-Sembrano’s Palace-
Timothy’s POV
“Saan pupunta si Prince Marvin??” daldal ko kay Prince Ken na nakapokus ang mata kay Floyd habang pinagmamasdan namin ang mga susunod na galaw nito papunta sa Golf Z. Napadako ang tingin ko kay Prince Marvin na papunta sa Sembrano’s Empire ngunit nahinto nang hindi makapasok dahil sa pagbawi ni Prince Ken sa Identity code ni Prince Marvin sa Sembrano’s Empire. Kaya ako, si Prince Ken, Alyana, Ice Breakers at si King ang pupuwedeng makapasok sa Sembrano’s Empire. Kung nakaraan ay puwedeng makapasok ang kahit na sino pati ang Blood Armies na naka-assigned ang duty sa Royalties, nakakapasok at labas sila sa Sembrano’s Empire, ngunit ngayon ay iba na, binawi lahat ni Prince Ken at iilan na lang kami ang nakakapasok. Dumako pa ang tingin ko sa iba pang monitor na nasa harapan namin. Nakita
-Golf Z-Red’s POVParang hindi ako mapakali sa kaharap namin ngayon. Alam kong kakambal siya ni Prince Nathan pero parang kakaiba ang kaniyang awra ngayon. Hindi ko maipaliwanag. Talagang parehas sila ng features ni Prince Nathan maging sa mga kinikilos at pananalita. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko mahanap kung saan banda ang kakaiba sa lalaking ito ngayon. Pero alam ko kasama nina Prince Justine at Prince Patrick si Prince Nahan, ang totoongikalawang prinsipe sa Isla Royal. Dahil ang base sa plano namin, magsisipuntahan dito kapag dumating na ang hinihintay na araw na debut ni Yana. Isang debut celebration na puno ng kamatayan.Hindi ako pinapatabi ni Neizan kay Yana. Nakaupo silang dalawa sa hapag na may mga katapat na pagkain. Nasa likod lamang ako ni Yana para magbantay o magmasid. Nilibot ko ang buon
-Sembrano’s Palace-Timothy’s POVTatlong putok ng baril ang pinakawalan ko sa isang Blood Army na pinupuntirya ako. Ni hindi ko na muna inintindi ngayon ang sitwasyon na nasa hipnotismo sila para kalabanin kami, na wala sila sa huwesiyo para kilalanin kami, dahil baka ako ang mapatay kapag pinairal ko ang puso ko sa kanila. Pero dahil may kaonting awa pa ako para sa mga pamilyang maiiwan nila, ang bala ng baril ko ay hindi nakakamatay, kundi pampatulog ito na may talab ng bentekwatro oras. Pinatamaan ko ang armado sa gawing balikat niya at mabilis siyang natumba at nawalan ng malay. Bawat makakalaban kong armado ay mahuhulog sa underground ng Bloody South dahil ito ay aming in-activate ni Prince Ken upang mailigtas sila at magawan ng paraan para bumalik sila sa dati. Dahil ang hawak kong baril ay nakakonekta kay Bloody Access na naghihingalo ang system dahil
-Isla Verde-Grey’s POV“Bisperas na mamaya ng pasko… ganto pa ang nangyayari,” rinig kong sambit ni Dominic habang inaayos niya ang COLT M1911 PISTOL niya. “Wala pa si Aly,” dagdag pa nito. Ilang saglit pa ay napansin ko ang pagngiwi nito na tila may kakaibang nararamdaman sa sarili. Sumulyap naman siya sa akin nang maramdamang nakatingin ako sa kaniya. Tumikhim pa ito saka nag-okay sign sa akin. Pinagmasdan ko pa ng mabuti ang kulay puting v-neck shirt niya at nakita ko ang dugo na nagmantya doon.“Shit… pa-parang nanghihina ako…” aniya na ikinatayo ko bigla sa kinauupuan ko. Maging sina Prince Justine at King Arthur ay nakuha ang atensyon niya. Napansin pa ulit namin ang pagdami ng mant
