-Camarines Sur, Bacacay-
Third Person’s POV
Napalingon muli si Prince Patrick sa likuran niya. Nang masiguro na walang papararing na papasok sa bahay ay inusog niya ang sarili palapit kay Judy Lyn. Tila napaghinuha naman ni Judy Lyn ang gustong mangyari ng prinsipe kaya lumapit din siya.
“Kailan pa nalamang buhay si Arthyrn? At bakit si Nathan ang traydor?” kuryosong wika ni Prince Patrick. Dumistansya pa ulit siya kay Judy Lyn nang makarinig ng paparating na yapak. Nakompirma ni Judy Lyn na malakas ang prinsipeng kaharap niya. Na kahit sampung taong lumipas man ang pagkawala nito sa Blood Organization ay nasisiguro niyang may natatangi pa rin itong galing at abilidad sa pakikipaglaban dahil na rin sa malakas nitong makiramdam sa paligid.
-Isla Verde-Third Person’s POVNAKAPALIBOT sa ginawang bonfire ang buong Ice Breakers at si Alyana. Pinaggitnaan ng kambal ang dalaga at kaharap naman nila sina Zylan, Sean at Dominic na kapwa mga nakatitig sa apoy na nagliliyab sa kanilang harapan. Napabuntong-hininga naman si Zylan at kinuha sa kaniyang gilid ang isang gitara. Napalingon naman sa kaniya ang mga kasamahan t mga nagsisitanguan sa nais niyang ipahiwatig.“Maganda ‘yan, Damon! Magkantahan tayo!” si Sean at kinuha ang isang timba na may lamang mga lupa. Inalis naman niya ang laman no’n saka tinaob. “DIY beatbox, let’s get it on!” aniyang may sabik sa gagawin.Napapalakpak at napahagikgik naman si Alyana sa nakikita. N
-Isla Verde-Grey’s POVNapangiti ako sa nakikita ko. Sana maulit pa itong pangyayaring ito. Na kung saan ay masaya kami kasama si Yana. Isang kasiyahan na kung saan ay walang pag-aalinlangan. Mahirap kasi maging masaya kapag mayroong nakaambang kalungkutan. Kahit anong pilit na iwaksi ito sa aming isipan, alam naming mangyayari ito. Na wala kaming kawala sa ano mang resultang kahihinatnan ng kinakatakutan naming lahat. Na baka isa rin sa amin ay mawala.“Yieeee~ ang sarap naman pala iihaw ang marsh mallows! Puwede bang sa akin na lang lahat ng ito?” natawa ako sa nakikita ko kay Yana. Halos yakapin niya na ang isang lagayan ng marshmallows. Napailing naman si Sean sa tabi niya at kumuha ng isang marshmallows. “Eeeeh!! Dwaythe naman eh! Sa akin na lang ‘to,” ani Yana saka napa
-Isla Verde-Red’s POVNapapikit ako sa senaryong nakikita ko kila Dominic at Yana. Si Yana na mismong lumuhod para sayawan si Dominic. Wala namang kaso iyon sa akin dahil hindi ko pa naman officially na girlfriend si Yana. Hindi ko puwedeng diktahin na pagmamay-ari ko siya dahil nasisiguro ko na naguguluhan siya. Yes, I am very happy na sa akin ang atensyon ni Yana, na ako lang ang gusto niyang makita at ayaw niyang mawala sa tingin niya. I think it is just her infatuation as being a teenager. Ngayon pa lang nakakaramdam si Alyana ng pagdadalaga sa pag-iisip. Hindi na siya gaano nakikipaglaro sa mga bata noong nasa Isla Royal pa lang kami. Mas gusto na niyang mag-isa minsan sa silid niya at magkulong. Kaya hindi rin malabo na dumistansya siya sa amin kapag nagkataon na may mga matutunan siyang ibang bagay as being a woman.
