Delaney's POV
Isang linggo na rin ang nakalipas ngunit paminsan-minsan ay nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Naaalala ko ang ginawa kong pagkuha ng pera sa lalaking nakakuha ng virginity ko. Natatakot ako na baka ipahanap niya ako at ipakulong dahil sa ginawa ko. Pero pilit ko na lang isinisiksik sa utak ko na kabayaran lang ang kinuha kong pera sa kaniya sa pagkuha niya ng virginity ko. Isang linggo na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makahanap ng trabaho. Paminsan-minsan ay nanlilimos na rin ako sa tabi ng kalsada o kaya ay sa mga paradahan ng jeep may maipambili lang ako ng pagkain at gatas ni Mikas. Halos naisa-isa ko na ang mga office sa bayan namin ngunit ni isa ay walang tumanggap sa akin, ultimo pagiging janitress ay pinatos ko na—but it's either they aren't hiring, I am disqualified, or no vacancy.
Pagod na ako. Emosyonal at pisikal. Sobra-sobra na nga ang pag-fa-fasting na ginagawa ko. Sa taas pa ng bilihin ayos lang na ako ang magutom huwag lang ang kapatid ko. Tanging pag-inom na lang ng tubig ang ginagawa kung panandaliang pampawi ng gutom habang naglalakad sa ilalim ng mainit na sinag ng araw—naghahanap ng trabaho. Pasuko na ang katawan ko, ang utak ko. Pero mas pinili kung lumaban sa kabila ng hirap.
Isa pang katangahan na nagawa ko ay ang mawala ang cellphone ko—hindi ko alam kung saan ko naiwan o baka naman nahablot na ng mga snatcher sa kanto ng hindi ko man lang namamalayan. Kahit gaano pa ako kadesperado hindi na ako bumalik sa nightclub na iyon. Kahit may mga gabi na parang nawawala na ako sa sarili kong katinuan. Naiisip ko na total marumi na rin naman ako, sasagarin ko na. Magkapera lang. Pero palaging may pumipigil sa akin.
Pakiramdam ko pinagkaitan ako ng langit. Hindi ko alam kung anong nagawa kung malaking kasalanan upang magkaganito ang buhay ko—namin. The weight of the world keeps falling on my shoulder. I am struggling. I have been keeping it all together, but I am losing hope. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala akong ibang maaasahan. Sobrang desperado na ako.
"Palimos po!" Kumatok ako sa pinto ng kotse na huminto sa harap ko. Pinunasan ko ang salamin ng bintana gamit ang laylayan ng damit ko. "Ma'am, Sir, palimos po. Kahit limang Piso lang ho. Pambili lang ho ng pagkain." Muli akong kumatok. Hanggang sa bumaba ang salamin ng bintana at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Titig na titig ito sa akin hanggang sa tuluyang sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.
"Palimos po," mababa ang boses na saad ko. Napahawak na lang ako sa aking tiyan ng muli iyong tumunog. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Tanghali na. Pakiramdam ko nasusunog ang balat ko sa init ng panahon. Sigurado akong gutom na si Mikas. Kailangan ko ng umuwi, pero hindi pa sapat ang nalilikom kung pera.
"Sir, kahit bente lang ho, oh. Maawa na ho kayo sa 'kin," pagmamakaawa ko. Napaurong ako ng bigla niyang buksan ang pinto ng kaniyang sasakyan at bahagyang lumabas. Kitang-kita ko kung paano nagtaas baba ang kaniyang paningin sa katawan ko.
"Bibigyan kita ng higit pa sa bente kung . . ." ngumiti ito, pero alam kung may mali sa ngiti niyang iyon. "Kung sasama ka sa 'kin. Ang ganda-ganda mo tapos namamalimos ka lang dito."
Unti-unting gumapang ang kaba sa aking dibdib nang bigla niyang hinablot ang kamay ko.
"Bibigyan kita ng isang libo basta sumama ka sa 'kin. May gagawin lang tayo. Saglit lang." Bahagya niya akong hinila pero nagmatigas ako at umiling. "Hindi 'to matagal. Saglit lang 'to. Gusto mo ng pera, 'di ba?"
"Hi-Hindi na ho. Sa iba na lang ho ako mamamalimos." Hinila ko ang kamay ko sa kaniya habang ang isa kung kamay ay mahigpit na nakakapit sa suot kung bestida. "Natatakot na ho ako sa inyo," hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi 'yon. Mas humigpit ang kapit niya sa braso ko at pilit akong hinila papasok sa sasakyan niya pero pinilit kung magpumiglas habang nakahawak sa pinto ng kotse upang hindi niya tuluyang mahila sa loob.
"Lahat ng bagay ngayon ay may kapalit. Wala ng libre. Sigurado akong masasarapan ka rin sa i-o-offer ko sa 'yo kapalit ng pera na hinihingi mo."
"Ayoko na po! Please, bitawan n'yo ako. Sa iba na lang ho ako mamamalimos, please po." Sa mga oras na 'yon pakiramdam ko si kamatayan ang nasa harap ko. Damang-dama ko ang malakas na pintig ng maliit na laman sa loob ng dibdib ko na mas lalong nakakadagdag sa panghihina ng katawan ko. Instinctively, hinampas ko siya sa mukha. Sinadya kong tamaan ang kaniyang mata dahilan upang lumuwag ang kapit niya sa 'kin, at kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang makawala sa kaniya. Sinipa ko ang pinto ng kotse at mabilis na tumakbo palayo. Sumingit ako sa maraming tao para hindi niya ako makita kung sakaling may balak pa siyang habulin ako.
Hindi ako nagpatuloy sa pamamalimos. Mas pinili ko na lang umuwi dahil baka mapahamak pa ako. Hindi pa ako p'wedeng mamatay. Bata pa si Mikas. Kailangan niya pa ako. Kung meron man akong isang rason upang magpatuloy—'yon ay ang kapatid ko. Sa kaniya lang ako kumukuha ng lakas upang magpatuloy. I am the only family he has, and he is the only family I have left. We only have each other in this cold and cruel world.
Agad akong dumeritso sa bahay ni Aling Poning—as usual dahil wala naman akong ibang mapag-iiwanan kay Mikas. Kapag meron namang ginagawa si Aling Poning ay wala akong choice kundi ang isama siya sa panlilimos. Ayoko sanang ipakita sa kaniya ang ganoong bagay. Ayokong matutunan niya kung anong ginagawa ko. I've been trying everything, holding on, just so I could give him the life fate denied to give me. Ayokong maranasan niya ang buhay na dinaranas ko ngayon. I want to give him a better life, but how could I give it to him when I couldn't even make my situation better?
Kahit hindi gusto ni Aling Poning ay pinilit kung iwanan sa kaniya ang kalahati ng perang nalikom ko sa pamamalimos. Wala rin kasi akong mabibigay sa kaniya kapalit ng pag-aalaga niya kay Mikas kahit hindi naman nila kami kadugo. Una kong pinakain si Mikas hanggang sa makatulog siya. Gabi na rin at gusto ko ng magpahinga. Maaga pa akong lalabas bukas at mag-iisip, magdedelihensya kung sa paanong paraan na naman ako kikita ng pera. Tanging tinapay lang at tubig ang kinain ko. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ay baka sakaling hindi ko na maramdaman ang gutom.
Kalalabas ko lang sa banyo nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng aming bahay. Agad akong kinabahan dahil ang una kung naisip ay ang lalaking nambastos sa akin kanina. Baka nagalit ito, hinanap ako, at ngayon ay gusto niyang gumanti sa ginawa kong pananakit sa kaniya. Mahigpit ang naging kapit ko sa tuwalyang nakapulupot sa aking katawan. Sinilip ko si Mikas sa kaniyang higaan at mahimbing ang kaniyang tulog.
"Delaney, gising ka pa ba? Si Poning ito." Nakahinga ako ng maluwag nang magsalita ang tao sa labas. Agad kung nabosesan si Aling Poning bago pa siya magpakilala kaya binuksan ko agad ang pinto at nilabas ito.
"A-Aling Poning, ikaw ho pala iyan. Akala ko ho kasi kung sino. May kailangan ho ba kayo?" Pag-uusisa ko.
Bahagya siyang ngumiti at sa mababang tono ay nagsalita ito. "Pasensya ka na, ha. Nakalimutan ko kasing banggitin sa iyo kanina. Tinawag kita dahil hindi ako mapakali."