-Golf Z-Red’s POV“Gaizer, gusto ko nang umuwi… baka hinahanap na ako ni Kuya Brent,” ani Yana saka hinihila ang laylayan ng damit ko. Nakaupo lang kasi siya sa solo sofa dito sa labas ng silid na pinasukan namin kanina para kumain sila ng sabay ni Prince Nathan. Nagmamanman naman ako s bawat Blood Armies na dinadaanan kami o mga armado na maggagawi rito. Kailangan kong maging alerto para mailigtas ko si Yana.Napabuntong-hininga naman ako sa narinig kay Yana. Kanina niya pa kasi iyan sinasabi sa akin. Kahit gustuhin ko man siyang itakas na rito at iuwi baka paglabas pa lang namin ay sumabog na ang ulo ng babaeng mahal ko. Mayroon pa ring nakalagay sa kaniyang noo. Isang red dot. Ni hindi ko nga mahanap kung saan banda rito ang nagsesentro nito
-Sembrano’s Palace-Timothy’s POV“Shit… sino ‘yong lalaking iyon?” mas ni-zoom in ko pa ang monitor para makita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki na nakikipagpalitan ng putok ng baril. Mukhang kilala siya ng isa sa mga naka all black outfit na mga babae dahil tumatango-tango siya sa isa sa mga iyon.Base sa napapansin ko sa lalaking hindi gaano kaaya-aya ang itsura ay magaling siyang makipagsabayan sa labanan. Parang bihasa sa pakikipagpalitan ng mga putok. Parang mga estilo ni Prince Patrick…?“WARNING! WARNING! WARNING!”Napatuwid ako ng tayo nang malapit na matapos ang countdown na trenta min
-Golf Z-Third Person’s POV“Kuya Nate? Akala ko po ba aalis tayo?”“Yes, baby. Aalis tayo” sabi ni Prince Nathan saka unti-unting nilalapitan si Alyana na nakatapat sa salamin. Nasa likuran na ni Alyana ang prinsipe pagkatapos ay humawak ito sa magkabilaang balikat ng dalaga. “Baby, may ituturo ako sa’yo.” Bigla namang naging sabik si Alyana sa sinabi ni Prince Nathan at hinarap ito.“Talaga, Kuya? Ano naman po iyon?” pero tila nakadama ng alinlangan si Alyana sa klase ng tingin na ipinupukol sa kanya ni Prince Nathan habang ito ay papalapit sa kanya. Nang tuluyan na itong nakalapit ay pinaharap niya si Alyana sa harap n
-Sembrano’s Palace-Grey’s POVBigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa hindi ko malamang dahilan. Parang bigla akong nakaramdam ng lungkot, sakit at pagkatulala sa mga sandaling ito. Kahit na marami ang bangkay na sa harapan ko ay tila naging bulag ang paningin ko dahil sa mga imahinasyon na nakita ko si Red. Nawala ang imahe niya nang may sumunggab sa aking kamay para itulak. Pagkatingin ko sa kanya ay bakas ang talim ng mata nito sa akin. Hindi ko kilala ang lalaki. Kung pagmamasdan ang kaniyang pisikal na kaanyuhan ay masasabi kong dayuhan ito. Mabilis ang kaniyang paghingal hanggang sa makatabi siya sa aking gilid dahil nagtatago kami sa pader. Nag purge system na raw kasi si Bloody Access at kahit saang direksyon ay may mga putukan ng baril dahil sa awtomatiko nitong nakabaon sa lupa at sa bawat korner ng palasyo. Maririnig pa ang tatlong sabay-sabay
-Golf Z-Justine’s POV“Naka-setup na ang lahat ng bomba na naroon, King,” rinig kong wika ni Prince Ken na hingal pa rin dahil sa pakikipaglaban sa cyborg kanina. Mabuti na lamang at dumating kami agad ni King kundi ay baka wala na siya ngayon. Tumango naman siya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kaniya.“Good. How about you Damon?” si King saka inaayos ang kaniyang Ak-47 riffle. Nagkatinginan pa kami ni King saka nagsitanguan. Ikinasa ko na rin ang hawak kong M134 Minigun.“Shutdown na lahat, King,” sagot ni Damon na may hawak na isang klase ng katana na kilalang Khopesh. Hinahati-hati niya kanina ang mga cyborg na nakakalaban niya.
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang