Pumihit si Chardon sa gawi ni marigold na nasa harap. "Tell us about the marketing report of your department. We need your enlightenment and lecture on this presentation."Nadagdagan ang kabang nararamdaman ni marigold nang makita ang Ceo. Ngunit bigla n'yang naalala ang sinabi ni jonas kanina.Saka lang n'ya naisip kung bakit siya nandito.Yumuko si marigold at kinalma ang sarili. Bigla n'yang naalala ang pangako niyang patutunayan niya ang sarili niya. "Ito na 'yun! Kailangan kong pagbutihan!" Nang umangat ang ulo ni marigold ay wala na ang bakas ng kaba at nerbiyos nito. Tanging determinasyon at paninindigan na lang ang makikita dito.'Okay.... '"Hello everyone, I'm Marigold Magbanua from a marketing department. And as I stand here, I will explain every detail about the proposal report of our team." Panimula ni marigold.Napukaw agad ni marigold ang pandinig at atensyon ng mga executives. Si chardon naman ay prenteng nakasandal sa swivel chair habang minamasdan ang kabuuan ng dal
Nang matapos ang trabaho ko ay umakyat ako ng rooftop.Kumakabog ang dibdib ko sa bawat pag-akyat sa baitang ng hagdan.Ano kayang kailangan n'ya? Magso-sorry ba ulit s'ya para ipakitang sincere s'ya?Nang makaakyat na ako ay huminga muna ako nang malalim. Saka ko dahan-dahang binuksan ang pinto.Pagbukas ko ay bumungad agad sa 'kin ang isang lamesa na mayroon'g kandila at bulaklak.Teka... dinner date table ito a!Luminga-linga ako pero hindi ko makita si Mr. Atanante.Lumakad ako at lumapit sa lamesa.Maya-maya ay nakarinig ako ng tugtog ng biyolin, agad kong nilingon kung saan nagmumula iyon.Nagulat ako nang makita si Mr. Atanante na dumarating habang tumutugtog ng biyolin.Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng walang tigil na pagtibok nang mabilis ng puso ko.Ang guwapo-guwapo niyang tingnan sa suot n'yang black suit habang tumutugtog s'ya na akala mo ay isa siyang professional.Pinanonood ko lang sya habang hinihintay na matapos ang tinutugtog n'ya."Do you like it?" tanong niya mat
Natulala na lang ako sa kanilang dalawa habang patuloy silang naghahalikan na parang wala silang balak tumigil. Kung titingnan ay parang sanay na sanay na sila at parang palagi nila itong ginagawa.Nang bumaling sa ibang direksyon ang mukha ng babae habang nakikipaghalikan ay nakilala ko rin kung sino ito. Siya 'yung babaeng bigla na lang sumulpot at yumakap kay Mr. Atanante paglabas namin ng conference room.Hindi ko alam.... ganito pala siya magseryoso.... Ito pala ang sinseridad niya. Wala na raw silang ugnayan pero......Pakiramdam ko ay parang may invisible na kamay na sumampal sa 'kin na nagsasabing; 'gumising ka! Ito ang katotohanan, hindi na siya magbabago!'Kumubli ako at pin'roseso sa utak ko ang sitwasyon. Malinaw kong nakita ang lahat kaya hindi ko ito puwedeng itanggi at lalong alam ko na hindi ko na siya dapat pang bigyan ng 'chance' na hinihingi niya.Nu'ng nag-sorry at nagpaliwanag s'ya dahil sa babaeng ito ay nagawa kong balewalain iyon at isiping walang nangyaring g
Mas maayos na ang mood ko ngayon kumpara kahapon. Hindi na rin ako masyadong nalulungkot kapag naalala ko ang mga nangyari. Siguro nakatulong talaga 'yung pampatulog na binili ko sa botika kaya maganda ang naging gising ko.Nang papasok na 'ko sa trabaho ay nakita ko ang ilang lalaking may mga dalang shopping bag na nakaabang sa labas ng pinto ko.Nang makita nila ako ay naglapitan sila. "Kayo po ba si Ms. Marigold Magbanua?""A-ako nga, teka, teka.... Lilinawin ko lang ha, wala akong ino-order sa inyo." Paglilinaw ko."Ma'm, bayad naman na po ito, pakipirmahan na lang po." Wika ng lalaki sabay abot sa akin ng ballpen at delivery receipt."P-pero..." Tiningnan ko ang shopping bags na dala-dala nila. Sa nakikita ko ay mukhang mga mamahalin at..... parang branded ang mga ito?Bagaman may ideya na ako kung kanino ito nanggaling, hindi pa rin ako nakakasiguro lalo na't mukhang titigilan na rin niya ako.Isa pa, hindi ba tapos na ang pagpapanggap n'ya? Hindi n'ya kaya ang pangungu
