"Please don't hate me. Please forgive me. Hindi ko iyon sinasadya..." Patuloy pa din ako sa pag-iyak at paghingi ng tawad sa kaniya. Nakahiga na kami dito sa bed, pinaunan niya ako sa kaniyang dibdib. Ang sakit na ng dibdib ko sa pag-iyak. Alam kong hindi mabubura ng sorry ang kasalanang nagawa ko pero paulit-ulit ko pa din itong hihingin sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok ko. Paulit-ulit na hinahalikan ang aking tuktok. "Please, magsalita ka naman. Please don't tell me that it's okay coz cheating is not okay...""Sinadya mo ba iyon?" marahan niyang tanong na inilingan ko. "Hindi...""K-Kasi, lasing na lasing ako. It's very stupid of me... Pero ang totoo akala ko kasi ay ikaw iyon. Wala akong ibang nasa isip kung hindi ikaw. I was... I was...""Lonely and frustrated?""Y-Yes!" muli akong napahagulgol. "I'm sorry, babe. Sorry!""Let's forget about it, okay. Puwede ba iyon? Kalimutan mo na ang nangyari. Huwag mo na ulit isipin pa.""P-Pero...""Hindi maganda kung palagi mo iyon inii
"Nasaan po si Charmel?" Kanina ko pa siya hinahanap. Naging abala lang ako sa harap ng computer ko ng ilang oras, hindi ko namalayan na wala na pala siya sa kuwarto. Wala din siya sa gym. "Parang lumabas po, Ma'am."Naglakad ako palabas ng bahay at mula dito ay kita ko siya sa dalampasigan. Kasama niya sina Angus, Huxley at Caius.Sinalakay ng matinding kaba ang aking dibdib, lalo at mukhang nagtatalo ang dalawa. Bakit nandito pa din sila? Ang sabi ko kanina ay umalis na sila. Maglalakad na sana ako palapit sa kanila nang talikuran sila ni Charmel. Nagmamadali itong lumapit sa akin. "A-Ano'ng nangyari?" natatakot kong tanong. "Wala. Pinapaalis ko na sila."Tumango na lang ako. Iyon naman ang dapat. Dapat umalis na dito si Angus. Hindi siya welcome dito.Pumasok na ulit kami sa loob ng bahay. Naging abala uli kami sa kaniya-kaniyang laptop hanggang sa marinig namin ang parating na chopper. "Si Mommy na ba iyon?" Hindi gumalaw si Charmel sa kaniyang kinauupuan. Nanatili din akong
"What is she doing here?!" galit na tanong ni Mommy Santa. Nabalot naman ng takot sa mukha ng babae. Hinihintay ko na awatin ni Charmel ang kaniyang ina, pero wala man lang itong naging imik. Nakatingin siya sa akin at hindi man lang tinapunan ng tingin ang babae. "Mommy, huwag niyo po siyang saktan," awat ko. "Mas maganda na din na nandito siya nang magkaalaman na tayo."Nasa tabi naman niya sina Caius at Huxley kaya kahit paano kampante ako. Wala na akong lakas na makipag-usap at makipagtalo, pero hindi ko naman kayang panoorin at hayaan ang mommy ni Charmel na saktan at tratuhin ng pangit ang babae. Naisip ko pa iyon gayong ang sakit-sakit ng dibdib ko sa lahat ng mga nalaman ko. Humakbang ako papasok ng bahay at nanghihinang naupo sa sofa. Niyakap ko ang isang unan at hinayaan ito na saluhin ang mga luha ko. "C-Chelle," tawag ni Charmel sa aking pangalan ngunit hindi ko siya inimik o tiningnan man lang. I don't know how to talk to him after all these revelations. Ang narinig k
"Please, Angus, sa ibang araw na natin pagkuwentuhan ang tungkol sa bagay na iyan. O kaya kausapin mo na lang si Nanay. Busy ako.""Hinanap kita noon. At nito ko na lang nalaman na nagkaanak tayo."Tumango ako pero wala pa din akong planong makipagkuwentuhan sa kaniya tungkol sa nakaraan. Masakit na ang dibdib ko sa mga nangyayari tapos gusto pa niyang dagdagan. "I'm sorry pero pinahukay ko ang baby natin," sabi niya na kinabigla ko. "B-Bakit?""Ang sabi ng nurse sa hospital noon, babae ang pinanganak mo at hindi lalake.""A-Ano?" "A-Ano'ng ibig mong sabihin? Wala akong maintindihan, Angus.""Maupo ka na muna." Nagsimula nang manginig ang aking buong katawan kaya naupo na din ako, para na din maintindihan ko ang kaniyang sinasabi. "Lalake ang nilibing niyo na baby...""Lalake ba?" Hindi ko na ch-in-eck noon. Halos mawalan na ako ng bait noon kaya hindi ko na natingnan pa. Nang marinig ni Nanay ang pinag-uusapan namin, lumapit na din siya sa amin."Babae ang anak natin. Ngunit ang
