-Isla Verde-
Grey’s POV
“Bisperas na mamaya ng pasko… ganto pa ang nangyayari,” rinig kong sambit ni Dominic habang inaayos niya ang COLT M1911 PISTOL niya. “Wala pa si Aly,” dagdag pa nito. Ilang saglit pa ay napansin ko ang pagngiwi nito na tila may kakaibang nararamdaman sa sarili. Sumulyap naman siya sa akin nang maramdamang nakatingin ako sa kaniya. Tumikhim pa ito saka nag-okay sign sa akin. Pinagmasdan ko pa ng mabuti ang kulay puting v-neck shirt niya at nakita ko ang dugo na nagmantya doon.
“Shit… pa-parang nanghihina ako…” aniya na ikinatayo ko bigla sa kinauupuan ko. Maging sina Prince Justine at King Arthur ay nakuha ang atensyon niya. Napansin pa ulit namin ang pagdami ng mant
-Golf Z-Red’s POV“Gaizer, gusto ko nang umuwi… baka hinahanap na ako ni Kuya Brent,” ani Yana saka hinihila ang laylayan ng damit ko. Nakaupo lang kasi siya sa solo sofa dito sa labas ng silid na pinasukan namin kanina para kumain sila ng sabay ni Prince Nathan. Nagmamanman naman ako s bawat Blood Armies na dinadaanan kami o mga armado na maggagawi rito. Kailangan kong maging alerto para mailigtas ko si Yana.Napabuntong-hininga naman ako sa narinig kay Yana. Kanina niya pa kasi iyan sinasabi sa akin. Kahit gustuhin ko man siyang itakas na rito at iuwi baka paglabas pa lang namin ay sumabog na ang ulo ng babaeng mahal ko. Mayroon pa ring nakalagay sa kaniyang noo. Isang red dot. Ni hindi ko nga mahanap kung saan banda rito ang nagsesentro nito
-Sembrano’s Palace-Timothy’s POV“Shit… sino ‘yong lalaking iyon?” mas ni-zoom in ko pa ang monitor para makita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki na nakikipagpalitan ng putok ng baril. Mukhang kilala siya ng isa sa mga naka all black outfit na mga babae dahil tumatango-tango siya sa isa sa mga iyon.Base sa napapansin ko sa lalaking hindi gaano kaaya-aya ang itsura ay magaling siyang makipagsabayan sa labanan. Parang bihasa sa pakikipagpalitan ng mga putok. Parang mga estilo ni Prince Patrick…?“WARNING! WARNING! WARNING!”Napatuwid ako ng tayo nang malapit na matapos ang countdown na trenta min
-Golf Z-Third Person’s POV“Kuya Nate? Akala ko po ba aalis tayo?”“Yes, baby. Aalis tayo” sabi ni Prince Nathan saka unti-unting nilalapitan si Alyana na nakatapat sa salamin. Nasa likuran na ni Alyana ang prinsipe pagkatapos ay humawak ito sa magkabilaang balikat ng dalaga. “Baby, may ituturo ako sa’yo.” Bigla namang naging sabik si Alyana sa sinabi ni Prince Nathan at hinarap ito.“Talaga, Kuya? Ano naman po iyon?” pero tila nakadama ng alinlangan si Alyana sa klase ng tingin na ipinupukol sa kanya ni Prince Nathan habang ito ay papalapit sa kanya. Nang tuluyan na itong nakalapit ay pinaharap niya si Alyana sa harap n
-Sembrano’s Palace-Grey’s POVBigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa hindi ko malamang dahilan. Parang bigla akong nakaramdam ng lungkot, sakit at pagkatulala sa mga sandaling ito. Kahit na marami ang bangkay na sa harapan ko ay tila naging bulag ang paningin ko dahil sa mga imahinasyon na nakita ko si Red. Nawala ang imahe niya nang may sumunggab sa aking kamay para itulak. Pagkatingin ko sa kanya ay bakas ang talim ng mata nito sa akin. Hindi ko kilala ang lalaki. Kung pagmamasdan ang kaniyang pisikal na kaanyuhan ay masasabi kong dayuhan ito. Mabilis ang kaniyang paghingal hanggang sa makatabi siya sa aking gilid dahil nagtatago kami sa pader. Nag purge system na raw kasi si Bloody Access at kahit saang direksyon ay may mga putukan ng baril dahil sa awtomatiko nitong nakabaon sa lupa at sa bawat korner ng palasyo. Maririnig pa ang tatlong sabay-sabay
