THE CEO's OBSESSION| LUCY PEARL40 ____ TAHIMIK na ang buong paligid, tulog na rin si Cheska sa tabi ni Michael. Halos nagpaalam na ang lahat ng bisita at ang iilang natirang panauhin ay kaibigan ni Angelo na nalasing dahil sa mga alak na ininom ng mga ito. Bumangon si Michael at sinandal ang likod sa head board ng kama na hinihigaan nila ni Cheska. Naalala niyang ilang taon na sila ni Cheska, sumagi din naman sa isip niyang alukin ito ng kasal, pero hindi ganoon kabilis katulad na lamang ni Angelo. Walang relasyon ang mga ito at kinumpirma ni Lucy sa kaniya nang ilang beses iyon, kahit na si Angelo hindi naman pinagkaila ito. Kaya hindi siya umasa ng lubos na tatanggapin ni Lucy ang kasal na alok ni Angelo dito. Muli niyang pinagmasdan ang nobya at hindi niya alam kung bakit biglang sumagi sa utak niya ang mukha ni Lucy; lalo na ang nasaksihan niyang pag-alok ni Angelo nang kasal dito at ang hindi niya inaasahang pagtugon ng dalaga dito. Kanina nang makita at marinig mismo ng
The CEO's Obsession | Lucy Pearl41 _____ "ANGELO, ANGELO—" Halos hindi magkaundagaga si Lucy nang pumasok siya sa silid ni Angelo at wala ito sa silid nito. Kahit na sa sariling banyo nito wala rin ito d'on. Kaya nagmadali siyang bumaba, halos takbuhin niya ang hagdan dahil sa pag-aalalang nararamdaman. Wala rin siya mapagtanungan kung saan nga ba ito; o kung ano ang nangyari dito. Wala rin naman siyang narinig na kahit na ano'ng ingay. Halos magkatapat lang ang silid nila ni Angelo, kaya hindi pweding hindi niya marinig kung may 'di magandang nangyari dito. Imposible din na hindi siya gisingin ng kahit sino man ngayong maaga na rin naman. Pasado alas-siyete nang umaga kaya gising na rin ang diwa niya n'on. Wala man lang siyang mapagtanungan sa tatlong katiwala sa bahay ng mga ito. Tahimik ang buong paligid, walang kahit na ano'ng ingay siyang naririnig. Napahinto siya nang may narinig na pag-uusap sa kusina ng magkapatid. Mabilis siyang naglakad parating d'on. "Lucy, gising k
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL ________42 "ANY PLANS FOR YOUR WEDDING, LUCY?" wala sa kawalang tanong ni Cheska kay Lucy nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain. Napatingin sa kaniya si Angelo; nakangiti itong tila hinihintay ang sagot niya. "H-h-hindi ko pa a-alam—" "Alam kong nabibigla pa rin si Lucy, Ate. She can take her all time, gusto ko rin naman kasi maging perfect ang kasal namin eh," pag-agaw ni Angelo sa iba pa niyang sasabihin. Pinili niyang tumahimik; kinalma niya rin ang sarili. Ayaw niya nang magsalita pa kung maaari lang sana dahil baka kung ano lang ang masabi niya. "No worries, Lucy. Kung gusto mo nang tulong nandito lang ako ha. Ako ang bahala sa iyo. I got you," nakangiting sambit sa kaniya ni Cheska. Pilit siyang gumanti nang ngiti dito, nang wala sa sariling nabaling ang tingin niya kay Michael. Pansin niyang wala itong imik o hindi man lang nakikisali sa pinag-uusapan nila. Agad siyang umiwas ng tingin nang muling magsalita si Cheska. "Alam na ba
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _________ 43 "ARE YOU OKAY, LUCY?" untag na tanong ni Michael sa kaniya nang ilang segundong may pumagitnang katahimikan sa kanilang dalawa. Ang akala niya ay palalampasin nito ang narinig mula sa kaniya, kung bakit ba naman kasi pabigla-bigla siyang nagsasalita mag-isa. Ano ngayon ang isasagot niya rito? Obvious naman na narinig nito ang gusto niyang sabihin kanina lang; ano naman ngayon kung maglaplapan ang mga ito? Ang kanina lang tumatakbo sa isip niya. Bakit ba kasi hindi niya naiwasang makita ang paghahalikan ng dalawa? "Lucy, are you okay?" muling untag sa kaniya ni Michael. Napalunok siya ng lihim, iniwas ang tingin dito at binalik sa balak niyang labhan. "O-okay lang naman ako. B-bakit mo naman natanong?" balik tanong niya rito. "Narinig kasi kita, mukhang may gusto ka yatang sabihin kanina—" "May binabasa lang ako." "Talaga ba?" may panunudyong anito sa kaniya. "Oo n—naman—" "Akala ko kasi may gusto kang sabihin sa aki
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _____ 44 "WELCOME IN HONGKONG, LUCY.." Masayang mukha ni Michael ang nabungaran ni Lucy nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Agad niyang iniwas ang tingin mula rito at binaling sa mga kasama nilang pasahero ng eroplano, kapwa abala na ang lahat sa pagtayo at pag-aayos ng mga gamit nila para sa pagbaba; nakalapag na pala silang hindi niya man lang namalayan. "Ang sarap ng tulog mo," anito pang nakangiti sa kaniya. "May balak ka bang iwan ako? Hindi mo man lang ako ginising," mataray niyang aniya dito. May inabot na isang pouch sa kaniya si Michael, nang sipatin niya ang laman ay pang personal hygiene na bigay siguro ng airlines na sinakyan nila. "Do you want to freshen up ba muna? I'll wait you here. Aayusin ko rin baggage natin," sabi nito sa kaniya. Wala sa sariling tinanggap niya ang bigay nito sa kaniya. Nagmadali siyang tumayo dahil baka may balak nga itong iwan siya r'on. 'Hindi naman siguro gagawin ni Michael iyon, besides parang an
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl🖤🖤 45____"I WANT YOU TO FEEL AT HOME, LUCY.." bungad ni Michael kay Lucy nang nakapasok sila sa loob ng isang magarang hotel. Inikot ng dalaga ang mga mata niya sa paligid; maganda ang ambiance ng silid, neutral ang kulay ng buong paligid at gray and light pink naman ang kasangkapan sa loob ng hotel na iyon. Gusto niyang magtanong sa lalaki kung bakit isa lang ang pinasukan nilang dalawa, kahit na pansin niya ang dalawang pinto sa pagitan ng isang maluwang na sala paharap sa isang glass door na may kalakihan din kung bubuksan at kung hindi siya magkakamali; paniguradong maganda ang view na makikita niya roon. Gusto niya sana matanaw ito ng dalawang mga mata niya. Nahihiya lang siyang kumibo sa lalaking nasa tabi niyang malaya ding tinitingnan ang sa harap nilang dalawa. "What do you think? Maganda ba? O, baka gusto mong maghanap pa tayo ng iba.. Baka may mas maganda dito at mas magiging komportable ka—" "Pwedi bang magtanong?" hindi niya na
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl46 "MABUTI at gising ka na. Gigisingin sana kita, dahil baka gutom ka na.." bungad ni Michael kay Lucy nang lumabas siya ng silid niya. Naabutan niyang naka-upo sa sofa si Michael at agad itong tumayo pagkakita sa kaniya. Alanganing ngiti ang sumalubong niya sa mga mata nito. Sa katunayan naaantok pa siya, pinilit niya lang ang sariling gumising dahil sa pangangalam ng sikmura niya. Mas lalo siyang nagutom nang marinig ang salitang iyon mula sa lalaking kasama niya sa silid na iyon. ”Mag-aayos ka ba muna? O, okay ka nang ganyan?" tanong nito sa kaniya. "Okay na ako. Baka gutom ka na rin kaya lumabas na rin agad ako," aniya. "Ikaw nga ang inaalala ko, hindi lang kita makatok kanina dahil baka napasarap ang tulog mo." 'Bakit hindi ka ba natulog? Huwag mo sabihin sa aking hindi ka napagod at napuyat sa naging byahe natin." Hindi niya napigilan ang sariling makaramdam ng pag-alala dito. "Ang sweet naman, you cared for me—” Tila nat
