KATULAD ng plano ni Sebastian ay hindi nila tinapos si Luke. Nang nanghihingalo na ito ay itinigil nila ang pagpapahirap at ikinulong sa isang silid. Syempre pinagamot nila ito para hindi ito tuluyang manghina at mamatvy. Matapos iyon at kulong nalang ito at hindi pinapakain ng tama.Bumalik na ‘rin sila sa kanilang bahay at doon na muling tumira. Inasikaso na ni Luna ang pag-aaral ni Celine at ililipat nila ito ng paaralan. Katulad ng plano ni Sebastian ay siya ang naghanap ng papasukan nito at iyon ay sa Moon University na siyang pinag-aaralan nila noon.Dahil nga kilala na siya sa eskwelahan na iyon ay mabilis na natanggap si Celine at sa isang araw ay papasok na ito.Si Luna naman ay bumalik na muli sa kaniyang trabaho dahil na ‘rin ang dami niyang paperworks na naiwan. Si Caroline naman ay ibinalik na ni Luna bilang secretary niya at tulad ng pangako niya dito ay ipapagpatuloy niya ang pagpapagamot sa ina nito.Sa katunayan ay pinuntahan nila ito ngayon sa ospital. May part nga k
MAGKASAMA si Sebastian at Celine sa hide out dahil nag request ang anak niya na ilibot niya ito sa buong hideout. Mabilis namang pumayag ang lalaki kaya halos matatapos na nila ang paglilibot sa hideout at iisang silid nalang ang pupuntahan nila. “Here, dito namin inilalagay lahat ng makabagong armas. Mga naiimbento namin at ang armas na nakukuha namin sa kalaban,” “Nakukuha sa kalaban daddy? Why?” takang tanong ni Celine at lumapit sila sa mga armas na naroroon. “Kasi anak pinag-aaralan namin ang na-imbento nila. Sa Mafia world may kaniya-kaniyang organization at sa organization na ‘yun ay mga imbentor. Sila ang nag iimbento ng mga armas na nagagamit namin at advantage saamin kapag nalaman namin kung paano nila nagawa ‘yun para mas higitan pa ang armas nila.” Napatango si Celine dahil sa sinabi ng ama at mayroon itong kinuha na isang maliit na bilog na kung saan nagkaroon iyon ng ilaw na tila hologram. “Katulad nito. Galing ito sa ibang organization pero dahil nakuha namin, ginaw
“SIGURADO ka ba na okay ka na dito anak?” nag-aalalang tanong ni Luna sa anak habang sila ay nasa parking lot ng bagong school ni Celine.Hindi na kasi ito nagpapahatid pa sa loob kung kaya nagtataka si Luna kung bakit. Isa pa iyon ang first day ni Celine sa bagong eskwelahan kaya gusto niya sana itong ihatid papasok sa loob. Katulad noon siya ang maghahatid kay Celine at susunduin niya muli sa hapon pero tingin niya maging si Sebastian ay susunduin ito.“Mommy, okay na po ako dito. Kasama naman po ako ni daddy kahapon dito kaya alam ko na po ang daan papunta sa room ko.”Napabuntong hininga si Luna dahil sa sinabi ng anak at walang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. Kinawayan pa siya nito na ikinakaway niya pabalik sa anak bago ito tuluyang pumasok sa loob.Mayroon ng ID ang anak na ipinapakita sa guard para maka-access papasok sa loob kaya alam niyang secure ang lugar na iyon. Tinanaw pa niya ito hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya si Celine.“Lumalaki ka na talaga Cel
“PARDON me?” hindi makapaniwalang sabi ni Luna na ikinatingin ng seryoso sa kaniya ng ama ni Sebastian.“I know na hindi ka bingi, Luna.”Napahinga ng malalim si Luna dahil sa kaniyang pagtitimpi. Hindi na niya nagugustuhan ang inaasata nito sa kaniya isa pa, first name basis agad ang itinawag nito sa kaniya. Okay lang sana iyon kasi lolo naman siya ng anak niya ngunit kapag ganon na sa opisina siya nito pinuntahan at oras ng trabaho alam dapat nito ang professionalism.“Again, pardon me.” This time seryoso na ‘rin si Luna at nakipagsabayan sa matanda.Kung hindi siya nito kayang respetuhin at isinasawalang bahala niya ang paggalang niya dito ay ganoon ‘din ang gagawin niya. Akala pa naman niya dahil sikat itong negosyante at matagal na sa larangang iyon ay maalam ito sa mga basic na bagay sa pakikipag-usap.Ngunit wala itong modo! Alam na niya kung kanino nagmana si Sebastian.“May I remind you Ms.Anderson, you are here at my office and sitting at may chair. Kung hindi mo kayang rume
PAGKARATING ni Luna sa café ay nakita na niya agad si Mr.Anderson na nakaupo at inaantay siya. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang naglakad papalapit dito. “Sorry for waiting Mr.Anderson,” Pagkasabi niya niyon ay napatingin sa kaniya ang ama ni Sebastian at tumango lamang. Ni hind inga ito tumayo upang batiin manlang siya dahil tinignan lang siya nito. Doon palang kumulo na ang dugo ni Luna pero pinalampas nalang niya iyon since magsisimula palang silang mag-usap. Naupo nalang siya sa katapat nitong upuan at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “So, what do you want us to talk about?” seryoso niyang tanong dito. Tinignan siya ng matanda ng deretsyo sa mga mata niya. Nakita na niya ang walang buhay nitong mata noong isang araw at kahit isang beses ay hindi manlang siya nadistract doon, siguro dahil an ‘rin kamuka ito ni Sebastian kaya ganon. Hindi naman siya magpapatalo dito kung sakali. “Still, layuan mo ang anak ko.”Inaasahan na niya na ito muli ang sasabihin ng lalaki kaya su
BUONG maghapon wala sa sarili si Luna. Nasa trabaho nga siya ngunit ang utak niya ay wala doon lalo na at tila nag-eeco sa isip niya ang huling linya na sinabi ni Sebastian. Ang hindi alam ni Luna ay kanina pa siya tinatawag ni Caroline upang sabihin dito ang schedule niya para bukas. Mag-uuwian na ‘rin kasi sila kaya bago sila umuwi ay nag report muna ito kay Luna. Kaso tagusan lang ang tingin nito sa kaniya. Kahit na tila nakikinig ito ay tila isa siyang multo sa harapan ng amo. Sinubukan na niyang ikaway ang kamay sa harap ni Luna ngunit katulad ng inaasahan ay hindi manlang ito kumurap. Wala nga ito sa sarili, kanina pa niya iyon napapansin simula ng pumasok ito. Tinatanong niya naman ito kung ayos lang siya pero tango lang ang sinasagot nito sa kaniya. Hindi magaling magsinungaling ang amo niya. “Ms.Luna!” buong lakas na sigaw niya na ikinabalik ni Luna sa kaniyang sarili. Nakita niya si Caroline sa kaniyang harapan at punong-puno ng pagtataka ang isip. “Are you saying
KAHIT na walang kasiguraduhan ay muling bumalik si Luna sa kumpanya ni Sebastian para kausapin ito. Sa nakalipas na gabi ay iniisip niya ang sinabi ng anak sa kaniya. Alam niya na malaki ang tiwala ni Celine sa kaniya kaya hindi manlang ito nagduda kaso nakokonsensya siya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa oras na malaman nito ang totoo o kung babalik pa ba si Sebastian. Masyadong mabilis ang lahat, biglang isang araw naging ganoon nalang ang lalaki. Matatanggap pa niya na ayaw na nito sa kaniya pero ‘wag lang ang sa anak niya dahil mahal na mahal nito ang daddy niya. Nang makarating siya sa floor ni Sebastian ay nagulat si Vince ng makitang dumating siya. Agad itong tumayo at sinalubong siya.“Luna!” Ngumiti lamang siya sa lalaki ng malaki. “Good morning to you too, Vince. Gusto ko sanang makausap si Sebastian,” deretsyo niyang sabi dahil ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa. “P-pero may meeting pa siya—” “I don’t care. Cancel it kailangan namin mag-usap.” Pagkasabi ni Luna
ORAS nang tanghalian at nagsama-sama ang napakaraming studyante ng Moon University sa kanilang cafeteria. Kahit sila Celine ay naroroon upang kumain ng kanilang tanghalian. Hindi naman nahirapan si Celine na makipagclose sa kaniyang mga kaklase kung kaya masaya siya na nag-aaral sa day care. “Celine dito tayo ah!” Sabi ng isa sa kaklase niya na papunta sa may isang table na ikinatango niya lang at humarap na muli sa counter para umorder. “Oh, ikaw pala ‘yan Celine. Anong sa’yo?” ngiting tanong sa kaniya ng isa sa mga nagbebenta doon. Madaling nakilala si Celine sa lugar na iyon hindi dahil alam nilang anak ito ni Sebastian Anderson kundi dahil sa angking talino, ganda at daldal nito. Pero sa katalinuhan talaga siya pinakang sumikat, kahit sa college building ay alam nila ang tungkol sa isang bata na mayroong IQ na sobrang taas. Balibalita na nga ang pag a-advance ni Celine dahil hindi na naaayon sa IQ niya ang tinuturo sa kanila. “Isa pong—” hindi naituloy ni Celine ang pag