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ano ho ba 'yon? May problema ho ba?"
"May nagawi kasi ritong dalawang lalaki kanina. Hinahanap ka nila."
"Po?"
"Magagara ang suot, mukhang mayaman. Hindi ko natanong ang kanilang pangalan. Kamag-anak mo ba ang mga iyon?"
Mas lalong nangunot ang noo ko. Pinilit kung balikan sa aking gunito kung meron ba kaming kamag-anak na mayaman. Hindi ko alam. Meron kaming kamag-anak, sure ako sa bagay na iyon. Mayaman? Meron siguro. Pero ang hahanapin kami—ako? Bakit? Para saan? They don't care about us. The last thing I remembered, lahat sila tinalikuran na kami matapos kaming iwan ng mga magulang namin. Kaya nakapagtataka na hahanapin nila kami ngayon. Imposible—
Nahinto ang pagdaloy ng mga iniisip ko nang maalala ko ang isang lalaki. The one who I stole money from. Alam ko mayaman siya. The amount of money I saw in his wallet that time still feels like a dream to me. From that moment, I knew he was wealthy. Possible kaya na siya ang nagpapahanap sa 'kin? Para pagbayarin ako sa ginawa ko?
"Ano hong sinabi n'yo? Wala ho kasi kaming kamag-anak na mag-aabalang ipahanap kami lalo na kung pagtulong sa amin ang pakay nila."
"Sinabi ko na lang na hindi kita kilala at baka mali sila ng lugar na napuntahan. Nininerbyos ako, Neng."
"Pasensya na ho kayo, Aling Poning, ah. Baka rin ho nagkakamali lang sila."
Tumango-tango na lang si Aling Poning. Ngumiti na lang ako sa kaniya upang hindi na siya maghinala pa. Nagpaalam na siya na babalik na sa kanilang bahay at pinaalalahanan na mag-ingat palagi. Ni-lock ko ang pinto at pinatuyo na ang aking buhok. Sa kabila ng pagkabalisa at kaba ay pinilit kong matulog. Kailangan ko ng makahanap ng trabaho. Babayaran ko siya kahit anong mangyari. Kapag may pera na ako kahit ako pa mismo ang humanap sa kaniya.
"Palimos po! Palimos po, Maam, kahit bente lang ho." Isinahod ko ang kamay ko nang ibaba ng isang babae ang bintana ng kaniyang sasakyan. Bahagya niyang ibinaba ang suot na salamin at sinilip ako. Alam ko na agad kung anong tumatakbo sa isip niya—bakit sa ganitong itsura ko, e , namamalimos ako, pero hindi ko na lang siya pinansin at umiwas na lang ako ng tingin.
"Salamat po," saad ko nang abutan niya ako ng bente. Agad ko iyong isinilid sa bulsa ng suot kung bestida at dumeritso na sa kasunod pang kotse. Sinamantala ko ang kahabaan at katagalan ng traffic upang mamalimos. I made sure na mauunahan ko 'yong mga bata na nanghihingi lang din. Ayoko silang agawan sa maaaring ibigay rin sa kanila, pero wala kaming magagawa lahat. May kapatid akong naghihintay sa akin. Isa pa, kailangan kong maabot ang quota ko ngayon. Dalawang buwan na rin kasi akong hindi nakakabayad ng upa sa bahay. Nagmakaawa lang ako sa landlord na kung maaari ay huwag niya muna kaming paalisin at gagawa ako ng paraan. Malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil kahit papaano, kahit hindi namin pagmamay-ari ay meron kaming natutulugan at natutuluyan ng kapatid ko. Hindi ko rin hahayaan na mapaalis kami roon. As much as I don't want Mikas to see what I am doing, I don't want him to experience not having a home—ayoko siyang itira sa lansangan. Ayokong maranasan niya na matulog sa tabi ng kalsada, sa kariton, sa ilalim ng tulay, o kung saan pa man na maaaring pagpalipasan ng gabi. Ayokong maranasan niya 'yon. He's too innocent and pure to experience that. That is one of the reasons, as well, why I can't give up in this life.
"Salamat po!" Malaki ang ngiti na pasasalamat ko. Yumuko pa ako sa harap niya habang mahigpit ang kapit ko sa 50 pesos na binigay niya.
"Maganda ang panahon, ah," nangingiting usal ko sa aking sarili. "Mukhang makakarami ako ngayon." Tumingala ako at pinagmasdan ang kagandahan ng panahon. Maaliwalas ang paligid. Maraming sasakyan. Maraming tao. Marami akong mahihingan. Sa totoo lang, hiyang-hiya na ako, pero wala akong ibang pagpipilian kundi ang lunukin ang sarili kong pride ibalandra ang mukha ko at mamalimos. Ayokong maging irresponsible na kapatid kahit hindi ko naman responsibilidad ang ganito.
Lumipas ang oras. Init ang ilang pagkalam ng tiyan ang tiniis ko. Bumati sa akin ang kulay orange na kulay ng langit nang tumingala ako. Paglubog ng araw ang nagsisilbi kong senyales na kailangan ko ng huminto, umuwi, at magpahinga, para bukas ay mayroon ulit akong lakas magpagala-gala sa kalye.
Baka umiiyak na naman si Mikas. Ibinigay ko kasi siya kay Aling Poning nang tulog pa kaya hindi niya alam na umalis na naman ako.
Dumaan ako sa palengke at bumili ng makakain namin mamaya. Ibinili ko na rin ng gatas at diaper si Mikas. Gusto ko sana siyang bilhan pa ng pasalubong pero baka maubos na itong pera na nalikom ko at hindi ako makapagbayad ng upa.
"Tiis lang, baby ko. Magkakapera rin ng malaki si ate at mabibilhan din kita ng maraming laruan at pasalubong tuwing aalis si ate," pagkausap ko sa aking sarili habang labit sa magkabila kong kamay ang mga pinamili ko. Medyo malayo ang napuntahan ko kaya halos madilim at gabi na ay nasa kalsada pa rin ako. Malalaking hakbang ang ginagawa ko upang makarating agad. Hindi na ako nag-abalang sumakay. Hindi iyon kasama sa budget ko. Hangga't kaya kong lakarin ay lalakarin ko. Hindi ko alam, pero nag-aalala ako para kay Mikas. Alam ko namang nasa mabuting kamay siya, pero hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ng dibdib ko—na para bang may hindi magandang mangyayari. Panay ang lingon ko sa likod, kaliwa, at kanan ko dahil pakiramdam ng katawan ko ay may nagmamasid sa akin.
Mas binilisan ko pa ang ginagawa kong paglalakad. Mahigpit ang kapit ko sa plastic na dala ko. Malapit na ako sa parte kung saan walang masyadong dumadaan na tao, bahagya lang din ang liwanag dahil patay-sindi na ang ilaw sa poste. Waring may bumubulong sa akin na huwag na akong dumeritso roon, pero kailangan ko ng makauwi as soon as possible. Wala akong ibang alam na daraanan.
Muli akong lumingon sa likuran ko at tiningnan kung may kahina-hinala bang nakasunod sa akin hanggang sa bigla na lang akong mabangga—at sure ako na hindi pader ang nabangga ko.
"Gotcha!" Energetic na anunsyo ng isang boses. Nang humarap ako sa nabunggo ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko lalo na ng makita ang kaniyang mukha. "S'ya ba 'yon?"
"That's her! The one and only."
Alam kong ako ang pinag-uusapan nila kaya agad akong tumakbo upang tumakas sana, pero agad niya rin akong nahablot. Dahilan upang mabitawan ko ang dala kong plastic dahil sa ginawa niyang paghila sa akin.
"TULONG! TULUNGAN N'YO AKO!" Iyon na lamang ang mga katagang huli kung nabanggit nang tuluyan na nila akong isakay sa loob ng kotse at salpakan ng tela sa aking bibig at ilong.
