Sean’s POV
“Sigurado ka ba dyan, Prince Ken? Babalik ka ng Sembrano’s Palace?” rinig kong wika ni Prince Justine. Mahihimigan pa sa prinsipe ang pag-aalala sa kaniyang kapwa Royalties. Nagkatinginan naman kami ni Grey dahil sa nararamdamang tensyon dito sa living area malapit sa main door.
Natapos ang aming hapag kainan nang walang kibuan. Tila maingat ang bawat galaw na hindi mapuna ng mga nakatataas. Habang patagal nang patagal ang oras sa dining area kanina ay pasikip naman nang pasikip ang espasyo para makahinga nang maluwag sa mga oras na iyon. Nakahinga lang ng matiwasay nang mawala sa paningin namin ang mga Royalties.
Akala ko kapag Royalties ka, hawak mo na ang lahat. Para kang sasambahin ng mga taong uhaw din sa kapangyarihan, iidolohin k
-Isla Royal-Grey’s Pov“It’s okay, baby… hindi mo naman sinasadya…” ani Sean saka mas napayakap sa kanya si Yana. Tila ayaw siyang hiwalayan o pakawalan ni Yana sa higpit ng yakap nito sa katawan. Makikita pa rin ang pagtulo ng dugo sa kamay ni Sean na pinangsangga nito. Mas humagulgol naman si Yana at siniksik ang kanyang ulo sa dibdib ni Sean.Napalingon naman ako kay Red na may labing-limang hakbang mula sa amin. Gumagana na naman kasi ang kanyang choker kaya kailangan na naman niyang dumistansya sa amin. Makikita sa kanyang dalawang mata ang pagkabigo nang makita ang yakapan nina Sean at Yana. Kabiguan na hindi man lang niya maiparamdam kay Yana ang nararamdaman niyang wagas na pag-ibig.Ako… hindi naman sa sinu
Red’s POV Sinimsim ko ang alak na kanina ko pa iniinom mula rito sa veranda. Kita ko rito sa aking puwesto ang paglalaro ni Yana sa tatlong Royalties dog. Nakabalik na kasi ang tatlong ito mula sa kanilang veterenarian dahil na-suffocate sila noong sunog sa Hacienda Villareal. Mabuti na lamang din at naagapan ang tatlong aso na nakakulong pala sa isang silid at hindi makatahol dahil sa nakatakip daw ang mga bibig nito. Napahimas ako sa leegan ko na may tahi. Hindi pa man gaano ito magaling dahil makikita ang ilang butil ng dugo na natuyo mula rito. Akala ko katapusan ko na. Akala ko sa mga oras na nagdilim ang paningin ko, mga oras na nauubusan na ako ng hininga, akala ko katapusan ko na at hindi na masisilayan pang muli ang mga ngiti ni Yana. Masuwerte pa rin pala ako. Totoo nga siguro na kapag masamang damo… matagal mama
Third Person’s POV“Hi-hindi… ayoko Gaizer… bakit naman kita lalayuan? Ayokong lumayo sa’yo Gaizer. Malulungkot ako kapag wala ka,” ani Alyana na tama lang para marinig ni Zylan mula sa bukana ng veranda. Kanina niya pa kasi hinahanap si Alyana para bigyan ng kanyang pasalubong galing sa labas. Bumili siya ng choco velvet cake na madalas niyang i-bake noong nasa white penthouse pa sila.Pero mas nagpaigting ng damdamin ni Zylan ngayon ay ang makitang hinalikan ni Red si Alyana sa labi. Na ang halik sana ay siya lang ang gagawa sa babaeng minamahal. Hindi naman bago kay Zylan na malaman ang mga sinasabi ni Red dahil alam niya namang silang lima na Ice Breakers ay may pagmamahal na binibigay kay Alyana. HIndi lang niya akalain na malamang may kakaibang nararamdaman si Alyana k
