Nagmamadaling dinala ni Zach ang dalaga sa clinic para ihiga ito doon at ma-monitor ng daddy niya. Lagot na naman siya nito. Inis na napasabunot siya sa kanyang buhok.
“This damn woman. Of all the people that could work with me? Siya pa talaga?!” inis nitong sabi sa sarili.
“Boss, nandito na po ang daddy niyo.” Ang body guard niya ang nagsalita.
Agad na tumabi si Zach. “Dad, she passed out.” Pagpapaliwanag niya.
“Oh, isn’t she familiar to you?” Pag-uusisa ng daddy nito na tila sinusubukan siyang hulihin kung ide-deny sa akto ang krimen na ginawa niya. Madalas kasi siya kung pagsabihan ng daddy niya na itigil na ang pambababae para makaiwas na siya sa gulo na dala ng mga ito pero matigas pa rin talaga si Zach. Walang makakapigil sa kanya.
“She was the girl at the guest room, Dad,” sagot ni Zach habang hindi nakatingin sa daddy niya.
“I will run some test to her and I want you to go back to your supposed to be meeting. Pagkatapos ay bumalik ka dito. She is your employee from now on, son. You need to check on her.”
Napalunok si Zach. “F*ck, why does it have to be me? Tsk. Matanda na ang babaeng ‘yan. Kaya na niya ang sarili niya, Dad. Wala bang pamilya iyan?” Pabalang na sagot nito.
Sinamaan siya ng tingin ng daddy niya at sa puntong ‘yon pa lang, alam na niya na kailangan niya itong sundin kahit labag man sa kalooban niya. “F-Fine!” he answered angrily as he walked out of that clinic.
Napailing-iling na lang ang daddy niya. His dad is a doctor. At sa kanya na nito ipinasa ang pagpapatakbo ng kumpanya dahil gusto na lang nito na mag-focus sa pagiging doctor niya.
Pagkatapos ng isang oras ay nagising na si Alexandra. Madalas kung sumakit ang ulo niya the past few weeks. Nahihilo rin siya at iniisip niya na baka dahil lang iyon sa pagod.
“Good morning, Miss.” Bati ng daddy ni Doctor Zacharias sa kanya.
Dahan-dahang tuluyang iminulat ni Alexandra ang mga niya.
“D-Doc. . .” She uttered.
“I have run some test to you and please don’t be shocked with the results.”
Kinabahan agad si Alex. Namumutla pa siya ngayon habang nakahiga sa clinic bed.
“A-Ano po ‘yon?”
“You are a month pregnant, Miss.”
Halos hindi nagawang kumurap ni Alexandra sa mga pinagtapat ni Doc. Zacharias sa kanya. Mahigpit siyang napakapit sa kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Hindi niya na namalayan ang pagpatak ng mga luha sa pisngi niya. Ang isang pagkakamali niya ay nagsanga-sanga na at nagbunga pa ang pagkakamaling iyon.
Napahikbi na ng tuluyan si Alexandra.
“I know you, Ms. Espinosa. You are behind the viral photos in the internet with my son, coming out from the same room.” Pagpaprangka ng doctor.
Hindi siya nakasagot. Iniwas niya ang kanyang tingin habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya.
“Anak niyo pa la ang bastos na ‘yon,” mapait na sagot niya.
“I can make every single photo of you disappear online. I can also help you with all your finances with the child. Since it is the child of the CEO; my very own son.”
“Hindi. Ayaw kong magkautang na loob sa inyo.”
“Please, think about my offer, Ms. Espinosa.”
Napa-smirk si Alexandra habang may luha pa rin ang mga mata niya. “At ano ang kapalit?”
“You have to marry my son--Zach. Pag-isipan mong mabuti, Ms. Espinosa. Ayaw mo bang may managot sa batang dinadala mo? Ayaw mo bang bigyan iyan ng magandang buhay? Gusto mo bang magpakatigas at buhayin ang bata ng mag-isa na halos isang kahig isang tuka?”
Hindi nakaimik si Alexandra. Naiipit siya sa pagitan ng pagkikipagtali kay Zach para mabigyan ng magandang buhay ang anak niya o ang panindigan ang pride niya. Hindi na niya alam. Mababaliw na siya kakaisip.
“I can wait for your decision. Just tell me kung nakapagdecide ka n--”
”Tatanggapin ko.” Pagdidiin niya. Bahala na. Nilunok na niya ng tuluyan ang pride niya para lang sa magiging kinabukasan ng anak niya. Para na rin malinis ang pangalan niya. Pero handa na nga ba siya? Handa na ba siyang itali ang sarili niya sa isang lalaki na hindi niya naman mahal? At hanggang ngayon, si Triton pa rin ang laman ng puso niya?Kinahapunan ay pinatawag ni Doc. Zacharias ang anak niyang si Zachary para ipagtapat na dito ang katotohanan base sa lumabas na results kay Alexandra.
“Dad.” Bungad ni Zach nang makabalik sa clinic. Wala na doon si Alexandra at maagang pinauwi ni Doc. Zacharias para makapagpahinga dahil alam rin pa la nito ang stress na pinagdadaanan ni Alexandra sa trabaho gawa ng mga officemates nito. Ramdam niya agad ang pagiging seryoso ng mukha ng daddy niya.
Diretso itong tumingin sa kanyang mga mata. Ni hindi man lang siya nito pinaupo bago siya nagsalita. “Alexandra is pregnant.” Pagtatapat ng daddy niya.
“At ikaw ang ama,” dugtong pa nito.
Natawa si Zach. “Haha! Dad naman, stop this joke. Isang gabi lang may nangyari sa ‘min. Buntis na agad siya? You got to be kidding me! Who knows that woman is a flirt? Baka hindi ako ang ama ng dinadala niya, Dad. Huwag kang basta-basta magpapaniwala sa kanya.”
“Shut up, Zachary! My men has been investigating her for almost a month now since her issue with you happened. I managed to clean up the mess you got yourself into at siya ang napuruhan kaya ngayon, kailangan mong panagutan ang ginawa mong kabalbalan. Isa pa, dugong Luthman ang dala-dala niya.”
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Zach sa mga narinig niya. What is he going to do now? Does this means hindi na siya makakapangbababae? No! Hindi puwede! Pagprotesta niya sa isipan.
“At paano kung umayaw ako, Dad? Alam na alam niyo naman na ayaw kong matali sa kahit na sinong babae! Never! Ni hindi pa nga ako nagsasawa sa pambababae tapos magpapatali ako sa kanya? F*cking impossible!”
“Then, I will pull out your inheritance. Wala akong ni isang kusing ipamamana sa ‘yo. Think about it, son,” sarkastikong sagot ng daddy niya.
Alam niya na kapag nagsalita na ito ay hindi na magbabago ang isip nito. Wala nang makakapagpabago sa isip ng daddy niya. Kapag nagdesisyon ito, ‘yun na ‘yon at wala nang bawian.
Mariin siyang napasabunot sa kanyang buhok. “Damn it! Fine! I will marry that woman! Tingnan lang natin kung hindi siya magsisi kapag natali na siya sa ‘kin.”
Nang makauwi sa kanila si Alex ay halos mapatulala pa rin ito at hindi makapaniwala. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nagdadalang tao siya. Nagbunga ang kasalanang nagawa niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na isang kilala at makapangyarihang tao ang nakabuntis sa kanya, o mas lalo lang iyong magbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ni Alexandra. Pero ngayong mukhang matatali na siya sa isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa bansa, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya na tanggapin ang alok ni Doc. Zacaharias. Iyak pa rin siya nang iyak. Nasasaktan siya. Kung hindi siya gumawa ng mali, 'di sana kasal na sila ngayon ni Triton. 'Di sana, namumuhay na siya kasama ang lalaking pinangarap niya at hindi ang isang babaerong Zachary Luthman ang pakakasalan niya. Napakurap-kurap siya nang maamoy ang pagkain na galing sa maliit niyang kusina. Doon niya lang naisip na baka may iba
Nang makarating sina Alexandra sa mansion ng mga Luthman ay tila nanumbalik na naman lahat ng mapait na nangyari sa buhay niya mahigit isang buwan lang ang nakalilipas. Hindi niya inakala na sa isang simpleng pagkakamali na yon ay mababago ng napakalaki ng buhay niya. Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero para sa kanya ay sobrang dami nang nangyari at sa isang kisap mata, nawala ang lalaking pinakamamahal niya. Naalala niya ang bawat sulok ng mansion na ito kung saan ginanap noon ang party. Naalala niya kung gaano siyang parang tangang nagpakalasing. Naalala niya kung paano niyang pinasok ang kuwarto na sumira ng kasal niya dapat. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Everything is her fault. Hindi niya namamalayan na napaluha na pa la siya. Natigilan si Zach nang mapansin niya na hindi na nakasunod sa likoran niya ang dalaga. Nilingon niya. "Ano? Magda-drama ka na lang ba diyan?" Puna niya rito.
Nakabusangot si Alexandra habang nilalagay sa kanyang malaking walk-in cabinet sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Ano'ng sabi niya? Mga basura lang itong dala ko? Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Manganganak yata ako sa kanya ng wala sa oras! Inis na inis na aniya sa isipan habang iniisa-isa ang mga damit na dala-dala niya. Masyadong malaki ang kuwarto para lang sa kanya. Masyadong malungkot. Napakalungkot naman talagang mag-isa sa ganito kalaki at kagarang bahay. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa katahimikan nito. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. "Ma'am, Alexandra. Kakain na raw po. Tara na po sa baba." Yaya ng isa sa mga katulong. Alam na alam agad niya iyon dahil ang mga katulong lang ang natawag ng ma'am sa kanya kahit pakiramdam niya ay hindi naman siya karapat-dapat na tawagin ng gano'n. Para sa kanya, parehas lang silang mga ordinaryong tao na walang mataas na antas sa lipunan. Napatigil siya sa
Kinaumagahan, maagang nag-ayos si Alex para pumasok sa trabaho. Maliit pa man din ang tiyan niya. Kaya pa niyang magtrabaho. Pakiramdam niya kasi ay mas magkakasakit siya lalo kapag namalagi lang siya sa bahay na walang ginagawa. Better go to work nang mapakinabangan naman siya ng mga Luthman. Pagdating doon ay halos suriin na naman siya ng tingin mga kasamahan niya sa trabaho. Mula ulo hanggang paa kung makatingin ito sa kanya. Akala niya ay makakaligtas na siya sa mga mapangmatang mga tingin ng mga ito, pero nagkakamali siya. Hindi na nga yata sila natatapos sa pangungutya sa kanya. Wala bang katapusan ang lahat nang mga ito?"Ang kapal talaga ng mukha niya ano? Pagkatapos niyang duro-duruin ang CEO natin noong nakaraan? Papasok siya dito na taas noo at parang walang nangyari? Oh my gosh, nakakahiya!" sabi ng isa."Oo nga, dai! Makapal talaga. Ewan ko nga rin kung bakit gano'n na lang ang lakas ng loob niyan na pumasok pa pagkatapos nang lahat lah
Isang buwan matapos ang intimate wedding nina Alex at Zachary ay walang pinagbago ang trato nila sa isa't isa. Para pa rin silang mga aso at pusa kung magbangayan at mag-away minsan sa mansion. May dalawang buwan na rin ang tiyan ni Alex. Kung may kabutihan mang pinapakita si Zach, hindi iyon para kay Alex kundi para lang sa magiging anak nila. Umaga nang magising si Alex ay sa baba na siya agad dumiretso. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang awayin siya ni Lily sa kumpanya kaya ngayon, heto siya at nagmumukmok na lang sa mansion. Mabuti na lang at mababait ang mga maids ng mga Luthman. She instantly found a family. "Magandang umaga, manang. Ano pong niluluto niyo? I can help," wika ni Alexandra sa isang katulong na abala ngayon sa pagluluto ng agahan. Umiling-iling ang matanda. "Ay, nako, Ma'am Alex, huwag na. Kapag ikaw nakita ni Sir Zach na patulong-tulong dito, malalagot tayo, e." "Pero manang
Harap-harapan pa na nakasalubong ni Alex sina Zach at ang babae nito. Napakunot siya ng noo at pilit na inaalala kung ito ba ang babae rin na naabutan niyang nasa kama ng asawa niya kagabi. Pero hindi. It was a different woman--again! Hindi ba talaga ito titigil? Harap-harapan ba talaga kahit sa pamamahay mismo nila? "Oh, good evening. You are perhaps one of Zach's maid?" wika ng babae sa maarte nitong tinig. Napakagat ng labi niya si Alex. She is pissed now. Naniningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang lapastangang babaeng iyon. How dare she call her a maid? Mukha na ba siyang maid sa ayos niya ngayon? Napatingin si Alex sa sarili niya. Sinuri niya ang kanyang suot. Tsk. Ano naman kung simpleng t-shirt lang at shorts ang suot ko? Does that mean I am a maid already? Minsan hindi rin nag-iisip ang babaeng 'to, e. Napahilot ng kanyang sentido si Zach. He has been stressed in his work lately. Sobrang d
ANONG oras nang nagising si Zachary gawa ng sobrang pagod niya kagabi. Dagdagan pa kasi ng napakarami niyang iniisip. Kung hindi pa siya bubulabugin ng Daddy niya through call ay hindi pa siya sapilitang babangon. "Dad? What's wrong with you in this early hour?" nagmamaktol na sagot nito. Naupo siya at sumandal sa head board ng kama niya habang kinukusot-kusot pa ang kanyang mga mata. He is still sleepy as f*ck. Ito talaga ang pinakaayaw niya sa lahat. Iyong iniistorbo ang tulog niya. But he can't really protest to his Dad. Kumbaga, kahit anong mangyari, ito pa rin ang batas. "Bring your wife for a check up today. I have scheduled her with her OB." Nagpantig agad ang tenga ni Zach. To think na hindi sila ayos ni Alex. Nag-away pa nga sila kagabi. And he admit, nakagawa siya ng mali. For sure, hindi magiging madali ang pakikipag-usap niya sa dragon na 'yon. Geez? Bakit ngayon pa
BEFORE Zachary left Alexandra’s empty room, nahagip pa ng kanyang mga mata ang isang papel na nakapatong sa ibabang ng kama nito. Napataas ang isang kilay niya kasabay ng pangungunot ng kanyang noo. He came to wonder what that paper is all about. Binalikan niya iyon at dinampot saka siya naupo sa kama. Dahan dahan niyang binuksan ang papel na iyon at binasa. From Alex: Alam kong sa papel lang tayo kasal at bata lang ang habol mo, pero hindi ko kayang makasama ang isang walang kwentang katulad mo sa iisang bahay. Sisikapin kong buhayin ang anak ko nang mag-isa, Zachary. Enjoy all the girls that you want. Iyon ang nakasulat sa liham. Zachary found himself na niyuyukot ang papel na iyon. He is doomed now. Kailangan niyang mahagilap si Alex bago pa siya hanapin ulit ng Daddy niya. But how? Saan siya magsisimula? His guilt is hunting him now. If something happens to her, he is to be blamed dahil sa kapabayaan niya.
THREE YEARS LATER “BABY, don’t run! You might hurt yourself!” sigaw ni Alexandra ang umalingawngaw mula sa garden ng bahay nila. She’s busy with the decorations for Baby Zeph’s birthday today. She just turned three years old today. At wala nang mas excited pa sa birthday niya kundi silang dalawa ng asawa niyang si Zach. “Mommy, Zeph wants to play!” sagot pa nito habang nagpapadyak ng kanyang mga paa. Mukhang minana nito ang kamalditahan niya kay Zachary. “Do you want to see your knees bleed? H’wag matigas ang ulo, Zeph. Come on, darling. Just sit down while we’re waiting for your visitors.” Tila naputulan ng pagpakpak si Baby Zeph. She behaved immediately habang naka-pout pa dahil nagtatampo na naman ito sa mommy niya. Napailing iling na lang si Alex. Siniko siya ng marahan ni Sandra. “Look at your daughter. Parang si Zach kung magtampo, e.” Natawa si Alex sa sinabi nito. “Oo. Ganyan ang mukha niya kapag hindi nakaka-score sa ‘kin tuwing gabi,” sagot pa nito sabay hagikhik. Hin
MAY mga bagay na ginagawa ang tadhana na akala natin, ikasisira natin dahil hindi umayon sa gusto natin. Later, we will realize na hindi tayo nilagay sa ganoong posisyon para lang sa wala. It will always have a purpose. Nakatitig lang si Alex sa mga butin sa labas ng bahay nila. Nasa garden siya at nakatanaw sa langin. The stars shine so brightly. She finds peace just by looking at the sky. Hinihintay niya lang ang pag-uwi ng asawa niya. Kahit isang araw lang silang hindi nagkita ay nami-miss niya agad ito. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mga palad na siyang napatakip sa dalawa niyang mga mata. His scent. He really knows it. The warmth of his fingers is really familiar to her. How can he forget? Triton, anong ginagawa mo,” saway niya rito. Triton chuckled as he gently removed his hands covering Alex’s eyes. Hinarap nito si Alex. “Hi. I missed you.” Bungad niya agad. Dumako ang mga mata ng dalaga sa maletang dala-dala nito. He’s leaving again? “Bakit ka naparito?” tanong
KAHIT na nalaman na ng mga Luthman ang totoo, hindi pa rin papakampante si Zach na okay na sa asawa niya ang lahat. Nakagawa pa rin siya ng kasalanan at kailangan niya pa ring suyuin ang asawa niya sa kahit anong paraan na kailangan. Habang hawak niya ang boquet ng white roses sa kamay niya ay nag-aalangan pa siyang pumasok sa kwarto nilang mag-asawa. Nagpa-praktis pa siya kung ano ang sasabihin niya. Nariyan ang kaba at tensyon sa kanya ngayon. Walang humpay rin ang pagbuga niya ng mabibigat na buntong hininga sa kaba niya. He is from a week business trip kaya naman atat na atat ito na surpresahin ang asawa niya dahil wala itong alam na ngayon siya uuwi. Miss na miss na niya ito pati na rin ang unica hija nilang si Baby Zephaniah. He opened the door gently. Ulo niya pa lang ang nakadungaw sa pintuan ay nakita agad siya ni Alex. “Zach, please paabot naman nung bottle ni Baby Zeph.” Utos ni Alex sa asawa niya. Busy ito kakaasikaso sa anak nila. Pinaliguan niya kasi ito at ngayon ay
TUMINDI ang tensyon sa pagitan ng lahat nang dumating na si Akira kasama ang Daddy nito na si Mr. Arman. Maging ang mga katulong a bahay ng mga Luthman ay iyon din ang pinag-uusapan. Kalat na rin iyon sa buong angkan nila pero hanggang doon lang iyon. Hindi hinayaan ng mga Luthman na umalingasaw ang buong mga kaganapan nang hindi pa nila nasisigurado ang totoo.Taas noo pa na naglakad si Akira papasok ng office ni Doc. Zacharias kung saan nakapalibot silang lahat. Si Alex na katabi ang tiyahin niya, at si Zach na siyang katabi rin nito. Hindi niya ito kinikibo pero hawak nito ang kamay niya. Hinayaan lang ni Alex na gawin niya iyon para ipamukha kay Akira na kahit anong mangyari, sa kanya kakapit si Zach. Kamay lang nito ang hahawakan ng binata.“Sit down, Mr. Arman.” Utos ni Doc. Zacharias.Ang malamig na kwarto ay napalitan ng init. Gayun pa man, nanlalamig pa rin ang mga palad ni Alex kaya’t pinipisil-pisil iyon ni Zachary.He kept on whispering I love you in her ears. Paulit-ulit.
“RUN AWAY? Nababaliw na ba siya?” Bulalas ni Sandra.Hindi niya inasahan na manggagaling kay Triton ang mga salitang iyon.Nasa kabilang kwarto lang si Triton ng hotel. Maya-maya rin ay uuwi na sila pabalik ng city. Naikwento ni Alex sa kaibigan niya ang naging pag-uusap nila ni Triton kanina kaya naman nag-hysterical agad ito.“Alex, alam ko may kasalanan si Zach dito ha? But I can’t tolerate Triton’s offer to you. This is not a game you’re playing. Parehas na kayong may mga asawa at kasal.”Napayuko si Alex. “Alam ko, sis. At hindi rin naman ako pumayag. Ayaw ko naang dagdagan pa ang apoy at gulo. Tama na. Masyado nang masakit ang ulo at puso ko.”“Mabuti naman kung ganon. Masasapok ko talaga yang si Triton na yan, e.. Kung ano anong pinagsasabi sa ‘yo.” Nakapamewang nitong pangaral sa kaibigan niya.“Ang totoo, hindi pa ako handa na bumalik ng syudad, Sis.”Nagsalubong ang kilay ni Sandra. “Well, kailangan mo nang maging handa. Dahil sigurado ako na hindi na natin mapagtatakpan sa
TAHIMIK na lang na napasandal si Zach sa seat ng chopper plane. Parang nung isang araw lang ay masayang-masaya pa sila ni Alex papuntang isla. Now, he needs to go home alone. Na kay Alex pa rin ang isip niya. Hindi sana ito nangyari kung hindi naagpadalos-dalos si Akira at si Mr. Arman. Now, he needs to talk to the two of them with Doc. Zacharias when they get back home. “Don’t worry, Zach. I’ll help you out with everything. We will investigate what Akira has been doing all these time. We need to make sure that you really are the father of that baby she carries.” “B-But Dad, paano nga kung ako? Something happened between us.” “Many times?” kunot noo pang tanong ng Daddy niya. “It’s just once.” “Hmmm. We’ll see. I will ask my private investigator to work on this matter. Sa ngayon, just relax. You can think about Alex, but don’t stress yourself. “ Payo ng daddy niya. Hindi naman sa tino-tolerate nito ang ginawang kasalanan ni Zach, pero gusto niya lang talagang tulungan ang a
Zach asked all his staffs and even some of his body guards na hanapin ang asawa niya. He had no idea that his will happen. Sobrang sakit at kaba sa dibdib ang nararamdan niya. Halo-halo. Gulong-gulo na siya pero alam niya na kung mayroon mang mas nasasaktan dito, yun ay ang asawa niya at kasalanan niya pa rin ang lahat nang ‘to. He lied. It was a white lie but is still a lie. Gusto lang naman sana niya na pansamantala muna silang makalimot. Na mag-enjoy na lang muna sila until such time na handa na siyang aminin ang pagkakamali niya. But this happened. Hindi niya masisisi ang asawa niya. Walang ibang masisisi kundi siya. Siya ang may kasalanan ng lahat nang ‘to. Nang bumalik siya sa hotel room nilang mag-asawa ay naroon pa ang mga gamit ni Alex. But she’s still nowhere to be found. Kabisado naman ni Zach ang islang to pero hindi lang talaga niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano niyang hahanapin ang asawa niya sa isla. Paano kung hindi na ito magpakita sa kanya?
Nagkunwari pang naiiyak si Akira. Sinadya niya na umiyak. Pinilit niya na umiyak para mas makumbinsi ang Daddy nya at lalong lalo na si Zach. Para ipalabas sa mga ito na kahit anong mangyari, siya ang biktima.“Z-Zach. Y-You need to k-know t-the truth. A-At sa t-tingin ko, kailangan din ‘tong m-malaman ni A-Alex.” aniya pa nang may panginginig sa kanyang boses.Hindi masukat ang kaba nina Alexandra at Zachary sa dibdib. Ano mang oras ay tila sasabog ang ugat sa ulo ni Alex kakaisip sa kung anong sasabihin ni Akira. Wala siyang alam. Wala siyang ideya. Ang alam niya lang nang mga sandaling ito ay hindi maganda ang mangyayari. Nagsimulang kumulimlim. Senyales na ba ito na may paparating na hindi maganda?“Akira, stop wasting our time and tell it directly to us!” sigaw ni Alex. Hindi na niya kaya pang magpanggap na kalmado. Nanginginig ang mga daliri niya. Maging ang tuhod niya ay nanghihina na rin. Hindi siya handa sa mga maririnig niya but she has no choice but to be ready.Napakapit s
AKIRA has this feeling na nagkabalikan na sina Zach at Alexandra kaya naman heto siya ngayon, thinking of a plan on how to talk to Zach again. He surely blocked her in everything. Para siyang tanga na naghihintay sa wala. Nagbabakasakali na babalikan siya ni Zach. She always go clubbing. Hooks up with different para lang kalimutan pansamantala si Zach. “Is he really playing games on me? Then he should be ready.” Aniya sa sarili habang hinihimas ang kanyang tiyan. She’s holding a pregnancy test in his hand. “Akira, what are you up to? Kung hindi iyan maganda, itigil mo na. That will only cause trouble.” Payo ng daddy niya sa kanya. Her father is a good man. Sadyang, hindi niya lang talaga minana ang kabaitan nito. “Dad, Zach brought trouble to himself. Ako ba ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon? Hell no. He chose this, I am just giving it to him. Tingnan lang natin kung magkaroon pa sila ng happily ever after ng asawa niya.” She smirked. Napailing-iling na lamang ang daddy n