Delaney's POVHindi ko na alam kung kanino ko ba ibabato ang sisi sa mga bagay na nangyayari sa akin. Simula nang magka-isip ako at ma-expose sa unfair na patakaran ng Mundo, ni minsan ay hindi pa gumanda ang takbo ng kapalaran ng buhay ko. Palaging may sabit. Palaging may kulang. Palaging may mali. May dapat ba akong sisihin? Minsan, iniisip ko: bakit ako pa 'yong napiling buhayin dito sa Mundo? Anong purpose? To suffer? Para maging pawn at paglaruan ng tadhana? I don't . . . like this. I don't want this kind of thing. I don't want to suffer anymore—or my little brother.Minsan, naiisip ko na tapusin na lang ang paghihirap na nararanasan ko—tutal parang wala ng pag-asa, e. Wala ng patutunguhan. Pero ngayong nandito na ako sa bingit ng kapahamakan at hawak na ako ni kamatayan sa leeg—walang ibang sinisigaw ang utak ko kundi sana may magligtas sa 'kin. Ayoko pang mawala. Wala na akong pakial
Delaney's POVBuong akala ko hinding-hindi na ako makakabalik ng buhay. Buong akala ko doon na ako babawian ng buhay sa abandonadong gusali na iyon. Akala ko hindi ko na muling makikita at mayayakap si Mikas. Akala ko . . . Akala ko—I can still feel the fear lingering in every corner of my body. Noong gabing tinulungan niya ako sa nightclub, I remember him having a gvn. What if sobra-sobra iyong galit niya sa akin? It is easy for him to dispatch me. Madali lang din para sa kaniya na takasan ang krimen na maaari niyang gawin dahil alam kong mapera siya. I know wealthy people are powerful, no, they are not powerful, their money is. Without their money, they are nothing. Katulad ko at kagaya ng sinabi niya: that I have nothing. Paano ko nga naman siya mababayaran? And it pains me knowing that he also did me wrong, pero parang wala lang iyon sa kaniya, na parang wala siyang naaalala sa mga nangyari. I felt degraded. He even mocked me for having nothing. I feel so pathetic in front of him.
Delaney's POV After that incident, hindi na ako binalikan noong dalawang lalaki na inutusan ni Lark na abduct-in ako. It has been three days, and in that three days everything goes smoothly. Ayoko mang gamitin ang perang iniwan ni Lark dahil baka sumbatan niya ako, pero wala akong choice. Hindi ko na rin pinag-isipan at in-analyze pa ng mabuti kung para saan ba talaga ang pera: kung ginamit nya iyon para patahimikin ako which I would willingly do even without his money, or isasama niya iyon sa kinuha ko sa kaniya at babayaran ko rin. Bahala na. Bahala na ang bukas. Bahala na ang problema sa sarili niya. Kung nasaang lupalop man si batman, bahala na rin siya. Binayaran ko lahat ng existing kong utang at halos lahat ng nabili kong gamit ay para kay Mikas. Sobrang saya niya noong bilhan ko siya ng mga laruan at Milo, na paborito niya. Hindi siya sanay sa gatas dahil kulay puti raw. Ang gaan sa puso na makita siyang masaya. Ang gaan sa dibdib na kahit papaano ay nabilhan ko siya ng mga
Delaney's POV"Take off your clothes and look at me."Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto na ngayon ay nakasara na. Hawak ko pa rin ang malamig na busol. Halos manigas na ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na iyon at ang mga salitang sinabi niya. Ayokong lumingon. Ayoko siyang tingnan. Ayokong masaksihan ang mga bagay na hindi ko dapat makita. Mariin akong pumikit at pilit na napalunok kahit nanunuyo na ang aking lalamunan. Pakiramdam ko ay nasaid na ang laway sa aking bibig.Bumalik sa aking gunita ang gabi kung kailan una kong nakita at nakilala si Lark na siyang tumulong sa akin makaalis sa sitwasyon na ako rin mismo ang gumawa. I didn't believe it when he said that he was not a good person and I should not trust him even if he saved me. Still, I believe that he was nice and kind, and it turned out that he would only take advantage of me and my weakness. At dahil doon ay muli akong nakagawa ng isang pagkakamali na hindi ko akalaing mas magpapabaon pa sa akin sa l
Delaney's POV"Sa'n ikaw punta? I-Ikaw alis?"Hindi ko magawang sagutin si Mikas sa mga tanong niya. Nanatili akong nakayuko habang hawak siya sa magkabilang braso. Mahigpit na nakatikom ang bibig ko at mariin ang pagkakapikit ng aking mga mata—pinipigilan ang mga luha sa paglaya. Ngunit mas ibayong sakit lang ang naramdaman ko dahil sa ginawa ko."Bakit—bakit hindi ako pede sama? Sama ako, ate Nani." Mas lalo lang akong naiyak nang i-pat niya ang ulo ko. Hindi ko na itinago sa kaniya ang aking mukha, nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya ng mataman sa mata. Puno ng pagtataka ang kaniyang inosenteng mga mata—nagtatanong kung bakit ako umiiyak. "Mikas . . ." hirap na hirap kong bigkas."Bakit ikaw iyak na naman?" Umiling ako, pilit nilalabanan ang pagtangis sa kaniyang harap ngunit hindi ako nagtagumpay. My mind was flooded with thoughts. Daig pa ang sinulid na nagkabuhol-buhol. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung saan ba ako magsisimula. O kung uumpisahan ko pa ba. Nahahati
Lark's POV (taglish language ahead)— 5 months ago —I was standing near the window of my room, staring blankly at the sky. I don't know what time it is already. Hindi ko alam kung malapit na ba ang pagsapit ng gabi o talagang madilim ang kalangitan kaya madilim din ang paligid. I can still feel the heaviness on my chest every time I think about my family's expectations on me—they are pressing against my chest like a hydraulic press. Making it hard for me to breathe easily. I clenched my right fist tightly inside my pocket while I gripped at the edge of the window sill.Nakuha ng isang mahinang tunog ang aking atensyon. Agad kong nilingon ang kamang kinaroroonan ni Janessa. She was already sitting on the bed behind me. Nababalutan ng makapal na kumot ang kaniyang katawan at kita ko ang panghihina sa malungkot niyang mukha. Her body looked thinner than before. Her face was as pale as silver. The yellowy light of lamp shade casting over the whole room makes her look even more fragile."
Delaney's POV Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa bahay ni Lark. All-in-one at all-around ako sa bahay niya dahil pagkadating na pagkadating ko roon ay pinaalis niya ang mga katulong niya. He literally fired all of them. Naghalo ang iba't ibang emosyon sa dibdib ko noong mga oras na iyon: nagalit ako sa kaniya, nainis, nairita. Gusto ko siyang pagsabihan, pero parang nagkaroon ng silencing spell ang bibig ko—hindi ko magawang magsalita at ipagtanggol ang mga dati niyang katulong. Na-guilty ako ng sobra. Inagawan ko sila ng trabaho. Pakiramdam ko ako mismo ang nagpalayas sa kanila. The elder woman even asked me for help para lang pabalikin sila o huwag ng paalisin, pero wala rin akong nagawa kahit umiiyak na siya sa harap ko. Hindi ko alam na ganoon pala siya kasama. He's a cold-hearted person who doesn't care about the feelings of others basta nakukuha at nagagawa niya ang mga gusto niya.Later that night, hindi pa man nagsisimula ang kal
Delaney's POV Pagkatapos kong basahin at pirmahan ang agreement na binigay sa akin ni Lark ay kumain na muna ako. Bigla akong nawalan ng gana, pero hindi ko matiis ang gutom na pilit pa ring sumasagi sa tiyan ko. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas. Wala roon ang kwarto ko. Ibibigay ko lang kay Lark ang papel. Nang makarating ako sa tapat ng kaniyang kwarto ay nagdalawang isip pa ako kung kakatok ba ako o bukas ko na lang iaabot sa kaniya dahil baka nagpapahinga na siya, pero naisip ko na baka hindi ko na naman siya maabutan bukas. Hindi pa lumalabas ang araw ay umaalis na siya at bumabalik kapag nakalubog na ang araw. Hindi ko alam kung may lahi bang bampira itong si Lark. Masyado siyang dedicated sa kanilang kompanya.Ilang beses akong kumatok, pero walang sumasagot. Tinapat ko sa pinto ang tenga ko at pinilit pakinggan sa loob, pero useless lang din dahil mukhang makapal ang kahoy na nagsisilbing pinto. Hindi ko rin alam kung bakit nanatili pa ako ng ilang minuto sa h