Biglang nagkaroon ng reyalisasyon si marigold sa kung sino ang humatak sa kanya nang marinig ang boses nito, agad niya itong tiningala.Nang masilayan si Chardon ay namula at uminit ang mukha ng dalaga nang maalala ang naging babalâ nito na gagawin sa kanya kanina.Nagpatianod na lang si marigold nang hilahin s'ya ni Chardon sa parking lot at nang ipasok s'ya sa nakaparadang bently nito.Nakaupo lang ang dalawa sa loob ng sasakyan at walang umiimik sa kanila.Nakalingon lang sa labas si Marigold habang si Chardon naman ay mahigpit lang na nakakapit at nakatitig sa manibela.Hindi man halata pero may kaba'ng nararamdaman si Chardon sa mga oras na 'yon. Naninibago siya sa sarili dahil ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.Hindi siya sanay sa ganitong alanganin at awkward na sitwasyon dahil madalas na ang mga babaeng gustong magkaroon ng ugnayan at relasyon sa kanya ang nakararanas ng mga ganito kapag kinukuha ng mga ito ang loob at pagtingin n'ya.Ngunit ngayon ay tila naunawaan
Matamlay nang pumasok si marigold sa kumpanya at paminsan-minsan ay natutulala pa ito.Hindi na nakatiis si Jessy kaya sinundan niya ito sa office kitchen.Walang sabi-sabing hinawakan ni Jessy ang noo ni marigold habang hinahalo nito ang tinimplang kape."Wala ka namang sakit, bakit nagkakaganyan ka?" Ani Jessy habang hinihipo ang sariling noo.Inalis ni marigold ang kamay ni Jessy sa kaniyang noo. "Ayos lang ako. Inaantok lang siguro ako.""Lagi ka bang inaantok?" "Minsan.... bakit?" Sagot ni marigold bago humigop ng kape."Hindi kaya..... " Lumapit pa si Jessy nang husto kay marigold. "..... Hindi kaya buntis ka?"Pftt!!...."Ahh!! ang init! Ano ba marigold‽!" Sigaw ni jessy habang nagtatarang ito nang mabugahan ng mainit-init na kape mula sa bibig ni Marigold.Dali-daling kumuha ng pamunas si marigold at pinunasan si Jessy."S-sorry. Ikaw naman kasi e.""Sorry? E bakit nangingiti ka d'yan?" Hindi na pinigilan ni Marigold ang matawa kay Jessy. "Wala, nakakatawa kasi ang hitsura mo
Sa isang tahimik at liblib na lugar ay may nakatayong isang Contemporary Cabin style villa. Malayo ang lugar na ito sa karamihan kaya walang maririnig na ingay na likha ng samu't-saring bagay na naroroon sa siyudad, na kung saan ay maraming tao.Ngunit habang tahimik ang gabi ay maingay naman ang isang silid na naroroon sa attic ng bahay na iyon, na kung saan ay may mainit-init na tagpo'ng nagaganap kaya puro paghalinghing at pagdaing ang maririnig. Paminsan minsan ay maririnig din ang pagmumura ng isang lalaki habang may kaniigan ito. "F*ck..... s-so tight....." Wika ng lalaki habang pinipilit n'yang isagad ang kanyang pagpasok sa bukana ng kapareha. "C-chéri..... I-it hurts.... B-be more gentle~" napapakagat sa kanyang labi ang babae sa sakit. Malalaman sa pagdaing ng babae na ito ang unang beses niya.kaya nang magkusa itong lumapit sa lalaki at sabihing wala pang karanasan ito ay isinama na siya ng lalaki. Ngunit sa kabila nu'n ay wala s'yang balak magpigil. "Don't wor
Agad akong tumalikod nang makita ang eksena kanina. Bumigat ang loob ko at pakiramdam ko ay may nawala sa 'kin'g importanteng bagay na hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.Binalewala ko na lang 'yun. Wala naman kasing mangyayari e. Isa pa unti-unti naman na akong nakakalimot... Kaya, may araw din na tatawanan ko na lang ang nangyaring ito sa 'kin.Ngpatuloy na 'ko sa paglalakad para ihatid ang mga files na ito sa file room. Marami pa akong trabahong naiwan sa itaas kaya kailangang makabalik agad.Hindi ko naman talaga ito trabaho, kaya lang.... May nangyaring hindi ko inaasahan.Nang ma-hire ako as a executive secretary ay marami ang nainggit at nagalit na mga nag-apply din na mga empleyado sa 'kin. At s'yempre, isa doon si Ms.Vivian.Kinabukasan matapos akong ma-hire ay bigla na lang akong kinorner ng ilang babaeng empleyado sa pangunguna ni Ms. Vivian. Akala ko'y bubugbubin na nila ako e, wala pa naman masyadong tao'ng nagdadaan sa area'ng iyon.Nagulat ako nang sabihin sa 'kin ni Ms
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim