Share

The CEO's Surrogate Second Wife
The CEO's Surrogate Second Wife
Author: Misya Lively

Kabanata  1

Author: Misya Lively
last update Last Updated: 2025-02-05 21:35:53
”Miss Ñuevas, kung hindi maooperahan ngayon ang nanay mo baka hindi na siya tumagal pa.”

Dahil sa sinabi ng doctor ay natahimik ang buong kwarto at tanging ang tunog lamang ng makinarya ang naririnig.

Napaimpit hininga na lamang si Heather, naninikip ang dibdib nya at tila ba gustong kumawala. Nasa harapan nya ngayon ang nanay nyang nakahiga sa hospital bed at ngayo’y mahimbing na natutulog dahil sa side effects ng mga gamot. Ang tanging makakapagsalba lamang sa nanay nya ay ang Heart transplant na inaalok ng doctor

“Wala na po ba talagang ibang solusyon, Doc?” Halos nangangatog na ang mga boses ni Heather.

Nasabi kasi ng Doctor na aabot raw nang halos sampong milyong piso ang kakailanganing pera para maisagawa ang Heart transplant na kailangan ng ina nya.

Hindi na nya alam ang gagawin.

The doctor in charge of Hera, Heather’s mom, only shook his head habang isinasabit ang stethoscope sa leeg neto.

“Ayun lang talaga ang tanging paraan…”

Mahigpit na nakahawak si Heather sa kamay nang kanyang ina na si Hera at panaka-nakang umiiyak. Naalala nya ang pagtanggi ng kanyang ina na tumunging ospital noon dahil ayaw niyang maging pabigat sa dalaga.

“Well, you can think first. Ms. Ñuevas. Mauuna na muna ako,” pagpapaalam ng doctor at napatango na lamang si Heather kaya naman lumabas na ang doctor.

Hindi na nakagalaw pa si Heather, halos nanigas na siya sa kinalalagyan.

Simula nang mamatay ang tatay nya ay tanging ang kanyang ina na lamang ang kasa-kasama neto.

And now, matapos nang halos ilang taong pagkakanda-kuba ng ina nya para maitaguyod siya rito sa Maynila ay saka naman sila humarap sa napakabigat na pagsubok. Isang malaking pader nang pagsubok.

Bilang na ba talaga ang mga araw na makakasama niya ang kanyang ina?

Napailing na lamang si Heather sa naiisip.

To clear her head, napagpasyahan ni Heather na lumabas muna ng kwarto ng kanyang ina upang makalanghap ng sariwang hangin.

Ang mga yabag ng kanyang mga paa ay dinala siya sa parke sa labas ng ospital, naupo siya sa isa sa mga bench roon.

Isang malakas ngunit mahinanong hangin ang sumalubong sa mga balat ng dalaga. Heather’s eyes wandered aimlessly at everything around her.

May mga Nurses, Doctor, Pasyente o kaya naman ay mga bisita ang mga magsisi daanan sa harap nya.

Totoo sila. Gaya niya ngayon na nakaupo at humihinga, totoo sila, totoo ang lahat. Ngunit hindi naman sila ang solusyon sa problema niya.

Ipinikit na lamang ni Heather ang kanyang mga mata at dahan dahang huminga ng malalim.

She's so desperate to the point na napadasal na lamang siya. Lord, please guide me. Show me some signs that I can solve this problem. Kahit ano, Lord.

“Tingnan mo tong Ads na to, lumabas nanaman”

Napamulat tuloy nang mata si Heather at napalingon sa pinanggalingan ng boses na naririnig nya. Hindi ito kalayuan sa kanya, dalawang nurse na nagdadaldalan ang nakita nya.

Yung isang nurse ay pinapakita ang telepono nya sa isa pang nurse na kadaldalan nya.

Napatingin naman ang kausap neto sa telepono ng isa pang nurse at sinabing “Ilang beses na ata siyang naghahanap ng surrogate mother pero wala parin siyang nahahanap kahit isa?”

“Narinig ko lang na puro failed daw yung implants na isinagawa, Maybe it's not her luck. ” sagot naman nung isang nurse “...Pero alam ko pag may naging successful, grabe daw yung ibabayad, sobrang laki.”

Hearing the nurse’s words, Heather sharpened her ears.

“Totoo ka dyan! Sabi pag daw naging successful ang implant, yung surrogate mother babayaran nila nang halos ilang milyon. Kung babae lang ako baka ginawa ko na rin yan. Isipin mo, kasya na pangbili ng iphone tapos pang travel around the world yung ibabayad nila, It can even support me for a lifetime!” biro pa nang isang nurse habang dumadaan sila sa harap ni Heather.

Nanlaki ang mga mata ni Heather. Milyon? Surrogate mother? Suddenly, feeling ni heather ay ang pag uusap ng dalawang nurse ay ang clue na hinintay niya.

Narinig na niya dati ang terminong Surrogate mother, pero hindi nya sobrang alam ang proseso kung papaano ito.

“Nurse, excuse me. Pwede bang magtanong?”

Napahinto naman bigla sa paghahagikgikan ang dalawang nurse at awkward na tumingin kay Heather.

Feeling na nasa kanya na ang atensyon nang dalawa, hindi na nagdalawang isip pa si Heather.

“Pwede nyo bang sabihin sakin kung ano yung ads na pinag uusapan nyo?”

Napatingin naman sa isa’t isa ang dalawang nurse, matapos pakiramdaman ang isa't isa. Ang nurse na nakapusod ang mga buhok ang nagsalita.

“May mga mayayamang pamilya kasi ang naghahanap ng surrogate mother na babayaran nila nang sobrang laking halaga.”

“Pwede ko bang makuha ang info kung saan makikita yung ads?” tanong ni Heather habang nagniningning ang mga mata.

Dahil sa narinig na request ni Heather napatingin na lamang sa isa't isa ang mga nurse.

“Kalimutan mo na yon, miss. Malaki man ang ibabayad nila pero sobrang baba pa rin nang tyansa na maging successful ang implant. Sinasayang mo lang ang oras mo.”

Walang pake si Heather, nakatingin at nakangiti lamang siya sa dalawang nurse.

Bumuntong hininga muna ang isang Nurse saka ibinigay ang link ng Ads kay Heather.

“Salamat po!”

Napuno naman ng pag-asa ang buong pagkatao ni Heather. Dali-dali na syang tumungo sa kwarto ng kanyang ina.

Ang kaninang nandidilim na buhay ni Heather ay bigla nalang nagliwanag at sumilay ang pag-asa.

Nang makarating si Heather sa kwarto ng ina, nagfocus na ang dalaga sa pagbabasa sa Ads na nakuha nya.

Sabi sa ads ay may ibibigay daw sa kanya na napakalaking reward kapag naging successfully complete ang programa.

Napaisip naman si Heather, kailangan niyang dalhin ang isang sanggol nang halos siyam na buwan, just to hand it over to someone else? Nakahawak hininga na lamang si Heather.

Kahit naman hindi nya laman at dugo ang sanggol na dadalhin nya, pero kasi kakayanin nya bang bitawan ito matapos nang siyam na buwan?

Sa gitna nang mga nakakahabag na isipin, bigla nalang gumalaw ang mga kamay na hawak hawak niya.

“Mama! gising ka na.”

Gusto sanang gumalaw ni Hera ngunit agad siyang pinigilan ng nagiisang anak.

“Ma, wag ka munang gumalaw. Sabi ni Doc na kailangan mo munang magpahinga.”

Hinimas-himas na lamang ni Hera ang kanang pisngi ng kanyang anak habang malalambon na nakatitig rito.

“Heya, Uwi na tayo nak. Ayos naman na ang pakiramdam ni Mama.”

“Sa susunod na ma, pag pumayag na ang doctor,” pilit na ngumiti si Heather.

Ayaw niyang ipahalata ang lahat ng mga iniisip nya ngayon.

“Ok lang talaga ako anak, pagod lang talaga ako kahapon. Tingnan mo oh!” pagpapatuloy na pagpapakita ni Hera na ok at maayos ang kalagayan nya.

Halos namamasa-masa na ang mga mata ng dalaga, sumasakit ang puso nya tuwing nakikita ang ina na pilit ikinukubli ang mga sakit na nararamdaman kahit pa alam na alam ni Heather na hindi naman talaga maganda ang kalagayan ng kanyang ina.

“Ma, patawarin mo ako, okay?” niyakap na lamang ni Heather ang ina habang nahahabag ang kanyang puso.

