Share

Chapter 49

Author: alexiisisist
last update Huling Na-update: 2024-11-26 18:00:54

Sa harap ng pinto ng kanilang tahanan, bumungad si Don Federico, dala ang malamig na presensyang lagi niyang pinapakita. May anino ng determinasyon at pagkukuwestiyon sa kanyang mga mata. Nakaramdam agad ng kaba si Lennah, pero pinilit niyang ipakita ang kanyang tapang. Alam niyang hindi magiging madali ang bawat pagharap kay Don Federico, pero sa likod ng lahat ng takot, naroon ang pag-asa na paninindigan siya ni Marcuz.

Paglapit ni Marcuz sa kanyang ama, ramdam ang bigat ng titig ni Don Federico sa kanya.

“Inaasahan ko na sana ay napag-isipan mo na ang lahat ng sinabi ko,” mariing sabi ng kanyang ama.

Tumindig si Marcuz nang buong tatag, ramdam ang bawat pagtibok ng kanyang puso na puno ng determinasyon. “Napag-isipan ko na, Papa. Hindi ko iiwan si Lennah.”

Napalunok si Lennah sa kanyang narinig, ang kanyang puso ay tumatalon sa pag-asa, habang nakatayo siya sa isang tabi at tahimik na pinagmamasdan ang tagpong iyon. Si M
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 50

    Mula nang nagpasya si Marcuz na panindigan si Lennah sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama, alam niyang darating ang araw na susubukan ni Don Federico na gawing mas mahirap ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito kabilis at matindi ang epekto ng galit ng kanyang ama. Isang umaga, habang abala si Marcuz sa trabaho sa opisina, biglang dumating si Robert, ang isa sa mga pinakamatagal nang abogado ng kumpanya, at may dala itong mga dokumento. Nakapaloob sa mga papel ang opisyal na desisyon ni Don Federico na simulan ang proseso ng pagtanggal kay Marcuz bilang CEO ng Villafuerte Group. "Marcuz," mahinahon ngunit puno ng pag-aalalang sabi ni Robert habang inaabot ang mga dokumento. "Ipinapadala ito ng iyong ama. Sinasabi niyang maghahanda na raw ng paghahabilin sa bagong CEO, kung hindi ka pa rin magdedesisyon nang ayon sa kanyang gusto." Napalunok si Marcuz habang tinitingnan ang mga papel na hawak ni Robert. Ramdam niya ang m

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 51

    Sa loob ng bahay nina Marcuz at Lennah, unti-unting bumibigat ang bawat araw. Ang dating tahimik na tahanan ay napalitan ng tensyon at alingawngaw ng mga hindi natapos na usapan. Si Lennah, sa kabila ng kanyang kalagayan, ay pilit na nagtatapang-tapangan. Pero sa ilalim ng kanyang mahinahong kilos, ramdam niya ang unti-unting pagbagsak ng kanyang katawan. Habang abala si Lennah sa paghahanda ng agahan para kay Spencer, bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napakapit siya sa gilid ng counter, pilit na iniintindi ang kanyang sarili. Ang pananakit ng kanyang tiyan ay parang mas tumitindi, at halos mawalan siya ng balanse. “Lennah?” tawag ni Marcuz, na kabababa lang mula sa itaas. Agad niyang nilapitan si Lennah at inalalayan ito. “Ayos ka lang ba? Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” Pinilit ngumiti ni Lennah, pilit na itinatago ang kanyang nararamdaman. “Ayos lang ako, Marcuz. Baka napagod

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 52

    Ang araw ay nagsimula nang tahimik, pero sa ilalim ng payapang panlabas ng tahanan nina Marcuz at Lennah ay bumubuo ang isang bagyong hindi maiiwasan. Sa bawat sandali na magkasama sila, parang may pader na unti-unting tumataas sa pagitan nila. Si Lennah, na dating matatag at puno ng sigla, ay ngayon ay parang anino ng kanyang dating sarili, na hindi lamang dahil sa panghihina ng kanyang katawan, kundi dahil sa bigat ng mga salitang ibinabato sa kanya ni Nina. Habang tahimik na naghahanda ng agahan si Lennah, pumasok si Nina sa kusina. Mabilis nitong sinara ang pinto, ang mga mata ay puno ng determinasyon at nanunuya. “Lennah,” simula ni Nina habang kunwari ay nag-aayos ng kanyang buhok. “Kumusta naman ang pakiramdam ng pagiging asawa ni Marcuz? Mukhang hindi mo na kinakaya.” Lumingon si Lennah, ramdam ang panunuya sa bawat salita ni Nina. “Anong kailangan mo, Nina?” mahinahon

