Chapter 12 (17) You’re my wife! Mrs. Choi
(Angie POV)
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang kilalang five star Hotel. Mahahalata ang mga magagarang sasakyan na nagsisidatingan.
Iniliko naman ang sinasakyan ko papunta sa likuran ng gusali, at doon nga ako ibinaba nila Miss Cath. Gusto ko sanang sabihin na hintayin ko na lang ang sinabi ng Chairwoman na makakasama ko, pero wala na akong nagawa ng naghihintay nang nakabukas ang pintuan ng gusali para sa akin.
Nahirapan akong lumabas sa sasakyan, mas mahirap pa ng pumasok ako. Masyadong mabigat ang damit sa akin, o baka yung kinain ko lang na kwek-kwek at ube ice cream ang umaalalay ng katawan ko. Nang biglang tumunog ang phone ni Miss Cath…
“Madam Choi, mauna na kayo. Sasagutin ko lang ang tawag na ito.”
Sa sinabi niya… nagdadalawang-isip akong tumango, pero wala akong magagawa. Iniwan nga ako ni Miss Cath at yung mga t
Chapter 12 (18) You’re my wife! Mrs. Choi(Sayruz POV)“Alam niyo ba kung para kanino ang kasiyahang ito? Hindi para sa negosyo, nais ko kayong maging masaya sa gabing ito na kinakalimutan pasamantala ang tungkol sa buhay negosyo na meron kayo ngayon. Lalo na sa aking parte. Ladies and gentlemen, let’s enjoy the night.” Kuha ko ng isang champagne glass at itinaas ko yun. “Cheers.”Itinaas nila ang kanilang mga baso na may natatakot na ngiti at kinakabahan na kamay. “Cheers.”Saka iniwan ko nga sa kanila ang nanlilisik kong mga mata bago talikuran. Napapahilot ako sa aking sintido, ng lumapit sa akin si Arcos at ibinulong sa akin kung saan ko matatagpuan ang aking asawa. Lalong lumala ang ngisi sa aking labi. Pumunta ba siya dito para magtago lang? Tss. O sadyang wala lang talaga siyang mukha para humarap sa mga taong mahahalaga sa kompanya na meron namang takot sa p
(Angie POV) Sobra akong kinakabahan sa loob ng cubicle kung lalabas ako mag-isa at sakaling hindi dumating si Mr. Choi... At kailangan ko nga magpakita sa okasyon na ako ang ipinadala ng pamilyang Choi. Sinasabi ko sa sarili ng paulit-ulit na hindi talaga nababagay sa akin ang pagiging Madam Choi ng pamilyang ito. Ngunit si Grandma... Parang mabibigo ko siya, kung hindi nga dumating ang lalaking nagbigay ng inspirasyon sa akin. At dahil narito sa harapan ko si Sayruz... Parang may kung ano sa kanya na kaagad nito pinatakbo palayo ang kaba at takot na nararamdaman ko. Nang makita nga niya akong wala na namang magawa sa sitwasyon ko, agad niyang pinaki-alaman ulit ang sarili kong patulala na lang ba? Magtatago na lang ba? Sa bawat punit, at ayos nito sa akin, napatitig ako sa kanyang mga mata. Malulungkot ang mga mata nito, ngunit kailangan niyang isawalang-bahala para nga sa isang kagaya ko. Ang kalungkutan na yun ay sanhi ng pagkawa
(Angie POV)Kamay niya naramdaman ko na sa aking bewang. At iginaya ko na lamang ang aking kamay sa leeg nito. Ngumiti siya sa akin. Napangiti na lamang ako dito.Sa una sumusunod lang kami sa himig ng musika. Mabagal at sinasamyo. Hangang sa bigla nito akong pina-ikot. Saka sinalo ng kanyang bisig na halos yung puso ko lalabas na ata sa aking dibdib. Mula sa kanyang kamay at bawat haplos nito sa aking katawan, may kung anong kuryente na pumapasok sa sistema ko.Hetong pagkakataon, kailangan ko bang sulitin ang pakiramdam na ito? Heto na ba talaga ang huli kong pagkakataon na makasayaw ng ganito si Mr. Choi?Teka... Bakit ako nagkakaganito? Ito bang pakiramdam ko, nahuhumaling na ba ako sa kanya? Nahuhulog na ba ako sa kanya? Diyos ko po.Napatitig ako sa kanyang mga mata ulit. Hinahanap kung totoo ba itong nararamdaman ko? At napakisapmata na lamang ako ng makumpirma ko sa aking sarili na... may nararamdama