She felt useless.

Kumalas naman sa pagkakayakap si Hera sa kanyang anak at pinunasan ang mga luha sa pisngi neto. Here shook her head, ayaw nyang makitang sinisisi ng anak nya ang lahat sa sarili.

“I'm so proud of you, Heya. All this time, inaalagaan mo ako ng mabuti at sobra sobra. And now, oras na para ang sarili mo naman ang alagaan mo, think about your future. Huwag ka nang mag-alala kay Mama, okay ba yon?”

Wala namang choice si Heather kundi pilit na lamang na ngumiti kahit na sobrang lungkot ng kanyang mga puso.

Napakalaking pera kasi ang kailangan ng kanyang ina upang gumaling at hindi nya kayang kumita ng ganitong kalaking pera kahit pa magkanda-kuba kuba na siya sa pagtatrabaho.

Napatingin tuloy siya sa numero na naka display sa advertisements sa telepono nya.

“Trust me ma, Gagaling ka pangako ko yan!”

Related chapters

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  2

    ”Congratulations Ms. Heather Ñuevas, Pumasa ka sa mga kwalipikasyon upang maging isang Surrogate Mother!” Doctor Mono Sanchez an endocrinologist and fertility doctor, Kinamayan pa neto si Heather at ipinakita ang galak sa kanyang mga mukha.“Salamat po, Doc.”Netong mga nakaraang araw,  Sumailalim sa kung ano-anong serye nang mga test si Heather upang maging isang Surrogate Mother. Kaya naman sobrang natuwa si Heather ng marinig ang resulta.Ang balita ay parang hamog na biglaang bumabagsak sa disyerto, nagbigay eto ng lakas at bagong pag-asa sa kanyang kalooban para sa paggaling ng kanyang ina.   "Walang anuman, Ms. Ñuevas. Masaya kami na sa Clinic ka namin nag apply. We have been looking for someone with your criteria for a long time," sagot ni Dr. Sanchez at bumuntong hininga na tila ba nabunutan na ng tinik."Pero, may mga bagay akong gustong ipaliwanag sayo regarding sa IVF program na ito at kailangan ko rin ng iyong pagpayag, Ms. Ñuevas, biglaang saad naman ni Dr. Sanchez g

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  3

    "Pwede ba tayong mag-usap Ms. Ñuevas? Tayong dalawa lang." Si Dr. Sanchez. Bigla etong sumulpot sa resto habang nagtatrabaho si Heather.Nagulat si Heather!  Anong kailangan nito? Akala niya tapos na ang usapan nila? Ilang araw kasi ang nakakaraan, nalaman nila na allergy pala si Heather sa isang sa mga sangkap ng ini-inject na fertility hormone.  Buti na lang at dumating agad si Dr. Sanchez para iligtas siya. Pero ang nakaka-gulat kasi ay hindi agad nila na-detect yung allergy niya! Ang sabi naman ni Dr. Sanchez, hindi naman daw talaga delikado yung sangkap na iyon.  Pero kinilala ng katawan ni Heather na delikado ito. Kaya pala hindi nila napansin agad. Ang masaklap lang ay andun yung pinaka sangkap sa lahat ng fertility hormones!  Importante pa naman yun para sa magiging quality ng itlog na gagamitin ng donor. Kung pipilitin naman nila, maapektuhan daw ang pagka-fertile ni Heather sa future. Kaya hindi na nila matutuloy pa ang usapan nila. Sobrang nalungkot si Heather

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  4

    Nakaupo si Heather sa isang kwarto, nakasuot siya ng isang simpleng puting bestida at ngayo'y parang tulala lang siya. Ilang araw na ang nakalipas nang sinabi ni Dr. Sanchez na pumayag na ang client niya na pakasalan siya dahil sa relihiyon niya.  At ngayon ay gaganapin na ang kasal na nirequest nya sa isang bahay sa Monday Village. Isang palapag lang ang bahay na iyon at nasa isang exclusive na village eto nakatirik.  Sa lugar na eto, hindi masyadong nag-uusap ang mga tao at may mga sariling mundo lang ang mga tao, hindi sila nagbabatian o nagkikibuan. Walang kapitbahay na nakakaalam ng nangyayari sa mga loob ng bahay at wala ring pakialam ang mga tao dahil normal na sa kanila ang pagiging pribado. Dumating si Dr. Sanchez para sabihin na darating na ang client niya.  Parang tumigil ang mundo ni Heather, curious siya kung sino ang nag-rent ng sinapupunan niya at ang bumili ng egg cells niya.  Sino ang mapapangasawa niya at magiging biological father ng anak niya? Sino

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  5

    Pagkatapos ng kasal ay namalagi na si Heather sa Monday Village kasama ang isang matandang babae na si Sara. Si Sara ang nakatoka na mag-aalaga sa kanya at inaasikaso ang lahat ng pangangailangan niya. Ilang araw na siyang nakatira doon pero ni minsan ay hindi pa siya nabisita ni Xeron. Si Dr. Sanchez lamang at ang team neto ang pumupunta sa kanya para i-check ang kalagayan niya. Pero iba ang araw na ito. Kaninang umaga kasi ay sinabi ni Dr. Sanchez na bibisita raw si Xeron mamayang gabi. Sabi kasi neto na nasa ovulation period na ang egg cell niya. Ibig sabihin lang ay handa na ang eggcells niya para ma-fertilize.  Doon daw ang pinakamataas ang chance na mabuntis siya.Kaya naman kinakabahan si Heather sa kwarto niya dahil ngayon lang sa buhay niya na may lalaking makakahawak sa kanya. Hindi pa siya nagka-boyfriend at lalong lalo na hindi pa siya nahahawakan ng kung sinong lalaki. Wala siyang oras para sa mga ganyan dahil ang oras niya ay nakatuon lamang sa pag-aaral at

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  6

    Lumingon si Xeron at napatingin kay Heather na tila ba nagtataka.  Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Heather na ngayon ay nakahawak sa braso niya. Nagulat siya dahil naglakas-loob si Heather na hawakan siya.  Kanina lang ay sobrang tensiyonado at kinakabahan ang dalaga.Hindi nga niya magawang tumingin ng diretso sa kanya. Akala ni Heather ay susuko na si Xeron at iiwan na siya kaya naman pinigilan niya si Xeron na umalis. Sobrang kinakabahan at natatakot si Heather pero nilabanan niya ang hiya, kaba, at takot niya.This is all for her mom, lahat ng ginagawa nya ay para sa kanya. Ang matinding kagustuhan niyang mailigtas ang mama niya ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.  Kailangan mangyari ang trabaho niya ngayong gabi. Heather starts the intimacy, she initiates the first move. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit kay Xeron. "Tapusin niyo na po ang trabaho niyo. Gawin niyo na po ang dapat niyong gawin sakin." sabi ni Heather na may nanginginig ang boses nguni

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  7

    Nakaupo si Rubecka ngayon sa isang private room sa isang club, kasama ang kaibigan niyang si Zurelle. May sigarilyo sa pagitan ng hintuturo at gitnang daliri niya na naglalabas ng manipis na usok. Tatlong baso na ng martini na ang naubos niya kaya naman ay parang mabigat na ang ulo niya.  Rinig na rinig ang malakas na tugtog mula sa labas ng private room kaya naman ay sumasayaw din si Rubecka  at Zurelle. Gusto niyang makalimutan ang araw na ito.Ngayon ang araw na nakikipagtalik si Xeron sa ibang babae.  Ang babaeng magbibigay sa kanya ng anak. "What a poor girl! Kung hindi lang dahil sa anak ay hinding hindi ko hahayaang makasama niya sa kama si Xeron!" Sabi ni Rubecka na ngayon ay lasing na, malakas niya ring ibinagsak ang basong hawak sa mesa. Kinaiinisan niya ang babaeng iyon. Una palang nang makita niya si Heather na nakasuot ng puting bestida noong nakaraang araw, naiinggit siya.  Naiinggit at natatakot dahil parang napaka perpekto ng babaeng iyon sa paningin

