Chapter 14 (4) Officially Madam Choi
(Angie POV)
Agad naman naging casual ulit ang damit ko, at tinali ang aking buhok na nahirapan sila kanina na i-unat. Nang humarap ako kay Mr. Choi ulit… Nagulat ako kasi… “Casual ba yan?” Para siyang natataranta bigla. Kaya bumalik kami ulit sa closet. Naghanap sila ng mas ikaka-casual pa. Ngunit pagharap namin ulit…
“Wag niyo ako hihintayin na ako mismo ang magbihis sa asawa ko.” Ibig lang sabihin hindi parin casual sa paningin niya ang suot ko. Muli kaming bumalik at meron nang kunot sa mga noo ng mga stylish. Challenge sa kanila kung ano ang gustong casual ang nais ni Mr. Choi.
Hangang sa nakapagbihis ulit ako. Dahan-dahan na kaming pumunta sa kinalalagyan ni Mr. Choi at kanina pa nga siya nakapagpalit ng casual.
“Tsk.” Yun lang ang reaction niya. Tumayo siya at iniwan sa may upuan ang binabasa nito. Lumapit s
Chapter 15 Angie’s Mistakenly Family Background(Catherine POV)“Sinasabi mo ba sa akin Sir Michael na comatose ngayon si Miss Sarah?!” Hindi ko mapigilan na mapalakas ngunit sinigurado ko naman na nag-iisa ako. Tumawag ako sa kanya kasi nga wala namang umuwing Sarah para nga tuluyang durugin ang mundo ng isang kagaya ni Angie na isang basura nga lang.“Oo.”“Sino ang may gawa niyan?”“Ako.” Na lalong ikinanlaki ng mga mata ko.“Baliw ka na ba?! Muntikan mo na siyang mapatay dahil sa ginawa mo.”“Hindi niya maari sa ngayon sabihin kay Sayruz ang tungkol sa mga sinabi ko sa kanya. Narealize ko na mali at hindi maganda ang taktikang ito. Dapat na makuha muna natin ang sympatya ng Chairwoman, hindi sympatya ni Sayruz.”“Anong ibig mong sabihin?”“Nadatnan lang naman ni Sayruz ang kanyang pinakaka
Chapter 15 Angie’s Mistakenly Family Background(Angie POV)Sa nangyari kagabi, malaki na ang ipapasalamat ko na nakatulog ako ng mahimbing kahit paano. Siguro dahil nga sa pregnancy hormones. Pero yung katabi ko, ewan ko kung nakakuha ng sapat na tulog. Kasi kagabi, bago ako nakatulog… parang mababaliw na si Mr. Choi… Palagi niyang tinatawag ang pangalan ko, hangang sa nakatulog na nga ako.Nang magmulat ako ng aking mga mata, napa-unat ngunit kontrolado kasi nakakahilo. At napalingon ako sa aking katabi, mahimbing pa itong natutulog. Lumapit ako sa kanya para ayusin yung kumot, at dahil wala namang pagkatao, hinalikan ko ito sa pisngi.“Good Morning Sayruz.” Ewan at parang namumula ang mukha ko.Dahan-dahan akong bumangon at lumapit sa walk-in closet. Napakalaki, at hinati nga sa dalawa… Yung kay Mr. Choi… at yung sa kanan naman yung akin. Kagaya ng dati, mga damit na
Chapter 15 (2) Angie’s Mistakenly Family Background(Catherine POV)“Ipinagluto tayo ni Mrs. Reblando, at natitiyak ko na masarap, kasi kanino pa ba magmamana si Angie?” Sinabi ng Chairwoman na parang nakaligtas ako sa talas ng titig na ibinibigay ni Dr. Senen sa akin. Parang alam niya na hindi maganda sa paningin ko ang kinikilalang Madam Choi sa pamamahay na ito.Naupo ito sa harapan ng mag-asawa, at bahagyang ngumiti lang si Angelica kay Dr. Senen habang si Master Sayruz, hindi pinansin ang pagsulpot nito. Imbes naging abala ito upang subuan bigla si Madam Choi… na parang masusuka ako sa nakikita ko. Ano to… Tsk.Sige lang, baka ikaw mismo Master Sayruz ang papatay sa sarili mong anak, kung yun tunay ngang dinadala nito ang anak mo. Mas mabuti ngang mawala na ng tuluyan rin ang basurang yan.Ngunit tinitigan lang ni Angelica ang pagkain na isusubo sa kanya ni Master Sayruz. &ldquo
Chapter 15 (3) Angie’s Mistakenly Family Background(Angie POV)Nang magising ako, umiikot ang aking paligid kaya ipinikit ko ang aking mga mata ulit. Ayokong magsuka… Ayokong makaramdam ng ganito, para na din sa maayos at malusog ko ngang pagbubuntis. Anong nangyari at nakakaramdam ako ng panghihina? Hindi ito maari.Kaya ng muli kong umulat ang aking mga mata… ang hilo nilabanan ko. Kikilos na sana ako ng biglang pinigilan ang kamay ko.Si Dr. Senen…“Kailangan mo munang magpahinga. Hindi maganda kung pipilitin mo ang iyong sarili.” Napatango ako sa kanya.“Anong nangyari?” Bago ako nito sagutin inalis nito ang paningin sa akin saka napabuntong-hininga.“Muntikan ka nang malason.”“Malason?” At napapikit ako dahil nga sa hilong nararamdaman ko. Hindi ito maganda, lalo na kung magmamatigas ako sa harapan ng isang doktor
Chapter 15 (4) Angie’s Mistakenly Family Background (Sayruz POV) “Ligtas na ang inyong asawa sa kapahamakan, Master Sayruz. Mamaya lang magkakaroon na siya ng malay. Mas makakabuti na ipaghanda niyo siya ng makakain at inumin.” Sinabi ng doktor bago nga lumabas sa silid. Nakahinga ako sa sinabi nito. Tinitigan ang mukha ng aking asawa at makikita sa kanyang palasingsingan ang singsing na isinuot ko sa kanya ng ikinasal kami. That ring is meant for her. Puso ko, hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan, at mabilis ngang tumitibok. Pakiramdam ko tuloy para akong magkakasakit sa puso nito. Kailangan ko ba magpatingin, Angie? Simula kasi ng dumating ka sa buhay ko, ganto ang dala mo sa akin. Kinakabahan. Inayos ko ang kumot niya. Napatitig sa noo nito, at bago nga ako lumisan sa harapan nito, hinalikan ko siya sa kanyang noo. Labis akong pinag-aalala ng babaing ‘to. Hindi ko aakalai
Chapter 15 (5) Angie’s Mistakenly Family Background Natagpuan ko si Miss Cath na umiiyak at kasama ang ilang kasamahan niya na parang kaibigan nito. Narinig kong nakarating na sa kanya ang balitang tatangalin nga siya ni Sayruz sa kanyang trabaho. Na ayokong mangyari. Lahat tayo merong pinagdadaanan. Lahat tayo may dahilan kung bakit ginagawa natin ang isang bagay, at yun ang nais kong marinig na dahilan ni Miss Cath. “Madam Choi.” Nakita ako ng isang babae… at napayuko ito sa akin, agad naman nagsilingunan ang grupo ni Miss Cath sa akin. “Ayan na yung babaing walang awa para mawalan ng trabaho si Catherine.” Na meron ngang pangungutya sa mga mata ng kasamahan ni Miss Cath. “Sa narinig mo magsusumbong ka kay Master Sayruz at Chairwoman? Edi mas mabuti nang mawalan kami ng trabaho, kesa kami ang nagiging apakan mo. Magsumbong ka na!” Gigil na sabi ng isa. Ngunit pinigilan siya ni Miss Cath. “Madam Choi, ngayon niyo ako makikitang nagka
Chapter 16 The Great Lost(Sayruz POV)“Eh, kailangan natin mas lalong i-double-check. Kasi baka may chemical iha na na-ihalo ka na hindi mo sinasadya.” Nagulat ako sa sinabi ni Grandma. Dahil ba nag paniniwala ni Grandma, ang katangahan ng ina ni Angie, na ang paghalo ng ibang sangkap upang magsanhi ng lason ang dahilan kung bakit nga nalason si Angie.“Grandma.” Hinawakan ni Angie ang kamay ko para pigilan ako.“Mas makakabuti nga po Grandma.” Pagpapakumbaba ni Angie. Ngunit sa tingin ko hindi maganda ang nangyayari sa paligid ko. Tinikman nga muna ng mga ilang katulong ang pinaghirapan ng asawa ko. Pati yung tsaa, hindi nakaligtas. Hangang sa naghintay nga kami ng ilang minuto, walang nangyari.Nakatitig lamang ako kay Grandma.“Kumain na tayo. Sa tingin ko, hindi naman nagkamali si Angie.”Kumain na lamang ako ng tahimik. Ngunit si Grandma hala
Chapter 16 (2) The Great Lost (Angie POV) Dahil sa nangyari, hindi nga napa-alis si Miss Cath at Dorothy, kundi inilipat sila sa pagiging general na katulong. May bagong P.A ako, pero sinusubukan ko na lamang na hindi masyado maging close dito. Dahil baka magaya siya sa dalawa. Naalala ko pa ang sinabi ni Miss Cath sa akin na mas mabuting malayo nga ang loob ng katulong sa isang kagaya ko. Saka tungkol nga sa nangyari, nakumpirma ko na talagang nakuha yung diamante sa bulsa ng kapatid ko at yung pinaglalagyan ng lason. Gusto ko man tumawag para tanungin kung bakit gagawin nila yun sa akin, ngunit iniisip ko si Mama. Alam ko naman kasi na wala kaming ugaling ganoon. Kaya lang may sakit si Papa. At nangako nga ako sa kanila na Ipapagamot ko si Papa, pero di ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Nakakahiya naman na hingin ito ng tulong sa pamilyang Choi. Thankful nga ako na limot ni Mr. Choi ang kagustuhan ko sanang matulungan a