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVHalos hindi makausap si Prince Ken dahil sa nararamdamang pagkainis nito sa mga puwedeng mangyari. Kailangang i-reset o i-format ang buong memory ni Bloody Access dahil kung hindi… pupuwedeng ma-virus-an ang lahat ng system ng access room. Hindi siya puwedeng magpadalos-dalos dahil kapag ginawa niya iyon, from the start ulit ang access room, mula sa identity code hanggang sa weapons niya ito mamanuhin upang mai-insert sa memory ni Bloody Access.“Kapag kasi ni-reset or format natin itong access room… oo, mawawala ang virus, pero it’s too late to do that…” halos nanghihinang wika ni Prince Ken. Napasulyap naman sa kanya ang dalawa na sina Prince Timothy at Floyd. Tila nakikita ang pagtataka ng dalawa. “It&r
-Isla Verde-Third Person’s POVKasalukuyang mga nakikinig ang bawat isa sa sinasabing mga mesahe ni Dominic. Hindi rin mapigilan nina Grey at Sean na hindi maiyak sa mga naririnig sa kaibigan. Si Alyana naman ay tila nagtataka kung bakit parang nagpapaalam sa kaniya si Dominic. Aalis kaya sila? Saan sila pupunta? IIwanan na nila ako? Aniya sa kaniyang isipan. Napahawak naman si Red sa kaniyang choker nang bigla itong dumiin. Napansin iyon ni Zylan kaya bumaling siya kay Red. Napabuntong-hininga naman si Red saka sumenyas kay Zylan.“Mukhang kontrolado na naman ako…” aniya sa isang sign language. Hindi naman nakitaan ng reaksyon si Zylan bagkus ay bumaling ang atensyon niya kay Dominic na patuloy sa pag-alala ng mga alaala nila kay Alyana.
-Isla Verde-Sean’s POVFeeling ko parang ang tapang ko sa mga oras na ito. Feeling ko kaya kong sabihin lahat kay Yana. Ewan ko baka nga dahil sa alak na nainom ko kaya ako nagkakaroon ng lakas ng loob. Kahit pa sa harapan ng kapatid niyang hari.Napagpasyahan kasi namin na after naming sayawan si Yana ay magkakaroon kami ng speech sa kaniya. Tig one hour kaming magsasalita. Sa one hour na gagawin naming iyon ay sasabihin namin lahat ng gusto naming sabihin, mga alaala, mga payo o kahit na ano pang mga salita na dapat ay maiintindihan din ni Yana.“No, Yana… hindi ka namin pinapauwi… ibinibigay ka na namin sa totoong pamilya mo. Kay King Arthur. At baka… baka… ikaw pa ang dumistansya sa amin,” w
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVParehas na hindi mapakali ang dalawang prinsipe. Pabalik-balik sa paglalakad si Prince Ken habang si Prince Timothy naman ay nakabantay sa red dot na tila palaki nang palaki. Si Floyd naman ay nakakaramdam ng kaliitan sa sarili dahil alam niya sa sarili na may nagawa siyang kamalian. Na kahit binabago niya na ang plano at ang kasunduan ay gusto niyang ituwid ito upang hindi na madagdagan ang kasalanan sa hari. Kinuha naman niya ang atensyon ng dalawang Royalties na may mga seryosong reaksyon. Nakaramdam naman ng kaba si Floyd sa mga ipinupukol na tingin sa kanya ng dalawang Royalties. Naglilitawan ng kapangyarihan ang kanilang mga emosyon ngayon at mga kinikilos. Hindi nga mapagkakailang sila ang mga nasa hanay na tinatawag na Blood Royalties.“Mga P
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVHindi makapaniwala ang dalawang Royalties na sina Prince Ken at Prince Timothy sa kanilang laman kay Floyd. Nasa isip naman ni Prince Ken na kailangang masabihan agad si Dominic at pumunta sa hospital para sa agarang gamutan. Nilinlang siya na magaling na sa lason. Hindi rin lubos maisip ni Prince Timothy kung bakit iyon gagawin ng ikalawang prinsipe. Kung bakit mas naghahangad ito ng mas malawak na kapangyarihan.“Ano ba ang lason na ibinigay kay Dominic? Parang okay naman na siya noong huling kita ko sa kaniya,” takhang tanong ni Prince Ken na nahihimigan ng kaonting kaba para sa isang pinagkakatiwalaan na miyembro ng Ice Breakers. “Pero nahihimigan ko rin na parang gustong-gusto niyang umalis sa Casa Sembrano. Parang nagmamadali,&rdquo
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang