Chapter 17▪︎Clive▪︎He found himself at the Elizares mansion, facing his Tito HJ for the second time."Nabingi yata ako, Clive."Ngumiti ito nang makahulugan."I said, I want to be an evaluator in the upcoming training.""Is this about Leigh Sandoval?" Kunot noong tanong nito, "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Clive. Anong meron? First, you wanted me to reject her. Now, you want to be an evaluator. I can give you that but you must promise me that you will be fair. Simple lang naman ang training pero alam natin na ang hanap ko ay confident na mga flight attendants. I see that Leigh is quite a treasure. Nakikita ko sa kanya ang lakas ng loob. She greeted us good afternoon instead of good morning but she's not like those typical applicants who would stammer and get disoriented. She's well collected. Now, sisirain mo ba siya?" Prangka nitong tanong sa kanya.Clive is just staring into HJ's eyes, unable to speak."Gusto ko sanang matuwa na sa wakas lumabas ka sa bahay mo makalipas na mam
Chapter 18▪︎Leigh▪︎Nakangiti habang nakamasid su Leigh sa kuya niyang sumampa na sa motor nun. Papaalis na ito, alas otso ng gabi."Bubwit, parang ang tanda naman ni Greco sa'yo," anito sa kanya kaya napasimangot siya.Magkakrus ang mga braso niya sa dibdib."Kuya naman, wala namang kami.""Sa ngayon," mariin na sagot nito, "kitang-kita ko naman na kilig na kilig ka. Huwag ka ng tumanggi. Ilan taon na ba yun?""Thirty daw," aniya.Kanina ay nagtatanungan silang dalawa ng mga personal na bagay. Mas matanda nga sa kanya si Clive ng pitong taon, pero hindi naman yun ganun katanda.Napaisip si Mac, "ibig sabihin ay dalawang taon ng patay ang asawa niya kasi kakaumpisa ko pa lang nun na mag-pulis. Hindi ko nasabi sa'yo na si Mrs. Greco, lasog ang katawan nang maaksidente. Ewan ko ba, parang himala ng Diyos na hindi ma-damaged ang mukha niya at ulo. Siguro ay talagang para sa'yo ang mga corneas nun."Tumango siya kahit na parang kinilabutan siya. Aaminin niyang takot din siya nung una dah
Chapter 19▪︎Leigh▪︎She blinked. It's really him. Pumikit siya dahil baka tulad kanina ay imahinasyon lamang niya si Clive. Baka mamaya ay mukhang pigsa na tinubuan ng kamay at paa ang imaginary Clive niya. Iyong kanina ay mukhang panutsa. Patawarin siya ng Diyos pero hindi naman siya namimintas. Nagsasabi lamang siya ng totoo.Pagmulat niya ay iyon pa rin talaga ang nakikita niya kaya nasira ang kanyang walkout. Hinawakan niya si Jillian sa magkabilang parte ng mukha at sapilitan na iniharap dun."Hindi 'yan si Clive, di ba?" Tanong niya pero tumawa ito nang malakas."Siya," anito kaya muli siyang tumingin sa lalaki.Siya nga. Tumingin iyon sa nakasagutan niyang si Laiza."Mauna na ako, mukhang may sundo kayo. Kita-kits na lang bukas mga sissies," paalam ni Kaiser sa kanilang dalawa pero kay Clive nakatingin.Kanya-kanyang talikod na ang mga iyon at sumakay na sa mga sariling sasakyan. Lahat ng mga kasama niya ay mga big time, sa totoo lang. May mga sariling kotse ang mga iyon. Si J
Chapter 20She smiled when she noticed Clive's men outside. Nakabantay ang mga iyon sa labas. Kung hindi iyon nagbabantay, bakit naman iniwan?Feeling secured siya na sobra dahil sa mga iyon. Kahit na pala sanay na siya na parating mag-isa, iba pa rin kapag may nagbabantay sa kanya.Nakangiti siyang umakyat sa kanyang kwarto, hawak ang smartphone. She composed a message for Clive.Leigh: thank you sa pabantay, Mayor.She giggled.Parang nainis siya nang wala siyang matanggap na reply. Binuksan niya ang kanyang social media account sa Mukha App at hinanap si Clive. Lumabas kaagad ang kaisa-isang profile nun. Napakarami kaagad nung followers, kaka-verify pa lamang daw ng account.She opened his profile and checked it.Wala namang kahit anong upload doon pero ang daming followers. Ang daming comments sa profile.Omg, handsome!My future!My dream guy!CG is for real! He's alive!Bla bla bla…Napaismid siya. She just sent a heart reaction and nothing more. Hindi naman iyon pwedeng mag-fol
Chapter 21 ▪︎Leigh▪︎ Wala siyang sinagot, kanino man sa dalawang lalaki. Hinayaan niya ang mga iyon at nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip kung sino ang sasagutin, hanggang sa wala na nga siyang nasagot. Nagtampo na malamang si Clive dahil hindi na siya tinawagan o ipinag-text man lang ng lalaki, mula nang nakaraang gabi. Baka nainis na yun dahil hindi niya pinansin. "Dito ko na sa labas hihintayin si Jillian, Ma," paalam ni Leigh sa ina niyang mag-aasikaso na rin para maglakad na naman. "Oo, sige anak. Gudlak!" She smiled. Lumabas siya ng pintuan at hinila rin iyon papasara. Naglakad siya papalapit sa kalsada pata makita na kaagad siya ni Jillian habang sakay yun ng taxi pero bigla na lamang may humarurot na motorsiklo at may initsa na kung ano. Agad siyang napatili, "Aaaaayyyy!" Napatakip siya ng mukha sa pag-aakalang tatamaan siya ng bagay na initsa ng motorista pero laking panghihilakbot niya nang tingnan ang baga na iyon. Isa iyong patay na pusa, kulay itim. "Ano iy
Chapter 22 ▪︎Leigh▪︎ Naglalakad sila ni Jillian papunta sa napakalaking eroplano para sa unang training nila. Hindi na sila aabutin ng isang linggo dahil gagawin ng whole day, dalawang araw na lang lahat, at kinabukasan ay swimming daw. Sana naman ay naaalala pa niya lahat. She feels so very excited and at the same time a bit agitated. Nilalakasan lamang niyang pilit ang kanyang sarili para magawa niya nang maayos ang lahat. Sa buhay mula at mula pa, natutunan niya na huwag dapat mauunahan ng kaba. Kalma lang p "Kakakaba," nanginginig na sabi ni Jillian sa kanya, magkayakap sila ng braso. "Oo nga. Ito ang pinakamagandang eroplano ng EGA, balita ko," she said, looking up at the airplane. Lalong nadaragdagan ang tuwa ni Leigh habang papalapit sila nang papalapit. That's for real. This is reality. Hindi na lamang iyon isang pangarap. "Ihhhh kakanerbyos," napapadyak siya nang umapak sila sa hagdan. Parehas silang nanginig ni Jillian at tumitili na magkahawak ng dalawang kamay. "'
Chapter 23▪︎Clive▪︎Damn.He can't seem to dislodge that girl's confidence. Leigh is so tough. Parang wala man lang epekto ang mga ginagawa niyang pagpapa-cute at mga paglalandi roon kanina kaya mainit ang ulo niya pero sarili lamang niya ang nakakaaalam.It's lunch break. May ipinahandang pagkain ang Tito HJ niya pero ayaw niyang makikain doon, kasama ang bwisit na si Giovanni, na walang ibang alam gawin kung hindi ang ngumisi. Sana ay matuluyan na iyong nakangisi na lamang parati hanggang sa araw na iburol at ilibing. Daig pa niya ang babaeng nireregla dahil sa init ng ulo niya sa lalaking iyon.Akala ba nun ay magpapatalo siya sa kagwapuhan? The heck, no!Sumakay siya sa sasakyan, lukot ang mukha niya.Nasa itaas pa si Leigh dahil may sinasabi pa si Emerald, habang siya ay bumaba na, sinusundo ni Xavier.Sumakay siya sa limousine."Am I cute?" He asked out of nowhere.Napamaang sa kanya si Xavier."O-Of course, sir.""Then why the fuck she wasn't even affected? I did everything th
Chapter 24 Busy ang manyakis. Nakasilip si Leigh sa makapal na kurtina ng eroplano. Uwian na. Tapos na ang unang araw ng training. Bukas ay huli na, lilipad na sila. Halos hindi siya huminga habang pinagmamasdan ang masarap na likod ni Clive. Kausap nun si Hanzxander. Parehas na bugnutin ang mukha ng dalawa, wala man lang sinabi sa masayahing aura ni HJE. Sila na lamang ang naiiwan dun. "Sa pagbilang ko ng tatlo, sumunod ka sa akin, tatakbo tayo," bulong niya kay Jillian. "Oo," bulong din nito. "Leaving?" Gio asked from behind. Hindi niya pinansin ang lalaki. Naka-focus siya kay Clive. Dapat makatakas siya nang hindi nun namamalayan. "Hatid ko na kayo," anang piloto kaya lumipad ang mga mata niya rito kasama ang ulo niya. Napansin niyang malaking tao rin si Gio at pwede siya ritong tumago habang papalabas ng eroplano. "Bilisan mo lang." "May…tinatakasan ka ba?" He asked, peeking as well. "Basta bilisan mo, Pilot Gio, pleaaase…" pinakurap niya ang mga mata. "Sure," kibit-b