-Isla Verde-
Zylan’s POV
“Huwag mo ‘kong hahawakan! Hi-hindi ko kayo kilala! Anong ginagawa ko rito?!” sigaw ni Reign habang hinaharang ang kaniyang dalawang kamay kay Red na sinusubukan siyang pakalmahin. Makikita sa kanya ang matinding takot na ni isa sa amin ay hindi makilala ni Reign. Sinubukan pa ulit siya pakalmahin ni Red ngunit nanlaban si Reign, kinagat niya ang kamay ni Red dahilan para mapaimpit ito sa sakit.
“Shit, Yana! Kami ito! Ako ‘to si Gaizer!” pabulyaw na wika ni Red kay Reign na ngayon ay nakatitig sa kamay na kinagatan niya. Napailing pa si Reign. Ilang saglit ay biglang napahawak siya sa kaniyang ulo.
“Ahhhh! Ang sakit ng ulo ko! Ahhhhh!” sigaw ni R
-Isla Royal-Third Person’s POV“Gaano ka kasigurado na mababantayan ng Ice Breakers ang kapatid mo?” wika ni Prince Nathan nang limang oras na ang nakalipas simula umalis sa Casa Sembranos sila Alyana kasama ang limang lalaki. Inusog naman ni King Arthur ang bishop pieces papunta sa pawn ni Prince Nathan. Iilan na lang ang chess pieces ng prinsipe na isang pawn, dalawang knight, isang rook at isang queen.“Ikaw, gaano ka hindi kasigurado na hindi nila mababantayan ang kapatid ko?” balik na tanong ni King Arthur at nag-urong muli ng isang chess piece. Napaangat naman ng tingin si Prince Nathan sa katunggaling hari na seryoso ang reaksyon sa kanilang paglalaro ng chess.
-Isla Verde-Zylan’s POVHindi siya makatingin ng diretso sa akin. Tila ang bawat paghinga ay may nakabalot na kaba sa dibdib. Mapapansin ang kaniyang pag-aalinlangang magsalita. Hindi siya mapakali. Hindi niya ako kayang harapin. Hindi niya ako kayang pansinin. Ganoon mo ba ako gustong dumistansya sa’yo? Ako ba ang dapat lumayo, Reign? Nasasaktan ako kapag ganyan ang mga reaksyon mo kapag kaharap ako. Masakit sa akin na para bang nahihirapan ka lang pakisamahan ako. Mali nga bang gustuhin kita? O mali talagang magmahal ang tulad ko? Kasi Reign, hindi ko alam kung papaano ito iwasan. Kung alam ko lang edi sana noon pa, naagapan ko pa, edi sana noon pa lang, napigilan ko na. Pero habang ganito ang nakikita ko sa’yo, bakit parang lalo lang nagrerebelde ang puso ko? Bakit parang mas nagiging mas malapit pa sa’yo?
Third Person’s POVPagkatapos niyang patayin ang sariling Ama na naliligo sa sariling dugo ay mabilis siyang umalis sa silid na iyon. Hindi naman siya hinaharangan ng mga Blood Armies pati na ng mga scientist dahil hawak niya ang posisyon na nagtataglay ng mataas na ranggo. Kahit na mayroong maliit na balat sa kaniyang pisngi ay hindi ito naging hadlang upang hindi siya makilala bilang pumapangalawang prinsipe ng Blood Organization. Bago pa siya makalabas sa entrance ng laboratory room ay mayroon sigaw na umalingawngaw. Napangisi siya sa narinig. Walang halong pagsisisi ang kaniyang naramdaman kundi pagkamuhi lamang sa ama at sa kakambal.“DAAAAD!!!”Malalim siyang bumuntong-hininga na tila nilalasap ang sariwang hangin na tumama sa kaniyang mukha sa kapaligiran ng G
-Isla Verde-Sean’s POVNAPAIWAS ako ng tingin sa nakikitang pagyayakapan nina Red at Yana nang umahon ako sa dagat. Napalingon ako kay Damon na kakapasok lang ng resthouse na nakakuyom ang dalawang kamao. Napabuntong-hininga ako. Mayroon na ngang nagmamay-ari sa puso ni Yana.“Saklap diba?” hindi ko na nilingon pa ang boses na narinig ko mula sa likuran ko. Boses iyon ni Dominic. “Hindi ko maunawaan kung bakit si Red?” dagdag pa nito. Narinig ko naman ang pag-aray ni Dominic marahil ay may ginawa si Grey sa kaniya dahil inaalalayan siya nito.“Kaya si Red kasi siya si Red. Walang kahit ano mang rason para hindi magustuhan ni Yana si Red,” pagdedepensa ni Grey sa kakambal. Humarap naman a
