TAMARA’S P O V
Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga plato noong gabing iyon ng marinig kong bumukas ang main door. Dali-dali akong nagpunas ng mga kamay at sinalubong si Harry.
Late siyang umuwi ngayon. It was almost ten in the evening. This was new. I was usually the one who came home late, and he’d be home sitting at the dining table with Myca and Lily when I walked in the door.
“Bakit ngayon ka lang?” nagtatanong lang ako. Walang pagdududa sa tono ng boses ko dahil malaki ang tiwala ko sa asawa ko. “Madaming trabaho?”
He nodded tiredly, untying the knot of his tie. “Si Lily tulog na?”
“Oo kanina pa. Nakatulog na kakahintay sa’yo…” I sighed deeply before I crouched down to help him remove his shoes. “Ipag-iinit kita ng ulam. Nagluto si Myca ng menudo.’’
I rose up after I placed his shoes in the rack.
“Sige. I’ll just take a shower.’’
Pinanood ko siya habang paakyat siya ng hagdan, and I sighed once again before I walked back towards the kitchen to warm the food.
“So, how’s you first day at work?” I asked while he was eating, and I was standing at the back giving him a relaxing massage.
“Andami agad trabaho…’’ he said, taking a spoonful of the food, moaning. Gustong gusto niya talaga ang mga luto ni Myca.
“Kumusta naman ang boss mo? Is he nice?”
“She’s good…’’
I paused, my heart started to race. My pulses quickened. “Babae ang boss mo?”
Tumango siya bago inubos ang isang basong tubig.
“Pwede ko bang malaman ang pangalan niya?” nagpatuloy ako sa pagmasahe sa kanya, pero mas madiin na ngayon.
“Aray, mahal. Masakit.’’
“Sorry…’’ I took a deep breath and started to relax my fingers.
“Sabrina…’’ wika niya.
“Huh?”
“Sabrina. Pangalan ng boss ko…’’
Hindi na ako nakapagtanong pang muli dahil sa isang iglap lang ay nawala na si Harry sa paningin ko. Pagtingin ko sa plato niya ay ubos na pala ito. Gaano katagal ba akong nakatulala at hindi ko namalayan ang pag-alis niya?
Pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan niya ay umakyat agad ako sa kwarto namin dahil marami pa akong gustong itanong sa kanya. Pero pagbukas ko ng pinto ay nakita kong tulog na siya.
…………..
FOUR MONTHS AGO
“Late na naman si daddy, mommy…’’ Lily pouted cutely as she folded her tiny arms across her chest.
“Kailangan magwork ni daddy, anak…’’ nakangiti kong sabi habang inaayos ko ang kanyang kama. “Halika na. Mahiga ka na dito…’’
“Tuwing gabi na lang siyang late!” Lily threw up her hands dramatically with a roll of eyes, and I laughed. She would make a good actress someday. “Hindi ko na siya nakikita bago ako matulog. Hindi na rin niya ako nababasahan ng fairy tales!”
Nagdadabog na umakyat si Lily sa kama at nagtiyaga na naman sa boses ko habang binabasahan ko siya ng paborito niyang Cinderella.
“And they lived happily ever after.” Maingat kong ibinaba ang libro sa nightstand at saka ko kinumutan si Lily hanggang dibdib. Mahimbing na ang tulog niya. Hindi na naman niya nakita ang kanyang ama.
Dinampian ko ng banayad na halik ang kanyang noo at pinatay ang ilaw bago ako lumabas ng kanyang kwarto.
Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko habang papunta ako sa kwarto namin. Lagi na lang late umuwi si Harry magmula noong nagkaroon siya ng bagong trabaho.
On my side, I always make sure na makakauwi ako ng maaga para makauwi din ng maaga si Myca, at para maabutan ko pang gising ang anak ko. Ayaw ko na matutulog siya sa gabi na hindi niya ako nakikita.
Kagaya ngayon, hindi na nakikita ni Lily ang kanyang ama bago siya matulog. Sana lang ay hindi lumayo ang loob niya kay Harry, dahil ayokong mangyari iyon.
Noong nakaraang araw, nahuli ako ni James, ang supervisor ko na nagmamadaling umuwi. At kanina ay kinausap niya ako tungkol dito. Nagpapasalamat talaga ako dahil mabait siya at naiintindihan niya ang sitwasyon ko.
“You don’t want to miss your child’s growing up years, aren’t you?” nakangiting sabi ni James. Alanganin akong tumango at ngumiti sa kanya. “Huwag kang mag-alala, Tamara, naiintindihan kita. Mula ngayon, mag a-out ka na ng alas singko sa trabaho para hindi ka laging nagmamadali pauwi, okay? Isang itong utos, at ayoko ng complain.” Nakatawa nitong sabi, at sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya.
“Salamat, Sir James…’’ sabi ko at tinapik-tapik lang ako sa ulo at saka lumabas na siya ng cubicle ko.
Pagkauwi ni Harry ng alas diyes ng gabi ay dumiretso na siya sa kuwarto at nahiga sa kama. Ni hindi niya man lang tinanong o sinilip man lang ang anak niya sa kwarto nito.
“Kain ka muna bago ka matulog…’’ sabi ko sa kanya habang nagbibihis ako dahil kakatapos ko lang magshower.
“Kumain na ako…” sabi niya at tumalikod sa akin.
I froze, watching his back. Wala na naman siyang ganang makipag-usap sa akin. Palagi na lang ganito.
Pagkatapos kong magbihis at magpahid ng lotion sa buong katawan ay nahiga ako sa tabi niya. His breathing wasn’t steady yet, so I know he’s still awake.
“Harry…’’ I called in a hushed tone.
“Hmm…?”
“Pwede ba nating ipasyal si Lily ngayong weekend? Namimiss na ng bata ang gumala kasama ka.”
“Hindi ako pwede.” Nagmulat siya ng mga mata at saka humikab. Nakita ko kung gaano kakintab at kalinis ang ngipin niya mula sa malamlam na ilaw ng lamp. Nagpupunta na ulit siya sa dentist? Kailan pa?
“May trabaho ako ngayong Sabado. Di ba nabanggit ko na sa’yo itong bagong project na inassign sa akin ng boss ko?”
Talaga ba? Pero wala akong maalala na may binanggit siya sa akin tungkol dito. Hindi naman kami masyadong nakakapag-usap dahil gabi na lagi siya nakakauwi.
“Ikaw na lang muna ang sumama kay Lily…’’ iyon na ang huling salitang namutawi sa mga bibig niya bago siya bumaling patalikod sa akin.
“Oo na. Lagi namang ako. Ako na lang lagi. Kailan ka ba ulit magkakaroon ng time para sa anak natin, Harry?’’
Naghintay ako ng sagot. Pero wala.
I leaned over, peeking at him. And I was so disappointed when I saw his opened mouth. He’s asleep.
Magdiday off ako bukas dahil nagpaalam kanina si Myca. Sabi niya birthday daw ng nag-iisang pamangkin niya, anak ng kanyang ate. Iniinvite niya nga pumunta si Lily eh, kaso may pasok siya bukas.
I sighed deeply. I really don’t know how to deal with Harry anymore. Lagi na lang pagod. Lagi na lang overtime. Sana lang ay totoo lahat ng sinasabi niya.
Bumiling din ako patalikod ng higa kay Harry at saka ko ipinikit ang aking mga mata. Pinilit kong matulog at ignorahin ang kaba at hinalang namumuo sa aking dibdib.
TAMARA’S P O VKakatapos ko lang magluto ng breakfast—fried rice, bacon and eggs, and I hurried upstairs to find Lily dressed and ready in her blue nursery school uniform.“Wow! You can change on your own now!” I commented, crouching down to help her pull up her socks.“I’m a big girl, mommy!”Pagkatapos kong maisuot ang mga medyas sa mga maliliit niyang mga paa ay tumayo na ako upang ipusod ang kanyang mahaba, itim na itim at makintab na buhok.She pouted, shaking her head when I pulled the flower hair clips from the drawer. “No! I want the peppa pig hair clip!”Hinila ko ulit pabukas ang drawer at hinanap ang peppa pig na sinasabi niya. Nakita ko ang pink na peppa pig, ngunit umiling ulit siya, a look of disgust on her face, and then she sighed.“Yung red na peppa pig!”Napakamot ako sa ulo. Akala ko pink lang na peppa pig ang meron. “This one?” kulay blue ang nadampot ko at lalong nagmarakulyo ang aking prinsesa.“Ako na lang ang hahanap. Here!” She passed me the red one. “Clip on
TAMARA’S P O VNagpakawala ng malalim na buntong hininga si Harry bago siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan.“Ano? Hindi ka na nakasagot?” angil ko.“Pagod ako, Tamara.” Isa pang buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang humahagod ang mga mahahaba niyang daliri sa magulo niya ng buhok. “Kaya ako tumango. Ibig kong sabihin dun, birthday niya at nagpakain siya sa canteen.”I stared at him for a moment, trying to read him. “Ano pa ang inililihim mo sa akin, Harry?”“Wala!” he said, glaring at me. “Wala akong itinatago sa’yo. Wala akong inililihim sa’yo!”“Talaga ba?”He held up his hands. “Ayokong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagtalo sa’yo. Pagod ako at gusto ko ng magpahinga. Please lang, huwag kang nagger, Tamara. Nagiging katulad ka na ni mommy.‘Si Mommy, napakanagger. Wala ng ginawa kundi bunganga dito, bunganga doon. Mula umaga hanggang hapon, binubungangaan pa din si daddy.’Naalala kong sinabi niya sakin iyon dati at napatulala ako. Ganoon ba ako sa kanya? Nagger na ang
TAMARA’S P O VHarry reached over and squeezed my hand, and I squeezed it back. Alam ko magiging maayos din kami. Maaayos din namin ang lahat. Every marriage has bumps, and ours was no different. For better or for worse, like what we had vowed to each other in our wedding.Sumandal ako sa aking upuan ng may ngiti sa mga labi habang ang mga kamay namin ay magkahugpong pa rin. My heart considerably lighter than it has been in a long while."Magsi-cr lang ako saglit." Paalam sa akin ni Harry pagkapasok pa lang namin sa venue kung saan gaganapin ang party ng aming kumpanya bilang pagwelcome at pasasalamat sa mga nag avail ng mga units.Ayaw naman talaga niyang sumama sa akin. Pinilit ko lamang siya. At nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay pumayag siya. Malaki ang aking mga ngiti habang papasok sa malawak na bulwagan.The hall was crowded with people, and almost every available space was filled with men in suits and elegant women dressed in beautiful dresses, chatting, laughing
TAMARA’S P O VNagdire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa umabot ako sa garden kung saan nakita ko mula sa malamlam na ilaw na nagmumula sa buwan at sa poste ang mga naggagandahang bulaklak ng puti at pulang mga rosas.Napatitig ako sa mga bulaklak nang maalala ko na naman ang gabing iyon. “Napakaganda mo, Tammy. Mas maganda ka pa sa mga bulaklak dito…”I continued looking blindly upon the garden in silence, with Daniel stricken dumb beside me as well, and then he walked around, then stopped, his head tilted up to watch the moon, his hands were shoved in his both of his pants pocket.Umikot siya paharap sa akin, at sa mahina at mababang boses ay narinig kong usal niya, “Patawarin mo ako kung naging tahimik ako pagkatapos nating maghiwalay. Hindi ko akalain na magkikita pa tayo after seven years, at… nagulat ako. Halos wala kang pinagbago, Tamara.”His words were deafening in their utter quietness. They dragged me back to our past, shattering the present into a hundred million shard
TAMARA’S P O VTWO MONTHS AGOMay mga properties at units na rin kami na itatayo sa Cebu kaya nagpaalam ako kay Harry na pupunta ako doon sa Sabado para makatulong sa pagpapamudmod ng mga flyers at magbenta na rin syempre. Additional income din yun.“Paano si Lily?” tanong agad ni Harry, ang mga guhit sa kanyang noo ay lalo pang lumalim.“Malaki na siya. Kaya na niyang alagaan ang sarili niya.” Sa sinabi kong iyon ay pinanlakihan niya ako ng mga mata na para bang hindi siya makapaniwala na sasabihin ko iyon. “Joke lang! ‘To naman, di na mabiro. Siyempre dito ko muna patutulugin si Myca. Nakausap ko na siya at pumayag naman. Dadagdagan ko na lang ang sahod niya.”Napahinto ako sa pagtitiklop ng mga sinampay at napatingin sa kanya dahil wala akong narinig na sagot.“Gusto mo bang sumama sa akin?” I asked with a hopeful look. Umaasa ako na papayag siyang samahan ako sa Cebu.Pero umiling siya na siyang ikinadismaya ko. “May trabaho ako, Tamara. At bago lang ako dun. Alam mong hindi pa ak
