-Sembrano’s Palace-
Third Person’s POV
Napahiga si Timothy sa sahig na ngayon ay nagkukulay berde dahil sa paglilinis na ginagawa ni Bloody Access. Tila ang prinsipe mismo ang napagod sa bakbakan na hindi naman siya ang nakipaglaban. Iniisip kasi ni Timothy na parang inabandona siya ng lahat ng prinsipe at siya ang pinangpapain para gawing utos-utusan. Mayroong banta sa kanyang buhay at hindi niya alam kung paano siya makakalabas ngayon sa palasyo kung mayroon pang dalawang commander ang may planong patayin siya.
“Yung totoo… kaya yata ako nandito dahil ako ang pinakawalang kuwentang prinsipe? Ano bang gagawin ko rito sa palasyo na napapalibutan ng pagbabanta sa buhay ko? Parang joke time naman yata ang mga excuses nila! Shit!” reklamo pa ni Timothy saka
-Sembrano’s Palace- Third Person’s POV “Totoo ba ang sinasabi ng Kuya Ken?” mahinahong wika ni King Arthur kay Alyana na todo nakayuko sa harapan nila. Napahinga pa ng malalim ang hari nang walang respondeng naririnig sa dalaga. Nakaupo sa mahabang sofa sina Prince Ken, Prince Justine, Prince Patrick at Damon. Si King Arthur naman ay nakatabi sa kanyang kapatid sa katapat na upuan. Maririnig ang paghikbi ni Alyana simula pa noong pagkababa niya nang pagalitan siya ni Prince Ken. “Alyana…I'm talking to you. I'm not going to let you get away with this. You must not touch anything that is not yours. That isn't right…” mahinahon ngunit may diin na wika ni King Arthur sa kapatid. Nakatitig lamang sa senaryo ang mga prinsipe at si
-Isla Royal-Third Person’s POVKatahimikan. Ni isang salita ay walang maririnig sa kanilang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Prince Nathan. Nagtataka naman ang dalagang si Alyana sa inakto ng prinsipeng kaharap na mayroong kakaibang reaksyon sa harapan niya. Ito ay puno ng pag-aalala at pagmamahal na parang muling nabuhay mula sa matagal na panahon ng nakaraan. Maging ang hari ay panandaliang nahinto sa pag-aalang nakita kanina na nawalan ng balanse ang prinsipeng mayroong iniindang sakit.“What did you just say…?” lakas loob na pagtatanong ni Prince Patrick at napasulyap kay King Arthur na ngayon ay natauhan mula sa pagkakahinto. Napatikhim naman ito saka tumayo sa pagkakaupo. “Yun nga ang soon to be real name niya pero hindi muna namin ‘yan tinatawag sa kanya&he
Zylan’s POV“Promises are the sweetest lies…” bulong ko sa sarili ko saka napabuga ng sigarilyo. Kanina pa ako nandito sa labas ng Casa Sembrano at nagpapahangin. Hindi ko rin alam kung bakit parang kusang naglakad palayo ang aking dalawang paa makalayo sa eksenang nasisilayan ko kanina.Si Prince Nathan at si Reign. Magkayakap. Una pa lang pala ay mayroon nang nagmamay-ari sa kanya at minarkahan siya sa paparating na panahon.Batang puso pa lamang noon ay natitiyak kong agresibo ang desisyon. Alam kong hindi pa naaalala ni Prince Nathan ang lahat pero hindi makakalimot ang puso sa pangakong pinanindigan niya sa nakaraan. Alam kong ang pagbabalik ni Prince Nathan ay ang pagbabalik din ng loob niya para maisakatuparan ang pangako nito sa babaeng minamahal ko.Hi
Third Person’s POV“Make it move…so they will not remove that thing.!” sigaw ni Neizan na nagpataranta sa mga scientist na nakapalibot sa kanila dahil nakatingin din ang mga ito sa screen monitor ng internal body system ni Alyana. “Go! Faster!” mariing sigaw pa ulit nito.Hindi naman alam ni Prince Timothy ang gagawin kaya nakikisabay na lamang siya sa mga scientist na nakakatabi niya. Palihim pa rin niyang sinusulyapan si Neizan na ngayon ay kausap ang Ama nitong si Ethan.“Gaano ba katagal ang goal ng microchip?” tanong ni Ethan sa anak na ngayon ay sumisimsim ng alak habang ang mga mata ay nakatutok sa harapang monitor. Sumulyap naman sa kanya si Neizan saka napasandal sa swivel chair na inuupuan.