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL47___ HALOS mag-a-alas-syete na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Lucy. Kahit na nakapikit siya hindi mawala sa isip niya ang nangyaring hindi niya inaasahan; ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael na hindi niya inaakalang tinugon niya nang walang pag-aalinlangan."Bakit mo ginawa iyon, Lucy? Bakit!" naiinis niyang aniya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung anong sumagi sa isip niya at bakit niya hinayaang magpakalunod sa damdamin niya.Biglang napabangon si Lucy; damdamin? So. Inaamin niya na ngayon na may nararamdaman siya para kay Michael at sa pagtugon niya nang halik nito.. Paano kung maisip nito o mas malala pa'y makaramdam ito?Ano'ng klaseng babae siya? She let herself to marry Angelo at isang iglap lang nakipaghalikan siya sa kuya nito?"Napakasama ko!" Isa pang daing niya. Tinuon niya ang tingin sa pinto. Paano siya haharap kay Michael ngayon? Anong mukha ang ihaharap niya rito?Muli siyang napapikit nang muling s
THE CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ "HINDI ko na hahayaang mawala ka pa ulit, Lucy.. Simula sa araw na ito, mananatili ka na sa tabi ko.. This I promise you, Lucy.." Kasalukuyan silang nasa loob ng van ni Michael ng mga oras na iyon, dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas kaya nagpasya silang magpatila d'on. Suot-suot niya ang jacket ni Michael nang maramdaman ang panginginig dahil halos nabasa ang damit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sandaling iyon, na kasama niya ang lalaki— at kung bakit ito nar'on ay hindi niya na rin nakuhang tanungin pa. Ang mahalaga sa kaniya ang lahat ng mga narinig mula kay Michael, ang sinabi nito kanina habang yakap-yakap siya; mahal siya ni Michael. "Naniniwala ka naman sa 'kin 'di ba?" tanong pa sa kaniya. Nilingon niya ito sa kaliwang bahagi niya kung saan ito naka-upo sa driver seat. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" balik tanong niya rito. "You should have too, Lucy. Inaamin ko nagkamali ako, pero bigyan mo ako ng pagkakataon pa
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ 54 NAGISING si Lucy sa sama ng panahon. Agad syang bumangon para tingnan ang lagay sa labas, napansin niya ang sanga ng kahoy sa harap ng gusali kong nasaan siya. Malakas ang hangin sa labas, dahil sa pagiging abala ng utak niya hindi niya alam kung ano ang mayroon sa panahon ng mga sandaling iyon. Linggo pa naman ang araw na iyon, at nangako siya sa lola niya na dadalawin niya ang puntod nito. Ilang buwan na rin naman siyang hindi nakakapunta d'on, dahil sa pagiging abala niya sa buhay maging sa buhay ng mga Santiago. Muli siyang bumalik sa higaan niya para kalkulahin ang gusto niyang mangyari ng araw na iyon. Wala sa plano niyang pumunta sa bahay nina Angelo, hindi rin naman siya nangako na pupuntahan niya ito. Napatingin si Lucy sa cellphone niya sa ibabaw ng bedside table sa kaliwang bahagi ng higaan niya. Tumayo siya para tingnan kong may mensahe ba siya mula rito. Wala. Iyon ang unang nasambit niya sa sarili niya. Mensahe ba n
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl 53 ____ HINDI na hinintay ni Lucy ang pagsikat ng umaga nang umalis siya sa bahay ng mga Santiago. Sa pakiusap sa kaniya ni Angelo naihatid siya ng family driver ng mga ito kasama ang pakiusap na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan siya. Ang sabi sa kaniya ni Angelo, walang alam si Michael tungkol sa lugar niya kung nasaan siya. Sa Cubao lang siya, malapit sa university kung saan siya pumapasok pero medyo may kalayuan kung saan nakatira ang magkapatid. Ang bilin sa kaniya ni Angelo, ay huwag niyang kalimutan na sabihin sa driver ng mga ito kung magpapasundo siya ganoon na rin ang magpapahatid. Gusto niya man sana tumanggi dahil malaking abala iyon, at baka malaman ni Michael ang tungkol sa kinaroroonan niya pero wala na rin naman siyang pweding pagpipilian —kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Angelo, dahil ayon dito para din naman sa kaniya ang lahat ng iyon. 'Ayaw kitang mahirapan..' ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Angelo.
THE CEO's OBSSESION | LUCY PEARL 52 ______ "LUCY, ARE YOU OKAY?" mahinang tanong ni Angelo ang nagpabalik sa katinuan ni Lucy. Tumuloy siya sa silid nito pagkatapos nila magkita at mag-usap ni Michael. Napag-alaman niyang wala pa ito sa bahay nito at wala siyang balak alamin kung saan ba ito tumuloy pagkatapos ng paghaharap nilang dalawa. "Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, hindi ko alam kung ano iyong iniisip mo kaya nag-aalala ako, Lucy," dugtong pa ni Angelo sa kaniya. Yumuko siya't muling binalik ang tingin dito. "A-Angelo, I'm sorry.." "Sorry saan?" "H-hindi ko alam kung saan magsisimula, kung paano ko sasabihin sa iyo, kung paano ko maipapaliwanag iyong nararamdaman ko." "May problema ba?" mahinang tanong sa kaniya ni Angelo. Muli niyang iniwas ang tingin dito, binaling sa pinto may pag-aalalang nararamdaman kung iyon ba ang tamang oras para ipaalam sa lalaking kaharap ang nabuong desisyon niya. "Lucy, you can tell me everything.. Hindi mo naman kaila
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL51 ____ TULALANG nakatingin si Michael sa malayo, nauna siya sa oras ng usapan nila ni Lucy. Sinadya niyang mauna dito bago ito i-book sa isang Uber app para makarating sa kanya ng ligtas ang dalaga. Pinag-isapan niya ng mabuti ang sandaling iyon, kailangan niyang makausap si Lucy sa lalong madaling panahon— habang nasa maayos pa ang lahat. Pinilit niyang winaksi sa isip niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Angelo kanina nang abutan niya itong gising sa silid nito. Hindi niya pwedi tikisin ang nararamdaman ng kapatid niya. Nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal niya rito at gusto niya patunayan iyon sa pakiusap nito sa kaniya. Mahal ni Angelo si Lucy at walang pagdududa iyon, napapikit siya sa kawalan nang maalala ang pag-uusap nila ng kapatid; malaking sakripisyo ang kailangan niyang gawin kahit na nakasalalay d'on ang damdamin niya para sa dalaga. Para sa kaniya tama ang gagawin niya at hindi niya pwedi baliwalain iyon kung kaligayahan na
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _____ 50 TULALANG pinagmamasdan ni Lucy ang lahat ng proposal sa kaniya ni Cheska sa isang brochure na hawak nito. Maaga pa nang pinatawag siya nito sa silid niya para daw sa hinanda nitong almusal para sa kanila. Nang dumating siya r'on dalawa lang silang dalawa, wala si Michael at pinagpapasalamat niya. Sa hindi niya alam na dahilan, hindi niya pa rin alam kung paano harapin si Michael lalo na't nasa tabi nito si Cheska. May mga bagay na hindi pa malinaw sa kaniya, kahit na sinabi sa kaniya ni Michael na —mahal siya nito— "I think this one is fit for you, mukhang simple lang.. Just like you, Luz.." Tiningnan niya ang inaabot sa kaniya ni Cheska; maganda nga iyon, simple lang gaya ng sinasabi nito sa kaniya — isa iyong white dress na ayon kay Cheska para daw sa gaganaping engagement party nila ni Angelo. "What do you think?" untag na tanong nito sa kaniya. "M-maganda naman. Mukhang mamahalin lang." "Heto na naman tayo sa money matt
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL 49 _____ ILANG BALING NA ANG GINAWA NI LUCY, hindi pa rin siya halos dalawin ng antok. Nakarating na sila sa Pinas, hindi niya na nagawang puntahan pa si Angelo dahil iyon ang sabi sa kaniya ni Cheska; natutulog na raw si Angelo. Kahit silip hindi niya na nagawa dahil baka magising lang ito. Pasado ala-una na rin ng madaling-araw nang dumating sila sa bahay na 'to. Sumagi sa isip niya ang pagsalubong sa kanila ni Cheska; isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang pinagkaloob nila ni Michael sa isa't-isa. 'Akala ko ba mahal niya ako?' May kung ano'ng hapdi siyang nadama sa puso niya. Bumangon ng pagkakaupo si Lucy, sinandal niya ang likod niya sa headboard ng kama. Tinuon niya ang tingin sa malitang nasa paanan niya. 'Ano kaya kung umalis na lang ako rito?' bulong niya sa sarili. 'Makakaya ba ng konsensiya ko kung may mangyayaring masama kay Angelo?' aniya. Si Angelo nga lang ba ang totong dahilan kung bakit hindi niya makuhang umalis sa bah
THE CEO'S OBSESSION | LUCY PEARL 48 ____ NAKITA ni Lucy ang sarili niya kasama si Michael sa huling pakiusap nito ayon dito. Kaya lang naman siya pumayag dahil nangako itong babalik sila ng bansa pagkatapos ng araw na iyon. Pinaalam niya rin ito kay Angelo, nagtaka naman ang huli pero nakumbinsi niya naman ito na gusto niya nang umuwi at hindi na tapusin ang ilang araw na dapat silang nandoon ni Michael. Wala naman maraming tanong sa kaniya si Angelo, ang mahalaga ay gusto niya nang bumalik agad. Para sa kaniya hindi maganda ang mag-solo pa sila ng kuya nito sa iisang bubong. "I want you to be happy. Sincerely happy, Lucy.." narinig niyang sabi sa kaniya ni Michael sa likuran niya habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Pangarap ko lang 'to.." naiiyak niyang sambit sa sarili. Naalala niya ang lola niya, kung buhay pa ito malamang ito na ang kasama niya sa lugar na iyon. Nilingon niyang may ngiti sa labi si Michael. "S-salamat ha.. Hindi ko makakalimutan 'to," aniya. Ngum
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL47___ HALOS mag-a-alas-syete na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Lucy. Kahit na nakapikit siya hindi mawala sa isip niya ang nangyaring hindi niya inaasahan; ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael na hindi niya inaakalang tinugon niya nang walang pag-aalinlangan."Bakit mo ginawa iyon, Lucy? Bakit!" naiinis niyang aniya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung anong sumagi sa isip niya at bakit niya hinayaang magpakalunod sa damdamin niya.Biglang napabangon si Lucy; damdamin? So. Inaamin niya na ngayon na may nararamdaman siya para kay Michael at sa pagtugon niya nang halik nito.. Paano kung maisip nito o mas malala pa'y makaramdam ito?Ano'ng klaseng babae siya? She let herself to marry Angelo at isang iglap lang nakipaghalikan siya sa kuya nito?"Napakasama ko!" Isa pang daing niya. Tinuon niya ang tingin sa pinto. Paano siya haharap kay Michael ngayon? Anong mukha ang ihaharap niya rito?Muli siyang napapikit nang muling s