Home / Romance / The CEO's Personal Maid / KABANATA 57.2: PANGANIB

Share

KABANATA 57.2: PANGANIB

Author: sshhhhin
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Nanubig na rin ang mga mata ko. "Para saan pa ba iyon, senyorito? Huwag mo na sanang banggitin iyon lalo na sa harap ni Erika. Hindi biro ang pinagdaanan niya para makalimutan 'yon!"

"Ririka begged for that name when I forced to kiss her."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isinagot niya. Hindi dahil may hinalikan siyang iba kun'di dahil kay Ririka. Gano'n na ba karaming kapangalan ang demonyong Nico na iyon?

"That's why I asked Ririka's classmates about him but it's Franz who knew who is Nico!"

Umiling ako. Pinilit na kumbinsihin ang sariling magkaiba ang Nico na binabanggit ni senyorito.

"Anak..." bulong ko at hinaplos ang buhok niya habang mag-isa siyang nakahiga rito sa kama. Wala sa tabi niya si senyorito dahil nagpaalam itong pupuntahan si Ririka.

Biglang kumirot ang puso ko para sa anak. Mukhang iba na ang iniibig ng senyorito. Paano na ang anak ko? Ang apo ko?

Nakatulugan ko ang pagbabantay sa anak. Naalimpungatan lang ako nang may marinig na ingay. "Kainis! Dito pa nga natulog
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 58.1: SARILI

    "Oh bakit ka dumuduwal d'yan? Buntis ka ba?" galit na tanong ni Rhianne nang makita niya akong naghuhugas ng bibig dahil sa pagkakaduwal."H-hindi po! Nilalagnat lang, masama ang pakiramdam ko," nanghihinang paliwanag ko at umupo para makapagpahinga na at kumain. Nag-check ako ng temperature kanina at 38.2 ang resulta. Habang nagte-templa ako ng mainit na gatas ay nabahing ako at suminghot."Ano ba?! Magkulong ka sa kwarto mo, baka mahawa kami!" sigaw pa niya."Opo, sorry," bulong ko at kinontrol ang paghinga. Ang sakit ng buong katawan ko! Gusto kong pumasok sa school pero hindi ko kaya!Hirap kong binalot ang sarili ng kumot dahil nilalamig pa rin ako kahit naka-jacket at pajama na. "Rika!" biglang bumukas ang pintuan ko. "Tawagan mo si Brandon at magpa-alaga ka sa kanya!" "Hindi na po," bulong ko habang nanginginig ang boses. Iyong aircon, gusto ko nang patayin pero tinatamad akong bumangon."Tsk! Tatawagan ko!" aniya at padabog na isinarado ang pinto. Nanginginig akong humigop

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 58.2: CARE

    Ipinikit ko ang mga mata at nanatili sa ganoong posisyon para makapagpahinga. Masakit pa rin ang ulo ko. Dumagdag pa ang mga tanong sa isip ko."Brandon!" Ramdam ko ang excitement sa boses ng babaeng iyon. Hindi ko maaninag ng maigi ang mukha niya sa isip ko pero may hawak siyang natutulog na sanggol sa bisig niya. "Miss ka na namin!""Ms. Fernandez..." isang nakakakilabot na mababang boses ng lalake. "Do you really miss Brandon? Come and see him before you miss him forever.""S-sino ka? Nasaan si Brandon?!"Humigpit ang pagkakapikit ko habang palakas nang palakas ang pagtibok ng nga ugat ko sa sentido. "You really want to know? Sure, dear. I'll send you an address, we'll see you there!"Biglang bumilis ang pangyayari. Narinig ko ang iyak mula sa isang sanggol at ang boses ni Tita Karina na pinipigilan ang anak niya... si Erika."Rika, kumapit ka!""Kuya Rommel!" Nabalikwas ako mula sa pagtulog nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng phone ko. Hinihingal akong umayos ng upo sa ka