Timothy’s POV“Code White!” napahinto ako sa pakikinig sa impostor na Prince Nathan nang makarinig ako ng sigaw. “Code White Alert!” sigaw ulit nito. Napatingin naman ako sa gawi na kung saan ko narinig ang pinagmulan ng boses at halos manlamig naman ako nang makita ko ang kung sinong inaalalayan ng mga maintenance. Yung lalaking pinatulog ko kanina!“Prince, nakita po namin ang scientist na ito na nakatago sa lagayan ng mga panlinis. Bugbog sarado po!” napalabi ako sa narinig. Unti-unti naman akong umatras patalikod upang makaalis dito. Palihim naman akong nag signal ng alert kay Bloody Access para makahanap ng panibagong daan para makalabas ng Golf Z.“AVAILABLE WAY. MAIN DOOR. NO MO
Sean’s POV“Sigurado ka ba dyan, Prince Ken? Babalik ka ng Sembrano’s Palace?” rinig kong wika ni Prince Justine. Mahihimigan pa sa prinsipe ang pag-aalala sa kaniyang kapwa Royalties. Nagkatinginan naman kami ni Grey dahil sa nararamdamang tensyon dito sa living area malapit sa main door.Natapos ang aming hapag kainan nang walang kibuan. Tila maingat ang bawat galaw na hindi mapuna ng mga nakatataas. Habang patagal nang patagal ang oras sa dining area kanina ay pasikip naman nang pasikip ang espasyo para makahinga nang maluwag sa mga oras na iyon. Nakahinga lang ng matiwasay nang mawala sa paningin namin ang mga Royalties.Akala ko kapag Royalties ka, hawak mo na ang lahat. Para kang sasambahin ng mga taong uhaw din sa kapangyarihan, iidolohin k
-Isla Royal-Grey’s Pov“It’s okay, baby… hindi mo naman sinasadya…” ani Sean saka mas napayakap sa kanya si Yana. Tila ayaw siyang hiwalayan o pakawalan ni Yana sa higpit ng yakap nito sa katawan. Makikita pa rin ang pagtulo ng dugo sa kamay ni Sean na pinangsangga nito. Mas humagulgol naman si Yana at siniksik ang kanyang ulo sa dibdib ni Sean.Napalingon naman ako kay Red na may labing-limang hakbang mula sa amin. Gumagana na naman kasi ang kanyang choker kaya kailangan na naman niyang dumistansya sa amin. Makikita sa kanyang dalawang mata ang pagkabigo nang makita ang yakapan nina Sean at Yana. Kabiguan na hindi man lang niya maiparamdam kay Yana ang nararamdaman niyang wagas na pag-ibig.Ako… hindi naman sa sinu
Red’s POV Sinimsim ko ang alak na kanina ko pa iniinom mula rito sa veranda. Kita ko rito sa aking puwesto ang paglalaro ni Yana sa tatlong Royalties dog. Nakabalik na kasi ang tatlong ito mula sa kanilang veterenarian dahil na-suffocate sila noong sunog sa Hacienda Villareal. Mabuti na lamang din at naagapan ang tatlong aso na nakakulong pala sa isang silid at hindi makatahol dahil sa nakatakip daw ang mga bibig nito. Napahimas ako sa leegan ko na may tahi. Hindi pa man gaano ito magaling dahil makikita ang ilang butil ng dugo na natuyo mula rito. Akala ko katapusan ko na. Akala ko sa mga oras na nagdilim ang paningin ko, mga oras na nauubusan na ako ng hininga, akala ko katapusan ko na at hindi na masisilayan pang muli ang mga ngiti ni Yana. Masuwerte pa rin pala ako. Totoo nga siguro na kapag masamang damo… matagal mama
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang