Guys remember na paikot-ikot lang ang mundo. Pagkatapos sumaya kalungkutan. Hangga't maaari gusto kong maging realistic ang kwento to the point na makakarelate tayo although fiction ito. Sana samahan niyo ako hanggang dulo huhu! Btw two updates for todays since yes, may twist po ito kaya hang in there Kimmie's!
“SIGURADO ka bang okay ka na dito?” tanong ng babaeng naghatid kay Celine sa kumpanya ng mommy niya. “Yes po, kilala naman na po ako dito ng mga employees. Salamat po ng marami ma’am?” “Isabel, call me tita Isabel nalang.” Napangiti si Celine dahil doon at niyakap ito. “Thank you po, tita Isabel!” Matapos nilang magpaalam sa isa’t-isa ay kumakaway pa si Celine habang papaalis ang kotse nito. Nang mawala iyon sa paningin niya ay pumasok na siya sa loob at tulad ng inaasahan ay binabati siya ng mga employees na naroroon. Binabati naman niya pabalik ang mga ito hanggang sa sumakay na siya ng elevator papunta sa pinakang office ng mommy niya. Nang makarating siya doon ay nakita niya si Caroline na busy sa table nito. “Hi, tita Caroline!” tawag pansin niya dito at ng makita siya ay nagtaka ito. Tumingin pa ito sa kaniyang orasan at wala pa namang alastres, oras ng uwian nito. “Celine! Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta dito hindi ba katatapos palang ng lunch niyo?” S
“Dear Luna, Sigurado ako sa oras na binabasa mo ‘to ay wala na kami. Please anak tanggapin mo na wala na kami ng daddy mo gaya ng pagtanggap namin na mawawala ‘din kami sa mundong ‘to. Unang-una gusto kong sabihin sa’yo na mahal na mahal ka namin, minahal ka namin na parang tunay na anak. Tama ang nabasa mo Luna, hindi ka namin tunay na anak ng daddy mo pero kahit isang beses ay hindi namin inisip ang bagay na iyon dahil mahal na mahal ka namin. ‘Wag ka sanang magalit saamin anak, hindi namin ginawa ang lahat ng ‘to dahil gusto namin. Napilitan lang kami ng daddy mo. Hanapin mo ang tunay mong mga magulang, ang pangalang Luna ay galing sa iyong ina. Mahal na mahal ka namin Luna. —Nagmamahal, ang iyong ina Layla Fernandez” Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Luna matapos niyang basahin ang sulat na iyon ng kaniyang ina. Ang daming pumapasok sa isip niya; totoo ba ang sulat na iyon? Paano nagawang itago sa kaniya ng tumayo niyang magulang ang lahat ng iyon? Sino ang tunay niyang magula
KABUBUHAY lang ni Luna ng kaniyang cellphone dahil pabalik na siya sa trabaho. Pero bago siya pumunta doon ay dadaanan niya muna ang anak sa school pero dahil sa mga natanggap niyang text at missed calls kay Caroline ay nalaman niya na kasama ni Yannie si Celine. Ayon dito ay hinahanap siya nito, nagtataka pa siya nung una kung bakit pero ng mabasa ang message ni Caroline matapos ang maraming missed calls ay naihinto niya ang kotse sa isang tabi. Dali-dali siyang nagbukas ng kaniyang social media and again nasasaktan nanaman siya. Pero hindi na ganon kasakit kanina. Bago siya tuluyang umalis doon ay buo na ang desisyon ni Luna na aalis na sila doon ni Celine. Wala ng dahilan para magtagal pa sila doon lalo na ngayon na nakita niya ang news tungkol sa babaeng pakakasalan nito. “Kaya mo ‘to Luna. Gawin mo para sa anak mo. Kaya mo nga ng walang ama si Celine ngayon pa kaya?” Pagpapalakas niya sa kaniyang loob at dali-daling pinaandar ang kaniyang sasakyan papunta sa kaniyang offic
SINO nga ba ang mag-aakala na aasikasuhin siya ngayon ng kaniyang anak imbes na siya ang mag asikaso dito. Nakaupo si Luna ngayon isa sa upuan na nasa island type na kitchen na iyon habang si Celine ay itinutuloy ang pagluluto nito na naudlot kanina. Hindi makalimutan ni Luna ang ginawang pag papatahan sa kaniya ng anak kanina. Naalala niya na siya ang gumagawa niyon sa anak pero ngayon ang gumagawa na nito ay ang anak mismo. Kailan ba lumaki ng ganoon ang anak? Simula lang naman ng lumipat sila sa Pilipinas ay hindi na niya nakakasama ito ng matagal. Nabalikan niya ang mga nakalipas na panahon simula ng lumipat sila doon at narealize niya na marami na palang nagawa ang anak na hindi nga pangkaraniwang bagay. Una na jan yung pinupuntahan pala nito ng palihim ang ama. Paano nga naman niya iyon magagawa hindi ba? Sunod ay ang mga panahon na na-kidnapped ito at sila, ni hindi manlang kinakitaan ng takot ang bata sa katunayan ay tila natutuwa pa. Bakit nga ba niya nakalimutan ang part n
KUMAIN ng tahimik si Luna at Celine sa kusina, walang namamagitan na kahit na akong salita sa kanilang dalawa. Kahit si Luna na marami sanang gustong itanong sa anak katulad nalang kung ayos lang ba ito o kung bakit ganoon ang naging trato nito sa kaniya, ngunit hindi niya magawa. Panay ang tingin lang ang ginagawa ni Luna. Mabilis na natapos kumain si Celine kung kaya ay mas binilisan ‘din ni Luna upang makasabay niya ang anak. “Tapos na ako mommy,” Seryosong sabi ni Celine at tumayo. Nataranta si Luna dahil doon kaya agad ‘rin siyang tumayo at isinubo pa ang huling kutsara ng kaniyang pagkain. “Tapos na ‘rin ako!” Napatingin si Celine sa kaniya ngunit nanayo lang ang balahibo niya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Maya maya ay tumango lang si Celine at kukuhanin na sana ang pinagkainan nila ang unahan niya ang anak. “Ako na,” Hinugasan na ‘rin niya ang mga plato at habang ginagawa iyon ay wala pa ‘ring imikan na nagaganap sa pagitan nilang dalawa. Mas lalo lang tuloy nag-
HINDI makapaniwala si Luna na kaharap niya ngayon ang tunay na anak ng kaniyang tumayong magulang Sa kayuwanay ay natanggap na niya na hindi niya ito tunay na magulang ang kaso ang katitohanan na mayroon itongng tunay na anak ay hindi niya mapaniwalaan.Ang akala niya ay tunay ba magulang lang nito ang kaniyang mahahanap iyin pala ay tunay na anak nito. Dahil tajot siya namalaman ang katotohanan mula dito ay pinapasok niya ito sa kanilang bahay ay doon ay nagpatuloy sila sa kanilang pakikipangkwentuhan.Wala sana siyang balak na ikwento dito ang buong pangyayari ngunit nagulat siya na alam nito ang totoong nangyari sa kanilanv pamilya. Dahian para mapatunayan niya na totoo pala ang sinasabi nito sa kaniya.
NAKAUPO ngayon sila Luna at Celine kasama ang bagong dating na babaeng nagpakilala bilang Lisa. Hindi pa rin makapaniwala si Luna na kaharap niya ngayon ang tunay na anak ng tumayo niyang magulang. “H-hindi ako makapaniwala… hindi ko inaasahan… kanina ko lang nalaman na hindi ako tunay na anak nila mommy at daddy tapos ngayon lumitaw ka…” Putol-putol at tila naguguluhan na sabi ni Luna kay Lisa. Ngunit si Celine na walang alam sa katotohanan na iyon ay gulat na napatingin sa ina. “Hindi tunay na anak mommy?!” Napatingin si Luna sa anak at marahang tumango dito na may malungkot na ngiti. “Nakita ko ang sulat ni mommy na sinasabi niyang hindi nila ako tunay na anak.” “Oh my god mommy!” agad na niyakap ni Celine ang ina pagkasabi niya niyon kaya napangiti si Luna. Oo masakit sa kaniya ang katotohanan na iyon pero hindi magbabago ang katotohanan na kailangan niyang tanggapin ang lahat lalo na wala na ang mga ito para pasalamatan niya sa lahat ng ginawa nito sa kaniya. “It’s okay, a
“HUH? Hindi ko maintindihan.”Naguguluhan na sabi ni Luna kay Lisa na lalong kkinaseryos nito.“Alam kong alam ni Celine ang totoo,”Dahil sa sinabi ni Lisa ay napatingin siya kay Celine. Hindi na ito makatingin sa kaniya. Doon palang sa part na iyon ay kuha na agad ni Luna pero dahil ayaw niyang guluhin ang anal ay hindi na niya ito kinulit pa.“It’s okay…” sabi ni Lisa at muling tumingin kay Luna. “Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang lahat.”Napakunot ang noo ni Luna dahil doon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya nsy Lisa. Ayaw naman niya pilitin ang anak dahil ayaw niyang mahirapan ito. Mas okay na dakaniya na mahirapan siya keysa ang anak niya.Maraming taon o buwan na siyang nahirapan isama mo pa sng tungkol kay Sebastian kaya ayaw niyang magdamdam ang anak. On the other side alam niyang sa kanilang dalawa ay mas maalam ang anak.Nagawa nga nitong amuhin siya iyon pa kayang down na down siya?