BOOM!Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa eroplano.Walang pag-aalinlangan, agad hinawakan ni Dylan ang kamay ni Casey at hinila siya papalabas.Halos hindi siya makapag-react—nanginig ang kanyang pilikmata, ngunit hinayaan niyang dalhin siya nito.Mabilis nilang narating ang cockpit, kung saan makikita ang kapitan na halatang naguguluhan. Mahigpit nitong hinahawakan ang mga kontrol, habang pawis na pawis sa matinding tensyon.Sa labas ng cockpit, lumakas ang ingay ng mga pasaherong nagsisigawan.Biglang nag-crackle ang mikropono.“Ina-atake tayo! May mga eroplanong bumabaril sa atin!”Dumagundong ang takot sa buong eroplano.Mga sigaw, pag-iyak, at pagmamakaawa ang pumuno sa cabin. May ilan pang tumayo mula sa kanilang mga upuan, hindi na alam kung ano ang gagawin. Ang mga flight attendants naman ay tila mawawalan na ng malay sa sobrang nerbiyos.“Ano’ng gagawin natin?!” isang stewardess ang halos mangiyak-ngiyak. “Mamamatay ba tayo?”“Diyos ko! Ayoko pang mamatay!” isa pang cre
Walang habas na binuksan ni Jade ang pintuan ng opisina dahilan upang mapaigtad si Casey mula sa kinauupuan nito. Nilingon ni Casey si Jade at napansing humahangos ito habang nakatukod ang kaniyang dalawang palad sa parehong mga tuhod. Magsasalita na sana si Casey upang tanungin siya ngunit kaagad siyang pinutol ni Jade. “Nabalitaan mo naba?” tanong ni Jade habang nakahawak sa kaniyang dibdib at pilit na pinapakalma ang sarili. Biglang kumunot ang noo ni Casey nang mapagtantong malaki at biglaan ang balitang tinutukoy ni Jade kaya nagsimulang kumabog nang mabilis ang puso niya. “Nagising naba siya?” halos hindi marinig ang boses ni Casey habang tinatanong ‘yon. Tumango nang dahan-dahan si Jade dahilan upang mapahalukipkip si Casey sa upuan. Kumurap siya nang ilang beses at kinagat ang pang ibabang labi nito na sa sobrang diin ay muntikan na itong masugatan. “Pero malay mo naman ‘diba? Baka nag bago na ang isip ni Dylan bago pa man nagising si Suzane,” ani Jade na malabon
Hindi mapakali si Casey na kanina pa patingin-tingin sa kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa niya. Dalawang araw na ang lumipas at wala paring email na pinapasa sa kaniya si Ingrid. Nagdududa na siya at baka desidido rin talaga ito na huwag ipahawak sa kaniya ang kaso. Naging interesado si Casey sa kaso dahil bukod sa divorce case ito, nabanggit din ni Ingrid na may dalawang malaking tao ang involve rito. Ganitong mga kaso ang gusto ni Casey, ‘yong pagpapawisan siya. Biglang tumunog ang cellphone ni Casey dahilan upang mapabalikwas siya sa pagkakaupo. Inabot niya ‘yon at umaasa na pangalan ni Ingrid ang bubungad sa kaniya. Ngunit hindi email ni Ingrid ang natanggap niya kundi ang text nito. “Sa coffee shop mo nalang kunin ang mga detalye na hinahanap mo. Parang masarap mag kape ngayon, lalo na kapag libre.” Napatampal sa noo si Casey at wala ng nagawa kundi mag ayos para tumungo sa coffee shop. Nang makarating si Casey sa coffee shop ay bumungad agad sa kaniya ang ta
Walang kahit na sino ang pumagitna sa nag iinit na tensyon mula kina Casey at Dylan. Nanatiling nakatayo si Casey habang kumakabog nang malakas ang puso niya na tila ba ay pwede na itong marinig ng lalakeng nasa harapan niya. Hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata kay Dylan na puno ng iritasyon at galit ang mukha at mga mata nito. Ilang sandali pa ay natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na tila gusto pa ulit magsalita ngunit ‘di na magawa.Kasabay ng ihip ng hangin mula sa labas ay ang biglaang pag tanaw ni Casey sa mga alalaang meron sila ni Dylan noon. Hindi naman puro sakitan ang buong tatlong taon nilang pagsasama. Nagkakaroon din ng pagkakataon na sabay silang tumatawa sa biro ng isa’t-isa, may panahon din na pareho silang nangarap, ngunit sa kabila ng lahat ng ‘yon, nauwi parin sila sa sitwasyon na kamumuhian nila ang isa’t-isa. Sino nga ba ang mag aakala?Naramdaman niya ang paghawak ni Ingrid sa kaniyang braso bago ito magsalita, “Huwag kang papatalo sa mga ‘yan. Hu
Ipinagsawalang bahala na lamang ni Casey ang taong naka sunod umano sa kaniya kahit pa halos tumalon na ang puso nito sa kaba nang malaman ‘yon. Ibinilin niya sa mga body guard na mag masid na lamang nang mabuti sa paligid at sinabi na baka wala naman daw masamang gagawin ang kung sino mang naka sunod sa kaniya.Pumasok si Casey sa kaniyang kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon. Saglit siyang naligo at bago lumabas sa banyo ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin. Masyadong mabigat ang pag haharap nilang tatlo ngayong araw at hindi siya sigurado sa mga susunod na mangyayari. Ngunit isa lang ang nakakasiguro siya, ‘yon ay payapa na siyang makakatulog sa gabi nang walang iniisip bilang isang Mrs. Almendras. Sa wakas ay nakalaya na siya sa bagay na pilit niyang pinapasan sa loob ng ilang taon. Hindi na siya magigising sa bungad ng masakit na pagsasama nila ni Dylan. Mabigat man para sa kaniya wakasan ang lahat sa isang kumpas lang ng kamay, hindi niya naman pinagsisisihan ang
Natatandaan pa ni Casey kung paano isuot ni Dylan sa kaniya ang singsing. Mabigat at tila ayaw gumalaw ang mga kamay nito. Nararamdaman niya noon kung gaano kalabag sa loob ni Dylan ang ikasal silang dalawa. Halos hindi nga niya makitang suot ng lalake ang sarili nitong wedding ring. Ilang beses niya itong nakikita na nasa loob lamang ng kanilang drawer. Pinapaalala pa nito na nakalimutan ng lalake suotin ang kaniyang singsing ngunit palagi itong walang kibo. Ngunit ngayon ay hawak ni Dylan ang wedding ring ni Casey. Pilit man isawalang bahala ito ni Casey ay nagtataka pa rin siya kung bakit nangyari ito, ‘e tinapon niya na ito sa labas ‘nong huling punta niya rito sa rest house. Napansin ni Dylan na nakatitig lamang si Casey sa kaniyang kamay na may hawak na singsing kaya agad niyang tinago ang kamay sa kaniyang bulsa. Ang kaninang malambot na ekspresyon ni Dylan ay napalitan muli ng pagkainis. “Kung balak mo lang din namang itapon ang singsing, edi sana ginawa mo nang maayo
Nag tungo agad sina Casey sa dining room matapos ang maikling kwentuhan kay Lola Isabel. Bago pa man sila tuluyang makaupo ay agad na kinalabit ni Casey si Via para mag tanong. “Alam ba ni lola ‘yong tungkol sa…” bulong ni Casey at nag aksyon na parang nag susulat. Agad namang umiling si Via. “Hindi niya alam ‘yong divorce. Ang alam niya lang ay pinapahirapan ka ng kumag na ‘yan,” sagot ni Via at nginuso ang lalakeng naka tayo lamang sa likod ng upuan. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Casey nang malaman na hindi pala ang divorce nila ni Dylan ang nakarating kay Lola Isabel. Ayaw niyang mag konsumisyon ang matanda sa nangyayari sa kanilang dalawa. Naupo na rin si Casey katabi ni Via, maliban kay Dylan na nakatayo pa rin. “Hayaan mo siya, Casey. Kung mag mamatigas siya at gusto niyang umalis, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya,” pag babanta ni Lola Isabel. Nag dilim na naman ang ekspresyon ni Dylan kaya suminghal si Via, “Oh, ano? Kailangan pa ba kit
Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito. Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa
BOOM!Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa eroplano.Walang pag-aalinlangan, agad hinawakan ni Dylan ang kamay ni Casey at hinila siya papalabas.Halos hindi siya makapag-react—nanginig ang kanyang pilikmata, ngunit hinayaan niyang dalhin siya nito.Mabilis nilang narating ang cockpit, kung saan makikita ang kapitan na halatang naguguluhan. Mahigpit nitong hinahawakan ang mga kontrol, habang pawis na pawis sa matinding tensyon.Sa labas ng cockpit, lumakas ang ingay ng mga pasaherong nagsisigawan.Biglang nag-crackle ang mikropono.“Ina-atake tayo! May mga eroplanong bumabaril sa atin!”Dumagundong ang takot sa buong eroplano.Mga sigaw, pag-iyak, at pagmamakaawa ang pumuno sa cabin. May ilan pang tumayo mula sa kanilang mga upuan, hindi na alam kung ano ang gagawin. Ang mga flight attendants naman ay tila mawawalan na ng malay sa sobrang nerbiyos.“Ano’ng gagawin natin?!” isang stewardess ang halos mangiyak-ngiyak. “Mamamatay ba tayo?”“Diyos ko! Ayoko pang mamatay!” isa pang cre
“BITCH!!!”Halos mabaliw na si Suzanne sa galit.Maingat niyang pinagplanuhan ang lahat, ngunit parang unti-unti itong nasisira sa harap niya. Hindi niya inasahan na magkasamang maghapon sina Dylan at Casey—lalo na ang pagtanggap ni Dylan sa pagsuway nito.Paanong nagawa ni Casey na magsalita nang gano’n? Na parang hindi siya natatakot sa maaaring mangyari? Hindi ba niya alam na ang ganitong klase ng pagsalita ay lalo lang magpapagalit kay Dylan? O sinasadya ba niya ito, desperadong sirain din si Suzanne kahit na kapahamakan ang kapalit?Gigil na gigil si Suzanne, pero wala siyang magawa. Hindi na niya pwedeng ulitin ang dati niyang estilo—ang pagpapanggap na may sakit o kaya’y pagpapadala ng mensahe ng kahinaan kay Dylan. Kung gagawin niya ulit iyon, baka tuluyan na siyang mabuking.Pero ang mas kinatatakutan niya ay ang naging reaksyon ni Dylan. Hindi ito nagalit. Hindi man lang ito nairita. Sa halip, nanatiling kalmado ito at walang pakialam.Bakit? Bakit parang walang epekto ang m
Dahil may video conference si Dylan, nagpasya si Casey na bumalik sa kanyang silid dala ang plano na kailangan niyang pag-aralan.Maya-maya, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Liam Vertosa sa blue app, ipinapaliwanag ang nangyari kaninang umaga. Hindi na siya nagulat. Alam na niya kung paano gumagalaw ang mga taong nasa paligid ni Dylan, lalo na si Suzanne.Buong hapon, masusing pinag-aralan ni Casey ang plano at pinag-isipan kung paano ipapaliwanag ang mga detalye sa designer. Hindi siya maaaring magkamali—kailangan niyang gawin itong perpekto.Dumating ang gabi, at tulad ng nakasanayan, magkasamang naghapunan sina Dylan at Casey.Tahimik nilang pinagsaluhan ang pagkain, ngunit napansin ni Casey ang pabago-bagong timpla ng ugali ni Dylan. Para bang may bumabagabag sa isip nito, ngunit hindi ito naglalabas ng anumang emosyon.Sa kabila ng lahat, kumain lang si Casey nang normal, hindi pinansin ang malamig na presensya ng kanyang asawa. Pero hindi niya inaasahan na biglang tutunog an
Tinignan ni Casey ang grupo ng mga designer sa harapan niya. Kita sa mukha ng ilan ang pag-aalinlangan, habang ang iba naman ay tila hindi kumbinsido sa sinabi niya. Ngunit sa halip na umurong, muli siyang nagsalita.“Sa pagkakataong ito, hindi ko gustong magdisenyo kayo ng kanya-kanyang istilo. Sa halip, gusto kong magsama-sama kayo upang buuin ang bawat disenyo nang magkakasama.”Lahat sila napatingin sa kanya.“Napansin ko ang mga disenyo niyo ng wedding dress. Lahat kayo may kanya-kanyang expertise, kaya iniisip ko na kung pagsasamahin ang inyong galing, mas makakalikha tayo ng pinakamagandang disenyo.”Ang pinakamatandang designer sa grupo, si Lina, ay nagtaas ng kilay. Kita sa kanyang mga mata ang gulat at pag-aalinlangan.“Bagama’t magaling kami sa iba’t ibang aspeto ng disenyo, paano kung hindi bagay ang pagsasama-sama ng mga istilo namin?”“Ang kailangan lang ay isang istilo sa bawat wedding dress. Labing-pitong disenyo ang gagawin natin, kaya may sapat na espasyo para sa iny
Ang sinabi ni Casey ay parang malakas na hampas sa kanyang ulo—biglang nagising ang kanyang nalilitong isipan.Ano nga ba ang ginagawa niya kanina?!Sa sandaling iyon, mahigpit ang pagkakakunot ng kanyang noo, at kitang-kita sa mukha niya ang matinding inis.Diyos ko, hindi niya maintindihan kung bakit siya ganito kairitable.Ipinikit ni Dylan ang kanyang mga mata, sumandal sa upuan, at hindi na nagsalita pa.Si Casey naman ay lihim na napabuntong-hininga sa ginhawa.Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung nagpatuloy pa sa pagkainis si Dylan kanina.Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nang makita niya ang caller ID, agad niya itong sinagot, hindi alintana ang presensya ni Dylan.Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang malakas na boses na ang umalingawngaw sa kanyang tenga.“Casey! Kamusta ka? Bigla akong pinatawag ni Dad kahapon nakakainis! Ngayon lang ako nakalaya. Pagbalik ko, nalaman kong nahulog ka sa tubig! Diyos ko, anong nangyari?!”Kumunot nang bahagya ang noo ni
Nararamdaman ni Casey ang pagkatuyo ng kanyang lalamunan.Tama naman ang sinabi ni Lincoln. Ang kasunduan nila ay mas pabor sa kanya. Ngunit…May bumabagabag sa kanya—isang bagay na hindi niya mawari.Napansin ni Lincoln ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha, kaya hindi niya hinayaan itong lumamig. “Kapag nagtagumpay ang plano mo, makakapasok ka sa internal department. Lahat ng proyekto ng Andrada Group na gusto mong makuha, mapupunta sa’yo. Walang sinuman ang may kakayahang ipatupad ito nang kasinghusay mo.”Dahan-dahang tiningnan ni Casey ang lalaki. Walang bahid ng pag-aalinlangan sa mga mata ni Lincoln—pawang kumpiyansa at determinasyon lamang.Kalmadong sumagot si Casey, ngunit may bahid ng pagdududa ang kanyang tono. “Ang isang tao tulad mo ay hindi basta-basta gumagawa ng kasunduan nang walang kapalit. Ano ba talaga ang gusto mong makuha mula sa akin?”Direkta ang kanyang tanong, at hindi niya inalis ang tingin sa lalaki.Nakangiting umiling si Lincoln. Sa totoo lang, gusto niya
