Scarlet’s POV
“Okay ka lang ba, honey? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalalang tanong ni Gio sa akin.
Napakunot ang aking noo dahil narito siya, wala akong sinasabi sa kaniya na pupunta ako sa presinto. Napalingon ako kay Mr. John na nakayuko.
“Mr. John, sinabi mo sa kaniya?” tanong ko kay Mr. John.
“Pasensiya na Ms. Scarlet, lahat kasi ng nangyayari ay sinasabi ko sa boss ko,” saad niya sa akin. Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.
“Anong nangyayari rito?” tanong ni Gio sa amin.
“Gio! Thank God you are here! Iyan kasing si Scarlet, sasampahan daw ako ng kaso,” saad ni Leila na nagpakunot ng noo sa akin.
“Honey, siya ang unang nagsampa ng kaso sa akin na wala namang katuturan,” saad ko sa kaniya.
“Totoo namang ninakaw mo ang perang pinaggastos mo sa restaurant. That was mine! Pera ko iyon!” sigaw niya sa akin.
“Aba’t
Ilang araw ang lumipas noong pumunta kami sa presinto. Hanggang ngayon ay hindi na nagpakita sa amin si Leila kahit hearing ay hindi man lang ito sumisipot. Kaya nangangamba ako baka nag-pla-plano na iyon kung paano siya makakahigante sa amin.Kanina rin ay dumating na sila Nanay at mga kapatid ko rito sa apartment ko. Tuwang-tuwa ako nang makita sila. Salamat naman at ligtas sila sa byahe, hanggang ngayon ay labis ang aking tuwa dahil kasama ko na sila. Hindi pa alam ni Gio na narito sila kaya kailangan ko pa siyang tawagan.Natutulog sila ngayon sa aking kwarto dahil sa pagod at puyat sa byahe. Kinuha ko ang aking telepono para tawagan ang aking fiancé na si Gio. Nasa sofa lamang ako at nanunuod ng T.V., hininaan ko muna ang iyon dahil nag-ri-ring na ang kaniyang telepono. Ilang ring lamang ay sinagot niya na ang kaniyang telepono.“Hello, honey? Is there something wrong?” tanong niya sa akin na may bahid na pag-alala.“Wala nam
Kasalukuyan kaming nasa restaurant na paborito namin ni Gio. Napatingin ako sa aking kasama na masayang kumakain sa mesa."Patpat, dahan-dahan lang ang pagsubo ah, baka mabilaukan ka," paalala ko kay Patpat dahil sunod-sunod ang subo nito dahil paborito niya ang ulam, fried chicken."Opo ate! Ang sarap po ng ulam!" masayang saad niya sa akin. Isa ito sa pangarap ko ang makapunta sila rito sa Maynila kung saan ako nagtattrabaho. Kung narito lamang sil Tatay ay mas sasaya pa ngayong araw."Grabe! Sobrang ganda pala ng Maynila ate," saad naman ng isa ko pang kapatid, iyong sumunod sa akin."Oo, kaya dapat masanay ka na rito dahil dito ka papasok, hindi ba 'nay?" tanong ko kay nanay na nakangiti lamang sa akin at marahang tumango."Mukhang kami na lang ni Patpat ang matitira sa bahay," malungkot na saad ni nanay."Mas maigi pong dito na lang po kayo manirahan, nanay para sama-sama na ho tayo," saad ko sa kaniya."Wala na
“’Nay handa na po ba kayo?” sigaw na tanong ko sa aking ina.“Wait lang anak, binibihisan ko pa si Patpat!” sigaw rin na sagot ng aking ina. Kasalukuyan kaming naghahanda ng aming mga gamit dahil pupunta kaming Enchanted Kingdom. Sobrang excited akong makapunta roon kasama ang aking pamilya. Abot langit ang aking kasiyahan dahil sa hindi lang sina nanay ang kasama, pati si Lily, Tom at Aira kasama rin.Mayamaya lamang ay lumabas na si Patpat sa likod nito sila nanay. Napaka-cute ng aking kapatid, manang-mana sa akin. Nakangiti siyang lumapit sa akin at gustong magpakarga.“Naku, Patpat, hindi ka na baby para kargahin ng ate mo,” saad ni nanay sa aking kapatid ngunit napatawa na lamang ako dahil nakasimangot na agad si Patpat.“Hayaan mo nanay, minsan lang naman pagbigyan niyo na ang bunso natin,” saad ko sa kaniya. Wala namang nagawa ito kung ‘di ay tumango.“Ate, sasama mo Kuya pogi
Mabilis kaming nakarating sa Enchanted Kingdom. Lahat ay excited na pumasok doon, maraming tao ang nagsisiksikan para lamang makapasok agad sa gate. May iba namang kumukuha ng larawan, like selfie and groupie.“WOW! ANG GANDA!” namamanghang saad ni Patpat habang karga-karga siya ni Gio. Namimihasa na itong kapatid ko, palaging nagpapakarga sa Kuya Gio niya, napaghahalataang paborito niya ito kaysa sa akin. Kunti na lang ay magtatampo na ako.Mabilis kaming nakapasok dahil sa VIP tickets na binili naming sa loob. Libre lahat ni Gio at siya na ang nagbayad ng tickets namin. Hindi sana ako papaya ngunit pinigilan ako ni Aira at Lily, mayaman din naman kasi ang lalaki kaya hayaan na lamang. Napailing na lamang ako dahil sa kakapalan ng mukha ng dalawa kong kaibigan.“Saan mo gustong sumakay, Patpat?” tanong ni Aira sa bata. Agad naman nilibot ni Patpat ang kaniyang tingin, mayamaya ay may tinuro siya.“DOON PO! DOON PO! SA MAY UN
“ANAK, SI PATPAT NAWAWALA!” nag-aalalang sigaw ng aking ina sa akin. Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa kanila. Umiiyak na ang aking kapatid pati si nanay ay naluluha na rin.“ANO PO? PAANO PO NAWALA?” tanong ko sa kaniya ata agad na nilapitan siya.“H-Hindi ko alam, nalingat lang kami kasi bibili sana kami ng pagkain tapos paglingon ko sa aking tabi ay nawala na siya.” Naiiyak na hinawakan ni nanay ang aking mga kamay.“Anak, tumawag na tayo ng mga pulis o kaya naman ay security guard, kinakabahan ako baka kinidnap ang kapatid mo,” nag-hy-hysterical na wika ni nanay sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang likod at pilit na pinapakalma siya, ako rin ay nag-aalala ngunit hindi ako puwede mag-panic.“Opo ‘nay magpapatulong po tayo, huwag kayong mag-alala, naligaw lang po ata si Patpat. Mahahanap din natin siya,” saad ko sa kaniya.“Pupuntahan namin ang security guard p
Maggagabi na lamang at lumalagas na ang mga tao sa Enchanted Kingdom ngunit hindi pa rin namin makita si Patpat. Hindi ko na alam kung saan nga ba siya hahanapin, wala kaming inaksayang panahon at pagkakataon, si Tom at Lily ay nasa labas ng gate roon nakatambay baka sakaling makita naming si Patpat na lumabas. Sina nanay naman ay pinagpahinga ko muna sa isang bench dahil kanina pa ito naglilibot. Kami naman ni Gio ang panay hanap sa loob hanggang sa nakita ko ang isang sapatos sa sahig, sobrang familiar nito. Mabilis akong naglakad para kunin iyon, tinitigan ko ang sapatos, kaagad napagtantong kay Patpat nagmamay-ari ito.Kaagad kong niyakap ang sapatos at umiyak ng umiyak. Sobrang sakit para sa akin ang mga nangyayari tila ba nawalan ako bigla ng pag-asa.“Anong nakita mo?” tanong ni Gio sa akin. Humarap ako sa kaniya at pinakita ang sapatos ni Patpat.“S-sapatos ito ni Patpat, Binili ko pa ito noong first sahod ko sa kompaniya mo. Paborito n
Scarlet POV“Ano ang desisyon mo, Scarlet? Tumatakbo ang oras, ang kapatid mo o si Gio?” tanong sa akin ni Leila. Napapikit ako ng mariin at tiningnan ang mga tao sa aking harapan. Naroon sina, Lily, Gio, Tom, Aira at ang aking ina kasama ang aking kapatid.“Okay lang, Scarlet. Piliin mo si Scarlet, at gagawa ako ng paraan para makatakas sa kaniya,” bulong ni Gio sa akin. Agad akong bumuntong hininga at napapikit ng mariin.“A-ang a-aking kapatid, siya ang pipiliin ko,” saad ko sa kaniya. Rinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.“Tama ang desisyon mo, Scarlet. Huwag kang mag-alala bukas na bukas din ay ibibigay ko-”Pinutol ko agad ang kaniyang sasabihin.“Bakit bukas pa? Puwede namang ngayon na?” matigas kong saad sa kaniya.“Ganoon ka na ba kaatat ibigay sa akin si Gio? Nakaka-touch naman, Scarlet. Sige, mamayang alas nuebe ng gabi sa may parke malapit s
Scarlet POVKasalukuyan kaming nasa park at hinihintay si Leila. Hindi ako mapakali dahil ang tagal niyang dumating. Kanina pa kaming alas nuebe rito ngunit wala pa rin siya, mag-aalas dyes na.“Pupunta pa ba ang mga kumuha kay Patpat, anak?” naiiyak na tanong ni nanay sa akin.“Opo, alam kong pupunta iyon, tiwala lang po, nanay,” saad ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Ang totoo, kanina pa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon hindi pa nag-re-reply si Leila. Iniisip kong baka nagbago ang kaniyang isip o kung ano man. Tadtad na siya ng text ko, imposibleng hindi niya mabasa iyon. Napatingin ako sa kamay naming ni Gio na magkahawak. Mayamaya lamang ay maghihiwalay na kaming dalawa at hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawalay sa kaniya. Subalit tatatagan ko ang aking loob para sa kapakanan ng aking kapatid na si Patpat. Alam kong hindi papayagan ng Diyos na maghihiwalay kaming dalawa, may tiwala akong gagawa siya ng paraan par