyon ng mukha ni Prince Nathan. Alam niyang dismayado ito sa ginawa niya at nagulat kung bakit niya nalaman na hindi siya ang kakambal nito.Hindi
Sean’s POVNatulala ako sa karga ni King Arthur. Parang bumagal lahat ng nasa paligid ko nang makita ko ang kamay ni Yana na nahulog. Parang tumigil ang mga oras sa sandaling ito. Parang pinipiga ang puso ko sa nasasaksihan ngayon. Hindi ako makahinga sa sobrang sikip na nararamdaman ko. Parang nalilito ako sa mga nangyayari. Hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit ganoon ang itsura ni Yana? Ano ang nangyari? Gusto kong lumapit kay King at magtanong ngunit parang wala siyang pakialam. Parang sasabog ang itsura niya at kahit sino ay babanggain niya sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. Kasabay naman niyang maglakad ang isang lalaki na kaparehas niya ng ekspresyon, sa likuran naman nila ang dalawang Royalties na sina Prince Ken at Prince Justine.Napatingin pa ako sa nakasalabay na katawan ni Red kay Grey. Parang kusang naglakad ang dalawang paa
11:30 pm-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVIlang oras pang niligpit ng buong katiwala ng Sembrano’s palace ang mga bangkay na nasa paligid. Ang mga nabasag na statue ay niligpit at in-assemble para sa kinabukasan ay maiayos at ang mga armas sa ilalim ng lupa ay sinuplayang muli upang maging handa sa susunod pang mga pag-atake ng sino mang nais pabagsakin ang Blood Organization. Mapapansin din ang pagrereset na nangyari sa Bloody Access, umiilaw ang bawat kable nito sa pagilid na tila naging christmas lights na disenyo sa bawat korner ng palasyo.Ngayon ay hindi muna nila inintindi ang natapos na Bloody War. Hindi muna nila pinag-usapan ang mga nakalipas na sandali kanina lamang nangyari. At hindi muna sila naghinagpis
Third person’s POVNagkakagulo.Tila nahinto ang ilang Armies sa pagbaba ng mga kabaong sa ilalim ng lupa nang sumigaw si Dominic. Ang ilan ay nagtataka, ang ilan naman ay nangangamba na kung saan ang bangkay ni Red Collins.“A-anong sabi mo? Na saan ang kakambal ko?!” galit na sigaw ni Grey at halos matumba na ang kabaong sa klase ng pagkakasampa ng kamay niya. Natauhan naman si Sean mula sa pagkakatulala at pumunta na rin sa may harapan nang makita ang kaguluhan sa may kabaong ni Red.“Anong nangyayari?”“Nawawala ang bangkay ni Red,” si Dominic saka nagpalinga-linga. Ganoon din ang ginawa ni Sean at Grey.
After 5 years…-Stockholm, Sweden-Arthryn’s POVUgh! Nakakainis. Lagi na lang ‘tong sumusunod sa’kin. “Ano ba?! Can you please stop following me? You’re so annoying!” at ang loko tinawanan lang ako.“Sorry, Heiress. Hindi puwede sabi ni King Arthur at ni Emperor. Saka baby ka pa daw, e. Hahaha,” sa inis ko ay inihipan ko ang aking bangs. Napapikit pa ako dahil sa iritasyon.“You!—bullshit.”“Gwapong bullshit,” minasamaan ko siya ng tingin. Naiinis na talaga ako sa lalaking ‘to feeling close ang kumag. Sana mawala na siya