Pagkatapos kumain ay pinaliguan ko si Angel. Pinahiram ko muna ng aking oversized shirt at aking pinakamaliit na undies. "Ang gusto ni Mama na gawin mo ay matulog nang matulog at kumain nang kumain.""Sige po, Mama. May meryenda po ba mamaya?" Napatawa ako. "Oo, Anak. Ano ba ang gusto mo?""Kahit ano po, Mama.""Ano ba ang meryenda niyo sa..." Tumikhim ako. "Nilagang saba po, iyong huling masarap na meryenda po namin ay nang isang buwan pa po. Ginatang bilo-bilo."Napabuntong hininga ako. "Gusto mo ba ng cake?""Sino po ang may birthday, Mama?""Wala naman. Pero kung gusto mo ng cake, bibili si Mama.""Sige po, Mama. Salamat po."Sinuklay ko ang kaniyang buhok at pinatuyuan. Nang makatulog siya ay binilin ko siya kay Nanay. Plano kong mag-grocery at bumili ng damit niya. Hindi ko pa siya masasama sa pag-sa-shopping kaya samantalahin ko na lang na umalis, habang tulog siya. Nasa sala si Angus. Busy ito sa harap ng kaniyang laptop. "Lalabas ka?""Oo. Mag-grocery ako tapos bibili ng
"Ano po ang kulay ng damit ko, Mama?""Baby pink, Anak.""Bagay po ba sa akin kahit payat ako?""Oo naman, ang ganda-ganda mo nga, e.""Sabi nila sa bahay ampunan, pangit daw ako. Para daw akong bangkay, parang stick."Tinigil ko ang pagsusuklay sa kaniyang buhok. "Palagi ka nilang binu-bully?""Opo, dati umiiyak pa po ako. Pero nang tumagal, hindi na po, kasi payat naman talaga ako.""Eh iyong mga naging magulang mo noon, naging mabuti ba sila sa'yo?""Medyo po... Kaya po sobrang lungkot ko noong dinala nila ako sa bahay ampunan. Sabi po nila sa akin hindi nila ako tunay na anak. Siguro din dahil bulag ang isang mata ko kaya din nila ako binigay sa ampunan.""Huwag ka ng malungkot, Mama. Naging happy naman po ako sa ampunan. Nandoon naman po si Jaspar, pinagtatanggol niya ako lagi.""Naiiyak lang si Mama kasi ang tagal bago namin nalaman na buhay ka pa pala.""Thank you po, Mama dahil hinanap niyo ako.""Thank you din dahil napakabait mong bata."Sumilip si Angus sa may pintuan. "A
Nandito na kami sa ibang bansa at napatingnan na namin si Angel sa espesyalista sa mata. Maghihintay na lang kami ngayon ng donor ng cornea. Nasa waiting list na kami, ngunit gagawa pa din kami ng paraan, para makahanap ng donor para sa kaniya, upang maoperahan na siya sa lalong madaling panahon. Naglapag ng isang tasang kape si Angus sa aking tabi. Narito ako sa living room at nakaharap sa aking laptop. Tulog na si Angel, napagod siya sa maghapon. She's happy and excited. Sana nga lang makakita na siya agad para ma-enjoy niya ang buhay lalo at bata pa siya. Madami siyang mga na-miss sa kaniyang buhay at excited na ako sa magiging journey niya. I want to give her the world, the life that she deserves at ganoon din ang hangad ng kaniyang daddy. May hawak na papel si Angus. "Gusto kong maglista ng mga lugar na pupuntahan natin kapag nakakita na ang anak natin.""Disneyland?" Hindi ako tumitingin sa kaniya. Nagpatuloy lang ako sa pagtitipa. "Sumakay kaya tayo sa cruise ship, what do y
Months later... Walang pagsidlan ang saya sa aming mga puso nang sa wakas ay makakita na din si Angel. "Mama, Papa, ang ganda at ang guwapo niyo po!" "At ang ganda-ganda mo, Anak!" Parehas sila ng kaniyang ama na brown ang kulay ng mga mata. Mas kamukha na tuloy siya ng kaniyang ama, sa unang tingin. Kung nang kinuha namin siya sa bahay ampunan ay sobrang payat niya, ngayon ay nagkalaman na siya. Mas lalo tuloy siyang gumanda. Pagkagaling namin ng ospital ay dumiretso kami sa isang restaurant upang mag-celebrate. Hindi muna kami gumala dahil ayaw naming biglain siya, baka mapagod siya. "Magpahinga ka na, okay? Bukas ay magsa-shopping tayo. Tapos sa susunod na araw ay pupunta tayo ng Disneyland." "Excited na po ako, Papa!" At mukhang mas excited pa nga ang kaniyang Papa, na pinakita pa talaga ang ginawa niyang listahan. Hindi na sila makapaghintay ng next week para simulan ang mga nasa listahan. Laking pasalamat ko din sa Daddy ni Angus dahil siya muna ang nag-take over sa comp
Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n
Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala
Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray
Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami
"Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa
Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw
Isang enggrandeng kasal na mula pa nang unang makilala ko si Chelle ay pinangarap ko na ibigay sa kaniya. Isang church wedding, beach wedding dito sa Pinas at garden wedding naman sa ibang bansa. She deserve it, at ito ang paulit-ulit kong sinasabi at pinaparamdam sa kaniya kahit pa sinasabi niya na kahit simpleng kasal lang masaya na siya. Hindi ko gusto ang simpleng kasal. Kaya nga hindi ko siya pinakasalan nang mga bata pa kami dahil hindi niya deserve ang isang simple o kaya ay secret wedding. Nag-aral akong mabuti at pinalago ang business namin, para sa pangarap ko para sa aming dalawa. That's because she deserve the best. She deserve a grand wedding. Nakapag-announce na ako sa public, nang maging okay kami. I announced that she and I are engage. I wanted the world to know. Madami ang nagulat. Madami ang nagtaka at nagtanong. Madami ang nanghusga dahil wala naman silang alam. Pero lahat ng opinyon ng mga mapanghusgang tao ay hindi mahalaga. "What matters is that I love you so
ANGUS Sa halip na sumama kina mommy at daddy sa ibang bansa, pinili kong magbakasyon sa probinsya. Ako lang dapat ang magbabakasyon doon, dahil gusto kong mapag-isa pero sumama ang mga kaibigan kong sina Huxley at Caius. At habang nasa biyahe ay nakagawa na agad sila ng plano. *Magpakilig ng maganda at inosenteng probinsyana. *Makipag-sex sa virgin na probinsyana. Fuck and leave. Iyon ang plano nila na kalaunan ay sinang-ayunan ko na lang din dahil pinilit nila akong um-oo. Wala din namang mawawala kung subukan. Napatingin ako sa baba nang mapansin ko na may kausap si Manang Minerva, ang aming caretaker dito sa mansyon. Isang babae na sa tingin ko ay nasa high school pa lang ang kausap niya. Nagtitinda daw ito ng biko.Una kong napansin sa kaniya ang kaniyang tsinelas na bukod sa maputik ay magkaiba din ang kulay. Luma na ito at tiyak kong hindi siya nagkamali ng nasuot na pares ng kaniyang tsinelas. Luma na din ang malaking tshirt na suot at may mga maliliit na ding butas. Maga
After one week umuwi na muna kami ng Pinas. After one month ulit kami magta-travel, para makapagpahinga si Angel at para na rin makapag-start na siya sa kaniyang tutor. Kami naman ni Angus ay magtatrabaho. Hindi puwedeng pabayaan ang business dahil madaming empleyado ang umaasa sa amin at para na rin 'to sa future ni Angel at ng iba pa naming magiging mga anak. Lumipat kami sa bahay ni Angus. Isang three storey modern house na mayroong magandang garden. "Ampalaya?!" Gulat na gulat ako na makakita ng napakaraming tanim na ampalaya, na kalaunan ay nauwi sa malakas na paghalakhak. "May mga kabute din, Ma'am," singit naman ni Manang Erna, ang matandang maid na nagpalaki kay Angus. Nanunukso kong tiningnan si Angus. Gosh! Grabe, baliw ang lalakeng 'to. Baliw na baliw sa akin. "Paborito ko po ang ampalaya," sabi naman ni Angel, habang ginagala ang paningin sa buong paligid. "Talaga? Paborito ko din iyon, pero ang daddy mo hindi kasi iyan kumakain ng gulay, lalo na ang ampalaya." Naala