Bukas ulit Kimmie's! Salamat sa mga nagbabasa, comment down po!
DAHIL matagal bago bumalik si Luna sa loob ay lumabas na si Caroline para tignan ito. Napakunot ang noo niya ng makitang walang bantay sa paligid. Nakita niya si Luna na nakaupo sa may gate at ayroong kayakap. Pinalinaw pa niya ang mata niya upang makita kung sino ang kayakap nito. Nang makilala iyon ay nanglaki ang mata niya at napasigaw. “Celine!” Napalingon ang mag-ina sa sumigaw at nakita nila si Caroline n amabilis na tumatakbo sa gawi nila. “Celine!” Agad itong yumakap sa kanila na ikinatawa ng bahagya ni Luna. “P-paano ka nakarating dito?! Saan ka nanggaling ha?!” iyak na sabi nito sa anak. “M-mayroon pong nagligtas saakin.” Dahil sa sagot ni Celine ay natigilan si Luna at Caroline dahil doon. Nagkatinginan silang dalawa at agad na nagtanong si Luna. “Nagligtas sa’yo? Sino?” Nang dahil sa pagtataka ay naputol ang kanilang iyakan. Pinahid ni Luna ang luha ng anak sa pisnge at sumagot ito kaniya. “Hindi ko ‘rin po alam mommy. Naka takip kasi ang muka niya pero ang alam
HINDI pa ‘rin humihinto sa pagpapahirap sina Sebastian kay Luke kahit na duguan na ito. Nawalan na nga ito ng malay at hinayaan muna nila ng limang minuto bago nagpasya si Sebastian na ipagpatuloy ang kanilang pagpapahirap.Kabubuhos lang nila ng tubig sa muka nito ng saktong dumating si Luna at Celine.“Daddy!”Dahil sa malakas na sigaw ni Celine ay pumalibot sa buong kwarto ang boses nito. Napalingon sa kaniya ang mga ito at agad na napatayo si Sebastian ng makita ang anak.“C-celine…” banggit nito sa pangalan ng anak.Hindi na napigilan ni Celine ang tuwa na makita ang ama at mabilis na tumakbo papunta dito. Kahit naguguluhan ay lumuhod si Sebastian para salubungin ang yakap nito at isang mahigpit at mainit na yakap ang kanilang pinagsaluhan.“A-anak, nandito ka na…” sunod-sunod na tumulo ang luha ni Sebastian ng mayakap ang anak.Kita iyon ni Rocky at Vince na ngayon nalang muling nakitang umiyak ang kaibigan. Alam nila na napakahalaga ni Celine at Luna sa buhay nito kaya hindi na
KATULAD ng plano ni Sebastian ay hindi nila tinapos si Luke. Nang nanghihingalo na ito ay itinigil nila ang pagpapahirap at ikinulong sa isang silid. Syempre pinagamot nila ito para hindi ito tuluyang manghina at mamatvy. Matapos iyon at kulong nalang ito at hindi pinapakain ng tama.Bumalik na ‘rin sila sa kanilang bahay at doon na muling tumira. Inasikaso na ni Luna ang pag-aaral ni Celine at ililipat nila ito ng paaralan. Katulad ng plano ni Sebastian ay siya ang naghanap ng papasukan nito at iyon ay sa Moon University na siyang pinag-aaralan nila noon.Dahil nga kilala na siya sa eskwelahan na iyon ay mabilis na natanggap si Celine at sa isang araw ay papasok na ito.Si Luna naman ay bumalik na muli sa kaniyang trabaho dahil na ‘rin ang dami niyang paperworks na naiwan. Si Caroline naman ay ibinalik na ni Luna bilang secretary niya at tulad ng pangako niya dito ay ipapagpatuloy niya ang pagpapagamot sa ina nito.Sa katunayan ay pinuntahan nila ito ngayon sa ospital. May part nga k
MAGKASAMA si Sebastian at Celine sa hide out dahil nag request ang anak niya na ilibot niya ito sa buong hideout. Mabilis namang pumayag ang lalaki kaya halos matatapos na nila ang paglilibot sa hideout at iisang silid nalang ang pupuntahan nila. “Here, dito namin inilalagay lahat ng makabagong armas. Mga naiimbento namin at ang armas na nakukuha namin sa kalaban,” “Nakukuha sa kalaban daddy? Why?” takang tanong ni Celine at lumapit sila sa mga armas na naroroon. “Kasi anak pinag-aaralan namin ang na-imbento nila. Sa Mafia world may kaniya-kaniyang organization at sa organization na ‘yun ay mga imbentor. Sila ang nag iimbento ng mga armas na nagagamit namin at advantage saamin kapag nalaman namin kung paano nila nagawa ‘yun para mas higitan pa ang armas nila.” Napatango si Celine dahil sa sinabi ng ama at mayroon itong kinuha na isang maliit na bilog na kung saan nagkaroon iyon ng ilaw na tila hologram. “Katulad nito. Galing ito sa ibang organization pero dahil nakuha namin, ginaw
“SIGURADO ka ba na okay ka na dito anak?” nag-aalalang tanong ni Luna sa anak habang sila ay nasa parking lot ng bagong school ni Celine.Hindi na kasi ito nagpapahatid pa sa loob kung kaya nagtataka si Luna kung bakit. Isa pa iyon ang first day ni Celine sa bagong eskwelahan kaya gusto niya sana itong ihatid papasok sa loob. Katulad noon siya ang maghahatid kay Celine at susunduin niya muli sa hapon pero tingin niya maging si Sebastian ay susunduin ito.“Mommy, okay na po ako dito. Kasama naman po ako ni daddy kahapon dito kaya alam ko na po ang daan papunta sa room ko.”Napabuntong hininga si Luna dahil sa sinabi ng anak at walang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. Kinawayan pa siya nito na ikinakaway niya pabalik sa anak bago ito tuluyang pumasok sa loob.Mayroon ng ID ang anak na ipinapakita sa guard para maka-access papasok sa loob kaya alam niyang secure ang lugar na iyon. Tinanaw pa niya ito hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya si Celine.“Lumalaki ka na talaga Cel
“PARDON me?” hindi makapaniwalang sabi ni Luna na ikinatingin ng seryoso sa kaniya ng ama ni Sebastian.“I know na hindi ka bingi, Luna.”Napahinga ng malalim si Luna dahil sa kaniyang pagtitimpi. Hindi na niya nagugustuhan ang inaasata nito sa kaniya isa pa, first name basis agad ang itinawag nito sa kaniya. Okay lang sana iyon kasi lolo naman siya ng anak niya ngunit kapag ganon na sa opisina siya nito pinuntahan at oras ng trabaho alam dapat nito ang professionalism.“Again, pardon me.” This time seryoso na ‘rin si Luna at nakipagsabayan sa matanda.Kung hindi siya nito kayang respetuhin at isinasawalang bahala niya ang paggalang niya dito ay ganoon ‘din ang gagawin niya. Akala pa naman niya dahil sikat itong negosyante at matagal na sa larangang iyon ay maalam ito sa mga basic na bagay sa pakikipag-usap.Ngunit wala itong modo! Alam na niya kung kanino nagmana si Sebastian.“May I remind you Ms.Anderson, you are here at my office and sitting at may chair. Kung hindi mo kayang rume
PAGKARATING ni Luna sa café ay nakita na niya agad si Mr.Anderson na nakaupo at inaantay siya. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang naglakad papalapit dito. “Sorry for waiting Mr.Anderson,” Pagkasabi niya niyon ay napatingin sa kaniya ang ama ni Sebastian at tumango lamang. Ni hind inga ito tumayo upang batiin manlang siya dahil tinignan lang siya nito. Doon palang kumulo na ang dugo ni Luna pero pinalampas nalang niya iyon since magsisimula palang silang mag-usap. Naupo nalang siya sa katapat nitong upuan at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “So, what do you want us to talk about?” seryoso niyang tanong dito. Tinignan siya ng matanda ng deretsyo sa mga mata niya. Nakita na niya ang walang buhay nitong mata noong isang araw at kahit isang beses ay hindi manlang siya nadistract doon, siguro dahil an ‘rin kamuka ito ni Sebastian kaya ganon. Hindi naman siya magpapatalo dito kung sakali. “Still, layuan mo ang anak ko.”Inaasahan na niya na ito muli ang sasabihin ng lalaki kaya su
BUONG maghapon wala sa sarili si Luna. Nasa trabaho nga siya ngunit ang utak niya ay wala doon lalo na at tila nag-eeco sa isip niya ang huling linya na sinabi ni Sebastian. Ang hindi alam ni Luna ay kanina pa siya tinatawag ni Caroline upang sabihin dito ang schedule niya para bukas. Mag-uuwian na ‘rin kasi sila kaya bago sila umuwi ay nag report muna ito kay Luna. Kaso tagusan lang ang tingin nito sa kaniya. Kahit na tila nakikinig ito ay tila isa siyang multo sa harapan ng amo. Sinubukan na niyang ikaway ang kamay sa harap ni Luna ngunit katulad ng inaasahan ay hindi manlang ito kumurap. Wala nga ito sa sarili, kanina pa niya iyon napapansin simula ng pumasok ito. Tinatanong niya naman ito kung ayos lang siya pero tango lang ang sinasagot nito sa kaniya. Hindi magaling magsinungaling ang amo niya. “Ms.Luna!” buong lakas na sigaw niya na ikinabalik ni Luna sa kaniyang sarili. Nakita niya si Caroline sa kaniyang harapan at punong-puno ng pagtataka ang isip. “Are you saying