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 58.3: CONCERT

    "Rhianne, pwede ba akong pumunta sa dati kong school?" Biglang umarko ang kilay niya at nambibintang na tinignan ako. "For what?! Don't tell me makikipagkita ka kay Brandon?"Speaking of Brandon, tinupad niya ang sinabi niyang aalis siya kapag bumuti na ang lagay ko. Bumalik na siya sa kanila kaya kami-kami na lang ulit ang nandito."Hindi," pagtanggi ko at umupo sa tapat niya para magpaliwanag. "Gusto ko lang panoorin 'yong concert nila. Ngayon kasi 'yon." Nabalitaan ko iyon sa kaklase ko kahapon. Nabanggit nila iyong dati kong school at balak pa nilang pumunta. Hindi ko alam kung bakit na-delay iyon. Pero gusto kong pumunta para mapanood sila."Hindi p'wede! Walang maghahatid sa 'yo, busy si Gavin!""Kaya ko namang magbyahe mag-isa," dahilan ko pero itinaas niya ang palad niya para pahintuin ako sa pagsasalita."I said 'no', Rika. 'Wag ka nang umangal!" Napayuko ako dahil doon at napabuntong hininga nang marinig ko ang yapak ng sapatos niya papalayo. Gusto kong manood. Gusto ko si

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 59.1: AYAW

    Nang hapong iyon ay napatingin ako kina Rhianne. Mas pormal ang suot niya kumpara sa sinusuot niya rito sa bahay at may dala siyang bag. "Aalis ka?""Hindi ba obvious?" pagtataray niya sa akin. "May lakad kami out of town. Since may pasok ka bukas, 'di ka muna namin isasama. Ang dami mo na kasing absent!"Tumango ako dahil ayos iyon. "Sige. Lahat ba kayo pupunta?""Yup, so ikaw muna ang magbabantay rito. Gusto namin, malinis kapag bumalik na kami, maliwanag ba? And don't you ever let someone step on my house, even Brandon, do you get it?""Opo," mabilis na sagot ko at tinulungan siyang dalhin ang mga gamit niya. Sumunod na lumabas ang mga kasama niya, kaunti lang sila ngayon dito kaya iisang kotse lang ang ginamit nila palabas. Tahimik nang bumalik ako sa loob. Wala ang malalakas na tawanan at hiyawan nila at wala ring makabasag tengang tugtog. Medyo nakakapanibago.Umupo ako sa couch at muling nag-online. Bumungad sa akin ang poster ng mga kaklase ko bukas. Punta kaya ako? May pera

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 59.2: ERIKA AT REGINE

    Napanguso siya at akmang lalapit ulit sa akin nag pumagitna sa amin si JP. "Hayaan mo na muna siya Franz. Sorry sa abala, Ririka. Ayaw mo yata kaming makita kaya ka tumakbo."Tumango ako at humakbang na palayo. Nang wala akong nakitang pagtutol sa kankla ay tumalikod na ako at bumalik sa pinagbibilhan ko ng pagkain kanina. Nag-sorry ako at nagbayad para kunin ang in-order. Tahimik ko iyong kinain sa isang sulok bago inayos ang suot na cap at naglibot. Pumasok ako sa Children's Park at umupo sa bakanteng bench."Ate Rika!" Nanlaki ang mga mata ko at hinanap ang pinaggalingan ng boses na iyon. Si Brayden! Nakita ko itong tumatakbo palapit sa akin. "Daddy! It's Ate Rika!" masayang balita niya sa amang nakasunod sa kanya. Nakita kong napaawang din ang labi niya, mukhang hindi niya rin inaasahang makikita ko sila rito.Biglang kumirot ang puso ko nang yakapin ako ni Brayden. "H-hi," bati ko sa kanya at hinaplos ang likuran niya. "Miss you!" aniya bago humiwalay sa akin. "Sorry, Brayden

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 59.3: TAKOT

    May iniabot na bag si Erika kay Regine bago ito umalis. Pinanood ko siya at agad na yumuko nang tumingin siya sa banda ko... sa banda ng mga audience. Nang muli ko siyang tignan sa pwesto niya ay wala na siya roon. Bigla akong nakaramdam ng takot. Lalo na nang maalala ang tangka niyang pagpatay sa akin noon. Bumalik rin sa akin ang panay na pagsabi sa akin kanina ni Tita Karina na mag-ingat ako lagi. Matalas ang pagpapakiramdam ko sa mga taong nakakasalubong ko habang paalis sa venue. Balak kong mag-check in muna sa Hotel at bumiyahe ng madaling araw. Pero natatakot na ako ngayon na mag-isa. Habang pakonti nang pakonti ang mga taong kasabay kong maglalakad ay siya ring palakas na palakas na kabog ng dibdib ko. Sa huli ay napagpasyahan kong pumunta sa Children's Park. May mga bata pa rin roon at mga magulang nila. Maraming bukas na ilaw sa paligid at may guwardya. Ligtas naman siguro ako rito? Pagod akong umupo sa bakanteng bench. Niyakap ko ang bag pack at handa nang sumandal roon n

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 60.1: MOMMY

    Nagising ako na may mabigat na nakadagan sa hita ko. Umayos ako ng higa at nakita si Brandon sa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog habang yakap ako!Mabilis akong lumayo sa kanya dahilan para mabitawan niya ako. Marahan siyang umungol bago iminulat ang namumungay niyang mga mata. "You're awake," aniya at bumangon din. Parehas kaming tumingin sa relo at nakitang alas otso na nang umaga."Kailangan ko nang umuwi!" sambit ko at kaagad na umalis sa kama. Kinuha ko ang bag na nasa couch malapit sa pinto at lumabas ng kwarto. "Rika?""Gavin?" tawag ko rin sa lalakeng nakasalubong. Mula sa akin ay napatingin siya kay Brandon na siyang lumabas din. "Woah!" hindi makapaniwalang bulalas ni Gavin."Dude, what the fuck?" mura niya kay Brandon. "Rika, how come you are here with him?" "Rika?!" si Rhianne na kakaakyat sa pangalawang palapag. "She's at Cebu, Gav!" Maya-maya pa ay umangat ang kilay niya nang magkasalubong ang tingin namin. Sinuri niya ang paa ko hanggang sa marating ang mukha. "

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 60.2: INIT

    "Yeah! She's your mom, eh!" Humalakhak pa siya. Nakita ko ang masamang tingin ni Brandon kay Rhianne, nakakunot noo naman si Erika. Si Gavin naman, nalaglag ang panga sabay ngisi at iling."Nagbibiro lang ang Tita Rhianne mo, apo," si Tita Karina na ang nagbasag ng katahimikan."But!" "Enough, Rhianne," si Brandon.Umirap na lang ang babaeng katabi ko at uminom ng tubig na ibinigay ni Tita Karina."Anong oras ka ba-byahe pauwi, Rika?" tanong sa akin ni Gavin habang kumakain."Pagkatapos ko pong kumain.""Okay, ihahatid kita.""What? No!" pigil ni Rhianne at hinarap ito. "Dito lang muna si Rika!""May pasok pa po ako.""May pasok ka bakit pumunta ka rito?" sarkastikong aniya."Kaya nga uuwi na ako.""Nah, sumabay ka na lang sa amin pauwi. Let's just chill here. Kasalanan mong pumunta ka rito."Napanguso ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. "You'll leave, Ate Rika?"Hinarap ko si Brayden at tumango. "Oo, eh. Baka sa susunod na lang ulit tayo magkita.""No, she'll stay here, Brayde

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Personal Maid   WAKAS: MY SENYORITO

    Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 69: TAMANG ORAS AT PANAHON

    "Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.2: DESPITE EVERYTHING

    "Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.1: KASALANAN

    "Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 67: MUCH

    "M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.3: BARIL

    Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.2: SEDUCE

    Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.1: ONE MORE CHILD

    Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 65.5: DADDY

    Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B

DMCA.com Protection Status