"Ngayon, anong ginagawa n'yo nang ganitong oras sa tabing-dagat? Hindi n'yo ba alam na ipinag-bawal ang pagpunta doon ng dis-oras ng gabi? O baka naman...." Tumingin nang may pagdududa ang lalaki sa tatlo na naka-upo sa silya ng Baranggay hall. "Baka mga illegal recruiter kayo?"Natigilan ang tatlo at nagkatinginan sa isa't-isa. Maya-maya ay biglang humagalpak ng tawa si Jonas. Nakahawak pa ito sa tiyan habang tumatawa.Sumama ang mukha ng lalaki. "Anong nakakatawa? Alam mo ba kung sino ako?"Pinahid ni Jonas ang luha. "Sorry, ano 'yun?"Nagalit ang lalaki at lalong sumama ang mukha nito. Pakiramdam niya'y iniinsulto siya ni Jonas at hindi siya sineseryoso nito. Nilapitan nito si Jonas at biglang hinatak ito sa kuwelyo patayo.Wala pa man siyang nagagawa kay Jonas ay biglang nagsalita si Chardon."If I were you, as long as I'm still not clear and not know the other's real identities, I won't do anything that I will regret in the end." Lumingon ang lalaki kay chardon na prente lang na
Matapos makipag-usap sa 'Madam' sa kanyang telepono ay umalis si Mona para kitain ito sa isang café. Mula nang magkaroon ng ugnayan dito ay malakas na ang loob ni Mona na um-absent o mag-half day dahil tiyak na hindi siya masho-short sa kanyang pangangailangan."Ano? Kamusta? May improvement ba? Kumakalat na rin ba 'yon sa labas?"Nailapag ni Mona ang tinidor at nag-aalangang tumingin sa kaharap sa pag-aalala'ng baka magalit ito. "E madam, ikinakalat ko naman po kaya lang, hindi ko alam kung bakit nagkaka-error at ayaw ma-post e.""Ganu'n?" Sumubo ito ng cake. "Baka naman sira na ang cellphone mo?""H-Hindi po, meron lang po talagang problema." Paliwanag ni mona. 'Paano naman masisira ang cellphone ko, e kabibili ko lang nu'n?'"So, hindi mo kayang gawin, ganu'n ba? Sabihin mo lang at maghahanap ako ng–""N-naku madam, hindi sa ganu'n!...." Agad na kontra ni Mona sa pag-aalala'ng baka anumang oras ay magbago ang isip ng kausap at humanap na lang ito ng iba."Then, kailan ko malal
Sa mga araw na nagdaan ay hindi muna pumasok si marigold. Ngunit may plano na si chardon para malinis ito mula sa video scandal. Marami kasi ang ayaw maniwala sa kumpanya na hindi ginusto ni Marigold ang nangyari. Iyon pala ay may lumalason sa mga 'empleyado' at kailan lang ito natuklasan ng inupahang hacker ni chardon. Isang anonymous ang kanilang na-hack na nagsasabi'ng naroon raw nu'ng ma-record ang vídeo, ginusto raw talaga ni Marigold ang nangyari at kagustuhan raw nito ang kunan siya.Balak ni chardon na linawin ang mga ito sa araw ng Event, ngunit hindi niya inaasahan'g may isang magandang balita na darating na makatutulong nang malaki sa problema."Sir, good news.... Nahuli na ang tatlong lalaki'ng kasama ni Ms. Sandoval."Napatayo si chardon. "Good! I've been waiting for this..." Lumamig ang mga mata nito. "Now, I'll make sure they will regret helping that b*tch to destroy my woman."Tumungo si chardon sa nueva Ecija kasama si Mr. Javier. Pagdating doon ay agad ni
Dinala ng dalawa si marigold sa isang VIP suite. Pag-pasok ay ini-lock agad ng babae ang pinto.Inihagis si Marigold ng lalaki sa kama. Hinaguran n'ya nang tingin ang dalaga at malisyosong tiningnan ang mga hita nito'ng na-e-expose dahil sa maiksi nitong dress."Bantayan mo muna ito." wika niya sa kasamang babae. Kinuha niya ang isang mamahaling bote sa nightstand, pagkatapos ay pumasok ito ng banyo.Umalis ng kama si Marigold at tumakbo patungo sa pinto. Agad itong pinigilan ng babae."At saan ka pupunta ha? Hindi ka maaaring umalis, hindi pa kami tapos sa 'yo!" Pilit nitong hinila si Marigold pabalik ng kama.Pumiglas ang dalaga. "Bitiwan mo 'ko! Bakit mo ba ginagawa 'to? Ano ba'ng naging kasalanan ko sa 'yo, ha Mona?!"Natigilan ang babae at napa-palatak. "Tsk... E balewala naman pala ang disguise ko e." Inalis na nito ang mask at ang suot na cap. Pinandilatan nito si marigold. "Alam mo, epal ka talaga, hindi mo dapat ako makikilala e. Dapat maging tatanga-tanga ka lang hang
"Ahhh!!" Sigaw ng babae habang dali-daling binabalutan ang sarili ng kumot. Ngunit napamaang ito pagka-kita kay chardon."S-sino ka?!.... P-aano ka nakapasok?" Nanlalaki ang mga mata at gulat na tanong ng lalaki habang tinatakpan ang kanyang ibaba.Napamaang si chardon. Hindi n'ya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon, ngunit iisa lang ang alam niya; masaya siya na hindi si Marigold ang babae at nabawasan din nang malaki ang kanyang pangamba't pag-aalala."Um.... s-sorry to disturbed you... I thought you're someone I knew..." Pinagmasdan niya ang dalawa. Ang lalaki ay mukhang nasa mid-40's na, chubby na may malaman at bilog na mukha, habang ang babae naman ay mukhang nasa 20 lang, kayumanggi at average lang ang hitsura."You continue.... " Inilapag niya ang bote sa nightstand at prente lang na naglakad palabas ng silid. Napapabuntong-hininga na lang ang binata. 'Fortunately..... I thought..'"Teka lang!"Natigilan si chardon at napalingon sa lalaki. "Yes?...." "Ang lagay
Na-alimpungatan si chardon nang may matigas na tumama sa kanyang babà. Naramdaman din niya ang pagsiksik niyon sa kanyang leeg.Kumunot ang kanyang noo nang maramdaman'g nakahiga siya sa matigas at malamig na sahig. Umungot siya't tumihaya. Pagmulat ay agad niya'ng nakita ang puting kisame at ang hindi pamilyar at puting paligid. Babangon sana s'ya nang maramdaman'g may naka-unan pala sa kanyang naka-unat na bisig.Paglingon ay nakita niya ang natutulog na si marigold sa tabi niya. Nang kumilos siya ay lalo itong nagsumiksik habang bahagya itong kumikiskis sa kanya.Biglang bumalik sa ala-ala ng binata ang nangyari bago siya nakatulog. Umangat ang gilid ng kanyang labi. 'I thought it was a dream.' Bumaling siya sa nobya at hinaplos-haplos ito sa ulo. 'Mari, finally..... you're already mine.' Niyakap niya ito nang mahigpit.Natanaw niya ang kanyang cellphone sa di-kalayuan. Nang nasa kalagitnaan na siya ng intimisyon kay marigold ay bigla itong tumunog. Sa kanyang inis dahil sa abala n
Kinabukasan ay maagang-maaga pa nang magising si marigold, ngunit dumadaing ito. "Marigold, gising ka na ba?" Nagising si nanay sela na noo'y naka-tungo't nakatulog sa gilid ng kama. Nakita niya ang pag-ngiwi ng dalaga. "Bakit? May sumasakit ba sa 'yo? Saan?" Tumango-tango lang ang dalaga, ngunit hindi n'ya masabi-sabi kung ano at saan ang masakit sa kanya dahil nahihiya ito'ng sabihin. Nguni't napapa-isip si marigold kung bakit bigla na lang sumakit ang lugar na iyon sa kanya. 'Bakit ang sakit ng ibaba ko? at parang doon pa mismo sa....' "Sandali lang ha, tatawag ako ng doktor para matingnan ka, baka kung ano na 'yan." "N-nanay Sela, t-teka..." Hindi na ito nagawang tawagin ni Marigold nang makalabas agad si nanay sela. Napahimas na lang siya sa kanyang noo. Tumayo siya't nagtungo sa banyo. Maya-maya ay dumating na si nanay sela kasama ang lalaking doktor. "Ah!" Biglang nakarinig ng pagsigaw ang matanda at ang doktor. Agad lumapit si nanay sela sa pinto ng banyo at kumatok
"Good morning Mr. Atanante. " "Good morning sir." "Good morning po Ceo."Magalang na bati ng mga empleyado'ng naroon sa lobby habang pumapasok si chardon. Huminto sa paglalakad ang Ceo nang maramdaman'g tila wala siyang kasunod. Lumingon siya sa likod at tiningnan ang babaeng naka-scarf ang ulo't mukha, Naka-suot din ito ng mask.Kahit nabawasan na nang kalahati ang mga rashes nito sa mukha ay nahihiya pa rin ito dahil kitang-kita pa rin iyon.Nanunubok ito sa pinto habang nagmamasid masid sa mga empleyado't mga taong naroon sa lobby.Nilapitan ito ni chardon at kinuha ang kamay nito't hinila."H-huy.... Anong ginagawa mo? B-bitiwan mo 'ko!" Nataranta ang babae nang biglang hilahin ng binata, hawak ang kanyang kamay.Napapalingon ito sa paligid sa pag-aalalang baka mataman palang naka-titig sa kanila ang mga empleyado'ng naroon. Ngunit hindi niya akalain na tila walang nakakita ang mga ito. Subsob ang ulo at patuloy lang ang mga ito sa kanilang trabaho. Napabuga