BUONG maghapon wala sa sarili si Luna. Nasa trabaho nga siya ngunit ang utak niya ay wala doon lalo na at tila nag-eeco sa isip niya ang huling linya na sinabi ni Sebastian. Ang hindi alam ni Luna ay kanina pa siya tinatawag ni Caroline upang sabihin dito ang schedule niya para bukas. Mag-uuwian na ‘rin kasi sila kaya bago sila umuwi ay nag report muna ito kay Luna. Kaso tagusan lang ang tingin nito sa kaniya. Kahit na tila nakikinig ito ay tila isa siyang multo sa harapan ng amo. Sinubukan na niyang ikaway ang kamay sa harap ni Luna ngunit katulad ng inaasahan ay hindi manlang ito kumurap. Wala nga ito sa sarili, kanina pa niya iyon napapansin simula ng pumasok ito. Tinatanong niya naman ito kung ayos lang siya pero tango lang ang sinasagot nito sa kaniya. Hindi magaling magsinungaling ang amo niya. “Ms.Luna!” buong lakas na sigaw niya na ikinabalik ni Luna sa kaniyang sarili. Nakita niya si Caroline sa kaniyang harapan at punong-puno ng pagtataka ang isip. “Are you saying
KAHIT na walang kasiguraduhan ay muling bumalik si Luna sa kumpanya ni Sebastian para kausapin ito. Sa nakalipas na gabi ay iniisip niya ang sinabi ng anak sa kaniya. Alam niya na malaki ang tiwala ni Celine sa kaniya kaya hindi manlang ito nagduda kaso nakokonsensya siya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa oras na malaman nito ang totoo o kung babalik pa ba si Sebastian. Masyadong mabilis ang lahat, biglang isang araw naging ganoon nalang ang lalaki. Matatanggap pa niya na ayaw na nito sa kaniya pero ‘wag lang ang sa anak niya dahil mahal na mahal nito ang daddy niya. Nang makarating siya sa floor ni Sebastian ay nagulat si Vince ng makitang dumating siya. Agad itong tumayo at sinalubong siya.“Luna!” Ngumiti lamang siya sa lalaki ng malaki. “Good morning to you too, Vince. Gusto ko sanang makausap si Sebastian,” deretsyo niyang sabi dahil ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa. “P-pero may meeting pa siya—” “I don’t care. Cancel it kailangan namin mag-usap.” Pagkasabi ni Luna
ORAS nang tanghalian at nagsama-sama ang napakaraming studyante ng Moon University sa kanilang cafeteria. Kahit sila Celine ay naroroon upang kumain ng kanilang tanghalian. Hindi naman nahirapan si Celine na makipagclose sa kaniyang mga kaklase kung kaya masaya siya na nag-aaral sa day care. “Celine dito tayo ah!” Sabi ng isa sa kaklase niya na papunta sa may isang table na ikinatango niya lang at humarap na muli sa counter para umorder. “Oh, ikaw pala ‘yan Celine. Anong sa’yo?” ngiting tanong sa kaniya ng isa sa mga nagbebenta doon. Madaling nakilala si Celine sa lugar na iyon hindi dahil alam nilang anak ito ni Sebastian Anderson kundi dahil sa angking talino, ganda at daldal nito. Pero sa katalinuhan talaga siya pinakang sumikat, kahit sa college building ay alam nila ang tungkol sa isang bata na mayroong IQ na sobrang taas. Balibalita na nga ang pag a-advance ni Celine dahil hindi na naaayon sa IQ niya ang tinuturo sa kanila. “Isa pong—” hindi naituloy ni Celine ang pag
“SIGURADO ka bang okay ka na dito?” tanong ng babaeng naghatid kay Celine sa kumpanya ng mommy niya. “Yes po, kilala naman na po ako dito ng mga employees. Salamat po ng marami ma’am?” “Isabel, call me tita Isabel nalang.” Napangiti si Celine dahil doon at niyakap ito. “Thank you po, tita Isabel!” Matapos nilang magpaalam sa isa’t-isa ay kumakaway pa si Celine habang papaalis ang kotse nito. Nang mawala iyon sa paningin niya ay pumasok na siya sa loob at tulad ng inaasahan ay binabati siya ng mga employees na naroroon. Binabati naman niya pabalik ang mga ito hanggang sa sumakay na siya ng elevator papunta sa pinakang office ng mommy niya. Nang makarating siya doon ay nakita niya si Caroline na busy sa table nito. “Hi, tita Caroline!” tawag pansin niya dito at ng makita siya ay nagtaka ito. Tumingin pa ito sa kaniyang orasan at wala pa namang alastres, oras ng uwian nito. “Celine! Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta dito hindi ba katatapos palang ng lunch niyo?” S
“Dear Luna, Sigurado ako sa oras na binabasa mo ‘to ay wala na kami. Please anak tanggapin mo na wala na kami ng daddy mo gaya ng pagtanggap namin na mawawala ‘din kami sa mundong ‘to. Unang-una gusto kong sabihin sa’yo na mahal na mahal ka namin, minahal ka namin na parang tunay na anak. Tama ang nabasa mo Luna, hindi ka namin tunay na anak ng daddy mo pero kahit isang beses ay hindi namin inisip ang bagay na iyon dahil mahal na mahal ka namin. ‘Wag ka sanang magalit saamin anak, hindi namin ginawa ang lahat ng ‘to dahil gusto namin. Napilitan lang kami ng daddy mo. Hanapin mo ang tunay mong mga magulang, ang pangalang Luna ay galing sa iyong ina. Mahal na mahal ka namin Luna. —Nagmamahal, ang iyong ina Layla Fernandez” Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Luna matapos niyang basahin ang sulat na iyon ng kaniyang ina. Ang daming pumapasok sa isip niya; totoo ba ang sulat na iyon? Paano nagawang itago sa kaniya ng tumayo niyang magulang ang lahat ng iyon? Sino ang tunay niyang magula
KABUBUHAY lang ni Luna ng kaniyang cellphone dahil pabalik na siya sa trabaho. Pero bago siya pumunta doon ay dadaanan niya muna ang anak sa school pero dahil sa mga natanggap niyang text at missed calls kay Caroline ay nalaman niya na kasama ni Yannie si Celine. Ayon dito ay hinahanap siya nito, nagtataka pa siya nung una kung bakit pero ng mabasa ang message ni Caroline matapos ang maraming missed calls ay naihinto niya ang kotse sa isang tabi. Dali-dali siyang nagbukas ng kaniyang social media and again nasasaktan nanaman siya. Pero hindi na ganon kasakit kanina. Bago siya tuluyang umalis doon ay buo na ang desisyon ni Luna na aalis na sila doon ni Celine. Wala ng dahilan para magtagal pa sila doon lalo na ngayon na nakita niya ang news tungkol sa babaeng pakakasalan nito. “Kaya mo ‘to Luna. Gawin mo para sa anak mo. Kaya mo nga ng walang ama si Celine ngayon pa kaya?” Pagpapalakas niya sa kaniyang loob at dali-daling pinaandar ang kaniyang sasakyan papunta sa kaniyang offic
SINO nga ba ang mag-aakala na aasikasuhin siya ngayon ng kaniyang anak imbes na siya ang mag asikaso dito. Nakaupo si Luna ngayon isa sa upuan na nasa island type na kitchen na iyon habang si Celine ay itinutuloy ang pagluluto nito na naudlot kanina. Hindi makalimutan ni Luna ang ginawang pag papatahan sa kaniya ng anak kanina. Naalala niya na siya ang gumagawa niyon sa anak pero ngayon ang gumagawa na nito ay ang anak mismo. Kailan ba lumaki ng ganoon ang anak? Simula lang naman ng lumipat sila sa Pilipinas ay hindi na niya nakakasama ito ng matagal. Nabalikan niya ang mga nakalipas na panahon simula ng lumipat sila doon at narealize niya na marami na palang nagawa ang anak na hindi nga pangkaraniwang bagay. Una na jan yung pinupuntahan pala nito ng palihim ang ama. Paano nga naman niya iyon magagawa hindi ba? Sunod ay ang mga panahon na na-kidnapped ito at sila, ni hindi manlang kinakitaan ng takot ang bata sa katunayan ay tila natutuwa pa. Bakit nga ba niya nakalimutan ang part n
KUMAIN ng tahimik si Luna at Celine sa kusina, walang namamagitan na kahit na akong salita sa kanilang dalawa. Kahit si Luna na marami sanang gustong itanong sa anak katulad nalang kung ayos lang ba ito o kung bakit ganoon ang naging trato nito sa kaniya, ngunit hindi niya magawa. Panay ang tingin lang ang ginagawa ni Luna. Mabilis na natapos kumain si Celine kung kaya ay mas binilisan ‘din ni Luna upang makasabay niya ang anak. “Tapos na ako mommy,” Seryosong sabi ni Celine at tumayo. Nataranta si Luna dahil doon kaya agad ‘rin siyang tumayo at isinubo pa ang huling kutsara ng kaniyang pagkain. “Tapos na ‘rin ako!” Napatingin si Celine sa kaniya ngunit nanayo lang ang balahibo niya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Maya maya ay tumango lang si Celine at kukuhanin na sana ang pinagkainan nila ang unahan niya ang anak. “Ako na,” Hinugasan na ‘rin niya ang mga plato at habang ginagawa iyon ay wala pa ‘ring imikan na nagaganap sa pagitan nilang dalawa. Mas lalo lang tuloy nag-