Share

Kabanata  5

Author: Misya Lively
last update Last Updated: 2025-02-05 21:35:53
Pagkatapos ng kasal ay namalagi na si Heather sa Monday Village kasama ang isang matandang babae na si Sara. Si Sara ang nakatoka na mag-aalaga sa kanya at inaasikaso ang lahat ng pangangailangan niya.

Ilang araw na siyang nakatira doon pero ni minsan ay hindi pa siya nabisita ni Xeron. Si Dr. Sanchez lamang at ang team neto ang pumupunta sa kanya para i-check ang kalagayan niya.

Pero iba ang araw na ito.

Kaninang umaga kasi ay sinabi ni Dr. Sanchez na bibisita raw si Xeron mamayang gabi.

Sabi kasi neto na nasa ovulation period na ang egg cell niya. Ibig sabihin lang ay handa na ang eggcells niya para ma-fertilize.

Doon daw ang pinakamataas ang chance na mabuntis siya.

Kaya naman kinakabahan si Heather sa kwarto niya dahil ngayon lang sa buhay niya na may lalaking makakahawak sa kanya.

Hindi pa siya nagka-boyfriend at lalong lalo na hindi pa siya nahahawakan ng kung sinong lalaki.

Wala siyang oras para sa mga ganyan dahil ang oras niya ay nakatuon lamang sa pag-aaral at bukod rito ay ginagamit niya rin sa pagtatrabaho.

Hindi naman mayaman ang pamilya ni Heather.

Simula kasi nang mamatay ang tatay niya ay naghirap na ang buhay nila ng mama niya. Siya ang tumutulong sa mama niya para kumita ng pang-araw-araw nila.

Lalo pang naghirap nang malaman niya na may sakit sa puso ang mama niya.

Nag-double job siya para magkaroon ng dagdag na pera  pambili sa gamot ng mama niya.

Nakakuha rin siya ng scholarship sa Brilliant Foundation, isang NGO na tumutulong sa mga estudyanteng nangangailangan.  Binibigyan nila ng scholarship ang mga magagaling na estudyante na galing sa mahirap na pamilya.

Pero ilang buwan na ang nakalipas ay nag drop out din siya sa pag-aaral para maalagaan ang mama niya.

Biglang nagising si Heather sa tunog ng kotse na huminto sa labas.

Kahit alam na niya kung sino ang dumating ay nacurious pa rin siya kaya naman ay lumapit siya sa bintana na hanggang kisame.

Sa pamamagitan ng manipis na puting kurtina, nakita niya ang isang itim na sports car na nakaparada sa labas.

Nagwala bigla ang puso ni Heather nang makita niyang bumaba si Xeron sa kotse at pumasok sa bahay.

Kinakabahan si Heather.

Umupo siya, tapos tumayo, Umupo ulit, tapos tumayo ulit.

Naririnig niya ang mga yabag ni Xeron mula sa labas ng kwarto niya.

Palapit eto nang palapit, hanggang sa tumigil sa may pinto. Nakatingin lang si Heather sa pinto, alam niyang nakatayo si Xeron sa likod ng pintong iyon.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Xeron sa kwarto ng dalaga.

"S-Sir Xeron, M-magandang gabi po."  Agad na tumayo si Heather, kinakabahan siya ngayon.

Kinusot-kusot niya ang puting nightgown na suot niya.

Hindi naman see-through ang satin na nightgown na suot nya, simple lang din ang design nito.  Hindi naman mababa ang neckline, ayaw niyang mag mukhang malandi sa nagbabayad sa kanya, bagay rin naman sa kanya ang nightgown dahil simple lang siya.

"Hmm." sagot ni Xeron at hindi siya lumingon. Inilagay niya ang bag niya sa isang upuan malapit sa bintana matapos ay hinubad ang jacket niya.

Kinakabahan si Heather, hindi niya alam ang gagawin. Nakatayo lang siya at hindi mapakali ang pag iisip.

Parang may sariling buhay rin ang mga paa niya at  nagpapalit-palit ng pagtapak sa sahig.

Sinulyapan ni Xeron si Heather habang hinuhubad ang butones ng manggas ng polo niya.

"Hindi mo pa ba alam kung paano ang ganitong bagay?"

Tumango si Heather, sumulyap siya saglit bago yumuko ulit.

"Alam mo naman na isa yan sa mga tungkulin mo, diba?"  Tanong ulit ni Xeron na para bang sinusuri niya si Heather.

"O-opo," mahina niyang sagot.

Alam niya ang tungkulin niya at wala namang nagpipilit sa kanyang gawin to. Desisyon niya na ibigay ang sarili niya kay Xeron kasi ito lang ang paraan para magkaanak sila.

Ngumiti si Xeron na parang natutuwa siya sa sagot ni Heather.

"Maliligo lang ako," sabi niya matapos ay pumasok sa banyo.

Ang paghihintay ang pinakamasakit para kay Heather.

Habang tumatagal ay mas lalo siyang kinakabahan.

Kumuha si Heather ang basong tubig para maibsan ang kaba niya at agad na ininom eto.

Bigla namang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Xeron, nakatapis lamang eto na hanggang sa bewang niya lamang.

Ahem... Ahem!

Naubo si Heather sa gulat nang makita si Xeron sa ganitong kalagayan.

Ngayon lang niya nakita ang six pack abs ng lalaki.

Nung una nilang pagkikita, hindi niya naman masyadong iniisip ang ganong bagay, lalo na at nakabihis naman siya non, hindi niya maisip kung ano ang itsura ng katawan niya.

Hindi niya inaasahan na ang gwapo pala ng katawan ni Xeron dahilan kaya nawala siya sa focus.

"P-pasensya po," sabi niya at agad niyang binawi ang mga gulat na tingin niya.

Ang gwapo ni Xeron, parang lalaki talaga.

Tumutulo ang mga patak ng tubig mula sa buhok niya hanggang sa dibdib ng binata na matigas at malapad.

Sa edad niyang dalawampu't walo sobrang mature na ni Xeron bilang isang lalaki.

Matangkad siya at tuwid ang tindig, may mga muscles siya pero hindi naman siya mukhang malaki.

Perfect ang katawan niya, Sobrang perfect.

Huminto si Xeron sa tabi ni Heather , kumuha ng basong tubig at uminom.

Mas lalo pang kinabahan si Heather dahil sa sobrang lapit nila kaya naman ay bumalik siya sa dati niyang pwesto.

Inubos ni Xeron ang tubig matapos ay umupo siya sa gilid ng kama.

Nakatingin siya kay Heather at tinapik-tapik niya ang bakanteng space sa tabi niya.

Lumapit si Heather kay Xeron at naupo, parang nag-aalinlang sya sa tinuro nitong lugar.

Humarap siya sa kabilang direksyon dahilan upang nakatalikod kay Xeron.

Ang mga kamay niya ay mahigpit pa ring nakahawak sa dulo ng kanyang nightgown.

Lumapit pa si Xeron at saglit niyang naamoy ang malambot at sariwang amoy na nagmumula sa katawan ni Heather.

Hindi masyadong matapang ang amoy at medyo mahina lang, Ngumit naroroon ito at magbibigay ng kakaibang kinikiliti sa pang-amoy ni Xeron.

Tumutugon ang mga nerves ni Xeron sa tuwing nasisinghot niya ang mababangong amoy na ito.

Kahit ang paghinga niya ay bumigat dahil dito.

Dahan-dahang inihiga ni Xeron si Heather sa kama at pumwesto siya na parang nakalutang sa katawan ng dalaga.

Nang simulan ni Xeron na ibaba ang mukha niya at singhutin ang leeg ni Heather ay napasinghap ang dalaga.

Ang pagdampi ng ilong ni Xeron at ang mainit na hininga na tumatama sa mga balat ng dalaga ay nagbigay sa kanya ng ibang kiliti.

Tumaas ang katawan ni Heather dahil sa pagitan ng takot at pagkabalisa ngunit mahirap aminin pero nag-eenjoy din siya.

Hindi pa kailanman nakaranas si Heather ng ganitong uri ng intimasyon.

Kinagat niya ang kanyang labi at pumikit, hindi siya naglakas-loob na isipin ang mukha ni Xeron.

Ayaw ni Heather na magkaroon ng anumang damdamin sa proseso ng 'pagbibinhi' ang ginagawa nila.

Ayaw niyang mag-enjoy dito.

Pilit na iniisip na ang kanilang mga aksyon ngayong gabi ay isang pagsasama lamang ng dalawang genetic seed na nagaganap sa kanyang katawan.

Hindi naglakas-loob si Heather na huminga nang malalim, sinusubukan pa niyang hindi gumawa ng anumang tunog kahit pa malaking apekto ang nararamdaman niya dahil sa ginagawa ng binata.

Habang nagpupumilit si Heather na hindi mag-enjoy ay biglang tumigil si Xeron sa paghalik sa kanya.

Mabilis na lumayo ang lalaki.

Nagulat si Heather sa pagbabago ng ugali ni Xeron at binuksan ang kanyang mga mata.

"No. I can't do this," bulong ni Xeron habang umiiling at nakaupo sa gilid ng kama habang nakatalikod kay Heather.

Umalis din si Heather at umupo sa tabi ni Xeron.

Naguguluhan siya, hindi alam ang gagawin.

May problema ba siya sa kanyang pagkalalaki? Pero sa pagkakaalam ni Heather ay ang problema nila ay nasa mga egg cells ng kanyang asawa, hindi sa kakayahan ng lalaki.

Or... maybe hindi nya kaya because he's thinking of his wife? Naalala ni Heather ang mga tsismis tungkol sa katapatan ni Xeron sa kanyang asawa na laganap sa buong Pilipinas.

"Mr. Xer--" malumanay niyang tawag.

Gusto ni Heather na magsabi o gumawa ng isang bagay pero naguguluhan siya at hindi sigurado.

Hindi pa kailanman nakaranas si Heather ng pakikipagtalik sa kahit sino at hindi niya alam ang gagawin.

However, hindi niya dapat sayangin ang pagkakataong ito.

She needs to fulfill her duty na bigyan ng tagapagmana si Xeron.

Hindi na makakapaghintay pa ang puso ng kanyang ina, naalala nya ang sinabi ng doktor sa puso ng ina nya na ilang buwan na lang ang natitira sa kanyang ina at isang taon lang ang pinakamatagal.

Ang alaala ng mukha ng kanyang ina ay nagpatatag sa determinasyon ni Heather.

"Kailangan natin tong gawin, Sir!" Hindi niya namalayan na nasabi niya ito.

Napatitig si Xeron kay Heather nang may pagkagulat.

Parang may kumislap na isang bagay sa mga mata ng lalaki.

Naghihintay nang may pagkabalisa si Heather at umaasa na magpapatuloy si Xeron.

Tumaas ang tingin ng lalaki sa kanya pero nang magsimula nang umasa si Heather ay biglang tumayo ang lalaki mula sa kanyang upuan.

"Mr. Xeron! Please don't go! Huwag kang umalis!" Hawak ni Heather ang kamay ni Xeron, pinipigilan ang lalaki na umalis.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
Iwan puro kwento Wala nmn kwenta' "
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  6

    Lumingon si Xeron at napatingin kay Heather na tila ba nagtataka.  Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Heather na ngayon ay nakahawak sa braso niya. Nagulat siya dahil naglakas-loob si Heather na hawakan siya.  Kanina lang ay sobrang tensiyonado at kinakabahan ang dalaga.Hindi nga niya magawang tumingin ng diretso sa kanya. Akala ni Heather ay susuko na si Xeron at iiwan na siya kaya naman pinigilan niya si Xeron na umalis. Sobrang kinakabahan at natatakot si Heather pero nilabanan niya ang hiya, kaba, at takot niya.This is all for her mom, lahat ng ginagawa nya ay para sa kanya. Ang matinding kagustuhan niyang mailigtas ang mama niya ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.  Kailangan mangyari ang trabaho niya ngayong gabi. Heather starts the intimacy, she initiates the first move. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit kay Xeron. "Tapusin niyo na po ang trabaho niyo. Gawin niyo na po ang dapat niyong gawin sakin." sabi ni Heather na may nanginginig ang boses nguni

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  7

    Nakaupo si Rubecka ngayon sa isang private room sa isang club, kasama ang kaibigan niyang si Zurelle. May sigarilyo sa pagitan ng hintuturo at gitnang daliri niya na naglalabas ng manipis na usok. Tatlong baso na ng martini na ang naubos niya kaya naman ay parang mabigat na ang ulo niya.  Rinig na rinig ang malakas na tugtog mula sa labas ng private room kaya naman ay sumasayaw din si Rubecka  at Zurelle. Gusto niyang makalimutan ang araw na ito.Ngayon ang araw na nakikipagtalik si Xeron sa ibang babae.  Ang babaeng magbibigay sa kanya ng anak. "What a poor girl! Kung hindi lang dahil sa anak ay hinding hindi ko hahayaang makasama niya sa kama si Xeron!" Sabi ni Rubecka na ngayon ay lasing na, malakas niya ring ibinagsak ang basong hawak sa mesa. Kinaiinisan niya ang babaeng iyon. Una palang nang makita niya si Heather na nakasuot ng puting bestida noong nakaraang araw, naiinggit siya.  Naiinggit at natatakot dahil parang napaka perpekto ng babaeng iyon sa paningin

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  8

    Kinatok ni Sara ang pinto ng kwarto ni Heather kinaumagahan dahil hindi pa ito lumalabas kahit anong oras na. Hindi naman karaniwan ito sa dalaga lalo na't umalis na si Xeron kanina pang umaga. Bilang tagapag-alaga ni Heather sa bahay na iyon, aware si Sara sa mga nang nangyari sa kanila. May pinirmahang isang kontrata si Sara na nakasaad ang pagiging kompidensiyal nang tanggapin niya ang trabaho.  Kaya alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at kung ano ang hindi niya dapat pag-usapan. Alam din ni Sara na kagabi ang unang gabi ni Heather na makakasama ang amo niyang si Xeron kaya naman naisip niya na kailangan ni Heather ng mas mahabang oras para magpahinga. Pero kahit hanggang sa sumikat ang araw ay hindi pa rin lumalabas ng sa kwarto si Heather kaya naman ay nag-aalala na si Sara. "Ma'am Heather?"  Kumatok ulit si Sara sa pintuan ng kwarto ng dalaga pero walang sumasagot kaya naman ay napilitan siyang buksan ang pinto at pumasok mag isa, nag aalala kasi sya dahil tah

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  9

    "You didn't have a breakfast yet no? Tara na may niluto ako para sayo" sabi ni Xeron habang nakangiti at iniiwas ang usapan na maaaring magdulot ng pagkawala sa mood ng asawa niya. Hinawakan ni Xeron ang dalawang kamay ni Rubecka nang may lambing bago niya eto  iginaya papunta sa dining table.Pagkatapos ay inihain na niya ang Pancake Tacos na niluto niya para sa kanilang dalawa. "Tikman mo Rubecka , I hope you like it" sabi ni Xeron habang umuupo sa tabi ni Rubecka. Tinikman ito ni Rubecka, bihira lang magluto si Xerin para sa kanya pero kapag nagluluto siya ay masarap talaga. At isa pa, ang mas nakakapagpasaya at nakapagpa-proud kay Rubecka sa asawa niya ay para lang sa kanya ito nagluluto. Hindi kailanman nagluto si Xeron para sa ibang babae maliban sa kanya, maliban na lang kay Morticia siyempre. "Oh my god! so yummy, thank you, love" sabi ni Rubecka bago muling kumain ng pancake. She was so hungry lalo na at halos kakatapos kang mainit na pagtatalik nila ni Yves yes

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata  10

    "Ma'am Heather, kainin niyo po etong mga prutas"  inilagay ni Sara ang isang plato ng sariwang prutas na nakabalat na at nakahanda na sa mesa sa likod-bahay nila Heather. Naka-upo si Heather sa tabi ng fish pond na may mga koi sa likod-bahay dito sa Monday Village, halos ilang araw din siyang may sakit.  Nilagay niya ang kamay niya sa pond at hinahaplos ang likod ng mga magagandang isda. Ang paglalaro sa mga isda ang nagpapangiti sa kanya at nakakawala ng boredom na nararamdaman niya dito sa bahay. Tatlong araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto dahil pinagpahinga siya ni Dr. Sanchez hanggang sa tuluyan na siyang gumaling. Pagkatapos ng 'pagbibinhi' noong nakaraang gabi ay parin masakit ang pribadong bahagi niya dahil nasugatan eto.  Nahihirapan pa nga siyang makalakad kaya naman nagpahinga na lang siya sa kama. Ngayong umaga lang siya naglakas-loob na lumabas ng kwarto.  Mas maayos na ang pakiramdam niya kahit na paminsan-minsan ay medyo masakit pa rin. Sinadya niya

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 11

    Tahimik na nakatayo si Heather, nakatingin kay Xeron, iniisip kung siya ba talaga ang kinakausap nito.Tumingin siya sa kanan at kaliwa, naghahanap kung may ibang tao bang pwedeng kausapin ng malamig na lalaking ito.Biglang bumukas ang pintuan sa unahan ng passenger seat at isang lalaking madalas niyang makita kasama ni Xeron ang lumapit sa kanya.Hindi kilala ni Heather ang lalaki, pero naalala niyang naroon ito sa kanilang kasal, at nakita rin niya ang lalaki sa ospital kasama si Xeron.Pinaghihinalaan niyang isa itong pinagkakatiwalaan ni Xeron—baka assistant, sekretarya, o posibleng bodyguard.“Mrs. Heather, please, sumakay na po kayo, hinihintay kayo ni Sir,” magalang na sabi ni Ross habang binubuksan ang pinto para kay Heather. Naramdaman niyang lalo siyang nailang sa tawag na ‘Mrs.’ nito. “Ah... okay lang, nagpa-book na po ako ng taxi, hindi na—”“Get in!” mariing putol ni Xeron sa sinasabi ni Heather.Sa narinig na malakas at matigas na boses, agad sumakay si Heather

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 12

    Pagkatapos ng trabaho, pumunta si Xeron sa isang café upang makipagkita sa kanyang mga kaibigan.Habang nasa daan, tumawag si Mono."Pasensya na, Xer. Mukhang hindi ako makakapunta. Isa sa mga pasyente ko ang biglang manganganak na pala kaya kailangan kong magbantay sa ospital," paliwanag ni Mono nang sagutin ni Xeron ang tawag."Are you sure?""Oo, nasa seven centimeters na ang pasyente, masyado nang delikado kung aalis pa ako," tugon ni Mono."Sige, magkita na lang tayo sa susunod," sagot ni Xeron bago tinapos ang usapan.Sa café, pumasok si Xeron sa pribadong silid na palaging ginagamit nilang magkakaibigan. Naabutan niyang nandoon na sina Alexis at Trace."Bro! Sa wakas, andito ka na," bati ni Trace sabay fist bump kay Xeron. Sumunod namang bumati si Alexis."Asan si Mono?" tanong ni Alexis, napatingin sa likod ni Xeron. Madalas kasi silang sabay dumating ni Mono."Hindi siya makakapunta. Bigla raw may pasyenteng manganganak," sagot ni Xeron habang isinasabit ang jacket sa

    Last Updated : 2025-02-05
  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 13

    Katatapos lang kunin ang dugo ni Heather gamit ang syringe. Malalim siyang huminga, halatang kinakabahan habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test na ginawa ni Doktor Mono sa bahay ngayong umaga.Dalawang linggo na niyang hinihintay ang pagkakataong ito. Buntis na kaya siya?Kung sakali, malaking ginhawa ang mararamdaman ni Heather.“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Mono habang inilalagay ang dugo sa lalagyan at tahimik na inoobserbahan ang ekspresyon ni Heather.“Paano kung hindi ako buntis? Wala naman akong nararamdamang pagsusuka, Dok,” sagot ni Heather, iniinda ang kanyang kaba.Alam ni Heather na karamihan sa mga buntis ay nakakaranas ng pagsusuka, pagkahilo, at madalas na pagkaantok. Pero sa kanya, wala siyang nararamdaman kahit isa.“Huwag kang mag-alala. Hindi lahat ng buntis pare-pareho ang nararamdaman. May nasusuka, may hindi. Hintayin natin ang resulta. Sana magdala ito ng good news,” paliwanag ni Mono, sinubukang pagaanin ang loob ng dalaga.Tumingin si Mono sa

    Last Updated : 2025-02-05

Latest chapter

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 70  

    Alas-singko na ng hapon pero hindi pa rin bumabalik si Xeron sa opisina niya. Hininto ni Robin ang kotse sa harap ng malaking bahay sa isang exclusive subdivision, at bumaba nanan si Xeron. Imbes na bumalik sa opisina ay nagdesisyon ni Xeron umuwi na lamang. Pumasok siya sa bahay at nakita si Rubecka na nakasandal sa sofa, may kakwentuhan sa telepono, maybe isa sa mgakaibigan niya.  Wala etong kamalay-malay na nakauwi na ang asawa niya. Napa-ubo si Xeron para manotice siya ng asawa.Ilang sandali na kasi siyang naghihintay pero hindi pa rin tumitigil si Rubecka sa pakikipag-usap sa telepono. “Xer?” Nagulat si Rubecka nang lumingon at makita si Xeron na nakasandal sa pagitan ng sala at dining room, nakasabit ang jacket sa braso. Hindi naman siya umuwi ng maaga ganito kaaga at hindi rin siya nagpaalam kay Rubecka. Lumapit si Xeron kay Rubecka at huminto sa harap niya.  Inilagay niya ang bag niya sa mesa at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya, tapos nag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 69  

    Kakalabas lang ni Mono sa delivery room matapos tumulong sa dalawang normal na panganganak. Gusto na niyang magpahinga, kumain, at siguro, mag-power nap kahit kalahating oras lang dahil ubos na ang lakas niya at pagod na siya.Sana naman, walang emergency call na darating. “Si Mr. Xeron po doc, naghihintay sa inyo sa labas” sabi ng isang senior nurse, itinuro ang exit door. Xeron? “Paki-clarify naman kung gaano na siya katagal na naghihintay sakin” pakiusap ni Mono. “Halos mga isang oras na po ata?”sagot ng nurse na medyo nag-aalangan at nagkibit-balikat. Hindi na nagtanong pa si Mono  at lumabas para hanapin si Xeron. May importante sigurong sasabihin sa kanya si Xeron kaya nagawa nitong maghintay ng halos isang oras at iwang ang trabaho neto nang halos isang oras sa loob ng isang araw. Pagkatapos mag-ikot sa delivery area, nakita niya sa wakas si Xeron na nakaupo sa isang bench sa park at naninigarilyo. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo at nakarolyo ang m