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  8

    Kinatok ni Sara ang pinto ng kwarto ni Heather kinaumagahan dahil hindi pa ito lumalabas kahit anong oras na. Hindi naman karaniwan ito sa dalaga lalo na't umalis na si Xeron kanina pang umaga. Bilang tagapag-alaga ni Heather sa bahay na iyon, aware si Sara sa mga nang nangyari sa kanila. May pinirmahang isang kontrata si Sara na nakasaad ang pagiging kompidensiyal nang tanggapin niya ang trabaho.  Kaya alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at kung ano ang hindi niya dapat pag-usapan. Alam din ni Sara na kagabi ang unang gabi ni Heather na makakasama ang amo niyang si Xeron kaya naman naisip niya na kailangan ni Heather ng mas mahabang oras para magpahinga. Pero kahit hanggang sa sumikat ang araw ay hindi pa rin lumalabas ng sa kwarto si Heather kaya naman ay nag-aalala na si Sara. "Ma'am Heather?"  Kumatok ulit si Sara sa pintuan ng kwarto ng dalaga pero walang sumasagot kaya naman ay napilitan siyang buksan ang pinto at pumasok mag isa, nag aalala kasi sya dahil tah

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  9

    "You didn't have a breakfast yet no? Tara na may niluto ako para sayo" sabi ni Xeron habang nakangiti at iniiwas ang usapan na maaaring magdulot ng pagkawala sa mood ng asawa niya. Hinawakan ni Xeron ang dalawang kamay ni Rubecka nang may lambing bago niya eto  iginaya papunta sa dining table.Pagkatapos ay inihain na niya ang Pancake Tacos na niluto niya para sa kanilang dalawa. "Tikman mo Rubecka , I hope you like it" sabi ni Xeron habang umuupo sa tabi ni Rubecka. Tinikman ito ni Rubecka, bihira lang magluto si Xerin para sa kanya pero kapag nagluluto siya ay masarap talaga. At isa pa, ang mas nakakapagpasaya at nakapagpa-proud kay Rubecka sa asawa niya ay para lang sa kanya ito nagluluto. Hindi kailanman nagluto si Xeron para sa ibang babae maliban sa kanya, maliban na lang kay Morticia siyempre. "Oh my god! so yummy, thank you, love" sabi ni Rubecka bago muling kumain ng pancake. She was so hungry lalo na at halos kakatapos kang mainit na pagtatalik nila ni Yves yes

    Last Updated : 2025-02-05

Latest chapter

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 70  

    Alas-singko na ng hapon pero hindi pa rin bumabalik si Xeron sa opisina niya. Hininto ni Robin ang kotse sa harap ng malaking bahay sa isang exclusive subdivision, at bumaba nanan si Xeron. Imbes na bumalik sa opisina ay nagdesisyon ni Xeron umuwi na lamang. Pumasok siya sa bahay at nakita si Rubecka na nakasandal sa sofa, may kakwentuhan sa telepono, maybe isa sa mgakaibigan niya.  Wala etong kamalay-malay na nakauwi na ang asawa niya. Napa-ubo si Xeron para manotice siya ng asawa.Ilang sandali na kasi siyang naghihintay pero hindi pa rin tumitigil si Rubecka sa pakikipag-usap sa telepono. “Xer?” Nagulat si Rubecka nang lumingon at makita si Xeron na nakasandal sa pagitan ng sala at dining room, nakasabit ang jacket sa braso. Hindi naman siya umuwi ng maaga ganito kaaga at hindi rin siya nagpaalam kay Rubecka. Lumapit si Xeron kay Rubecka at huminto sa harap niya.  Inilagay niya ang bag niya sa mesa at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya, tapos nag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 69  

    Kakalabas lang ni Mono sa delivery room matapos tumulong sa dalawang normal na panganganak. Gusto na niyang magpahinga, kumain, at siguro, mag-power nap kahit kalahating oras lang dahil ubos na ang lakas niya at pagod na siya.Sana naman, walang emergency call na darating. “Si Mr. Xeron po doc, naghihintay sa inyo sa labas” sabi ng isang senior nurse, itinuro ang exit door. Xeron? “Paki-clarify naman kung gaano na siya katagal na naghihintay sakin” pakiusap ni Mono. “Halos mga isang oras na po ata?”sagot ng nurse na medyo nag-aalangan at nagkibit-balikat. Hindi na nagtanong pa si Mono  at lumabas para hanapin si Xeron. May importante sigurong sasabihin sa kanya si Xeron kaya nagawa nitong maghintay ng halos isang oras at iwang ang trabaho neto nang halos isang oras sa loob ng isang araw. Pagkatapos mag-ikot sa delivery area, nakita niya sa wakas si Xeron na nakaupo sa isang bench sa park at naninigarilyo. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo at nakarolyo ang m

