Biglang tumahimik ang mga tao sa monitor kung kaya napalingon si Luna doon. Kaya naman pala tumahimik ang mga ito dahil nakita niya ang ama na naglalakad papunta sa kinalalagyan ng boyfriend.“What are you doing daddy?” tanong ni Luna habang nakatingin sa monitor.Hindi niya alam kung para saan ba iyon, sa totoo lang ay sapat na ang pinakita ni Sebastian para patunayan na kaya siya at si Celine ipagtanggol ng lalaki. Ngunit bakit maging ito ay kakalabanin ni Sebastian?Marahil ay ganon lang siya kaimportante sa kaniyang pamilya kung kaya si Apollo at Lorenzo mismo ang gustong sumubok sa kakayanan ni Sebastian.Si Sebastian naman na nasa loob at kaharap na ngayon ang ama ni Luna ay naiintindihan na ang sinabi ni Prince na nakalaban niya. Kaya good luck dahil ang ama mismo ni Luna o ang pinakang boss ng lahat ng naroroon ang kalaban niya.Pansin niya na tumahimik na ang mga tao na nasa labas. Tila alam nilang malakas ang makakalaban niya. Kahit siya ay hindi alam kung matatalo niya ba an
“MY love!” agad na tawag ni Luna kay Sebastian ng makarating ito sa office kung nasaan sila.“Don’t touch me who are you?!” pigil ni Sebastian kay Luna ng yayakapin na sana niya ito.Napasimangot si Luna dahil doon habang ang mga kasama naman nila ay natawa.“I am Luna! Disguise ko lang ito bilang Queen!”Napakunot ang noo ni Sebastian dahil doon at hindi pa ‘rin naniniwala. Mabuti nalang at nagsalita si Celine.“Daddy, siya po si mommy. Kailangan niyang mangpanggap diba, nakwento niya satin noon!”Agad na bumalik sa isip ni Sebastian ang sinabi sa kanila ni Luna ngayon at tinignan ang nakasimangot na kaharap nito ngayon.“I’m sorry my love, akala ko some random girl. Alam mo naman na ayokong hahawakan ng ibang babae,”Pagpapa-amo ni Sebastian kay Luna ngunit naka cross arms pa ‘rin ito at tila nagtatampo kaya napailing nalang sila. Hindi ‘rin naman nagtagal at hindi na nagtampo si Luna at magkatabi na sila ngayon sa sofa.Nag usap usap ang mga ito tungkol sa nangyaring laban ni Sebas
PAGBABA niya ay siya nalamang ang inaantay kung kaya kumain na sila. Dahil na ‘rin nakapanglakad siya ay nagtaka ang mga ito at kaagad na nagtanong kung saan siya pupunta.Ang sabi niya ay sasama siya kay Riri sa kaniyang kumpanya para i-check ito lalo na’t ilang araw silang nag break sa trabaho. Naniwala naman ang mga ito at doon na ‘rin sinabi ni Luna na balik na sa normal ang buhay nila lalo na’t mayroon pa silang dapat sikasuhin.Tapos na nag masasayang araw nila at ngayon ay kailangan na nilang harapin ang pamilya ni Yannie.“Dito mo nalang ako ibaba Riri,”“What?” gulat na sabi ni Riri ng biglang magsalita si Luna habang nasa gitna ng kanilang byahe papuntang kumpanya nito.Walang nagawa si Riri kundi itabi ang kotse ngunit nagtataka niyang nilingon si Luna.“Saan ka pupunta? Ang sabi mo sa kumpanya ka pupunta hindi ba?”Tinignan ng seryoso ni Luna si Riri at nagsalita. “As your mafia boss, I command you to don’t tell to anyone about this.”Hindi nakapagsalita si Riri dahil sa
“I told you guys.” Kibit balikat na sabi niya at naglakad na papunta sa silid nito. “Pahinga na muna ako,”Napalingon si Sebastian kay Riri sa huli nitong sinabi lalo na at paakyat na ito sa taas.“I’m sorry Riri!” sigaw na sabi niya dito na ikinathumbs up lang ni Riri sa kaniya habang nakangiti.“Nag-alala lang kami sa’yo anak. Hala sige kumain ka na at sabay na kayong tatlo ni Sebastian at Celine. Tapos na kaming kumain. Pabababain ko si Riri mamaya,”Tumango si Luna sa ina at nagpasalamat na. Umakyat na ang mga ito at naiwan silang tatlo sa kusina at kumain.Ngunit hinahain palang ang pagkain sa kanila ay nakaramdam na si Luna ng pagbaliktad ng sikmura nito at dali daling nagpunta sa lababo.“Mommy, are you alright?” alalang tanong ni Celine sa anak habang si Sebastian naman ay hinahagod ang likuran nito.“Mommy is okay anak. Hindi ko lang gusto ‘yung amoy ng pagkain,” hirap na sabi ni Luna sa anak.“Pasensya na po ma’am. Gusto niyo po ba ipagluto ko kayo ng bago?” sabi ng katulong