Delaney's POV"One more time," utos ni Veron. Nakatayo siya sa gilid ko habang hawak ang isang magazine na kalaunan ay idinagdag niya rin sa dalawang magazine na nakapatong sa ulo ko. I tried my very best na hindi mahulog ang magazines sa ulo habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng living room ng bahay ni Lark.Magka-cross ang mga braso ni Veron habang bahagyang nakataas ang kaniyang kilay at kinikilatis ang bawat lakad at galaw ko. Isa iyong dahilan upang ma-conscious ang katawan ko. Pa-uga-uga ang katawan ko dahil sa taas ng heels na pinasuot niya sa akin. Malapit na ako sa may pader nang biglang mahulog ang magazine na kalalagay niya hanggang sa nahulog na rin ang dalawa pa. "I'm sorry," hingi ko agad ng paumanhin dahil baka magalit siya. Ako na mismo ang pumulot sa mga magazine at mabilis iyong ibinalik sa ulo ko. Akmang lalakad ulit ako nang magsalita siya. "We can do it again later . . . or tomorrow." Kinuha niya ang magazines sa akin at itinapon sa sofa. "Just keep pract
Delaney's POV Muling huminto ang kotse ni Lark sa tapat ng isang building. Akmang bubuksan ko na ang pinto para sana lumabas nang um-echo ang boses ni Lark sa loob ng sasakyan. "Stop!" Seryoso ang kaniyang boses. Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa pinto. "Okay?" Naunang bumaba si Lark at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya pa ang kaniyang kanang kamay at inalalayan ako na parang isang prinsesa. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng restaurant.Antique ang style ng restaurant. Sa labas pa lang ay malalaman mo na agad na mayayaman lang ang may afford na makakain sa ganitong klaseng kainan. Si Lark ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong pumasok bago siya sumunod. Amoy at lamig ng aircon ang unang bumati sa balat at ilong ko. Tuyong lavender ang halimuyak na kumakalat sa buong paligid. Halos bilang lang din ang mga taong naroon at halos lahat ay pawang magkasintahan, base na lang din sa kanilang kilos at kung paano sila ngumiti at
Delaney's POV"Good afternoon, Sir!" Bati ng dalawang saleslady nang makapasok kami sa loob ng isang boutique. Tango lang ang isinagot ni Lark."Good afternoon, ma'am!" Bati naman nila sa akin noong tumapat ako sa kanila. Hindi ko na sila nagawang batiin pabalik nang tuloy-tuloy akong hilahin ni Lark papasok. Kaya ngumiti na lang ako at bahagyang yumuko.Nagpumiglas ako kaya binitawan ni Lark ang kamay ko. Nangunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya. "P'wede bang kumalma ka? Ano bang pinagmamadali mo? May sale ba ngayon at takot kang maubusan ng mura?" "Funny, Delaney," sarcastic niyang saad."Buti naintindihan mo," pabulong kung saad. Ang perception ko kasi sa mga mayayaman at English speaking na katulad niya ay hindi nakakaintindi ng humour na pang-mahirap."I am Filipino. I can understand Tagalog.""E, iyong joke ko, naintindihan mo ba?""Of course—enough with the useless chitchats," saway niya sa akin kaya napaikot na lang ang mga mata ko. Naupo ako sa naroong single sofa a
Delaney's POV"Masarap ba?" Nakangiti kong tanong habang pinapanood si Mikas na kumakain sa harap ko."Sarap, Ate Nani! Hihi!" Tumawa pa siya sabay subo ng spaghetti. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang drumstick at kinakaway-kaway niya iyon. Gumagalaw-galaw pa ang kaniyang katawan na animo'y bulate—sa kaniyang kilos ay alam kong masaya siya at nag-eenjoy siya sa kinakain niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal habang pinapanood siya. Hindi ako malungkot. It was more like being emotional out of happiness. Bago rin ang kaniyang gupit. Noong huli kong bisita sa kaniya ay malago na ang kaniyang buhok. Palagi na rin siyang mabango at nakakakita ako ng damit na suot niya na wala naman siya dati. Mukhang binilhan siya ni Mother Eliza ng bagong mga damit at mukhang alagang-alaga talaga siya rito. Hindi katulad noong magkasama kami na palagi siyang amoy araw."Kelan mo ako sundo, Ate Nani?" Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ko ang cute niyang boses. Hindi siya nakati