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 68  

    Kumuha si Heather ng isang sanga ng puting sampaguita sa garden ng bakuran. Kahit na ang araw ay maaliwalas ay hindi parin neto mabago ang nararamdaman ni Heather, ang bigat-bigat parin ang loob niya. Huminga siya ng malalim at napapikit habang kalmadong inaamoy ang sampaguita. Sana lang, ganito ka-saya at ka-relaxing ang buhay niya. Di pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Kahit anong pilit niyang kalimutan, lalo na ang mga masasakit na salita ni Rubecka ay hindi niya magawa, paulit-ulit lang sa utak nya ang mga ito. Malalim na ng iniisip niya kaya hindi niya narinig ang ingay mula sa bahay. “Where is that woman?” Si Xeron ay pulang-pula ang mukha at nagmamadaling pumasok sa bahay. “Si Miss Heather po?” Nauutal na tanong ni Sara, mukhang hinahanap nga neto si Heather. “Sino pa ba? where is she?!” Singhal ni Xeron sa ginang. Dumiretso siya sa kwarto ni Heather at padabog na binuksan ang pinto. Wala si Heather. Hinanap niya ito sa buong bahay, ngunit

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 67  

    "Magandang gabi po, Ma'am Rubecka. Gusto niyo daw po akong makausap?" bati ni Heather, nakangiti siya at nakataas ang ulo. Parang biglang nagkalakas nang loob si Heather, hindi na siya natatakot or nahihiya kay Rubecka. Dahil ba kay Xeron? Nagulat naman si Rubecka nang makita ang pagbabago ng ugali ni Heather, mas naging confident at matapang na siya ngayon. "Tsk" bulong ni Rubecka at saka umirap at tumayo mula sa pagkakaupo. Nginisian niya ng puno nang pang-iinsulto si Heather habang pinagmamasdan ang dalaga. "Heather, narinig kong pumunta ka kahapon sa Puerto Prinsesa" sabi ni Rubecka habang umiikot-ikot sa harap ni Heather, nakalagay ang mga kamay sa kanyang bewang. ‘Ah, kaya pala ako hinahanap ni Ma'am Rubecka? Kasi nakita ko si Xeron?’ Naisip ni Heather. Tumigil si Rubecka sa paglalakad at humarap kay Heather, hinihintay ang sagot ng dalaga. "Yes po, Ma'am Rubecka. Pumunta po ako sa Puerto Prinsesa kahapon, si Sir Xeron po ang nag-utos sa akin na pumunta." Matapa

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 66  

    Beep beep beep… Nagising si Heather sa tunog ng alarm. Pagkaalis kasi ni Xeron ay pansamantalang nanatili lang si Heather sa villa. Nakahiga lang siya sa kama at nanood ng TV.  Wala siyang gana lumabas. Hanggang sa nakatulog siya dahil sa boring na palabas sa TV.  Nagising nalang din siya dahil sa alarm niya. Walang gana siyang bumangon, pero kailangan niya.  Pumasok siya sa closet at nagbihis ng tahimik.  Wala naman siyang masyadong aayusin at dadalhin dahil karamihan ng mga damit at gamit niya ay nasa maleta pa rin niya. Habang isinasara niya ang maleta, nakita niya ang damit ni Xeron na suot niya kanina. Naka-display ito sa rack. Kinuha ni Heather ang damit at inamoy ito ng malalim. Pinikit pa niya ang mga mata at inamoy ang bango ni Xeron na nakadikit sa damit.  Hindi niya alam kung ang damit ba o ang villa ang may amoy ni Xeron. Kahit ano pa man iyon, ang panlalaking amoy na iyon ay nakadikit na sa isip niya. Naisipan niyang dalhin pauwi ang damit kaya