TAMARA’S P O V“Hindi ko alam, Wendy…” nakakunot-noo kong saad habang nakatitig sa kanya. “We used to be a team, both working, seeing equal amounts of Lily. Hindi perpekto ang pagsasama namin pero marami kaming time sa isa’t isa. Hindi man siya masaya sa dati niyang trabaho, pero masaya kami sa bahay. Palagi kaming may bonding, halos hindi kami mag-away. Pero ngayon...”Kinuha ni Wendy ang kanang kamay ko at pinisil ito ng marahan.“Ngayon, nagbago na ang lahat…” pagpapatuloy ko sa pagkwento na lalong nagpapabigat sa aking dibdib dahil bumabalik ang lahat ng mga pasakit na naramdaman ko, pero kailangan kong mailabas ito. Kailangan kong masabi sa kanya ang lahat ng naranasan ko sa kamay ni Harry. Minsan lang kami magkita ni Wendy kaya kailangan ko ng ikwento sa kanya ang lahat lahat. “Mas malaki na din ang kinikita niya ngayon kumpara dati. Times three ang kita niya kumpara sa kinikita ko.”"Kaya siguro lalo siyang yumabang." Umiling-iling si Wendy na para bang hindi makapaniwala sa mg
TAMARA’S P O V“Ano?” medyo umasim ang mukha ko sa sinabing iyon ni Wendy. “Counsellor? Para saan? Hindi kami maghihiwalay ni Harry…”Inabot ulit ni Wendy ang kanang kamay ko at pinisil ito ng marahan. “Hindi ko sinabing magihihiwalay kayo. Sobrang worried lang ako sa’yo, sa pagsasama ninyo. Ayaw mo bang ayusin ‘to? Paano kung mawalan na siya ng gana sa’yo ng tuluyan. You need to do something, Tam. Go home to your husband and have a talk with him. Really talk to him. Hindi pwedeng ganito na lang lagi.”“Sige susubukan ko.”“Huwag mong subukan. Gawin mo. Kausapin mo si Harry.” Aniya, at binitawan na ang kamay kong nag-uumpisang mamasa. Siguro naramdaman niya na nababasa na rin ang kamay niya kaya binitawan niya na ito at humalukipkip. “At saka isa pa. Bumili ka ng sexy lacy black lingerie. Hindi pa yun pumapalya kahit kailan, maniwala ka sa akin. Sigurado, pagkakita niya sa’yo, susunggaban ka kaagad nun.”Napahagikgik ako ng malakas sa sinabi niya.……….********………..Pagkauwi galing sa
TAMARA’S P O VPagbalik ko sa sala ay nakita kong nakatulog na sa sofa si Lily. Awang-awa ako sa anak ko. Hindi niya na nahintay na umuwi ang kanyang magaling na ama, at nakatulog na siya sa sobrang antok. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko siya binuhat at inakyat sa kanyang kwarto. Pagkalapag ko sa kanya sa kama niya ay nahiga ako sa tabi niya habang bumubulong ako ng “I’m sorry, anak…” habang pinupunasan ang kanyang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.Ang mga luha ko ding pilit na pinipigilan kanina pa habang kausap ko si Harry ay unti-unting bumagsak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na naman siya uuwi, kaya ipinikit ko ang mga mata kong hilam pa sa mga luha, at pinilit kong matulog habang yakap-yakap ko ang anak kong mahimbing ng natutulog.Pagkagising ko kinabukasan ay nakita ko ang kotse ni Harry na nasa garahe na. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakauwi, dahil hindi ko na rin namalayan kung anong oras na ako nakatulog. At pa
TAMARA’S P O VKinabukasan ay maagang inihatid ni mama si Lily sa school kaya naman pagbaba ko sa kusina para mag-almusal ay hindi ko na sila naabutan. Hindi rin ako ginising ng anak ko. Siguro ay sinabi dito ni mama na hindi ako papasok sa trabaho ngayon. Nag-isip na lamang siguro ng dahilan si mama kung bakit, dahil alam kong matanong ang anak ko.Nagkape muna ako, at kumain ng tasty bread na nilagyan ko ng palaman na peanut butter. Habang kumakain ay nagiiscroll ako sa cellphone ko kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho. Pwede siguro ako sa call center dahil fluent naman akong magsalita ng english. Pwede din sa office ulit, mag-iistart ako sa mababang posisyon kagaya ng secretary o personal assistant. Ilang araw pa lang naman kasi akong branch manager sa opisina kaya hindi ko ito pwedeng ilagay as experience.Ah, bahala na. Lalabas na lamang ako at maghahanap kung ano ang mga hiring.Pagkahugas ko ng ginamit kong tasa ay umakyat na ulit ako sa taas para maligo. Kailangan kong u
TAMARA’S P O VAyos na sana ang lahat. Papatawarin ko na sana siya sa ginawa niya sa akin, kaya lang ay bigla ulit itong nagsalita at sinabing, “Kung magreresign ka man, kailangan mong bayaran ang breach of contract…” nakangisi nitong sabi. “Pero isang tingin ko pa lang sa’yo ay hindi mo na kayang bayaran ito…” dagdag pa nito bago tumaas-baba ang tingin nito sa akin at pinagmasdan ang lumang kasuotan ko. “Hindi din siguro sasapat ang ipon mo para bayaran ako, tama ba?”Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi na ako nakakapamili ng mga bagong suotin sa opisina dahil iniisip ko ang ipon ko para kay Lily. Para sa kanyang pangangailangan ang kakaunting naipon ko kaya hindi muna ako gumagastos para sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko at sa anak ko. Heto ako nagtitiis upang mabuhay siyang mag-isa samantalang ang tatay niya ay isang milyonaryo at may-ari ng isang matagumpay na kumpanya.Eksaktong paglapit sa akin ni Daniel ay lumipad
TAMARA’S P O VNagkita ulit kami ni Daniel noong may party ang company, pero isa iyon sa mga hindi ko inaasahang mangyayari. At dahil doon ay nakita kami ni Harry at nag-isip agad ito ng masama tungkol sa amin. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita, pero wala namang problema kung magkita ulit kami, pero ‘yung maging boss ko siya at araw-araw kaming magkakasama, hindi ko ata kakayanin iyon, lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Paano kung malaman niya ang tungkol kay Lily? Baka kunin niya sa akin ang anak ko. Natatakot akong gawin niya iyon. Mas mabuti pang magresign na lamang ako sa trabaho, at kahit bumalik kami sa Maynila, huwag lamang mawala ang anak ko sa akin.Noong sinabi sa akin ni Wendy na nagpakasal na ulit si Daniel, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay galit na galit sa akin ang mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Maluwag kong tinanggap ang naging kapalaran namin ni Daniel. Alam kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil ayaw sa akin n
TAMARA’S P O V As usual, nagviral ang video na iyon ni Wendy at tinadtad ito ng iba’t ibang mga comments kagaya ng: “Malandi ang author ng book, bagay lang sa kanya ‘yan!” “Mang-aagaw! Homewrecker! Kulang pa sa’yo yan!" “Dapat ipasunog lahat ng libro mo. Wala nang bibili niyan! Hindi ka pa sumisikat laos ka na kaagad!” Tapos may nabasa pa akong mga comment tungkol naman ito kay Harry. “’Yang lalaki, may anak yan na six or seven years old. Kaklase dati ng anak ko ang anak niyan sa Cubao.” “Cubao? Di ba taga Cebu si Wendy? Paano sila nagkikita ng ganun kalayo?” “Baka naman etong babae talaga ang habol ng habol at panay ang punta dito sa Maynila para magpakantot lang sa lalaking ‘yan! Idinadahilan lang 'yung libro niya, Napakalandi talaga! Sariling kaibigan mo ang niloko mo! Ahas ka! Doon ka sa gubat nararapat!” “Balita ko naglayas na ‘yung tunay na asawa kasama ‘yung anak nila.” “Kahit ako man, iiwanan ko talaga ang babaerong ‘yan! Walang kwentang lalaki!” Sinubukan ko pang b
TAMARA’S P O VUmiiyak na si Harry sa harap ko. At nagsimula na naman itong maglitanya. Mga araw-araw na message niya sa akin na parang sirang plakang inuulit-ulit niya ngayon.“I’m sorry, Tamara. Please forgive me. Please… pwede pa tayong magsimula ulit. Hindi ko kakayanin ang mawala ka. Ang mawala kayo ni Lily sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Tam. Please…”He looked up at me. And I was reminded of the way he had looked up at my mom as we sat in the living room of her house six years ago. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng sinseridad habang kinakausap ang mama ko para hingin ang mga kamay ko. He was so raw and honest, like his words, stumbling, yet so sweet and gentle.“Alam mo, mabuti na lamang at hindi ikaw ang tunay na ama ng anak ko.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit na namuo sa dibdib ko. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga pagdurusa ni Lily. Sa tuwing sinasabi nito na, ''hindi na ako mahal ni daddy, mommy,'' para akong sinasaksak ng
TAMARA’S P O VNapagdesisyunan kong ibigay na lamang kay Harry ang bahay. Ipinagpipilitan nito na kailangan daw naming maghati kapag naibenta na niya ito. SIyempre hati kami. Hindi ako papayag na mapunta lang ang perang mapagbebentahan namin sa babae niya. At saka mas lugi ako dahil may anak ako. Alam ko naman na hindi siya magsusutento kay Lily, at hindi ko naman talaga hihingin iyon sa kanya, at kahit magpumilit pa ito ay hindi ko tatanggapin dahil wala siyang obligasyon sa anak ko. Wala na siyang karapatan ngayon sa anak ko, dahil lahat ng pagkakataon na ibingay ko ay binalewala lang nito. Hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng anak ko.Isang araw ay tumawag ito pero hindi ko ito sinagot kaya naman nag-iwan na lamang ito ng mensahe sa voice mail.His voice cracked with emotions as he said, “Natanggap ko na ang annulment papers kaninang umaga lang. Gusto kong malaman mo na… hindi ako kumokontra dito. Nagkasala ako sa’yo. Niloko kita, at alam kong hinding-hi
TAMARA’S P O VIt’s been two months. Two months had passed since the day I found out about Harry and Wendy’s secret affair. At magmula noon ay natahimik na ang buhay ko. Nalaman kong niloloko ako ng asawa ko, fine. Ipinagpalit niya ako sa iba, at sa sarili kong kaibigan, fine. Huwag na huwag lang nila akong guguluhin, lalong lalo na ang anak ko dahil talagang magsasampa ako ng kaso para sa kanilang dalawa. Gusto ko sanang ngayon na gawin, pero ayoko na ng gulo. Gusto ko na lamang manahimik para sa kapakanan ng anak ko.Nagdesisyon na rin akong umalis sa bahay na ipinundar naming mag-asawa at nagsabi sa mama ko na doon muna kami sa kanya sa bahay nito sa Sampaloc.Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit namin ni Lily at inilagay ang mga ito sa mga boxes at bags. Lilipat muna kami sa bahay ni mama. Doon muna kami titira dahil ayoko nang manatili pa sa bahay na ito. Maraming mga alaala ditto na gusto ko nang kalimutan.Si Harry ay hindi malaman ang gagawin habang pinapanood ang mga tagaha
HARRY’S P O VNung tumawag si Wendy at sinabi sa akin na nakunan si Tam, pakiramdam ko ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari iyon. Ako ang may dahilan kung bakit siya nakunan. Kay tagal kong hinintay na magkaanak kaming dalawa. Kay tagal naming sumubok, ngunit mawawala lamang ito sa isang iglap dahil sa mga panlolokong ginawa ko.Naalala kong napag-usapan pa namin ito ni Wendy noong una kaming nagkita sa isang coffee shop. Hindi ko malaman kung paano napunta doon ang usapan namin pero bigla na lamang itong binanggit ni Wendy. Hindi ko rin alam na nasabi ito ni Tamara sa kanya.“Sabi ni Tam, tinatry niyo daw magkaroon ng anak? Totoo ba?” tanong nito, at sinagot ko ito ng marahang tango sabay ngiti, pero tinignan niya lang ako nang may awa sa kanyang mga mata na ikinakunot ng aking noo. “Hindi mo nga siya masatisfy, paano mo pa siya mabubuntis?” she sighed, and I secretly rolled my eyes. “Huwag kang mag-alala, ituturo ko ang lahat sa’
HARRY’S P O VMay ipinakita pang isang litrato si Abby sa akin. Ito ay ang plate number ng kotse ko para daw maniwala ako na nakita niya talaga ako noong gabing iyon. At sa ikatlong picture ay ang ulo ni Wendy na nakasubsob sa pagitan ng aking mga hita habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak ang buhok niya, ang mga mata ko ay nakatirik, at nakabuka ang aking bunganga.Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko. Ang unang unang pumasok sa isip ko ay, hindi ito kailangang malaman ng asawa ko.“Isa siyang kaibigan…” medyo nanginginig pa ang boses ko nung sinagot ko si Abby. “Nag-away sila ng asawa niya, kaya… dinadamayan ko lang siya sa problema niya.” Pagsisinungaling ko dito.“Talaga ba?” Abby chortled. “Pero bakit naghahalikan kayo? Ang dalawang magkaibigan ay hindi maghahalikan dahil lamang sa isang problema sa pamilya. Huwag kang magsisinungaling sa akin kuya.”Hindi siya naniniwala sa akin. Sino ba namang tanga ang maniniwala sa mga sinabi ko?"Sasabihin mo ba sa ate mo?” ta