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 53

    Nakaupo sa gilid ng kama si Marcuz. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti niyang nararamdaman ang kawalan ng kontrol sa mga bagay na mahalaga sa kanya—ang kanyang asawa, ang kanilang anak, at maging ang katahimikan ng kanilang tahanan. Sa kabilang banda ng kwarto, si Lennah ay nakahiga pero hindi natutulog. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa kisame, iniisip ang bigat ng kanilang sitwasyon. Ramdam ni Marcuz ang distansya sa pagitan nila, isang distansyang hindi lamang pisikal, kundi emosyonal. “Lennah..” “Hm?” “Alam kong nahihirapan ka. Pero gusto kong malaman mo na nandito ako. Hindi kita pababayaan.” Nagpakawala si Lennah ng mahinang buntong-hininga. “Alam kong ginagawa mo ang lahat, Marcuz. Pero minsan iniisip ko, sapat pa ba ako para sa ‘yo? Para sa pamilya natin?”

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 54

    Tahimik ang paligid ng mansyon ng Villafuerte, ngunit sa bawat sulok nito ay ramdam ang tensyon na parang isang bulkan na malapit nang sumabog. Si Lennah, na dating puno ng sigla at tapang, ay unti-unti nang nawawala sa sarili. Sa bawat araw na lumilipas, mas nararamdaman ni Marcuz ang pagbagsak ng kalagayan ng kanyang asawa. Hindi lamang pisikal kundi pati na rin emosyonal. Umaga pa lamang ay nag-umpisa na ang gulo. Si Lennah, na nasa kusina upang maghanda ng almusal para kay Spencer, ay biglang nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa gilid ng counter, pilit na pinipigil ang panghihina. Natanaw ito ni Marcuz mula sa sala at agad na lumapit. “Lennah, ayos ka lang ba?” tanong ni Marcuz, puno ng pag-aalala habang inaabot ang kamay ng asawa. “Pagod lang ako,” pilit na sagot ni Lennah, ngunit bakas sa kanyang boses ang kawalan ng lakas. “Hindi ito simpleng

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 55

    Tahimik ang gabi sa mansyon nina Marcuz, pero sa loob ng kwarto ni Lennah ay parang may bagyong nagaganap. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatingin sa kawalan habang ang kanyang isipan ay puno ng tanong, mga tanong na wala siyang sagot. Sa bawat araw na lumilipas, lalo niyang nararamdaman ang bigat ng kanilang sitwasyon. Ang kanyang katawan, na dati ay matibay at malusog, ay unti-unti nang bumibigay. Si Marcuz, na nasa kabilang bahagi ng kwarto, ay tahimik na nagmamasid. Ramdam niya ang distansya sa pagitan nila, kahit na magkalapit lang sila. “Lennah,” basag niya sa katahimikan, ang kanyang tinig ay puno ng pag-aalala. “Hindi ka na kumakain ng maayos. Hindi ka na rin nakikipag-usap sa akin. Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” Ngunit hindi tumugon si Lennah. Nagpakawala lang siya ng malalim na buntong-hininga. “Lennah, kausapin mo ako,” giit ni Marcuz, ang kanyang boses ay bahagyang pinal

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 56

    Ang araw na iyon ay puno ng tensyon. Hindi maiiwasan ang iringan sa mansyon ng Villafuerte. Si Lennah, bagaman alam niyang kailangan niyang magpahinga, ay hindi na kayang tiisin ang presensya ni Nina sa kanilang tahanan. Sa bawat araw na dumaraan, lalong lumalalim ang sugat sa pagitan nila. Isang sugat na unti-unting nagpapahina kay Lennah, hindi lamang pisikal kundi pati na rin emosyonal. Sa sala, nagkaharap sina Lennah at Nina. Ang titigan nila ay puno ng galit at pagkadismaya. “Lennah, kailan ka ba titigil sa pagpapanggap?” tanong ni Nina, ang kanyang tinig ay malamig at mapanukso. “Lahat ng tao dito alam na hindi ka bagay kay Marcuz. Ni hindi mo nga kayang bantayan ang sarili mo.” “Hindi mo naiintindihan, Nina,” sagot ni Lennah, ang boses ay nanginginig ngunit puno ng tapang. “Mahal ako ni Marcuz, at gagawin ko ang lahat para sa kanya at sa pamilya namin.” “Pamilya?” natatawan

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 57

    Tahimik ang kwarto sa ospital, pero ang bigat ng emosyon ay bumabalot sa buong paligid. Ang mahinang tunog ng makina na sumusukat sa tibok ng puso ni Lennah ay ang tanging pumupuno sa katahimikan. Mahinang idinilat ni Lennah ang kanyang mga mata. Ang unang tanong sa kanyang isipan ay hindi tungkol sa sarili, kundi sa kanilang anak. “Marcuz…” mahinang tawag niya, pilit na iniaangat ang boses. Agad lumapit si Marcuz mula sa gilid ng kwarto. Hawak niya ang kamay ni Lennah, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. “Lennah, nandito ako,” sagot niya. “Ang baby natin…” mahina niyang tanong, halos hindi matanggap ang kasagutan na tila ba alam na niya. Napapikit si Marcuz, pinipigil ang sariling emosyon. “Lennah… patawarin mo ako. Hindi ko siya nailigtas. Nawalan tayo ng anak…” Ang mundo ni Lennah ay parang gumuho sa mga salitang iyon. Pilit niyang inaalala ang mga sandali bago siya bumagsak. Ang sakit,

    Huling Na-update : 2024-12-01

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Love Resurrection   Special Chapter

    Sa isang malamig na umaga sa New Zealand, naupo si Marcuz at Lennah sa kanilang veranda habang nagkakape. Nasa harapan nila si Spencer, na abala sa paglalaro ng kanyang tablet. Subalit may seryosong bagay sa isip ni Spencer na matagal na niyang gustong pag-usapan.“Mom, Dad,” simula ni Spencer, ibinaba ang tablet at tumingin sa kanilang dalawa. “Pwede ba akong magtanong ng seryoso?”Napatingin sina Marcuz at Lennah sa anak nila, halatang nagtataka.“Ano iyon, anak?” tanong ni Marcuz habang nilapag ang tasa ng kape.“Gusto ko nang magpatuli,” diretsong sagot ni Spencer.Nagulat si Lennah at napatingin kay Marcuz, habang si Marcuz naman ay hindi napigilan ang bahagyang ngiti.“Tuli? Sigurado ka na ba, anak?” tanong ni Marcuz.Tumango si Spencer, seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Opo, Dad. Gusto ko na pong maranasan iyon. Parang bahagi ng pagiging binata ko.”Hinaplos ni Lennah ang likod ng anak. “Kung yan ang gusto mo, Spencer, susuportahan ka namin. Pero... sa tingin mo ba hand

  • The CEO's Love Resurrection   Epilogue

    Sa gitna ng malamig na umaga, muling nabalot ng liwanag ang tahanan nina Lennah at Marcuz. Isang simpleng bahay sa New Zealand, napapalibutan ng malalagong puno at matatanim na bulaklak, ang nagsilbing tahimik na saksi sa bagong simula ng kanilang pamilya. Si Baby Emma, na ngayon ay isang taong gulang na, ay tumatawa habang binabantayan siya ni Spencer sa kanilang maliit na hardin. Nasa gilid si Lennah, abala sa pagtatanim ng bagong mga halaman. Samantalang si Marcuz naman ay nagpapanday ng simpleng lamesa para sa café na binuksan nila sa bayan. “Spencer, huwag mong kalimutang bantayan si Emma, ha?” paalala ni Lennah habang nililinisan ang kanyang mga kamay mula sa lupa. “Mommy, huwag kang mag-alala. Ako ang kuya. Lagi ko siyang poprotektahan,” sagot ni Spencer habang inaabot kay Emma ang kanyang paboritong stuffed toy. Ngumiti si Lennah. Hindi niya maiwasang maiyak sa saya. Sa kabila ng lahat ng sakit at hamon ng nakaraan, narito sila, masaya, buo, at puno ng pagmamahalan. ---

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 120

    Sa ospital, narinig ang unang iyak ng bagong silang na sanggol. Sa pagitan ng luha at ngiti, mahigpit na hinawakan ni Marcuz ang kamay ni Lennah habang inihain ng doktor ang kanilang anak. “Congratulations, it’s a healthy baby girl,” sabi ng nurse habang inilalapit ang sanggol kay Lennah. Napaluha si Lennah habang tinanggap ang kanilang anak sa kanyang bisig. “Hello, munting anghel,” bulong niya habang tinitingnan ang maliliit na kamay at paa ng sanggol. “Kompleto na tayo.” Si Marcuz, halatang puno ng emosyon, ay marahang hinaplos ang ulo ng kanyang anak. “Ang ganda niya, Lennah. Tulad mo.” Tumawa si Lennah ng mahina, nakaramdam ng hindi maipaliwanag na ligaya. “Marcuz, salamat. Hindi ko magagawa ito nang wala ka.” Habang pinagmamasdan nila ang kanilang anak, biglang pumasok si Spencer, na may dalang maliit na bouquet ng bulaklak. “Mommy! Daddy! Nasaan si baby sister?” Inilapit ni Marcuz si Spencer sa kama. “Halika, anak. Eto na ang baby sister mo. Meet her.” Dahan-dahang lumap

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 119

    Maalinsangan ang umagang iyon habang naghahanda si Lennah ng agahan. Nakabukas ang bintana ng kanilang kusina, at mula rito ay tanaw niya si Marcuz at Spencer na naglalaro ng bola sa hardin. Habang pinapanood niya ang mag-ama, naramdaman niya ang kakaibang pagod na bumalot sa kanya sa kabila ng maganda niyang gising. “Mommy, luto na ba ang pancakes?” tanong ni Spencer habang pumapasok sa kusina, pawisan ngunit nakangiti. “Sandali na lang, anak. Umupo ka muna diyan at magpahinga,” sagot ni Lennah, pinilit ang ngiti kahit ramdam niya ang panghihina ng katawan. “Okay, Mommy! Pero masarap na amoy nito!” sagot ni Spencer habang umupo sa tabi ng mesa. Napansin ni Marcuz ang bahagyang pamumutla ni Lennah nang sumunod siya kay Spencer papasok sa kusina. “Lennah, ayos ka lang ba? Parang matamlay ka ngayon.” Tumango si Lennah. “Siguro pagod lang. Medyo masakit din ang ulo ko kaninang umaga, pero mawawala rin ito.” Ngunit hindi nawala ang pag-aalala sa mukha ni Marcuz. “Siguraduhin mong m

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 118

    Pagdating nina Marcuz, Lennah, at Spencer sa kanilang tahanan, agad nilang naramdaman ang kakaibang katahimikan at kasiyahan na hatid ng pagbabalik. Ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana ay parang yakap ng bagong simula. Habang inilalabas nila ang kanilang mga bagahe, napuno ng masayang tawanan at kwentuhan ang bahay. “Ang saya na narito ulit tayo,” sabi ni Marcuz habang iniaabot ang maleta ni Lennah sa sala. “Iba talaga ang pakiramdam ng bahay.” “Oo nga,” sagot ni Lennah habang tinitingnan ang paligid. “Pero ngayon, parang mas may bago na akong nakikitang liwanag dito. Para tayong nagsimula ulit.” Tatakbo-takbo si Spencer, hawak ang isang laruan na binili nila mula sa honeymoon. “Mommy, Daddy, pwede ko bang ipakita ito kay Ella bukas? Sigurado akong magugustuhan niya ito!” Napangiti si Lennah habang pinagmamasdan ang anak. “Oo naman, anak. Siguraduhin mo lang na iingatan mo iyan, ha?” Kinabukasan, habang umiinom ng mainit na kape sina Lennah at Marcuz sa terrace, pinag-usa

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 117

    Sa ilalim ng asul na langit ng New Zealand, kung saan ang mga bundok at malalawak na halaman ay nagsilbing likas na altar, nagtipon ang malalapit na kaibigan at pamilya nina Marcuz at Lennah para saksihan ang kanilang muling pag-iisang dibdib. Ang lugar ay punong-puno ng kulay. Ang mga bulaklak na in-arrange nang maingat, ang banayad na musika mula sa isang lokal na banda, at ang ngiti ng bawat bisitang naroon. Habang naglalakad si Lennah patungo sa altar, hawak ni Spencer ang laylayan ng kanyang puting damit. Halatang-halata sa mukha ng bata ang saya, proud na proud sa papel na ginagampanan niya. Tumayo si Marcuz sa dulo ng aisle, ang kanyang mata ay nag-aapoy sa pagmamahal habang pinapanood ang kanyang bride na papalapit. “Ikaw ang pinakagandang nakita ko, Lennah,” bulong ni Marcuz sa sarili habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Nang makarating si Lennah sa harap ng altar, bahagya siyang tumigil at huminga nang malalim. “Handa na ako,” sabi niya kay Marcuz habang magk

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 116

    Tahimik na gabi iyon sa kanilang bahay. Habang nasa kusina si Lennah, abala sa pag-aayos ng hapunan, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Marcuz na may hawak na maliit na bouquet ng mga puting rosas. Napatingin si Lennah sa kanya, nagtataka. “Para saan ang mga bulaklak na ‘yan?” tanong niya, bagamat may ngiti sa kanyang labi. Lumapit si Marcuz at iniabot ang mga bulaklak. “Para sa’yo, siyempre,” sagot niya. “At para ipaalala kung gaano kita kamahal.” Napangiti si Lennah ngunit naramdaman niya ang kakaibang tensyon sa paligid. May kung anong naiiba kay Marcuz—parang may mas malalim pa siyang gustong sabihin. Pagkatapos nilang maghapunan, iniabot ni Marcuz kay Lennah ang isang envelope. “Buksan mo,” aniya, punong-puno ng pananabik. Nang buksan ito ni Lennah, nakita niya ang isang maliit na card na may nakasulat na, “Will you marry me again?” Natigilan siya, pinipigil ang luha sa kanyang mga mata. “Marcuz, ano ito?” mahina niyang tanong. Tumayo si Marcuz mula sa kanyang upuan,

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 115

    Sa loob ng kanilang bagong bahay sa New Zealand, naupo sina Marcuz at Lennah sa kanilang dining table, may dalang tasa ng kape at isang makapal na notebook. Si Spencer naman ay nakaupo sa sahig, gumuguhit gamit ang kanyang mga krayola, abala sa sariling mundo ngunit tahimik na nakikinig sa usapan ng kanyang mga magulang. “Marcuz,” simula ni Lennah habang binubuklat ang notebook, “Matagal ko nang gustong gawin ito. Jsang bagay na hindi lang para sa atin, kundi para rin sa community. Isang maliit na café, marahil, na may kasamang gallery para sa mga local artists.” Ngumiti si Marcuz. “Gusto ko ‘yan, Lennah. Para sa akin, ito ang paraan natin upang magpasalamat sa pagkakataong binigay ng lugar na ito. Bukod pa doon, magiging maganda rin ito para sa mga tao rito na naghahanap ng inspirasyon o simpleng pahingahan.” “Daddy!” biglang sabi ni Spencer habang nilalapit ang kanyang guhit. “Pwede bang maglagay tayo ng corner para sa mga bata? May mga libro, laruan, at crayons din tulad nito?”

  • The CEO's Love Resurrection   Chapter 114

    Umaga. Habang nagkakape si Lennah sa veranda ng kanilang bahay sa New Zealand, napansin niya ang isang envelope na nakalagay sa mesa. Hindi niya alam kung paano ito nakarating doon, ngunit agad niyang napansin ang pamilyar na sulat-kamay sa harapan. Galing ito kay Benjamin. Pinagmasdan niya ang envelope habang unti-unting bumabalot sa kanya ang damdaming hindi maipaliwanag. Nang tuluyan na niyang buksan ang sulat, nagsimula siyang magbasa. ‘Lennah, Kumusta ka? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan, kasama si Marcuz at Spencer. Nag-aalangan man akong sumulat, naramdaman kong kailangan kong gawin ito. Gusto ko lamang ipabatid ang saya ko para sa inyo. Napagdaanan natin ang napakaraming bagay, ngunit sa huli, masaya akong makita kang masaya at buo na ang pamilya mo. Dito sa lungsod, patuloy akong nag-aadjust. Nagbukas ako ng maliit na negosyo—isang coffee shop sa tabi ng gallery kung saan madalas akong magpinta. Naalala ko ang mga araw na magkasama tayong nag-uusap habang umiinom ng ka

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status