Sandaling natahimik ang dalawa habang nakatingin sa isa’t-isa. Nitong mga nakaraan na araw ay mayroon ng kakaibang nararamdaman si Luna sa katawan niya.Tuwing umaga ay nasusuka siya at walang mintis iyon. Isa pa palagi siyang nahihilo at parang pagod. Samahan mo pa na sensitive ang pang amoy niya. Silang dalawa ni Sebastian lang ang nakaka-alam dahil na ‘rin akala ni Luna ay wala lang iyo.Hanggang kaninang umaga ay natanong ni Sebastian kung kailan siya huling dinatnan at doon na napansin ni Luna na hindi pa siya nagkakaroon. Iyon ‘din ang dahilan kung bakit alalang alala si Sebastian sa nobya niya kanina ng hindi pa ito nakakauwi dahil malaki ang pusibilidad na buntis ito lalo na at huling kita nila isang buwan na ang nakakaraan ay mayroong nangyari sa kanila.“Hindi kaya…” mahinang sabi ni Luna at agad na umalis si Sebastian doon ngunit bumalik ‘din.“Take this,” napatingin si Luna sa iniabot sa kaniya ni Sebastian at nagulat siya ng makitang tatlong pregnancy test iyon.“Saan gali
NAGPASYA sila Luna at Sebastian na sabihin sa mga ito ang tungkol sa pagbubuntis niya mamaya. Dahil na ‘rin ngayon lang nila nalaman na siya ay buntis sigurado sila na mas matutuwa ang mga ito. Hindi na sila makapaghintay na sabihin sa mga ito ang totoo ngunit kailangan muna nilang magpanggap na walang nangyari.Katulad nang nangyayari sa pang araw araw ay umalis si Luna kasama si Riri para pumunta sa opisina. Ang hindi alam ng dalawa, habang nagahahanda sila sa pag-alis ay palihim na pumislit si Celine papasok sa likuran ng kotse ni Riri.Nang gabing nauna umuwi si Riri at pilit na tinatanong ni Sebastian ang babae ay tahimik lamang si Celine at nakikinig sa mga ito. Alam niya na mayroong kakaiba sa pag-uusap ng mga ito at hindi nagkakamali ng hinala ang kaniyang ama.Kilala niya ang kaniyang tita-ninang kung kaya alam niya kung nagsisinungaling ito o hindi. Gusto niyang malaman kung ano ang totoo kung kaya para malaman iyon ay kailangan niyang sumama sa mga ito at sundan ang ina.Iyo
“PRINCESS!”Tuwang tawag ng kambal na sina Kim at Kate. Sila ang matalik na kaibigan ni Princess, ang dalawang babae na kasama nito noong unang araw ni Luna sa hide out bilang Queen.Nagyakapan ang mga ito dahil na rin ilang araw na rin silang hindi nagkikita. Nitong mga bakaraang araw ay sama sama nga sila nila Luna sa bahay nito kaya wala itong panahon para kitain ang mga ito. Idinahilan nalamang niya na mayroon siyang mission.Pero dahil na rin matalik niyang kaibigan ang mga ito at pinagkakatiwalaan niya ay ngayon na niya balak ssbihin ang totoo. Nagsabi na rin naman siya kay Apollo at sa mommy at daddy nito, dahil kilala din nila ang kambal ay pumayag ang mga ito.Kahit kasi na kilala ni Kate at Kim si Apollo bilang Prince ay hindi nila alam ang tunay na katauhan nito.“Ang tagal mong nawala! Inaantay ka namin!” sabi sa kaniya ni Kim.“True! So, kamusta ang mission?” sunod na tanong ni Kate sa kaniya.Napatingin si Princess sa paligid at inaya niya ang mga ito sa isang tabi. Nagt
KABABABA lang ni Celine sa taxi na kaniyang sinakyan kung saan doon ‘rin bumaba ang kaniyang ina. Nakita niya na isang mamahaling restaurant ang pinasukan nito, mabuti nalang at nakapasok siya dahil sinabi niya na kasunod siya ng ina.Mayroon itong kasamang babae, noong una ay pinipilit niyang kilalanin kung sino iyon ngunit nahaharangan ito ng ina. Pilit niya itong tinatanaw ngunit ng biglang yumuko ang ina ng mahulog ang napkin nito sa table ay nagtagpo ang mata nila ng kausap nito.Nanglaki ang mata ni Celine dahil doon. Magtatago sana siya ngunit kitang-kita na siya ng babae!“Celine?” gulat na tawag ng babae sa pangalan nito na ikinataka ni Luna.“Si Celine? Okay naman ang anak ko,” sagot ni Luna dito ngunit umiling ang kausap niya at itinuro ang nasa likuran niya.Natigilan si Luna ng makita si Celine pagkaharap niya doon.“Celine anak? What are you doing here?” gulat na tanong ni Luna.Si Celine naman ay napabuntong hininga nalamang at naglakad palapit sa ina. Tutal ay nahuli n