-Camarines Sur, Bacacay-Third Person’s POVNapalingon muli si Prince Patrick sa likuran niya. Nang masiguro na walang papararing na papasok sa bahay ay inusog niya ang sarili palapit kay Judy Lyn. Tila napaghinuha naman ni Judy Lyn ang gustong mangyari ng prinsipe kaya lumapit din siya.“Kailan pa nalamang buhay si Arthyrn? At bakit si Nathan ang traydor?” kuryosong wika ni Prince Patrick. Dumistansya pa ulit siya kay Judy Lyn nang makarinig ng paparating na yapak. Nakompirma ni Judy Lyn na malakas ang prinsipeng kaharap niya. Na kahit sampung taong lumipas man ang pagkawala nito sa Blood Organization ay nasisiguro niyang may natatangi pa rin itong galing at abilidad sa pakikipaglaban dahil na rin sa malakas nitong makiramdam sa paligid.
-Isla Verde-Third Person’s POVNAKAPALIBOT sa ginawang bonfire ang buong Ice Breakers at si Alyana. Pinaggitnaan ng kambal ang dalaga at kaharap naman nila sina Zylan, Sean at Dominic na kapwa mga nakatitig sa apoy na nagliliyab sa kanilang harapan. Napabuntong-hininga naman si Zylan at kinuha sa kaniyang gilid ang isang gitara. Napalingon naman sa kaniya ang mga kasamahan t mga nagsisitanguan sa nais niyang ipahiwatig.“Maganda ‘yan, Damon! Magkantahan tayo!” si Sean at kinuha ang isang timba na may lamang mga lupa. Inalis naman niya ang laman no’n saka tinaob. “DIY beatbox, let’s get it on!” aniyang may sabik sa gagawin.Napapalakpak at napahagikgik naman si Alyana sa nakikita. N
-Isla Verde-Grey’s POVNapangiti ako sa nakikita ko. Sana maulit pa itong pangyayaring ito. Na kung saan ay masaya kami kasama si Yana. Isang kasiyahan na kung saan ay walang pag-aalinlangan. Mahirap kasi maging masaya kapag mayroong nakaambang kalungkutan. Kahit anong pilit na iwaksi ito sa aming isipan, alam naming mangyayari ito. Na wala kaming kawala sa ano mang resultang kahihinatnan ng kinakatakutan naming lahat. Na baka isa rin sa amin ay mawala.“Yieeee~ ang sarap naman pala iihaw ang marsh mallows! Puwede bang sa akin na lang lahat ng ito?” natawa ako sa nakikita ko kay Yana. Halos yakapin niya na ang isang lagayan ng marshmallows. Napailing naman si Sean sa tabi niya at kumuha ng isang marshmallows. “Eeeeh!! Dwaythe naman eh! Sa akin na lang ‘to,” ani Yana saka napa
-Isla Verde-Red’s POVNapapikit ako sa senaryong nakikita ko kila Dominic at Yana. Si Yana na mismong lumuhod para sayawan si Dominic. Wala namang kaso iyon sa akin dahil hindi ko pa naman officially na girlfriend si Yana. Hindi ko puwedeng diktahin na pagmamay-ari ko siya dahil nasisiguro ko na naguguluhan siya. Yes, I am very happy na sa akin ang atensyon ni Yana, na ako lang ang gusto niyang makita at ayaw niyang mawala sa tingin niya. I think it is just her infatuation as being a teenager. Ngayon pa lang nakakaramdam si Alyana ng pagdadalaga sa pag-iisip. Hindi na siya gaano nakikipaglaro sa mga bata noong nasa Isla Royal pa lang kami. Mas gusto na niyang mag-isa minsan sa silid niya at magkulong. Kaya hindi rin malabo na dumistansya siya sa amin kapag nagkataon na may mga matutunan siyang ibang bagay as being a woman.