Third Person’s POVHalos hindi alisan ni Prince Ken ang kinauupuan hangga’t hindi niya nahahanap ang saktong lokasyon kung na saan ang ikawalong prinsipe na si Timothy. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang Bloody Access room na ni minsan ay walang mintis sa pagkuha ng mga impormasyon na kanyang pinapahanap. Walang mintis sa mga datos. Walang mintis sa mga gawain. Kahit anong pag-iiba niya ng code sa system ni Bloody Access para mahanap ang kaibigan ay palaging lumalabas na patay na ang prinsipeng ilang oras na niya sinusubukang hanapin ang eksaktong lokasyon.“How could you fvcking say that he was fvcking dead without his fvcking body?! It's only based on his blood and footprints! I'll go to him if you tell me where he is!” sigaw ni Prince Ken sa buong silid na ngayon ay may kulay berde ang ilaw. Binagsak pa ni
Grey’s POV“Gaizer, saan ka pupunta?” tanong ni Yana at napatayo sa kinauupuan. At palapit sa kakambal kong may sampung metro ang layo sa amin. “Gaizer, ‘wag kang aalis ah?” dagdag pa nito na nagpanganga sa akin. Tila tumahimik naman ang buong living room na kanina ay nag-uusap sa mga plano papunta sa Sembrano’s Palace.Napatitig naman si Red kay Yana na ngayon ay may limang hakbang ang layo sa kanya. Napamulsa pa ito saka umiling. “Nope. I am not leaving, baby. I’m just going to pee, okay?” malumanay na wika ni Red at ngumiti.Tango naman nang tango si Yana saka bumalik sa kinauupuan na malapit kay King. Nagkatinginan kami ni Red at tinanguan ko na lamang siya kahit na nagtataka rin ako kung bakit parang binabant
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVNapalibot ng tingin si Prince Ken sa buong arena ng Bloody West na kung saan ay biglang nagsibuksanan ang ilaw. Hindi rin maalis ang konting kaba ng prinsipe nang makaramdam siya sa inaapakan niya na tila pinapaso siya.Emotional Test aniya sa isip saka inaliw ang paa sa pagtakbo paikot ng arena upang mabawasan ang init na bumabalot sa sahig. Hindi niya lubos akalain na mararanasan niya ang emotional test na siya rin mismo ang gumawa para sa mga Initiates na nagsasanay sa Bloody Training upang maging parte ng Blood Organization. Ang klase ng pagsasanay na ito ay sinusukat kung gaano ka-disiplina ang isang nagsasanay sa mga sitwasyon na haharapin nila. Kung paano nila haharapin ang mga hirap na dad
-White Penthouse-“We’re going to an island…” nakabusangot na wika ni Zylan habang nakatitig kay Red at Yana na magkasalikop ang mga kamay. Ganun din ang reaksyon nina Sean at Dominic na nasa harapan ng dalawa. Pinaggitnaan naman nina Red at Grey ang babaeng si Alyana.“Saan namang isla ‘yan, Damon? ‘Wag tayo masyado malayo ah?” si Grey at mayroong sinenyas kay Zylan na taliwas sa sinabi niya. Sumesenyas siya gamit ang sign language. Nababasa naman nilang lahat iang sinesenyas ni Red. Si Alyana naman ay ginagaya ang ginagawa ni Grey na katabi niya lang.“ISLA VERDE” iyan ang senyas ni Zylan sa lahat na tinanguan nila. Napangisi naman si Dominic nang mapagtanto ang kaniyang kalagayan. Hindi siya makakatayo.
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVNapakunot-noo ang isang nagmomonitor na scientist sa isang CCTV na tila hindi ito gumagalaw. Nang pindutin niya ito ay tila nakahinto ang oras nito sa nakalipas na isang oras. Nanlalamig naman siya sa kaba nang makitang ang CCTV na kinalalagyan sa puwestong iyon ay ang isa sa mga Royalties na maingat nilang binabantayan, si Prince Timothy.“Naku… jusko po…” bulong pa ng scientist saka mabilis na tumayo para alamin ang sitwasyon sa cubicle ni Prince Timothy. Nang mapansin niyang nakabukas ang padlock ng cubicle ay todo ang kanyang panlalamig nang mapansin ang malamig na bagay na sumentro sa kanyang batok.Hindi siya puwedeng magkamali. S