MATAPOS ang halos isang oras na pagbabasa ni Luna sa kaniyang laptop ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Riri. Hindi siya nagdalawang isip na sagutin ang kaniyang cellphone at itinigil ang kaniyang ginagawa. Alam niya ang rason kung bakit ito tumawag kaya direct to the point na ito agad. “Report.” Seryoso niyang sabi. “Yannie Velasquez, 24 years old, nakatira sa ****, magulang sina Ginnie and Fernan Velasquez. Tagapagmana ng Red Organization. Tama si Celine, masasamang mafia sina Yannie, Luna.” Hindi na nagulat pa si Luna sa kaniyang nalaman dahil nasabi na sa kaniya iyon ni Yannie. Pero mayroon siyang gustong mas malaman na alam niyang alam ni Riri. “Continue your report,” sagot ni Luna na ikinatahimik sandali ni Riri. Alam ni Luna na mayroong nalaman ito na nahihirapang sabihin sa kaniya ang tanong ay ano? “L-luna kasi…” “Ituloy mo Riri,” mas seryoso nitong sabi na ikinalunok ni Riri sa kabilang linya. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng buntong hininga sa kabilang linya at na
PARANG tumigil ang mundo ni Luna dahil sa kaniyang narinig. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Maging ang kaniyang mga kamay ay nagsimula nang manlamig at hindi mahanap ang kaniyang sariling boses. Paulit-ulit na nag-eeco sa kaniyang utak ang sinabing iyon ni Riri.“S-si tito at tita, ang magulang mo… sila ang dumukot sayo.”“S-si tito at tita, ang magulang mo… sila ang dumukot sayo.”“S-si tito at tita, ang magulang mo… sila ang dumukot sayo.” “Luna nanjan ka pa ba?”Kung hindi niya siguro narinig ang paulit-ulit na tawag sa kaniya ni Riri ay hindi siya babalik sa tamang wisyo.“O-oo…” mahina niyang sabi na ikinarinig ni Riri at napabuntong hininga. Ayaw niya sanang sabihin ang balitang iyon pero wala naman siyang choice kundi ang sabihin ang totoo sa kaibigan. Huminga siya ng malalim at muling pinagpatuloy ang kaniyang nakalap na impormasyon.Paano niya nakuha ang mga iyon? Dahil sa isang sekreto na walang ibang nakaka-alam kundi sila lang magpapamilya.“Twenty years a
“SIKAT na sikat ‘yun hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa dahil dinarayo talaga ang school na ‘yun. Pero kalaunan nagkaroon na ng branch sa iba’t-ibang bansa ang kanilang paaralan pero dito pa ‘rin sa Pilipinas ang pinakang sikat at dinadayo. Matagal na nilang hinahanap ang kanilang anak pero hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin nila ito makita. A-and it was you Luna… Ikaw si Luna Moon.” Moon? Tila familiar iyon kay Luna. Napakunot ang noo niya habang iniisip kung saan nga ba niya narinig ang Moon University na iyon hanggang maya-maya ay nagulat siya at napatayo. “Moon University? Hindi ba doon nag-aaral ang anak ko?!” “Yes, tama ka Luna. Ang paaralan na iyon ay sa inyo… sa tunay mong pamilya.” Napabalik si Luna mula sa kaniyang upuan at napahawak sa gilid na iyon. Ang daming pumapasok sa isip niya ngunit nangunguna doon ang hindi makapaniwala. Paanong nangyari na sa isang iglap ay malalaman siya na anak siya ng pinakang mayaman sa mundo? Isama mo pa na nalaman nga
“MOMMY?” Napalingon si Luna sa kaniyang anak na kagigising lang at kabababa mula sa itaas. Maaga kasi siyang nagising at bumangon para maghanda ng umagahan ng anak. “Good morning, my daughter.” Ngiting sabi niya at lumapit dito’t hinalikan ito sa noo. “Come, seat here.” Aya pa nitong sabi sa kaniya at pinag hila pa siya ng upuan nito. Di makapaniwala si Celine sa kaniyang nakikita. Kagabi lang ay tila wala sa sarili ang ina at gulong-gulo dahil sa kaniyang mga nalalaman pero ngayon ay tila hindi na niya makita ang gulong-gulong ina kagabi. “Mommy, ayos lang po ba kayo?” Napahinto sandali si Luna sa kaniyang paghahanda para sa breakfast ngunit kalaunan ay ngumiti ‘din at lumingon dito sandali. “Oo naman, bakit magiging hindi?” at muli itong bumalik sa kaniyang ginagawa and then inilagay na niya sa ibabaw ng lamesa ang mga pagkain. “Wow, sakto pala dating ko. Sorry na late ako ng bangon napuyat kasi ako.” Biglang dating na sabi ni Lisa na ikinalingon pareho ng mag-ina dito.