-Golf Z-Justine’s POV“Naka-setup na ang lahat ng bomba na naroon, King,” rinig kong wika ni Prince Ken na hingal pa rin dahil sa pakikipaglaban sa cyborg kanina. Mabuti na lamang at dumating kami agad ni King kundi ay baka wala na siya ngayon. Tumango naman siya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kaniya.“Good. How about you Damon?” si King saka inaayos ang kaniyang Ak-47 riffle. Nagkatinginan pa kami ni King saka nagsitanguan. Ikinasa ko na rin ang hawak kong M134 Minigun.“Shutdown na lahat, King,” sagot ni Damon na may hawak na isang klase ng katana na kilalang Khopesh. Hinahati-hati niya kanina ang mga cyborg na nakakalaban niya.
Third person’s POVDugo.Halos bumaha na ang buong paligid ng kulay pulang likido sa Sembrano’s Palace. Marami ang nagbuwis ng buhay, hindi dahil lumaban para sa sarili, kundi maisakatuparan ang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa pinakamakapangyarihang grupo, ang Blood Organization. Nagkalat din ang mga bangkay sa bawat paligid. Mga bangkay na ang ilan ay nagkapatong-patong na sa sobrang dami at ang ilan ay namatay dahil sa pagkakapatong sa kanila ng mga namayapa.Marami ang nawalan. Lumaban at nagpahayag na hanggang sa huling hininga ng kanilang buhay ay nagawa nilang pagsilbihan ang tinaguriang organisasyon. Nakikita ng mga nasa kabilang pader ang kalagayan ng main place na pinanggalingan ng mga putok ng baril at pagsabo
Third Person’s POVBago pa man masugod ulit ni King Arthur si Prince Nathan na inaakala niyang Neizan ay gumitna si Prince Ken. Napahinto si King Arthur dahil sa pagtigil sa kaniya ng ikawalong prinsipe. nakaramdam siya ng inis at pagkadismaya sa inaksyon nito. Ang kaniyang nag-aalab na galit ay mas tumindi. Nakaramdam naman ng pagkailang si Prince Ken sa awra na ipinapakita ni King Arthur kung kaya’t dumistansya siya ng kaonti sa hari.“King, hindi siya si Neizan! Patay na ang totoong Neizan. Si Prince Nathan ‘yang kaharap natin ngayon!” aniya saka itinutok ang baril kay Prince Nathan. Humagalpak naman ng tawa si Prince Nathan na kunwari ay nagmamaang-maangan pa sa ibinunyag ng ikawalong prinsipe.“I am a good actor, eh? Masyado ko na yatan
Sean’s POVNapahinto ako sa pagbaril nang mapansin kong tumatakas na ang siyam na kalalakihan na may tattoo sa balikat. Bago pa sila tuluyang makatakas ay pinaputukan ko ang isa sa kanila na agad namang bumawi ng putok.“Ang bobo naman umasinta no’n!”“Oo nga, parang ikaw,” napalingon agad ako sa likuran ko nang may magsalita. Nakita ko ang naka-all black na babae na nasisiguro kong miyembro ng Dark Alliance. Halos takpan niya na lahat ng katawan niya pati mukha sa suot niya. Madaling sabihin na mata at labi lang niya ang nakikita ko pati na ang buhok niyang mahaba na nakatali.“Done checking me?“ ang yabang naman ‘to! Nginisihan pa ako nito