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 68  

    Kumuha si Heather ng isang sanga ng puting sampaguita sa garden ng bakuran. Kahit na ang araw ay maaliwalas ay hindi parin neto mabago ang nararamdaman ni Heather, ang bigat-bigat parin ang loob niya. Huminga siya ng malalim at napapikit habang kalmadong inaamoy ang sampaguita. Sana lang, ganito ka-saya at ka-relaxing ang buhay niya. Di pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Kahit anong pilit niyang kalimutan, lalo na ang mga masasakit na salita ni Rubecka ay hindi niya magawa, paulit-ulit lang sa utak nya ang mga ito. Malalim na ng iniisip niya kaya hindi niya narinig ang ingay mula sa bahay. “Where is that woman?” Si Xeron ay pulang-pula ang mukha at nagmamadaling pumasok sa bahay. “Si Miss Heather po?” Nauutal na tanong ni Sara, mukhang hinahanap nga neto si Heather. “Sino pa ba? where is she?!” Singhal ni Xeron sa ginang. Dumiretso siya sa kwarto ni Heather at padabog na binuksan ang pinto. Wala si Heather. Hinanap niya ito sa buong bahay, ngunit

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 67  

    "Magandang gabi po, Ma'am Rubecka. Gusto niyo daw po akong makausap?" bati ni Heather, nakangiti siya at nakataas ang ulo. Parang biglang nagkalakas nang loob si Heather, hindi na siya natatakot or nahihiya kay Rubecka. Dahil ba kay Xeron? Nagulat naman si Rubecka nang makita ang pagbabago ng ugali ni Heather, mas naging confident at matapang na siya ngayon. "Tsk" bulong ni Rubecka at saka umirap at tumayo mula sa pagkakaupo. Nginisian niya ng puno nang pang-iinsulto si Heather habang pinagmamasdan ang dalaga. "Heather, narinig kong pumunta ka kahapon sa Puerto Prinsesa" sabi ni Rubecka habang umiikot-ikot sa harap ni Heather, nakalagay ang mga kamay sa kanyang bewang. ‘Ah, kaya pala ako hinahanap ni Ma'am Rubecka? Kasi nakita ko si Xeron?’ Naisip ni Heather. Tumigil si Rubecka sa paglalakad at humarap kay Heather, hinihintay ang sagot ng dalaga. "Yes po, Ma'am Rubecka. Pumunta po ako sa Puerto Prinsesa kahapon, si Sir Xeron po ang nag-utos sa akin na pumunta." Matapa

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 66  

    Beep beep beep… Nagising si Heather sa tunog ng alarm. Pagkaalis kasi ni Xeron ay pansamantalang nanatili lang si Heather sa villa. Nakahiga lang siya sa kama at nanood ng TV.  Wala siyang gana lumabas. Hanggang sa nakatulog siya dahil sa boring na palabas sa TV.  Nagising nalang din siya dahil sa alarm niya. Walang gana siyang bumangon, pero kailangan niya.  Pumasok siya sa closet at nagbihis ng tahimik.  Wala naman siyang masyadong aayusin at dadalhin dahil karamihan ng mga damit at gamit niya ay nasa maleta pa rin niya. Habang isinasara niya ang maleta, nakita niya ang damit ni Xeron na suot niya kanina. Naka-display ito sa rack. Kinuha ni Heather ang damit at inamoy ito ng malalim. Pinikit pa niya ang mga mata at inamoy ang bango ni Xeron na nakadikit sa damit.  Hindi niya alam kung ang damit ba o ang villa ang may amoy ni Xeron. Kahit ano pa man iyon, ang panlalaking amoy na iyon ay nakadikit na sa isip niya. Naisipan niyang dalhin pauwi ang damit kaya

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 65  

    "Wait lang, Xeron anak. Parang okay na ang pakiramdam ko, parang hindi na kailangan ng operasyon 'di ba?  'Di ba, Rubecka?"  Agad na umalma si Angie nang marinig ang salitang ‘operasyon’.Agad siyang humingi ng tulong kay Rubecka para kumbinsihin si Xeron. "Yes… Yes, love. Parang gagaling na si Mommy if ipapahinga niya lang to."  Napilitang sumang-ayon si Rubecka para mapanatag ang ina. "Huwag kayong mag-alala, Mrs. Angie" singit ni Dr. Nazarette “As a doctor, I highly recommend you to undergo surgeries as earliest as posible. Kasi kung hindi, baka magka-heart attack ka si Mrs. Angie at hindi ko masasabi kung kakayanin niya pa ang susunod na atake." Nag-isip sandali si Xeron.  "Nangyari na ba 'to dati?" tanong niya. "Of course! But I must admit, there's only a 70% chance of success" sagot ni Dr. Nazarette.  Namutla si Angie. "Here's the thing, Sir Xeron, Mrs. Angie. It's better talaga to have a surgery kesa naghintay pa tayo lumala. That's why I recommend this1" paliwanag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 64  

    Nasa first-class section ng eroplano Xeron ngayon, may binigay naman si Ross sa amo na isang dokumento. “This is a another report nang mga imbestigador tungkol kay Mr. Fernando at Mr. Raziño.” “What did they see, this time?” tanong ni Xeron habang binubuksan ang dokumento. “According to the documents sir, matagal na pala magkasosyo si Mr. Fernando at Mr. Raziño, hindi lang kamakailan, kundi halos ilang taon na” paliwanag ni Ross.  Tinuro niya ang taon kung kailan natagpuan ng imbestigador nila ang mga bakas ng pakikipagtulungan ng dalawa sa underworld. Kumunot ang noo ni Xeron.  Labing-isang taon!! ang tagal naman pala!  Hindi niya akalain na ganto ang magagawa ng father in law nya.No wonder Fernando found it so hard to cut ties with the high-profile smuggler. “Find out what kind of collaborations they have done” sabi ni Xeron habang nakahawak sa baba niya. In the world of dark market, hindi imposibleng, isang ilegal na gawain lang ang ginagawa ng isang tao.  Kasi,

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 63  

    Nang magising si Xeron ay tanghali tapat na. Ngunit tulog na tulog pa si Heather sa tabi niya. Ang himbing ng tulog, para siyang anghel o di kaya'y sanggol. Marahang hinahaplos ni Xeron ang buhok ng dalaga, ayoko niyang gisingin at istorbohin ang tulog nito. Alas-nuebe na nang tanghali ng silipin bi Xeron ang relo sa side table.  Dahan-dahan naman siyang bumangon, pagkatapos ay maingat na naglakad papuntang banyo upang maligo.Pagkatapos maligo nang binata at mag-ayos nang sarili, binuksan na ni Xeron phone niyang pinatay nya kagabi para walang makaistorbo sakanila ni Heather. Ting! Ting! Ting! Sunod-sunod na tubig ng phone niya dahil sa dami nang notifications.  Aba, syempre naman!  Halos 12 oras ba naman nya itong pinatay. Ang mga tawag at text galing kina Rubecka, Ross, Alexis, at Trace ang  agad na bumungad sa binata. At syempre, Si Rubecka agad ang hinanap ni Xeron.  Sunod-sunod din kasi ang tawag niya kagabi at kanina pa.  Nagaalala siya dahil baka kung may ano

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 62  

    Huminga nang malalim si Heather matapos ay saka dahan dahang huminga nang palabas. Ang sarap ng tulog niya.  Parang ngayon lang siya nakatulog nang ganito ka-gagaan kahit dilat na ang mga mata niya ay nanatili parin siyang nakahilata at relax na relax. Tahimik na tahimik ang villa na kinaroroonan nya. Walang istorbo.  Sa totoo lang ay parang nananaginip pa rin siya dahil ang ganda ng pakiramdam niya ngayon to the point na parang na hindi totoo. Sobrang saya nya. Naalala niya ang nangyari kagabi… o dapat sabihin, ang nangyari buong magdamag. Namula ang pisngi ni Heather.  Hindi lang pala minsan nila ginawa ni Xeron ‘yun.  Hindi lang sa kama. Pati sa sofa at sa harap pa nga ng mga glass wall! Those glass walls witness their heated encounters, her with Xeron. Hindi niya maintindihan kung bakit sila ganoon ka-wild kagabi.  Siguro dahil sa ambiance ng lugar? O may iba pang dahilan? Napabalik siya sa realidad.  Mas lalong luminaw ang paningin niya habang nakat

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status