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 65  

    "Wait lang, Xeron anak. Parang okay na ang pakiramdam ko, parang hindi na kailangan ng operasyon 'di ba?  'Di ba, Rubecka?"  Agad na umalma si Angie nang marinig ang salitang ‘operasyon’.Agad siyang humingi ng tulong kay Rubecka para kumbinsihin si Xeron. "Yes… Yes, love. Parang gagaling na si Mommy if ipapahinga niya lang to."  Napilitang sumang-ayon si Rubecka para mapanatag ang ina. "Huwag kayong mag-alala, Mrs. Angie" singit ni Dr. Nazarette “As a doctor, I highly recommend you to undergo surgeries as earliest as posible. Kasi kung hindi, baka magka-heart attack ka si Mrs. Angie at hindi ko masasabi kung kakayanin niya pa ang susunod na atake." Nag-isip sandali si Xeron.  "Nangyari na ba 'to dati?" tanong niya. "Of course! But I must admit, there's only a 70% chance of success" sagot ni Dr. Nazarette.  Namutla si Angie. "Here's the thing, Sir Xeron, Mrs. Angie. It's better talaga to have a surgery kesa naghintay pa tayo lumala. That's why I recommend this1" paliwanag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 64  

    Nasa first-class section ng eroplano Xeron ngayon, may binigay naman si Ross sa amo na isang dokumento. “This is a another report nang mga imbestigador tungkol kay Mr. Fernando at Mr. Raziño.” “What did they see, this time?” tanong ni Xeron habang binubuksan ang dokumento. “According to the documents sir, matagal na pala magkasosyo si Mr. Fernando at Mr. Raziño, hindi lang kamakailan, kundi halos ilang taon na” paliwanag ni Ross.  Tinuro niya ang taon kung kailan natagpuan ng imbestigador nila ang mga bakas ng pakikipagtulungan ng dalawa sa underworld. Kumunot ang noo ni Xeron.  Labing-isang taon!! ang tagal naman pala!  Hindi niya akalain na ganto ang magagawa ng father in law nya.No wonder Fernando found it so hard to cut ties with the high-profile smuggler. “Find out what kind of collaborations they have done” sabi ni Xeron habang nakahawak sa baba niya. In the world of dark market, hindi imposibleng, isang ilegal na gawain lang ang ginagawa ng isang tao.  Kasi,

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 63  

    Nang magising si Xeron ay tanghali tapat na. Ngunit tulog na tulog pa si Heather sa tabi niya. Ang himbing ng tulog, para siyang anghel o di kaya'y sanggol. Marahang hinahaplos ni Xeron ang buhok ng dalaga, ayoko niyang gisingin at istorbohin ang tulog nito. Alas-nuebe na nang tanghali ng silipin bi Xeron ang relo sa side table.  Dahan-dahan naman siyang bumangon, pagkatapos ay maingat na naglakad papuntang banyo upang maligo.Pagkatapos maligo nang binata at mag-ayos nang sarili, binuksan na ni Xeron phone niyang pinatay nya kagabi para walang makaistorbo sakanila ni Heather. Ting! Ting! Ting! Sunod-sunod na tubig ng phone niya dahil sa dami nang notifications.  Aba, syempre naman!  Halos 12 oras ba naman nya itong pinatay. Ang mga tawag at text galing kina Rubecka, Ross, Alexis, at Trace ang  agad na bumungad sa binata. At syempre, Si Rubecka agad ang hinanap ni Xeron.  Sunod-sunod din kasi ang tawag niya kagabi at kanina pa.  Nagaalala siya dahil baka kung may ano

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 62  

    Huminga nang malalim si Heather matapos ay saka dahan dahang huminga nang palabas. Ang sarap ng tulog niya.  Parang ngayon lang siya nakatulog nang ganito ka-gagaan kahit dilat na ang mga mata niya ay nanatili parin siyang nakahilata at relax na relax. Tahimik na tahimik ang villa na kinaroroonan nya. Walang istorbo.  Sa totoo lang ay parang nananaginip pa rin siya dahil ang ganda ng pakiramdam niya ngayon to the point na parang na hindi totoo. Sobrang saya nya. Naalala niya ang nangyari kagabi… o dapat sabihin, ang nangyari buong magdamag. Namula ang pisngi ni Heather.  Hindi lang pala minsan nila ginawa ni Xeron ‘yun.  Hindi lang sa kama. Pati sa sofa at sa harap pa nga ng mga glass wall! Those glass walls witness their heated encounters, her with Xeron. Hindi niya maintindihan kung bakit sila ganoon ka-wild kagabi.  Siguro dahil sa ambiance ng lugar? O may iba pang dahilan? Napabalik siya sa realidad.  Mas lalong luminaw ang paningin niya habang nakat

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status