Chapter 13 His Sweet Young Wife(Angie POV)Habang nakikipagkilala ang mga negosyante sa akin, nagagawa ko lang humawak sa braso ni Mr. Choi. Sa pinag-usapan namin, hindi ko kailangan makialam tungkol sa usapang negosyo. Ngunit halata namang iniiwasan ni Mr. Choi ang mga ito, at nais na nito matapos kaagad ang gabi. Dahil ba kailangan na niyang umalis?"Angie, dito ka lang muna." Saka niya ibinaba ang labi sa aking tenga. "Kanina pang puno ang pantog ko. Kaya ata, madali akong mairita." At natawa-tawa sa kanyang sarili. Napatango na lamang ako na merong ngiti sa aking labi saka pinakawalan na ang braso nito. "Dito ka lang. Babalikan kita."Nang umalis na nga si Mr. Choi para pumunta sa palikuran, di ko alam kung ano ang gagawin ko bigla. Maraming mga mata ang nakatitig sa akin. Hindi parin matigil ang titig nila mula ulo hangang paa. Sa tuwing may titig akong nakakasalubong, kinakaya ko parin ngumiti dito. At
Chapter 13 (2) His Sweet Wife (Angie POV) Walang salita ang lumalabas sa aking bibig habang ang katabi ko sa loob ng sasakyan ay parang napakalayo ng isipan nito sa akin. Pareho kaming nakaupo sa bawat sulok ng passenger seat ng sasakyan. Napapalingon ako sa kanya habang si Mr. Choi nakapikit at napapahilot ng kanyang sintido. May kung ano ang mabigat sa hangin para nga hindi mabasag ang katahimikan na ito. Hindi ko alam kung paano siya tatanungin tungkol nga sa kanyang lagnat at sugat sa likuran nito. Napapakagat labi na lamang ako. Paano ko rin sasabihin ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Grandma, na payag nga akong magkaroon siya ng oras sa paghahanap kay Miss Sasa. Sabagay hindi naman kailangan ng permission ko para gawin niya ito. Yung loob lang niya ang pagagaanin ko na hindi nga ako haharang sa gagawin nito. Kung nakikita kong ganito si Mr. Choi, para akong sinasakal. Hindi ko
Chapter 13 (3) His Sweet Wife(Angie POV)“Mr. Choi…” Nanghina ang aking tuhod, kaya napa-upo ako. Nang mapaupo din si Mr. Choi… at inabot ang kanyang panyo.“Sira ulo ka Angie.” Di ko alam kung tatangapin ko ang panyo nito, pero nahuli na nga niya ako. “Sinasaktan mo lang ang sarili mo.” Kaya inabot ko na lamang ang panyong inaalok nito. Kaagad kong pinunasan ang luha ko, pero hindi eh. Hindi maawat-awat. Parang gusto ko talaga umiyak, at may kung ano sa aking dibdib na bigla na lang gumaan… Dahil narito na nga sa harapan ko si Mr. Choi.Naramdaman ko ang tapik nito sa aking balikat. Hinayaan lang ako nito umiyak, at sa paligid namin sinusubukan kaming ikubli ng mga tauhan sa mga taong dumaraan at inaalam kung ano ang nangyayari.“Wala akong ugali na talikuran ang muse ko na hindi ko nai-uuwi sa bahay. Saka pumayag man nga si Grandma sa harapa
Chapter 13 (4) His Sweet Wife(Sayruz POV)Nasa kusina ako, at kaharap ko ngayon ang mga kusinero. Isinuot sa akin ng P.A ko yung apron, at handa nga gumawa ng putaheng nilagyan ng kamatis. Klaradong sinabi ko sa mga kusinero na tuturuan lang nila ako, at ako ang gagawa, ngunit… sa paghihiwa pa lang ng kamatis nahirapan na ako. Siguro di talaga ako ipinanganak sa kusina.“Trying hard ka na naman niyan Sayruz.” Panunuya ni Sharmaine. Pero hindi ko pinansin. Kailangan ko magfocus. Lahat ng bagay magagawa mo kung paglalaanan mo ng determination, oras at higit sa lahat, focus. Walang sino man ang dapat na maliitin ako. Kaya ko to.“Sigurado ka sa ginagawa mo?” yung epal kong kapatid na ampon, tinitignan nga yung ginigisa kong bawang at sibuyas.“Bakit hindi mo tanungin ang mga mokong na yan kung mali ang ginagawa ko?” Tukoy ko sa mga kusinerong nakatayo.“Eh, hind
Chapter 13 (5) His Sweet Wife(Sayruz POV)Nang lumabas ako sa silid ko, nakahelera na sa sala ang mga tauhan ng boung bahay. Kaagad kong sinalubong ang mga paningin nila, ngunit nagsiyukuan naman.Bihis na bihis na ako, dahil nga… aalis ako ngayong gabi.“Butler Bohk,” Kaagad niyang inihakbang ang sarili sa harapan ko. Ngumisi ako sa kanya. “Wala ang Chairwoman, at bukas pa siya makaka-uwi. Andito na din ang inutil kong ampon na pinasan na si Senen at si Sharmaine, ngunit ang nais kong tandaan niyo, na kahit anong mangyari, ang Madam Choi niyo ang dapat na maging priority. Sorry to say, ngunit pinagbabawal ko kayong lahat na matulog sa gabing ito. Ayoko malaman na may hindi magandang nangyari sa asawa ko, at hindi na maulit uli ang tungkol sa pagdukot kay Madam Choi na andito pa naman sa pamamahay na’to nangyari.”“Nauunawaan namin Master Sayruz.” Saka sabay-sabay silang napayuko.