“Gusto niyang lagyan ako ng gamot?”“Personal niyang gagawin?”Tila isang baliw na tao ang nasa harapan niya. Hindi makapaniwalang nakatingin si Casey kay Dylan habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito sa kanya.Nang mapagtantong hindi siya makakaalis, napabuntong-hininga siya at itinigil ang pagpalag. Napakurap siya at napailing. “Ano bang problema mo?”Noong mag-asawa pa sila, ilang beses na siyang nasaktan, nasugatan, at nagkasakit. Alam iyon ni Dylan, pero ni minsan, hindi ito nagpakita ng kahit anong malasakit. Sa halip, palagi lang nitong nilalayuan siya, ipinapakita ang malamig nitong likuran, na para bang wala siyang halaga.Ngayon, simpleng pananakit lang ng paa dahil sa mataas na takong, biglang nagbago ang ihip ng hangin? Siya pa mismo ang mag-aabot ng gamot?Hindi maipaliwanag ni Casey ang nararamdaman. May kung anong kakaiba, hindi natural, at talagang nakakapagtaka.Ang lalaking ito… sobrang delikado talaga.Hindi pinansin ni Dylan ang sinabi niya. Sa halip, binuk
Pagkababa ng tawag, naramdaman ni Casey ang biglang katahimikan sa paligid. Sa totoo lang, mas nagustuhan niya ang pagkain ngayon.Masarap naman talaga ito.Si Dylan, sa kabilang banda, ay biglang nawalan ng gana. Sa halip, napuno siya ng galit—isang damdaming ni siya mismo ay hindi maintindihan.Bigla niyang ibinaba ang kutsara, at ang madilim niyang ekspresyon ay nagpalubog pa lalo sa tensyon ng silid.Ngunit si Casey…Walang pakialam.Sanay na siya sa presensya nito.Tinitigan siya ni Dylan ng malamig, puno ng mga salitang gusto niyang ipukol rito, pero sa kabila ng lahat, bigla siyang nakaramdam ng paninikip sa dibdib.Napangiti nang pilit si Casey at sinabing, “Pasensya na. Hindi ko sinasadya na guluhin ang usapan ninyo kanina… pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.”Dahil sa totoo lang, natawa siya sa naging reaksyon ni Suzanne.Noon, ang babaeng iyon ay napaka-elegante at mataas ang tingin sa sarili.Pero ngayon? Para siyang isang inosenteng white lotus na pilit nagpapab
Pagkabalik ni Dylan sa kwarto, lumapit si Casey sa sofa at binuksan ang bag.Sa loob, may nakita siyang isang kahon ng cellphone at isang kahon ng gamot sa ilalim nito.Napakunot ang noo niya. Kinuha niya ang kahon ng gamot at binasa ang label—isang ointment na pampabawas ng pamamaga at pampabilis ng paggaling ng pasa.Napanganga siya nang bahagya. Sa party kanina, hinawi niya ang laylayan ng kanyang damit para ipakita ang paa niya kay Dylan…Siya ba ang bumili nito?Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa o magduda. Pero hindi na niya masyadong pinag-isipan. Nilagay niya sa tabi ang ointment, kinuha ang bagong cellphone, at nagmamadaling pumunta sa kwarto. Kailangan niyang makausap si Ingrid.Sinagot agad ng kabilang linya ang tawag.Naglaro ang mga mata ni Casey. “Ingrid, nabasa ang cellphone ko, kaya ngayon lang ako nakakuha ng bago.”“Ano?!” Nag-aalalang sagot ni Ingrid. “Anong nangyari?”Napakagat-labi si Casey. “Hindi ko alam ang buong detalye. Pumunta lang ako sa labas saglit,