PAGKARATING ni Luna sa kaniyang opisina ay puro trabaho agad ang kaniyang inatupag. Si Caroline ay halatang halata niya na gusto siya nitong kausapin ngunit hindi lang nito ginagawa. Sa ngayon ay wala muna siyang pakialam doon, ang mahalaga ay matapos niya ang mga bagay na dapat niyang tapusin lalo na’t marami siyang ibibilin kay Caroline mamaya. Sa pagkabusy niya ay nawala na sa isip niya ang mga nangyari maging ang lunch ay nakalimutan na niya. Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Caroline ay hindi pa siya kakain. Sa ngayon ay nagpapahinga siya dahil katatapos niya lang kainin ang inihandang pagkain ni Caroline ng biglang bumukas ang pinto ng office niya. “Sir, hindi ka po pwede dito!” pigil pa na sabi ni Caroline ngunit wala na itong nagawa dahil pumasok na ito ng tuluyan sa loob. “I want to talk to you Luna.” Seryosong sabi ni Ivan. Napatingin si Luna kay Caroline at tinanguan niya ito tanda na hayaan na ang lalaki. Alangan pa si Caroline kung iiwan ba niya ang amo kasama an
NANG makarating siya sa kaniyang opisina at nagtrabaho na muli siya at katulad kaninang umaga ay nawala nanaman siya sa track ng oras. Mabuti nalang talaga at anjan si Caroline para paalalahanan siya lagi. At dahil pauwi na sila ay sinabi na ni Luna ang kaniyang plano kay Caroline. “A-aalis na po kayo?” gulat na sabi nito na ikinatango ni Luna. Nalungkot si Caroline sa kaniyang nalaman pero naiintindihan naman niya ang kaniyang amo. Sa daming nangyari dito sa nakalipas na araw ay hindi na dapat siya magulat sa sinabi nito. “Nakakalungkot po pero nakapag desisyon na po kayo, support ko kayo Ms.Luna.” “Salamat, Caroline.” Ngiting sabi ni Luna. “Pero Ms.Luna, pwede po ba kayong sumama sakin ngayon? Gusto ka po kasi makausap ni mama.” Ngayon nalang ulit naalala ni Luna ang ina ni Caroline. Tutal ay paalis naman na sila ay pumayag siya dito para na ‘rin makapagpaalam siya bago sila umalis. “Sure sige,” Magkahiwalay sila ng sasakyan dahil gamit ni Caroline ang kotse na nangga
“ARE you sure mommy you will go there in your own?” tanong muli ni Celine bago ito tuluyang bumaba ng kotse ng kaniyang ina. Ngayon ang araw na magkikita si Luna at ang kaniyang tunay na ina. Ayon kay Celine ay iyon ang sinabing araw at oras ng kaniyang tita Isabel. Ang hindi alam nito ito ang kaniyang tunay na lola na alam niyang gusto nitong makilala lalo na’t alam ‘din nito na ampon lang siya. “Yes anak ano ka ba, may pasok ka pa kaya sige na. Baka ma late ka,” Walang nagawa si Celine kundi ang tumango sa ina at naglakad na palabas ng kotse. Lumingon pa ito kay Luna na nasa loob ng kotse kung kaya kinawayan lang ito ni Luna upang ipakita dito na ayos lang ang lahat. Alam niya na nakakaramdam ng kakaiba ang anak lalo na’t kanina pa ito tanong ng tanong tungkol sa pagkikita nila ng tita Isabel nito. “I’m sorry anak pero hindi ko hahayaan na ma-involve ka dito ngayon.” Sabi ni Luna at binuksan na ang kaniyang salamin at inilabas ang kaniyang contact lenses. Maayos na nasiayos
KATULAD ng normal na araw ay puro trabaho si Luna. Kinamusta na ‘rin niya ang ina ni Caroline at ayon dito ay maayos naman na ang lagay nito at hindi na umiiyak ngunit nag-aalala pa ‘rin ito dahil tulala na itong muli. Maging siya tuloy ay nag-alala dito kaya sabi niya ay dadalawin niya ito kapag may time siya. Mabilis ang oras hanggang sa dumating ang time ng kaniyang meeting sa labas ng opisina. Hindi na siya nagpasama kay Caroline dahil marami pa itong ginagawa lalo na’t iniwan niya dito ang mga trabaho dito. Nang makarating siya sa meeting place nila ay wala pa doon ang kaniyang ka-meeting kung kaya naghintay pa siya ng ilang sandali doon. Ang hindi alam ni Luna ay tumakas sa eskwelahan ang kaniyang anak na si Celine. Alam ni Celine na mayroong kakaiba sa ina kaya gusto niyang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nito o kung anong tinatago nito sa kaniya. Ramdan niya ‘rin kasi na mayroon itong tinatago at kung hindi nito sasabihin ay siya mismo ang gagawa ng paraan para malam